Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 73 - CHAPTER 72:MISSING ?

Chapter 73 - CHAPTER 72:MISSING ?

JAZZ POV:

Papunta na ako ngayon sa kota nila de paz ,mag isa lang ako na pupunta dun ,naglagay ako ng device dito sa may likod ko,tracking device para mahanap ako nila kevin,binigyan ko ng signal sila kevin at ramos kung kailangan ko ng tulong ,isang signal na tutunog yung tracking device kung kailangan ko ng tulong .

Habang papunta ako sa kota nila de paz ay biglang tumawag si sab sa akin,sinagot ko ito

Sabrina:jazz ,mag iingat ka dun,alam ko na maliligtas mo sila keith,pag mapahamak ka o madaplisan lamang ay wag na wag ka ng magpapakita sa akin..

Ako:hehehe,parang mali naman yata yun alien ko ,pero dont worry walang masamang mangyayari sa akin mas masama akong damo kesa sa de paz na yun,hehehe

Sabrina:wag puro salita jazz gawin mo yang sinasabi mo,pangatawanan mo yan kundi lagot ka sa akin ,okey !!

Ako:hahaha !! Yes po ,mahal na kamahalan ,sige na malapit ako dito ,magiging ligtas kami nila keith pati ni felvin ,pinapangako ko yan sayo,sige na alien ko ibababa ko na to .

Sabrina:di ako napapanatag jazz,bumalik ka na dito,papunta naman dito sila general pati yung mga kasamahan mong pulis,jazz bumalik ka na dito

Ako:bakit mo naman pinapunta dito sila general ,sige na alien ,ibababa ko na to nandito na ako

Sabrina:pwede bang wag mong ibaba yung phone mo jazz,gusto kung marinig lahat ng sasabihin ng de paz na yun at kung ano ang mangyayari dun sa inyo

Alam ko na nag aalala lang si sab sa akin pati kina keith ,pero gustuhin ko man na gawin ang sinasabi ni sab na di ko patayin tong phone ko ay di ko magagawa lalo lang siyang mababahala kapag marinig niya lahat ng pangyayari ,di ko alam kung ano ang mangyayari mamaya

Ako:alien,sorry ! kailangan ko na tong ibaba.

Ayun kaagad kung binabaan ng tawag si sab at pinatay ko muna yung phone ko para walang istorbo,nandito na ako sa labas ng kota ni de paz,talagang planado na ang lahat ng gagawin niya,wala man lang bantay dito sa labas ng munting bahay niya.

Kaagad akong pumasok sa loob ,akala ko munting kubo lang ito pero grabe ang laki pala ng loob at wow may basement pa ,ibang klase talaga ,parang nasa malacanang ako .

Biglang bumukas yung flat screen tv na nakabitay sa dingding at nakita ko sila keith at felvin na may sugat sa kanilang braso at mukha,wala silang mga malay ,nilagyan ng panyo yung bibig nila.Kaya kaagad akong sumigaw

Ako:demonyo ka talaga de paz ,magpakita ka ,wag kang umastang daga na takot na takot kasi nandito na ako

Ng biglang makarinig ako na may papalapit na sa akin kaagad akong umilag ,nakita ko isang karayom ,napakaliit .

Narinig ko yung malakas na tawa ni de paz ,dito sa loob

De paz:whahahaha !(malakas ang tawa) nakakatawa naman na ganyan yang reaction mo jazz,hahaha !! ,

Ako:nasaan ka magpakita ka ,tarantado ka !! Magpatayan tayo dito ngayon na !!

De paz:masyado ka namang excited na mamatay ako jazz,relax ka lang ,chill !! Hahaha ,may sorpresa pa ako sayo ..

Ng biglang nagsipag hulugan yung mga kutsilyo mula sa kisame ,kaagad akong umilag ,nag akrobat pa ako ng di oras ,buti na daplisan lang ako,nasugatan tong balikat ko pati hita ko .

Heto pala yung patibong sa akin ng de paz na to ,parang nasa resident evil lang ako nito ha !!

Biglang lumabas sa tv si de paz ,grabe yung mukha niya mukhang demonyo na talaga ,tama nga ang sinabi ni draven ,mukhang maligno na tong de paz na to

De paz:ngayon na nakita muna ako sa tv jazz,ano ang masasabi mo,pwede na ba akong mag artista ,hahaha ! pinapahanga mo ako sa skill mo,akalain mo yun nakaligtas ka sa mga fallen knife ko ,hahaha

Ako:walangya ka !! sinasagad mo talaga pasensya ko,di ka pa rin nagbabago,isa ka pa ring daga na takot na takot sa lungga ,kung gusto munang mamatay,magpakita ka dito ngayon,hayop ka !!(galit kung sabi sa kanya)

De paz:akala mo magtatagumpay ka sa binabalak mo sa akin jazz,tandaan mo !! Hindi ako katulad ni ferdie na bobong mag isip ,kaya sorry ka na lang hindi muna makikita at makakasama yung pinakamamahal mong anak na nawala'y sayo ng ilang taon,hahaha !! ,hanggang sa susunod na kabanata ,PAALAM !! whahahaha 😂😂

Kaagad na namatay yung tv at dahan dahan nagbukas yung maliit na pinto mula sa basement. Kaya kaagad akong pumasok dun ,napakadilim dito kaya kaagad kung binuksan yung ilaw at nakita ko si felvin na nakahiga sa sahig. Kaagad ko siyang nilapitan .

