Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 77 - CHAPTER 76:FREDA vs SHELLA

Chapter 77 - CHAPTER 76:FREDA vs SHELLA

POV pa rin ito ni Shella May:

Keith:shella ,bakit di ka na naman makapagsalita diyan,simple lang naman yung tanong ko sayo,bakit wala akong mga damit dito.

Ano ba to aaminin ko na ba talaga sa kanya ang totoo,wala na akong marason sa kanya,kung sabihin ko sa kanya na nakalimutan kung bumili ng mga damit niya at yung sa akin ay hindi,tiyak hindi yun maniniwala,kainis naman to !!

Keith:sabi ko na nga ba ,nagsisinungaling ka lang sa akin,sino ba talaga ako ?

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si jake ,teka pinakikinggan niya ba kami bakit bumalik to dito,lumapit siya sa akin.

Ako:jake ,anong ginagawa mo dito

Jake:ate ,yung mga damit mo raw pati yung mga sapatos,pinababalik na ni mama sa tindahan,nakalimutan muna bang lahat yung mga damit mo pati sapatos ay sa ukay ukay natin,yun lang muna ang sinuot mo kasi wala ka pa gaanong pambili ng mga damit mo at kuya jasper ,pasensya na kung wala ka pang mga damit diyan kasi ngayon ka lang kasi nagising,kung gusto mo pumunta tayo sa ukay ukay ni mama dun pipili kita ng damit at sapatos,hehehe

Grabe speechless ako sa mga sinabi ni jake,sa wakas may ginawa rin tong tama sa akin,after how many years,napangiti na lang ako kay jake habang tinitingnan ko siya at nag eexplain kay keith,mukhang napaniwala niya si keith.

Keith:ganun ba ? ,ibig sabihin galing yun lahat sa ukay ukay ninyo ,totoo ba shella ?(kaagad tumingin sa akin)

Ako:(tiningnan ko siya)oo jasper,yun na nga ang sasabihin ko kaso inunahan ako ni jake,so ano ,ano pa yang mga tanong mo ,para mahimasmasan yang utak mo na di ka na maghinala sa akin.

Keith:okey,pasensya na shella at jake(sabay tingin kay jake) wag na ,okey lang naman diba na suotin ko yung damit mo pati sapatos,hehe

Jake:sige okey lang,nagka usap naman kami ni ate tungkol diyan,hehehe,sige alis na ako may kinuha lang kasi ako kaya bumalik ako dito,at timing narinig ko yung pag uusap niyo,hehehe,sige ate (sabay tumingin sa akin)alis na ako basta yung sinabi ko sayo kanina wag mong kakalimutan ,lagot ka sa akin pag nakalimutan mo yun,hehehe(sabay kindat sa akin labas pa dimple niya)bye ..

Ayun umalis na si jake

Keith:magbibihis na ako ,saglit lang

Ako:sige ,dun yung kwarto ni jake.

Itinuro ko sa kanya yung kwarto ni jake at ayun pumasok na siya sa kwarto ,kaagad akong napaupo dito sa upuan ,hayssstt !! nakaka stress naman to ,bwesit !! ayoko na mother earth,,parang gusto ko ng sabihin lahat kay keith yung totoo ,pero natatakot ako baka di ko na ulit siya makita,alam ko kami ang destiny kaya nagkita ulit kami.Sorry po papa jesus,alam ko na mali tong ginagawa ko pero pramis po sasabihin ko po lahat sa kanya ang lahat pag bumalik na yung alaala niya,teka bakit ko pa sasabihin ang lahat kung bumalik na yung alaala niya,hahaha ! siraulo talaga aketch !!

Maya maya ay lumabas na siya sa kwarto at nakita ko na grabe ang gwapo niya sa suot niya,bagay lang sa kanya yung damit ni jake,fit na fit sa kanya,medyo mataba lang si jake ng kunti kumpara kay keith,pero fit na fit ito kay keith,hahaha ! ,

Keith:tara na shella ,umalis na tayo

Ako:sige(nakatitig lang ako sa kanya)teka jasper may pera ka ba diyan at pupunta tayo sa mall.

