POV pa rin ito ni SHELLA MAY:
Di ko alam kung ano ang gagawin ko ,nagkaroon pala ng amnesia tong si baby keith ko sasabihin ko ba sa kanya yung totoo,alam ko may kinalaman dito si papa kung bakit nagkaroon ng amnesia tong si baby keith ko.
Keith:nasaan ba ako at sino ako ?(kaagad siyang lumapit sa akin)
Ano ba lord,bakit napaka gwapo naman tong nilalang na to at dumikit pa talaga siya sa mukha ko,jusko !! parang amoy tender juicy tong baby keith ko,ang bango niya kahit may amnesia .
Keith:bakit di ka makatingin sa akin,sino ba talaga ako at ano ang ginagawa ko dito ?
Ako:pwede ba ,dumistansiya ka muna ng kunti ,hehehe
Ayun dumistansya naman siya nasa likuran ko kasi siya
Keith:sige na sabihin muna
Ako:ikaw si jasper ivan dela cruz,mag asawa tayo .
Teka ano ang sinabi ko mag asawa kami ni keith,ano bang nangyayari sa akin,hehehe ! ,biglang namula tong fes ko.
Keith:jasper ? at tayo mag asawa ?
Grabe ayaw niyang maniwala na mag asawa kami ganun na ba ako ka panget,di ba siya na love at first sight sa beauty ko .
Ako:oo nga ,mag asawa tayo ,mahal pa nga tawagan natin,tara na bumaba na tayo,magpahinga na tayo.
Keith:ganun ba ! pasensya ka na ha ! di ko kasi alam kung sino ako ,sige ..
Mabuti naman at madali tong kausap,buti di nagbago yung ugali niyang mabait .
Bumaba na kami ni jasper este si keith,hahaha ! saan ko ba napulot yung jasper na name ,hahaha .
Pumasok na kami sa loob ng bahay ,buti di ni lock ni mudrabels yung pinto.
Keith:ito ba ang bahay natin ?
Ako:bakit ano ang tingin mo dito,restaurant ?
Keith:hehehe ,ewan ko sayo kita munang di ko matandaan ang lahat ,sino ka nga pala ?
Ako:ako si shella may ,tawagin mo na lang akong mahal(sabay wave ng buhok ko)
Keith:okey !!
Ayun pumasok na siya at umupo na siya sa sofa,grabe di man lang niya ako hinalikan man lang sa leeg ko ,pasalamat siya crush ko siya.
Ako:Tara pumunta na tayo sa taas dun tayo matutulog at oo nga pala ,gamutin ko muna yang sugat mo
Muntik ko ng makalimutan na may sugat pala si keith sa kanyang mukha at braso,daplis lang naman
Keith:wag na shella ,okey na ako,di naman masakit ,
Grabe di niya talaga ako tinawag na mahal okey lang ma iinlove ka rin sa akin hayop ka !!
Ako:(tinabihan ko siya at hinawakan ko sugat niya sa mukha)sigurado ka bang di masakit tong sugat mo,sandali lang kuha lang ako ng betadine at gauze pad.
Tatayo na sana ako ng biglang hinawakan ni baby keith yung kamay ko,sheeettt !! bigla akong kinilig at kinabahan,jusko lord !! ,pigilan niyo yung pagka baliw ko sa lalaking to !
Keith:sinabi ko na okey na ako,wag ka ng mag abala pa ,magpahinga ka muna ,aakyat na lang ako sa taas,gusto ko talagang ma alala kung sino ba talaga ako at anong nangyari sa akin.
Tiningnan ko siya
Ako:di ka ba naniniwala sa sinasabi ko sayo jasper ,diba sinabi ko sayo na mag asawa tayo.
