Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 72 - CHAPTER 71:TRAPPED !

Chapter 72 - CHAPTER 71:TRAPPED !

JAZZ POV:

Di ko na alam kung paano ko mapapatay yung de paz na yun,talagang napaka samang damo niya,hindi ko siya mapatay patay !! tang ina ! Muntik ng mawala sa akin yung dalawa kung anak na sila draven at keith,buti nakaligtas sila lalo na si draven na muntik ng mawala ,hinding hindi ko mapapatawad yung de paz na yun pag makita ko siya ulit di lang bala ng baril ang mararamdaman niya kundi galit ng isang Jazz Andrei Reyes ,bwesit !! nasisiraan na naman ako ng ulo,di talaga ako mapapanatag kapag di ko pa nahuhuli yung de paz na yun.

Labis kaming natuwa ni sab nung malaman namin na buhay pa ang aming isang kambal na si danver ,na keith na yung pangalan niya ngayon,totoo pala talaga ang sinabi ni sab dati na buhay pa si danver ,pinakulong ko na rin yung doctor na nagsabi na patay na yung anak namin na si danver ,kasabwat pala siya ni maica ,pati yung operator ng cctv dun sa ospital kung saan nanganak si sab ,lahat sila pinakulong ko,hindi nila alam kung paano kami na depress nung mawala sa amin yung isang kambal namin.Habang buhay ng makukulong yung mag asawang maica at menard,subukan lang nilang tumakas sa kulungan kasi ako mismo ang papatay sa kanila,pasalamat nga sila di ko sila pinatay kahit malaki ang kasalanan nila sa amin ni sab,lalo na sa akin.

Hindi pa rin ako sumusuko na hanapin yung de paz na yun para na akong siraulong naghahabol sa kanya,hindi ko talaga siya tatantanan katulad nung ginawa ko sa ferdie na yun,nagpost pa ako sa social media tungkol kay de paz ,pinabalita ko pa ito sa tv pati sa radio ,most wanted na siya ngayon.

Kaya nagplano kami nila ramos at kevin na mag camping dun sa bundok ng foress kung saan nabalitaan ko na dun nagtatago si de paz,,gusto ko sana na tatlo lang kami nila kevin ang pumunta dun kaso para hindi mahalata ni de paz na siya ang pakay namin ay sinama namin sila sab pati yung mga anak namin alam ko na delikado pero ito na lang ang tamang paraan para lumabas yung de paz na yun,hindi naman sa ipapahamak namin yung pamilya namin pero ito lang ang tanging paraan para mahuli na yung de paz na yun,nanggigil na ako sa hayop na yun bwesit siya !! hindi naman namin ipapahamak yung pamilya namin.

Nandito na kami sa bundok ng foress ,nagtayo na rin kami dito ng tent,gusto man namin na iwanan sila dito para mag ikot ikot dito sa bundok ay di namin sila pwedeng iwanan lalo pa't sila lesther at keith lang ang nandito na lalaki,si draven siya ang hinihintay ko na pumunta dito para siya ang magbantay dito .

Habang busy sa pagbabarbeque sila abegail ,sabrina at febbie ay nag plaplano na kami nila ramos kung ano ang gagawin naming hakbang.

Ramos:pare(inakbayan ako),sa tingin mo ba si de paz lang ang nandito ?

Kevin:sa tingin ko hindi !

Ako:may kasama siya dito ,di yun magtatago na mag isa ,kasi takot yun,baka nga gumagawa na sila ng action laban sa atin.

Ramos:ako na ang magbabantay sa kanila dito pare(tumingin sa akin),hanapin niyo na yung kota ng de paz na yun

Ako:hindi ,nagbago na yung plano ko ,hindi na tayo ang maghahanap kina de paz.

Kevin:pupunta sila dito ,paano yung mga asawa natin,mga anak natin ,baka mapahamak sila.

Ako:yun na nga ang purpose natin diba kung bakit sinama natin sila dito kasi sila de paz mismo ang lalapit sa atin at wag kang mag alala kevin ,may nakahanda akong patibong .

Biglang lumapit si lesther at tumabi sa amin

Lesther:anong patibong yan,hehehe,kayo ha !! Kayo lang nag uusap usap,di niyo ako sinasama,

Ramos:pasensya na pare(tumingin kay lesther)

Lesther:ano ba yun ? ,pwede ko bang malaman

Ako:mamaya malalaman mo ,nga pala nasaan na si felvin yung anak mo ?(sabi ko kay lesther)

Ramos:(bigla niyang binatukan si lesther)pagsabihan mo yang anak mong si felvin , pare na wala siyang karapatan saktan yung anak kung si arrianne ,akala ko ba matino yang felvin na yan bakit niya pinaiyak yung arrianne ko.

Lesther:hehehe ,nandito na siya pare ,ayun oh !!