Keith:(tumingin sa akin)alam ko marami kang pera,tara na

Wow ! anong akala niya sa akin BANGKO !!sige na lang bibilhan ko na lang siya ng mga gamit niya,ako naman nito may gusto,magiging pulubi ako nito ng di oras,isa pa yung jake na yun,di yun susuot ng damit at sapatos kung hindi branded yung bilhin ko pero okey lang tinulungan niya naman ako .

Heto palabas ng kami ng bahay at nung lumabas na kami ng bahay ay nagulat ako sa mga binati sa akin ng mga kapitbahay ko

Aling sandra:buti naman shella at okey na yang asawa mong si jasper,hehehe,parang wala lang nangyari.

Jestoni:iba talaga yung idol ko ,pareng jasper ,saan ang lakad niyo ng misis mo,hehehe

Tyrone:ate shella ,mas lalong gumwapo si kuya jasper,hehehe

Grabe speechless ako sa mga sinabi nila,nagulat talaga ako,di ko to inexpect ,alam ko na kung sino nag utos sa kanila nito ,walang iba kundi si jake,grabe si jake pinabibilib niya talaga ako,nakita ko ang mga mukha ni keith,mukhang naniniwala na talaga siya akin.

Keith:(lumapit kay jestoni)sa mall lang pare ,bibili ng gamit alam muna nasunugan,hehehe

Jestoni:mabuti naman pare,sige ingat kayo ..

Ako:alis muna kami,salamat sa inyo ,dadalhin ko kayo ng pasalubong pagbalik ko,hehehe

Sabay natuwa yung mga kapitbahay ko,grabe ang babait talaga nila sa akin,heto sasakay na kami ni keith ng jeep at maya maya ay may dumaan na jeep kaagad kaming sumakay,magkatabi kami ni keith,alangan naman nasa unahan ako at siya nasa hulihan,hahaha

Keith:shella ,sorry nga pala ha !

Ako:para saan ?

Keith:naniniwala na ako sayo,pwede bang tawagin kitang mahal.

Ano raw !! Mahal 😍😍 grabe nabingi ako dun ha !! ,OMG πŸ₯ΊπŸ₯Ί mangiyak ngiyak na ako sa sobrang kilig,grabe kinilig ako dun ,,napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sa akin,shittt !! ang gwapo niya talaga ,bwesit !!

Keith:bakit mahal ?

Ewan ko parang gusto kung magtatalon dito sa loob ng jeep sa sobrang kilig,ene be kese teng lelekeng te !! ,hahaha !!

Ako:ikaw bahala ,salamat naman at naniniwala ka na .

Grabe pinipigilan ko talaga sarili ko na kiligin sa harap niya.

Keith:hehehe ,sige .

Grabe yung mga pasahero dito parang mga siraulo,nakatingin sa amin,ano kami artista,hahaha ,porket mga artistahin kaming dalawa ni keith,hahaha

Ayun maya maya ay malapit na kami sa SM MALL ,kaagad akong pumara at nagbayad .

Keith:bababa na ba tayo mahal ?

Ako:hindi,sasakay ulit tayo,magroroadtrip tayo ,hehehe

Keith:hehehe,ewan ko sayo tara na baba na tayo.

Ayun bumaba na kami,grabe di ko to inexpect na maniniwala na rin si keith sa akin,talagang nagpapasalamat ako kay jake.

Keith:mahal ,parang di ko natatandaan na pumunta na tayo dito,may mga memories ba tayo dito sa mall na to.

Ako:wala tayong memories dito mahal ,kasi dun sa robinsons mall tayo dun tayo maraming memories,hehehe

Keith:ganun ba ,sige ngayon gagawa tayo ng memories dito,tara na pumasok na tayo.

Hinawakan ni mahal yung kamay ko, ano raw mahal, hahaha ,grabe kinikilig talaga ako ,bwesit !!

Pumasok na kami at kaagad kaming pumasok sa kenny's grill .

Keith:kumain muna tayo,nagugutom na ako mahal,hehehe ! ano gusto mo ?

Ako:ikaw ang gusto ko,hehehe

Keith:hahaha(nawawala yung mata niya habang tumatawa)sige ako na ang bahala,wala ka namang allergic kahit na ano diba ?

Ako:di mo talaga matandaan mahal kung saan ako allergic,hehehe

Keith:(sabay inilapit yung mukha niya sa akin)alam muna mang may amnesia ako ,hehehe

Ako:ene be ,hehehe ,ang lapit naman yang mukha mo mahal.