Ako:felvin,gumising ka !! felvin..

Ayaw pa ring gumising ni felvin kaya para magising siya ay sinapak ko siya ng napakalakas at ayun nagising rin

Felvin:aray !! ,aaaahhh ,ang sakit ng leeg ko ,pati balikat ko. Nasaan ba ako !!

Ako:felvin ,ayos ka lang ba ,nasaan sila de paz,si keith nasaan siya

Felvin:(nagulat ng makita niya ako) tito ,salamat at nandito kayo,si keith po dinala siya ng de paz na yun,di ko alam kung saan,

Ako:sana hindi nakapatay yung phone ni keith ,sige felvin tara na umalis na tayo dito .

Dahan dahan kung binuhat si felvin,

Felvin:dahan dahan lang po tito,masakit po yung hita ko .

Ako:grabe napaka OA mo naman hindi naman malalim yang sugat mo ,hehehe ,buti naman at ligtas ka ,masakit pa nga yung ginawa mo kay arianne laban diyan sa sugat na ginawa sayo ng de paz na yun.

Felvin:grabe ka naman tito. Eh ! siya rin naman niloko niya rin ako,sila na ngayon ni draven

Pinindot ko na yung device na nasa likod ko ,para pumunta dito sila kevin at ramos.

Maya maya ay nandito na kami sa labas ,tiningnan ko si felvin

Felvin:bakit tito ?

Ako:anong sinasabi mo na may relasyon sila draven at arianne,sigurado ka ba ? ,himala naman yata na magkagusto si draven kay arianne ,eh ! napaka pihikan yung batang yun,si febbie nga di niya pinapansin ,si arianne pa kaya ,akala ko felvin mas mabait ka pa kesa kay draven,pero nagkamali ako,kahit ganun yung ugali ni draven ay di siya patagong mananakit ng babae,ipaparamdam niya kaagad ito,hindi kagaya mo na patago mong niloko si arianne,pasalamat ka nga di ka sinaktan ng todo ni ramos kung ako yung tatay ni arianne,di lang sapak ang aabutin mo sa akin,wag muna yun gagawin pa .

Felvin:opo tito ,ayos na po ako dito,iwanan niyo na ako ,puntahan niyo na si keith

Kaagad kung binuksan yung GPS ko ,tiningnan ko kung bukas yung GPS ni keith at salamat naman at nakabukas yung GPS niya ,at ayun nandun na sila sa labas ng bundok ,teka bakit di sila umaalis ..

Kevin:felvin at pare

Nakita ko sila ramos at kevin pati si lesther ,nandito na rin sila,

Lesther:felvin ,ayos ka lang ba (binuhat niya si felvin)

Felvin:ayos lang ako pa ,

Ramos:(lumapit sa akin)si de paz ,nasaan siya pati si keith

Kevin:nakatakas na naman ba si de paz pare

Ako:oo ,kinuha niya si keith,bumalik na kayo kina sab,at umalis na kayo dito ,kailangan kung puntahan sila de paz,hindi pa sila nakaka alis dito

Kevin:samahan na kita pare ,

Ako:wag na pre ,kaya ko na to,sa akin may kailangan si de paz ako ang gusto niyang patayin,ginawa niyang pa in si keith ,sige na bumalik na kayo dun

Ramos:sige pare,mag ingat ka ,kanina pa umiiyak sila abegail at sab .

Ako:sabihin mo na ayos lang kami ni keith,sige na aalis na ako at umalis na rin kayo dito ..

Ayun kaagad akong tumakbo ,iniwan ko na sila

,hayop ka talaga de paz ,humanda ka sa akin,walangya ka !!

Ayun binilisan ko na yung pagtakbo ko,kahit may sugat ako sa hita at balikat ko di ko ito iindain ,daplis lang to ..

Maya maya ay nandito na ako sa labas ng bundok,nakita ko yung isang lalaking nakatayo sa harapan ko ,nakatakip yung mukha niya ng maitim na tela ,naka jacket rin siya ng itim at naka suot siya ng blackshades,di ko siya kilala pero alam ko na kasama siya ni de paz,nilapitan ko siya habang nakatingin sa akin

Palapit na ako ng biglang kumuha siya ng tatlong kutsilyo sa likod niya at binato niya ito sa akin buti naka ilag na naman ako at nagulat ako ng bigla siyang mawala sa harapan ko ,nakarinig ako ng ingay sa likod ko ,nakita ko na sasaksakin na ako ng kutsilyo ng lalaking to buti naiwasan ko,kaagad ko siyang binaril pero nakailag siya ,