Nakita namin na nandito na si felvin at kaagad siyang lumapit dito sa amin ,akala ko lalapitan niya yung papa niyang si lesther pero bigla siyang lumuhod kay ramos.

Galit na galit si ramos kay felvin.

Ramos:bakit mo yun ginawa kay arianne,felvin ha !! ,akala ko ba mahal mo si arianne,pinagkatiwala kita sa kanya,tapos sasaktan mo lang siya.

Felvin:tito sorry po ,di ko po kasi alam na may gusto pala sa akin yung classmate ko ,di ko naman po yun sinasadya na saktan si arianne

Ramos:nag sorry ka na ba sa kanya ?

Felvin:opo pero galit pa rin siya sa akin

Nagulat kami ng makarinig kami ng may paparating sa amin ,,kaagad kaming tumayo nila ramos at kevin at nakita namin sila arianne at draven na hingal na hingal at parang naligo yata silang dalawa basang basa sila,kaagad kaming lumapit sa kanila

Sabrina:anong nangyari sa inyo bakit kayo basang basa ?

Abegail:arianne,anak ,

anong nangyari ?

Febbie:parang nakakita kayo ng multo .

Lumapit sa akin si draven

Ako:draven ,sabihin mo anong nangyari ?

Draven:pa ,may gustong pumatay sa amin kanina,muntik ng matamaan si panget este si arianne ng karayom .

Pagkasabi nun ni draven ay di na kami nagtaka nila kevin pero nakita ko sila abegail na gulat na gulat

Sabrina:jazz,anong ibig sabihin nito,pumunta ba tayo dito para mamatay at parang nababasa ko sa isip ninyo na may plano kayo, nandito ba si de paz ha !!(galit niyang sabi sa akin)

Febbie:umalis na tayo dito ,natatakot na ako

Ramos:kalma lang tayo,walang masamang mangyayari sa atin dito

Abegail:walang masama ? eh ! Muntikan na ngang mamatay tong anak mo ,umalis na tayo dito ,akala ko ba mag eenjoy tayo dito pero bakit parang mapapahamak pa kami dito.

Lesther:ang mabuti pa ,umalis na tayo dito ,

Ako:magpapalipas tayo dito ng gabi ,magtiwala kayo sa amin,pag umalis tayo dito ngayon,tiyak may mapapahamak ulit ,

Keith:anong ibig mong sabihin pa ?

Arianne:ligtas tayo dito sa lugar na kinatatayuan natin,ang ibig lang sabihin ni tito jazz ay kung umalis tayo dito ay mapapahamak tayo,makakagawa na ng paraan ang kalaban natin para masaktan tayo kaya hindi tayo pwedeng umalis dito

Ako:tama ! magaling ka arianne.

Draven:sige nga paano mo nasabi na ligtas tayo dito pa ?(tumingin sa akin )

Ako:nagpagawa ako ng patibong dito ,

Sabrina:kanino ?

Ako:lumabas na kayo diyan ..

Kaagad na lumabas sila harold at lemuel

Sabrina:harold ? Akala ko ba di ka makakapunta at lemuel nandito ka na pala sa pilipinas

Harold:hehehe ,charot lang yun ate ,heto kasing si kuya jazz ,humingi ng favor ,hehehe

Lemuel:so ano tara na,kumain na tayo ,hehehe

Felvin:tito lemuel bakit di niyo po sinama si arvy

Lemuel:busy sa computer ,,ewan ko dun sa kaibigan mo felvin ,tara na kumain na tayo

Sabrina:di pa rin ako mapanatag eh ..

Abegail:arianne,halika magbihis ka muna,basang basa ka ,ano bang nangyari sa inyo ni draven

Draven:muntik ng malunod si arianne,tatanga tanga kasi

Sabrina:draven ,wag mong sabihin yan at buti na lang magkasama kayo at naligtas mo siya

Febbie:magaling talagang lumangoy yang si motmot,hehehe

Ramos:salamat draven,niligtas mo si arianne,

Draven:ayos lang po yun tito,,magbibihis na rin ako ..

Ayun pumasok na sa tent si draven ,

Abegail:teka arianne,nasaan yung gamit mo bakit wala kang dalang bag

Arianne:naiwan ko po sa bus,

Ako:okey lang yun,makukuha pa naman yun,sige na mag enjoy na tayo dito ..

Lumapit sa akin si sab

Sabrina:jazz sigurado ka ba talaga na ligtas na tayo dito

Ako:oo alien ko ,nagawan na yun ng paraan ni lemuel,hindi na sila makakagamit ng armas nilang karayom sa atin ,

Sabrina:talaga,nandito pa naman yung mga bata,baka mapahamak sila bakit sinama niyo pa kami dito jazz

Ako:para mahuli kaagad namin si de paz, alien ko,sorry kung dinala ko kayo dito,yun na lang kasi yung paraan, pero di naman ako papayag na mapahamak kayo

Sabrina:sige jazz,nagtitiwala ako sayo tara kumain na tayo

Ako:sige sab,sunod na lang kami

Sabrina:okey ..

