DRAVEN's POV:
Nandito kami ngayon sa ospital,hinihintay na magising si papa,nagsimula kaagad na maghanap sila tito kevin kay keith ,nasaan kaya si keith at sino ang taong tumulong kay de paz para matago nila si keith,namatay nga si de paz pero may bago na namang demonyo ang gugulo sa buhay namin hindi na ba to matatapos ,wala na bang katahimikan tong pamilya namin,pati yung bestfriend kung si macky boy nadamay sa gulo.
Sobra akong nalungkot nung malaman kung wala na si macky,bakit siya pa ang ginawang pa in ni de paz,anong akala niya magagalit ako kay papa kasi dahil sa kanya namatay si macky.
Sana magising na si papa,hindi pa rin kasi tumitigil yung pag iyak ni mama pati ni lola,lalo pa't nawawala ngayon si keith .
Mama:jazz ,gumising ka na please !! bakit parati mo na lang binubuwis yang buhay mo ,hindi ka naman si wolverine na walang kamatayan,huhuhu !!(hawak hawak ang kamay ni papa habang umiiyak)
Lola:talagang matigas yang ulo mo jazz,ginagawa mong biro yang buhay mo.
Ako:parang di na kayo nasanay kay papa,eh ! masamang damo yan eh ,at alam na ni papa yung ginagawa niya,controlado na niya yung buhay niya,hehehe(pasimple kung tawa)
Biglang tumayo si mama at hinarap niya ako,nagulat ako ng bigla niya akong sampalin
Mama:bakit mo nasasabi yan draven(galit niyang sabi sa akin),wala ka na bang kunting pag aalala sa papa mo ha !! kita munang nasa critical yung kalagayan niya tapos tatawa ka lang diyan na parang gustong gusto mo ang nangyari sa papa mo,nawawala na nga yung kapatid mong si keith,tapos heto ikaw happy go lucky lang,draven naman pwede bang kahit ngayon lang mag alala ka naman sa papa mo,ginawa niya lahat para mailigtas lang tayo pati yung kapatid mo pero heto ikaw para lang walang may nangyari ,huhuhu
Ako:wala namang mangyayari kung umiyak tayo ng umiyak hindi ba,kasi nangyari na ang nangyari at ma ,nag aalala rin ako sa kalagayan ni papa pero malakas ang tiwala ko sa kanya na magiging okey siya ,si papa eh ! man of steel yan ,para yang si cardo dalisay,walang kamatayan at wag kayong mag alala ma at lola ,walang masamang mangyayari kay keith nararamdaman ko yun,tutulong ako para mahanap si keith
Lola:nagmamatured ka na rin apo ko ,ipagpatuloy mo lang yan para matuwa yung mga magulang mo lalo na yung papa mo
Mama:sorry anak ,di ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko kapag mawala sila jazz at keith sa akin,huhuhu
Biglang dumating yung doctor,kaagad na lumapit si mama
Mama:doc,ano po ang result ,bakit di pa nagigising yung asawa ko
Doctor:misis ,na overdose siya ng gamot ng pagkamanhid ,nagkaroon siya ng neuropathy dahilan pa nito na yung kutsilyo na ginamit sa pagsaksak sa kanya ay may lason pero hindi ito marami sakto lang ,mabuti nga at hindi napadami yung lason na pinahid dun sa kutsilyo ,ngayon ay 50|50 yung kalagayan niya ,kapag di maalis yung lason sa katawan niya ay baka di na siya magising pero misis,may chance pa na magising yung mister mo ,wag kang mawawalan ng pag asa
Pagkasabi nun ni doc ay biglang napaluhod si mama,kaagad ko siyang inalalayan ,tumulo na naman yung luha niya
Ako:ma ,think positive lang tayo,makaka survive yan si papa ,
Mama:sana nga anak ,sana nga ,ayoko ng mawalan pa ng mahal sa buhay,huhuhu ! doc ,gawin niyo po lahat ng makakaya niyo ,magbabayad po ako kahit ilan pa yan,basta magising lang po yung asawa ko,huhuhu !
Doc:we will do everything misis ,yun ang trabaho ko na magpagaling ng may karamdaman ,dont worry ,tama ang sinabi ng anak mo,think positive at prayers always misis,sige alis na ako ..
Ayun umalis na si doc,niyakap ko na lang ng mahigpit si mama,ewan ko pati tuloy ako nahahawa sa iyak niya,biglang tumulo yung luha ko,first time ko yatang umiyak ,
Humarap sa altar si lola at lumuhod
Lola:lord ! Please protect my son,Please don't take him to us first, I know he doesn't have time yet, he still has a lot to do,mary with your loving son ,I beg your pardon our lord, please give my son a chance to live,huhuhu !!