Keith:hindi naman sa ganun pero di kasi ako mapakali at napaka bata pa natin para maging mag asawa tayo,sige nga sabihin mo nga ,ilan taon na ako at nasaan ang pamilya ko ,yung mga magulang ko,gusto kung makita yung mga pictures nating dalawa lalo na yung kinasal tayo
Bigla akong napatigil nung sinabi yun lahat ni keith,grabe kailangan kung mag isip ng magandang rason,yung maniniwala siya bobita mag isip ka ,wag kang tatanga tanga ,heto na ang panahon para makasama mo yung matagal mo ng pinapangarap wag mong bibiguin yung pudrabels mo .
Keith:ano na ? Bakit di ka makapagsalita ?
Ako:jasper ,talagang nawala na yung alaala mo kasi pati yung pagkasunog ng bahay natin dati,di mo matandaan,walang natira dun kahit yung mga pictures natin,nung mag syota palang tayo hanggang sa ikasal na tayo,pati yung singsing nasunog rin,yung cellphone natin,marami pa namang naka save dun na mga picture pati videos natin,lalo na yung laptop,jasper nung nangyari yung sunong na yun,halos magpakamatay ako nun kasi di ko kinaya ang lahat .
Pagkasabi ko nun sa kanya ay bigla siyang napa isip ng malalim sana maniwala siya ,jusko ! kinakabahan na ako sobra ! Pinag isipan ko yun tapos di siya maniniwala .
Ako:jasper ,sana naman maniwala ka na sa akin ?
Keith:(tumingin sa akin)anong name ko sa facebook ? gusto kung makita mga pictures dun,wag mong sabihin na pati yung facebook account ko nasunog rin.
Bigla akong napatigil,grabe tong lalaking to ,napaka talino naman to kahit may amnesia,alam ko na magagalit ako sa kanya,yun na lang ang paraan ko para makaligtas ako sa tanong niya ,kaya kaagad akong tumayo at binigyan ko siya ng scary looks ko.
Ako:bahala ka kung ayaw mong maniwala,grabe ka jasper ,bakit mo nagagawa yan sa akin,wala ka na bang nararamdaman na pagmamahal diyan sa puso mo para sa akin pati rin ba yan ay nakalimutan muna nagkaroon na rin ng amnesia ,kung ayaw mong maniwala sa akin,edi wag !
Keith:binibigyan mo ako ng paraan para di talaga ako maniwala sayo,sige kung ayaw mong sabihin ang totoo,ako mismo ang gagawa ng paraan para bumalik yung alaala ko,sige na magpahinga ka na !
Sapul to the max ang awra ko ! first time kung maka encounter ng ganitong tao yung bang parang nbi agent ,tatay nga niya yung pulis na jazz na yun di na ako magugulat kung bakit ganito siya .
Kaya ayun tinalikuran ko siya dapat kung pangatawanan na galit ako sa kanya ,kaagad akong umakyat sa taas,masakit na tong katawan ko pati tong mata ko ,mamaya ko na lang siya kakausapin pag gising ko .
Ayun kaagad akong humiga sa kama ko,ewan ko ba bakit ako naiinis kay keith ,dapat nga siya ang mainis sa akin kasi kinidnap ko siya,masakit pala kapag di nagtitiwala sayo yung lalaking gusto mo.Di ko namalayan na nakatulog na pala ako .
Kaagad akong nagising ng marinig ko ang malakas na pagkatok ni jake ,
Jake:(malakas yung katok sa pinto)hoy !! Ate gumising ka na diyan ,aalis pa ako ,kailangan ni mama ng bantay dun,kanina pa ako nagbabantay dun !!
Nagulat ako ng idilat ko yung mga mata ko ,kasi naman tong si baby keith ko tumabi talaga siya sa akin ,grabe bigla akong kinilig,bwesit !! Napaka amo ng mukha niya lalo na pag tulog,ang gwapo gwapo niya talaga pramis !! di ko napigilan ng himasin ko yung mukha niya ,yung ilong niya,yung makapal niyang kilay at lalo na yung lips niya,my god !! ,pigilan niyo yung kalandian ko lord ,hahaha!! ,
Kaagad akong bumangon sa sobrang kilig ko,naiihi tuloy ako ,hehehe ,buti di siya nagising ,
Jake:ate ,ano ba ! Anong oras na ,11 am na ng umaga ,tulog ka pa !! ,sabihin mo kung patay ka na ,sisirain ko tong pinto na to .