Ayun nagsimula na silang kumain ,kumuha na rin sila ramos ng pagkain at maya maya ay lumapit sa akin si draven,dinalhan niya ako ng pagkain

Draven:pa ,kumain ka muna

Ako:salamat anak(sabay abot ng pagkain)

Draven:pa ,pwede na po kayong magsimulang maghanap kay de paz,nandito naman na kami nila tito lesther

Ako:di mo ba narinig ang sinabi ko kanina draven,diba sabi ko na wala ng aalis dito ,kasi sila mismo ang lalapit sa atin at speaking of .

Kaagad kung pinaputok yung baril ko dun sa may puno ng acacia,ayun nagulat sila sa lakas ng putok ng baril ko ,kaagad na pumunta sila harold dun sa may puno ng acacia ,

Harold:ang galing mo talaga jazz,,hehehe halika kayo naka one point si jazz,hahaha

Kaagad silang lumapit sa may puno ng acacia ,ganun din ako at maya maya ay nakita ko ang isang walang malay na batang lalaki na nasa 15 taong gulang na,natamaan ko siya sa kanyang balikat malapit sa kanyang dibdib

Febbie:kawawa naman siya,tito jazz bakit mo naman yun ginawa

Felvin:tito,paano niyo po nalaman na may ibang tao dito

.

Arianne:simple lang,malakas ang pandinig at matalas ang mga mata ni tito jazz,

Kaagad na binuhusan ng isang baldeng tubig ni lemuel tong batang to at ayun na nga nagkamalay na yung bata,nagulat siya nung makita niya kami

Ako:nasaan yung pinagtataguan niyo,(itinayo ko siya)

Abegail:jazz,dahan dahan lang bata pa rin yan ,

Kevin:kid ,magsalita ka !!

Arnold:wag niyo po akong papatayin ,

Ramos:sabihin mo na kid kung nasaan ang kota ng nag utos sayo dito

Arnold:wala rin namang saysay kung sabihin ko ang totoo papatayin rin naman ako ninyo

Sabrina:halika ,gagamutin namin yang sugat mo

Balak ng hawakan ang kamay ni sab tong batang to pero tinulak niya si sab ,kaagad na sinapak ni draven tong batang to

Draven:wag mong sasaktan yung ermat ko,gago ka !! ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa tong malakas ang loob

Ako:draven ,tama na ..hindi yan magsasabi ng totoo ,kasi masisira ang plano ni de paz

Ng biglang mawalan ng malay tong batang to ,natumba siya

Arianne:sinasayang lang natin ang oras natin sa batang to ..

Lesther:si felvin ,nasaan siya ..bakit wala siya dito

Febbie:nawawala rin si keith .

Ako:iniba nila ang plano nila ,kevin at ramos ,kumilos na tayo. Alam ko na kung nasaan si de paz,sila mismo ang nagbigay ng mapa sa atin

Sabrina:di ka manlang nag aalala jazz,baka kung ano ang gawin nila kina keith

Abegail:pero bakit hindi natin napansin yun,

Arianne:papa ,pwede ba akong sumama

Ramos:dito ka lang arianne ,draven ikaw ang sumama sa amin

Draven:sabi ko na nga ba,sige sama ako at para naman makaganti ako sa malignong de paz na yun,tara na ...

Ako:nagmana ka talaga sa akin anak(ginulo ko yung buhok ni draven)

Sabrina:mag ingat kayo ,paano kami dito

Lemuel:sab ,nakalimutan muna ba na nandito kami ni harold

Lesther:sasama ako sa inyo ,ililigtas ko yung anak ko

Ako:wag na lesther kami na bahala kina felvin at keith

Lesther:sasama ako !!

Kevin:sige,tara na ..

Biglang may tumawag sa phone ko ,sinagot ko kaagad ito

De paz:ikaw lang ang pumunta dito ,wag kang magpapasama ng iba kung ayaw mong ako ang papatay sayo

Ako:sigurado ka ba sa pinagsasabi mo hayop ka !!

De paz:alam ko na gusto muna akong patayin kaya ibibigay ko sayo ang nais mo,kung magtatagumpay ka ..hahaha

Ako:tang ina !! humanda ka papunta na ako diyan

De paz:bilisan mo !!

Ayun kaagad niyang pinatay yung tawag .

Kevin:pare,kaya mo bang ikaw lang ang pupunta dun

Sabrina:teka anong ibig mong sabihin ,jazz mag isa ka lang na pupunta dun

Ako:di ako mapapahamak sab ,kilala mo ako diba,kailangan ko ng tapusin tong pesting gulo na to ..

Itutuloy.