Ayun pinahid ko na luha ko at itinayo ko na si mama,pina upo ko na siya sa may tabi ni papa
Ako:ma ,tama na po ,wag na kayong umiyak,kakayanin ni papa yan ,
Mama:bakit ganito draven,bakit parati na lang akong pinapasakitan ni lord,lahat na lang kinukuha niya sa akin,una si yung tito clark mo,yung lolo ferdie mo ,tapos si keith ngayon naman yung lalaking pinaka importante sa buhay ko yung papa mo draven,huhuhu (sabay hawak ng kamay ni papa) jazz ,hoy !! Manyakis gumising ka na diyan,para tanga naman nito,huhuhu ! oo na na prank muna kami ,gumising ka na please !.
Ewan ko di ko kayang umiiyak si mama,parang gusto kung sapakin sarili ko ,hindi ko naiibsan yung lungkot at sakit na nararamdaman ni mama ngayon,kaya heto magpapahangin muna ako sa labas ,
Umalis muna ako sa room ni papa at naglakad ako palabas ng ospital ng makasalubong ko sila tito ramos at arianne
Tito:draven,kamusta papa mo ?
Ako:hindi pa siya nagigising tito,andun pa nga si mama ayaw tumigil sa kakaiyak ,
Arianne: i know how your mother ,draven feels now, especially you, it really hurts when your loved one is in a serious condition and then one of his children is still missing, draven I will also help to find keith,
Ako:grabe ,nakakahiya naman english speaking,pero salamat arianne ha ..
Arianne:ang ganda naman na tawagin mo akong arianne,first time ko yatang marinig na tinawag mo akong arianne at oo naman draven ,tinuring ko ng 2nd mother si tita sab ,
Tito:sige iwan ko muna kayong dalawa diyan ,puntahan ko lang draven yung mama mo
Ako:sige tito
Umalis na si tito ramos ,heto nagkatinginan na lang kami ng panget na to,ewan ko ba bakit tinawag ko biglang yung pangalan niya
Arianne:tara magpahangin muna tayo sa labas draven
Ako:yun na nga ang gagawin ko,wag muna akong utusan ,tara na (pagsusungit ko sa kanya)
Arianne:hehehe,bumalik na naman yang sakit mo ,
Ayun umuna akong maglakad ,nasa likuran ko si panget ,maya maya ay nandito na kami sa waiting shed umupo na kami ,
Arianne:draven,okey ka na ba ?
Ako:sa tingin mo !!
Arianne:alam ko masakit na mawalan ka ng kaibigan lalo pa't super close mo,handa naman akong maging kaibigan mo draven
Ako:wag kang maawa sa akin panget ,magiging okey rin ako,parang nangyari na rin kasi to kay mama dati ,nawalan rin siya ng kaibigan si tita amethyst pero nakayanan niya yun,ako pa kaya .Kaya hindi ako titigil na hanapin si keith,ayoko ng mawalan pa ng isang kaibigan at kapatid ,
Arianne:(hinawakan ang kamay ko)draven tutulungan kita sa paghahanap kay keith(sabay tingin sa akin)
Kaagad kung inalis yung pagkakahawak ni panget ng kamay ko,ewan ko biglang bumilis yung tibok ng puso ko ,di tuloy ako makatingin sa kanya ,teka ano bang nangyayari sa akin,kaagad akong tumayo
Arianne:draven,okey ka lang ba ?
Ako:oo ,pwede ba umalis ka na,iwan mo muna ako dito ,gusto kung mapag isa ,(galit kung sabi sa kanya)
Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si arianne at hinarap niya ako ,grabe bakit bigla akong pinagpawisan ,hoy !! Draven ano bang nangyayari sayo,kanina lang di ka naman ganyan pati kahapon ,bakit ngayon parang nababalisa ka sa panget na to,hayssst !!
Arianne:may dumi ba sa mukha ko draven,(sabay pahid ng mukha niya)
Oo nga pala tinititigan ko lang pala si arianne,kaagad kung inalis yung pagtitig ko sa kanya ,at binaling ko yung tingin ko sa baba
Ako:wala !! umalis ka na ,di ka ba nakaka intindi,
Arianne:okey,ang sungit mo naman,akala ko pa naman okey na tayo ,sige draven alis na ako,puntahan ko si papa ,sige .