Hayop talaga tong jake na to ,sinisira niya talaga yung kilig moments ko ,makikita niya,pero baka makita niya si keith ,
Ako:sige na umalis ka na,maliligo lang ako,sabihin mo si mama na pupunta na ako dun(sigaw ko kay jake)
Jake:bilisan mo !!
Bigla kung naisip na dapat pagsabihan ko si jake tungkol kay keith,,kaya kaagad akong pumunta sa pinto at binuksan ko ito,buti nandito pa tong ungas na to
Jake:grabe ka talaga ate ,tulog mantika ka talaga,teka(biglang tumingin sa kwarto ko)may kasama ka ba diyan ?
Hinatak ko si jake palayo sa kwarto ko at kinausap ko siya
Ako:jake ,makinig ka ! oo may kasama ako,natatandaan mo si keith ?
Jake:keith ? Sino yung inaanak ni tito romeo ,o ibang keith yung tinutukoy mo
Ako:siya ,si keith yung inaanak ni papa ,nandito siya kasama ko,naki usap si papa na dito ko muna patirahin si keith
Jake:bakit kailangan pa ninyong magtabi sa pagtulog pati rin ba yun pinakiusapan ni tito sayo ?
Ako:(binatukan ko siya)alam ko yang iniisip mo ,nagkakamali ka jake
Jake:bakit nga !!
Ako:ganito na lang,pag magising si keith,wag mong sasabihin yung pangalan na keith,kasi jasper yung pakilala ko sa kanya
Jake:teka bakit mo kailangan magsinungaling sa kanya ano ba ang nangyayari ate,sabihin mo nga kinidnap mo ba si keith
Kaagad kung hinawakan ang bunganga ng jake na to.
Jake:(iniwas niya yung kamay ko sa bunganga niya)bitawan mo nga yan,so ano totoo ba ?
Ako:oo na,oo kinidnap ko siya,kasi alam mo naman kung anong klaseng tao si papa diba ,nakiusap siya sa akin na dalhin dito si keith kasi gusto niyang maghiganti sa mga magulang ni keith
Jake:diba sila tita maica at tito menard yung mga magulang ni keith,ibig sabihin galit siya kina tita maica,at ate akala ko ba na di ka gagaya sa papa mo,bakit ginawa mo ito ,dahil ba makikinabang ka ,kasi gusto mo si keith
Ako:(bigla akong nagalit kay jake)tumahimik ka diyan,wala ka ng respeto sa akin,oo inaamin ko gusto ko si keith pero mahirap kung tanggihan si papa sa hiling niya at jake ,ampon lang si keith,yung tunay niyang mga magulang ay sila jazz yung mortal na kaaway ni papa at di lang yun may kambal si keith
Keith:KAMBAL ?
Biglang akong kinabahan ng marinig ko ang boses ni keith,teka narinig niya ba lahat ng pag uusap namin ni jake
Lumapit siya sa amin,ewan ko di ko siya hinarap ,siya na lang humarap sa akin
Keith:shella ,sabihin mo sino yung keith na tinutukoy mo at sino yung kambal niya ?
Nakita ko si jake na napakamot yung ulo ,bigla niyang inakbayan si keith.
Jake:bayaw naman ,kaibigan ko lang yung pinag uusapan namin,hehehe
Keith:bayaw ? so magkapatid kayo ni shella
Jake:hahaha ! Hindi ano halata kasi mas good looking ako kumpara sa kanya ,hahaha,oo bayaw at wag ka ng maghinala pa kay ate kasi totoong mag asawa kayo niyan
Akala ko pa naman ilalaglag ako ng saging na to ,buti naman
Keith:ganun ba ,sige ..maligo na ako ,shella (tumingin sa akin)samahan mo ako sa mall.