Ako:magaling kang hayop ka !! ,nasaan yung demonyo mong boss,

Di niya ako sinagot bagkus nag exhibition na naman siya,tumambling siya habang binabaril ko siya di ko siya natatamaan ng biglang lumundag siya at pumunta sa likod ko ,akala ko matatamaan ako ng kutsilyo niya buti nahawakan ko ito at balak niya akong sipain pero binali ko yung kamay niya at nalaglag yung kutsilyo kaya kaagad ko siyang binaril sa may dibdib niya ,at grabe buhay pa tong hayop na to,sinapak pa ako sa mukha ,at magtatangka siyang tumakas pero binaril ko yung dalawang paa niya at ayun natumba rin ,kaagad akong lumapit sa kanya at tinanggal ko yung maitim na tela sa mukha niya at nagulat ako nung makita ko yung mukha niya,walang iba kundi si macky boy yung bestfriend ni draven ,teka impossible na magagawa to ni macky boy ,nakita ko si macky na umiyak tumulo yung luha niya

Macky:ninong jazz,patawarin niyo po ako,napilitan ko pong gawin to sayo ,sorry po !!,bilisan niyo na po baka di niyo na po makitang buhay si keith,

Ako:bakit macky ,bakit mo ginawa to ? ,hindi ko akalain na magagawa mo to

Macky:papatayin kasi ni de paz yung mama ko kaya ginawa ko to,ninong sorry po ,nasaktan ko po kayo pati si draven .

Ng biglang makita ko na tinamaan si macky ng kutsilyo sa ulo niya ,

Nakita ko si de paz na papalapit sa akin,biglang nawalan ng pulso si macky,kaagad siyang binawian ng buhay,ganun kabilis kumalat yung lason na nanggaling sa kutsilyo kaagad akong tumayo at hinarap ko si de paz na dinidilaan niya yung matulis na kutsilyo

De paz:masakit bang malaman na yung inaanak mo ay magtratraydor sayo,hahaha !! ,paano kung malaman ng anak mong si draven na pinatay mo yung bestfriend niya ,

Ako:kampon ka na talaga ng demonyo pati bata dinadamay mo hayop ka !!(galit kung sabi sa kanya)

Balak ko na sanang lapitan si de paz at barilin pero biglang di ko maigalaw yung katawan ko pati mga kamay ko ,bigla akong naparalyze ,unti unti siyang lumalapit sa akin

Ako:anong ginawa mo sa akin,hayop ka !!(sigaw ko sa kanya)

De paz:(tinutukan niya ako ng kutsilyo dito sa leeg ko)malaki pa naman ang expectation ko sa kakayahan mo jazz na matatalo mo ako pero katulad ka rin pala ni clark,napaka bobo,di mo ba napansin habang iniiwasan mo yung pag ataki kanina ni macky boy sayo ay unti unti niyang nilagyan ng karayom yang katawan mo ng di mo nararamdaman ,yung karayom na yun ang dahilam kung bakit di ka ngayon makagalaw,hahaha !! ngayon sino sa atin ang masamang damo,walang iba kundi AKO ,whahahaha ! grabe jazz di sana kita kalalabanin ng ganito pero napaka pakialamero mo,gusto mo ikaw yung bida ,ano ka si superman ,man of steel ,hahaha (sabay halakhak )

Naramdaman ko na nagagalaw ko na yung kamay at braso ko .

Ako:oo ako si superman ,kaya gusto kung makatikim ka ng hagupit ni superman !!

Kaagad kung sinapak si de paz sa ilong niya at habang iniinda niya yung ilong niya ay kaagad akong bumunod ng baril kaagad ko siyang binaril sa dibdib niya ,di ko gaanong nagagalaw yung katawan ko ,kaya tinamaan niya ako ng kutsilyo dito malapit sa dibdib ko ,maya maya ay dumating na sila kevin pati sila general,bakit ngayon lang sila dumating,binaril ni kevin si de paz sa dalawang tuhod ,para matumba siya ,kaagad na hinuli nila si de paz ,at ako naman sa wakas nagalaw ko na rin yung katawan ko,kaagad akong napaluhod sa semento ,sa sobrang kirot na nararamdaman ko sa katawan ko ,lumapit sa akin si kevin at ramos

Kevin:pare,wag kang susuko,idadala ka na namin sa ospital ,tiyak may lason yung kutsilyo na to(sabay hatak yung kutsilyo sa dibdib ko)

Ako:walang lason yan ,si macky boy ,dalhin niyo na siya ,ililigtas ko pa si keith

Nakita ko na may ininom si de paz ,

De paz:sa tingin mo ,papayag akong makita mo ulit si keith,hinding hindi muna siya makikita.

Kaagad na nawalan ng malay si de paz,bigla siyang napahiga sa lupa.

General:(hinawakan niya yung leeg ni de paz)wala na siya jazz ,nagpakamatay siya gamit yung gamot na ininom niya .

Ako:hindi pwede ,si keith kailangan kung malaman kung nasaan siya

Ewan ko bigla akong nawalan ng malay ..

Itutuloy.