Inilayo niya yung gwapo niyang mukha

Ako:allergic ako sa mga babaeng dumidikit sayo,hehehe,kita mo yun(sabay turo sa babaeng nakatingin kanina pa kay keith)yun oh !! ang sarap tirisin ,parang gusto kang akitin.

Tumingin kaagad si keith sa babaeng septic tank na yun at todo ngiti naman yung septic tank na yun.

Kinurot ko sa bewang si keith ,

Keith:hehehe ,order na tayo(sabay tingin sa akin)

Ako:ewan ko sayo ,upo na ako dun ,

Ayun iniwan ko na si keith na pumili dun ,nainis ako nagseselos ako ,bwesit ! yung babaeng septic tank na yun kung wala lang dito sa keith kanina ko pa yun sinubsob sa tae ng kalabaw,dapat ako lang yung malandi kasi maganda ako .

Maya maya ay lumapit na si keith sa akin ,nakangiti siya sa akin pero heto ako nakasimangot

Keith:after 10 minutes pa raw mahal yung pagkain natin

Ako:okey !

Keith:hahaha ,ang panget mo pala pag nagseselos,

Ako:oo na ikaw na ang pinagpala ng maykapal ikaw na ang perfect ang itsura ,ikaw na yung kamukha ni zac efron,zayn malik at

Keith:at yung tatay ko ,hahaha,

Ako:oo naman ,kamukha mo talaga yung tatay mo,hehehe

Keith:may picture ka ba sa kanya mahal

Ako:wala eh !

Keith:pwede pahiram ng phone mo ,gusto ko lang mag log in ng facebook ko ,hehehe

Ako:na hack kasi yung facebook mo mahal ,gagawan na lang kita ng bago ,

Keith:ganun ba ,sige pero gusto kung tingnan yung mga pictures natin ,alam ko pinost mo yun sa facebook account mo,hehehe

Patay !! Heto na naman tayo,magsasalita na sana ako ng biglang may lumapit sa amin na isang babae,tiningnan niya si keith,teka baka kilala niya si keith

Freda:keith ?

Tama nga ako kilala nga niya si keith ,kaagad akong nagsalita at tumayo

Ako:nagkakamali ka miss,hindi siya yung tinutukoy mong keith

Freda:keith ,alam ko ikaw yan ?

Grabe ayaw talaga tumigil ng babaeng to ,kaagad na tumayo si keith

Keith:jasper ang pangalan ko,hindi ako si keith at siya naman ang asawa ko si shella may ,teka bakit mo ako tinatawag na keith .

Ako:oo nga pwede ba miss ,umalis ka na dito ,

Freda:(tiningnan niya ako)bakit naman ako aalis dito ,sayo ba tong restaurant na to at (tumingin ulit kay keith)ginayuma ka ba ng babaeng yan ,alam ko ikaw yan keith ,magka schoolmate kaya tayo ,nila samantha at nakakagulat naman na nagkaroon ka kaagad ng asawa ,eh ! hindi ka nga marunong manligaw

Nilapitan ko tong babaeng to ,

Ako:pwede ba miss ,kung wala kang magandang sasabihin,umalis ka na

Freda:okey ,heto lang ang masasabi ko sayo miss,,isa kang desperada ..(sabay tumalikod)

Muntik ko ng masapak yung babaeng yun kaso pinigilan ako ni keith ,buti di siya nagtanong sa babaeng yun kung bakit tinawag siyang keith,di ko naman alam na may makakakilala sa kanya dito

Keith:umalis na tayo dito (biglang nag iba yung mood)

Ako:nagugutom na ako mahal ,at sakto nandito na yung pagkain

Ayun kaagad na nilapag yung pagkain sa mesa namin,nakita ko si keith na parang malalim yung iniisip niya ,bwesit !! naman yung babaeng yun ,imbes na naniniwala na si keith,umeksena pa to ,tsk !!

Heto wala siyang imik ,bagkus ay nagsimula na siyang kumain kaya di na lang rin ako nagsalita kumain na lang ako ng kumain hanggang matapos na kami na walang salitaan ,pagkatapos kumain ni keith ay tumayo siya ,kaya tumayo na rin ako ,lumabas kaagad siya ng resto ,

Ako:mahal,sandali lang magbabayad lang ako

Keith:punta lang ako sa cr .