Ayun umalis na rin sa wakas tong panget na to,kaagad kung pinahid yung pawis ko ,bwesit !! ano bang nangyayari sa akin,di pa rin humihinto yung tibok ng puso ko,ewan ko ba nung hinawakan ni panget yung kamay ko,nagkaganito ako bigla ,teka kinulam ba niya ako ,mukha kasi yung mangkukulam,tang ina ! nasisiraan na ako ng ulo ..
Kinabukasan ..
Ako na lang muna ang tao dito sa bahay,di pa umuuwi sila mama at lola,galing sa ospital,binabantayan nila si papa ,sabi ni mama pumasok raw ako kasi malapit na ang graduation namin ,di pa rin nahahanap nila tito kevin si keith ,hayssst !! ,sino ba yung taong kumuha kay keith ,tang ina !! ,pag malaman ko kung sino siya,papatayin ko siya!!
Heto paalis na ako nagulat ako ng buksan ko yung pinto,nakita ko si arianne ,iba yata yung buhok niya ngayon hindi na mukhang aswang,straight na ito .
Arianne:sabi ni papa sabay na raw tayong pumasok,si febbie sasabay sana sa atin kaso may program sila ngayon,kanina pa siyang alas 5 ng umaga umalis
Ako:wala akong pakialam,tabi nga diyan(tinulak ko siya pero mahina lang)
Arianne:draven,sakay na ako motor mo ,
Ako:(tiningnan ko siya)sumakay ka na lang ng taxi,baka madumihan tong motor ko kapag sumakay ka
Arianne:okey !!
Ayun nainis siya kaya naghintay nga siya ng taxi ,pina andar ko na yung motor ko ,at nilapitan ko siya ,
Ako:panget ,sumakay ka na !!
Arianne:wag na ,magtataxi na lang ako,baka madungisan ko pa yang motor mo
Ako:(sinuot ko sa kanya yung helmet)ayan mukha ka ng power ranger ,sumakay ka na,wag ka ng magpalambing diyan,as if naman lalambingin kita,pag nagbago isip ko ,iiwan kita diyan
Akala ko magsasalita pa tong panget na to pero bigla siyang sumakay sa motor ko ,
Ako:nga pala panget,nakuha muna ba yung bag mo
Arianne:oo ,
Ako:okey !
Pinatakbo ko na yung motor ko,ewan ko bigla ko itong pinabilis ,kaya napayakap siya sa akin,grabe biglang gumaan yung pakiramdam ko nung yakapin niya ako,nababaliw na ba ako ,
Maya maya ay nandito na kami sa school ,bumaba na si arianne ,
Student 1:grabe talaga si miss arianne,napa amo niya yung nag iisang draven timothy reyes,nakaka inggit naman
Student 2:magpapanget kaya tayo,baka pansinin rin tayo ni fafa draven ko,hehehe
Di pinansin ni panget yung mga sinabi ng mga tao dito,binigay na niya yung helmet ko ,
Samantha:draven !!
Kaagad akong napalingon nung tawagin ang pangalan ko
Ako:sam ?,
Samantha:(lumapit sa akin)nabalitaan ko na nawawala si keith
Ako:oo sam ,si macky boy,wala na rin siya
Samantha:grabe,bakit ba to nangyari ,ang bata pa ni macky para mamatay,tsk
Ako:alam ko hindi lang yun ang ipinunta mo dito sam,sabihin mo ,ano ang ipinunta mo dito ,
Samantha:may nakapagsabi sa akin na nakita niya si keith ,na may kasamang babae,sabi niya asawa niya raw yun kasi misis ang narinig niyang tawag nung kinausap niya yung babaeng kasama niya
Arianne:ano sabi mo ? si keith may asawa,teka saan niya nakita si keith
Ako:baka hindi si keith yung nakita niya,impossible naman na magkaroon ng asawa si keith,at kung siya yun,pumunta na yun sa amin at nagpakita ,
Samantha:sabi ko na nga ba di kayo maniniwala,ganun din ako nung una,naniwala lang ako nung makita ko tong picture na sinend niya sa akin,tingnan mo draven
Kaagad na pinakita ni sam yung picture at pagtingin ko nagulat ako nung makita ko na si keith nga ang nasa picture at may kasama siyang babae ,teka anong nangyari ? bakit di nagpakita si keith sa amin
Samantha:base on my theory draven,nawalan ng alaala si keith,nagkaroon siya ng amnesia,jasper ang pakilala niya at yung girl na yan ay parang nakita ko na siya ,saan ko ba siya nakita ,alam ko na minsan na silang nagkasamang mamasyal ni de paz sa isang mall,sheila may yata yung name ng girl na yan ..
Itutuloy.