Nagulat ako nung sinabi yun ni keith sa akin anong gagawin niya sa mall ,
Nagkatinginan kami ni jake at ayun kaagad akong napasagot kay keith na
Ako:sige
Ewan ko bigla akong napa oo kay keith
Jake:ate,walang kasama dun si mama sa ukay ukay,aalis ako
Ako:jake,mabilis lang kami dun,wag kang mag alala bibilhan kita ng bagong jersey mo
Jake:bakit di mo kaagad sinabi ate,hahaha,sige pumunta na kayo dun,
Keith:sige maliligo na ako ,
Ayun umalis na si keith at dumiretso na siya sa banyo kaagad kung binatukan si jake
Jake:aray ! ano na naman ba ate
Ako:gong gong ka talaga,
Jake:pasalamat ka nga tinulungan pa kita ,at ate bakit ka pumayag na pumunta kayo ni keith sa mall,paano kung may nakakakilala sa kanya dun at makita siya,tiyak lagot ka
Ako:ako ang bahala dun,sige na umalis ka na ..at pahiramin mo muna si keith ng damit mo pati sapatos mo
Jake:sige basta bilhin mo rin ako ng sapatos para yun na ang gagamitin ko sa paglaro ng basketball,sige alis na ako,
Ako:siraulo ka talaga,ginawa mo pa akong sugar mommy mo,dun ka sa mga bakla mo humingi wag sa akin,(sigaw ko sa kanya)
Jake:okey madali lang namang mag blackmail ,hahaha,keith !!
Ako:oo na !! ,bwesit ka talaga kahit kailan,umalis ka na
Jake:hahaha excited na ako ..sige ate puntahan ko na si mama,bye..
Ayun umalis na rin sa wakas yung bwesit kung kapatid ,teka di pa pala ako naliligo dapat nakaligo na ako bago pa matapos si keith,kaagad kung pumunta sa kwarto ni mama at dun ako naligo ,,kinuha ko muna yung towel ko .
At ayun naligo na ako,,after ilang minutes ay tapos na akong mag shampoo,magsabon sa katawan ko pati sa mukha ko,mag scrub ng face ko inshort tapos na akong maligo,hahaha ! Paglabas ko ng pinto ni mama ay nakita ko si keith na nakatayo sa harapan ko,naka boxer lang siya ,wala siyang suot na damit ,grabe bakat na bakat yung alaga niya bwesit !! biglang namula yung pisngi ko ,iniwas ko bigla yung tingin ko sa kanya
Ako:talaga bang diyan ka sa harap ko,binandila mo pa talaga yang hot mong katawan sa inosente kung mga mata.
Keith:bakit nahihiya ka pa ,diba mag asawa tayo,ibig bang sabihin nito ay di mo pa nakikita tong katawan ko lalo na yung alaga ko,hehehe
May pagka manyak pala tong lalaking to akala ko pa naman gentleman to at napakabait,hayss !
Kaya pinigilan ko na lang yung sarili ko na kiligin ,tiningnan ko siya grabe ang hot niya talaga
Ako:hiramin mo muna yung mga damit ni jake,pati sapatos niya
Keith:wala akong damit dito,kailan ba nangyari yung sunog bago lang ba ?
Ako:kahapon lang jasper,kaya nawalan ka ng alaala dahil sa sunog ,
Keith:kung kahapon lang,bakit ikaw marami kang damit ,sa akin ni isa wala akong damit,ibig bang sabihin nito na bumili ka ng damit na para lang sayo at yung sa akin wala ,ganun ba yun
Heto na naman tayo,talagang pinapadugo ni keith yung ilong ko pati yung utak ko ,di ko na alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya ..
Itutuloy.