Ako:sige ..

Ayun tinawag ko na ang waiter para tanungin kung ilan ang ibabayad ko at maya maya ay ibinigay na sa akin yun resibo ,,,1200 lang naman yung binayad ko diba ang mahal at ayun kaagad akong lumabas para puntahan si keith ng biglang may tumulak sa likod ko ,buti hindi malakas yung tulak niya nakita ko yung babaeng pakialamera yung tumulak sa akin.

Ako:ano bang problema mo,gusto mo talagang ma imbalsamo kaagad yang pagmumukha mo !(galit kung sabi sa kanya)

Freda:ano ang ginawa mo kay keith ? lagot ka kay samantha pag malaman niya to.

Ako:pwede ba hindi kita kilala at wala akong pakialam kung sino man yang samantha na yan kasi hindi siya si keith.

Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin kaya anong akala niya sa akin magpapasampal na lang,binigyan ko siya ng malakas kung sampal ,

Ako:kung gusto munang mamatay. Sabihin mo lang,wag tayo dito kasi baka ma viral yung pagpatay ko sayo,letche ka !!

Freda:ang tapang mo girl,pero humanda ka sa mga mangyayari ,tandaan mo yan !!,buti na lang nagbakasyon ako dito sa lugar namin kung hindi di ko makikita dito si keith ,

Ako:umalis ka na ! Baka kung ano pa ang magawa ko sayo.

Freda:wag mo akong utusan,mas mukha kang yaya kesa sa akin,aalis na ako .iba ka girl !!

Ayun umalis na siya pasalamat siya pinipigilan ko yung sarili ko ,nakita ko si keith na papalapit na sa akin.

Keith:tara na mahal,bumili na tayo ng damit

Grabe parang nakakagulat naman na hindi man lang na apektuhan si keith sa sinabi ng babae sa kanya.

Ako:mahal sandali lang ?

Keith:(tumingin sa akin)bakit ?

Ako:naniniwala ka ba sa sinabi ng babaeng yun

Keith:sa tingin mo

Ako:di ko alam ,di ka kasi kumikibo ,

Keith:tara na nga ,bumili na tayo ng damit ,sakto dun tayo sa oxygen bumili .

Ako:sige ! Tara na !(mahina kung sagot sa kanya)

Ayun nagpatuloy na kami maglakad,bakit parang nahihiwagaan ako kay keith,di man lang niya kinulit yung babaeng yun ,pero mabuti na yun,ang importante ay nagtitiwala na siya sa akin.

Nandito na kami sa oxygen ,ng bigla akong makaramdam ng pag iihi ,

Ako:mahal,punta lang ako sa cr iihi lang ako

Keith:sige,mamimili lang muna ako dito

Ako:okemss !!

Ayun kaagad akong pumunta sa cr ,nagmamadali ako,kasi ihing ihi na ako ..

Maya maya ay nandito na ako sa cr ,kaagad kung sinara yung pinto.

Habang umiihi ako ay bigla kung narinig yung babaeng pakialamera na yun at nagulat ako sa mga sinabi niya

Freda:hello ,sam !

----------

Freda:oo ,si keith talaga yun,sakto nandito pa sila sa sm mall,pumunta na kayo dito ni draven,kaya pala nawawala si keith kasi may nagkidnap sa kanya,at mas malala pa sam ,ka age lang natin yung babaeng nagkidnap kay keith at parang nagkaroon ng amnesia si keith di niya maalala kung sino siya,pumunta na kayo dito ,kaso medyo malayo kasi dito sa lugar na to,bukas pa yata kayo makakarating.

---------

Freda:sige ,ganito na lang,susundan ko nalang sila mamaya,kung saan sila nakatira ,sakto kasama ko ngayon si rocky dito.

----------

Freda:sige sam ,update na lang kita,magsimula na kayong umalis diyan at pumunta na kayo dito,bye ..

Ayun binaba na niya yung tawag ,naging statwa muna ako kung ano ang gagawin ko ,hindi kami pwedeng mahuli ,hindi !! ,ano ang gagawin ko ..

Itutuloy..