Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 71 - CHAPTER 70:BUNDOK NG FORESS

Chapter 71 - CHAPTER 70:BUNDOK NG FORESS

ARIANNE's POV

Sobra talaga akong naiinis sa draven na yun,simula pa lang ng pagkikita namin,yung tinulak niya ako at sinabihan pang panget,oo na panget na ako,wala ng magkakagusto sa akin,kasi ganito ako ,looner walang kaibigan ,kaya nga pinalipat ako ni papa dun sa school kung saan nag aaral yung inaanak niyang si draven para may magtanggol sa akin dun pero nagkakamali ako,isa rin pala siya sa mga mang bubully sa akin.

Nung di ko pa alam na magkakambal sila ni keith ay sobra akong natuwa kasi nung akala ko na si kieth ay si draven ay sa wakas natupad na rin ang prayers ko na maging mabait sa akin si draven pero hindi pala yun si draven,si keith pala yung nagpapakita sa akin ng kabaitan ,mas gusto kung maging kaibigan si keith kesa sa draven na yun..

Sinusubukan ko namang maging mabait at marunong makisama kay draven pero bakit ganun ,bakit ganun niya ako i asta na parang hindi tao,

Pareho lang sila ni felvin ,mga mapanakit,si felvin ay kababata ko anak siya ni tito lesther ,siya ang first love ko pero siya ang unang nagbigay ng pasakit sa akin,akala ko mahal niya ako pero niloko niya lang pala ako .

Nag prisintar ako kay tita sab na ako na lang ang maging bantay kay draven dun sa ospital kasi dun nag oojt si felvin sa ospital kung saan na confine si draven ,ayoko sanang bantayan si draven kasi alam ko na aawayin lang ako nun at sasabihan na panget,di nga ako nagkakamali ,pareho lang sila ng mga kaibigan niya,pag ako talaga gumanda ,who you sila sa akin.

Nung time na nag away kami ni felvin at nakipaghiwalay ako sa kanya dito pa talaga sa ospital ay sobra talaga akong umiyak,kasi akala ko mahal niya ako pero niloko niya ako ,kaya namula tuloy tong mga mata ko sa kakaiyak ,di ko naman alam na mapapansin to ni draven,may concern pala siya sa akin kahit papaano,sana hindi peke yung concern niya ,nagulat nga ako nung malaman ko na sinapak niya si felvin para sa akin,kahit na nahihirapan pa siyang tumayo ,lumabas talaga siya para turuan ng leksyon si felvin,inaamin ko natuwa ako sa ginawa yun ni draven,sa lahat ng ginawa niyang pag iinis at pang aasar sa akin ay meron naman pala siyang kabaitan kahit papaano.

Kinabukasan ay di na ako nagpa alam kay draven na aalis na ako ,sobra na talaga akong nagmamadali kasi ako ang piniling leader sa activities namin ngayon ,nakasalubong ko si keith habang nagmamadali akong lumabas dito sa ospital.

Keith:arianne ,mukhang nagmamadali ka yata ?

Ako:oo keith,bakit hindi ba obvious ? hehehe ,kasi baka ma late ako,lagot ako kay prof.

Keith:gusto mo hatid na kita ,para di ka ma late

Ako:naku !! Wag na ,puntahan mo na lang yung kakambal mo,magigising na yun

Keith:nandun naman sila mama at febbie ,tara na sakto ginamit ko yung motor ko.

Nakakahiya man ay wala akong choice kundi tanggapin ang alok ni keith sa akin,kaya ayun sumakay ako sa motor niya ..

Pina andar na niya yung motor niya at sakto lang naman yung pagpapatakbo niya sa motor niya .

After 10 minutes ay nandito na kami sa school ,grabe ang bilis,bumaba na ako at binigay ko na kay keith yung helmet

Ako:salamat keith,magkaiba talaga kayo ng ugali ng kambal mo,hehehe

Keith:hehehe,teka ayos lang ba na di ka maligo ,may time ka pa naman.

Ako:okey lang,may pabango naman ako dito at 3 hours lang naman yung klase ko ngayon,hehehe .

magbabasa lang naman ako ngayon ,hehehe ! bakit mabaho na ba ako ?

Keith:sabagay ,hehehe,oy ! wala akong sinabing ganun,ayusin mo muna yang buhok mo,nagkakalat na kasi,hehehe ! sige pumasok ka na punta na ako sa ospital .

Ako:hehehe ,ikaw talaga ,buti na lang talaga di ka nagmana sa kakambal mo,sige keith salamat ha ! pasok na ako,ingat ..

Keith:sige (ngiti niyang sabi sa akin)

Ayun umalis na si keith ,papasok na sana ako ng bigla akong inakbayan ni quennie ,

Quennie:oyy !! yun ba ang kakambal ni draven ,hehehe

Ako:oo si keith yun,bakit type mo.

Quennie:actually type ko silang pareho,hehehe,ikaw arianne ha ,,secreto ka lang ,akala ko ikaw yung tipong hindi nakikipag usap,pero mali pala ako,yung sikat na varsity player dito naging close mo at ngayon naman yung kakambal niya,hehehe,di ka naman kagandahan ,

Ako:oo na ,ikaw na maganda ,magkaibigan kasi yung papa nila draven at yung papa ko kaya ganun ,sige pasok na ako ,male late pa ako sa klase(inis kung sabi sa kanya)

Quennie:hehehe,joke lang yun arianne,heto naman,hahaha ,sabay na tayo ,mag classmate kaya tayo ,

Ayun pumasok na kami sa school ,at maya maya ay nandito na ako sa room namin,nagulat ako kasi nandito na si prof,grabe ang aga naman niya ngayon,buti na lang at di ako na late ,tiyak singko kaagad yung grades ko,

Nag handa na yung grupo ko ,ako kasi ang narrator ,hehehe may play kami ngayon ,ginawa akong narrator kasi wala raw nababagay sa akin na role,diba ang lupit nila sa akin,panget raw kasi ako,kaya ako na lang ang ginawa nilang leader yun na lang daw ang ambag ko ,so ibig sabihin may tiwala sila sa akin,hehehe mga sira rin tong mga ka grupo ko ..

Maya maya ay sa wakas natapos na rin yung activity namin,heto pauwi na ako .

Habang naghihintay ako ng jeep ay biglang may tumawag sa pangalan ko.

Felvin:arianne ?

Kaagad akong lumingon sa familiar ng boses ng narinig ko,pagtingin ko walang iba kundi si felvin,na naka t shirt at naka short lang siya,lumapit siya sa akin

Felvin:arianne,wala ka na bang pasok ?

Ako:bakit ?(pagtataray kung sabi sa kanya)

Felvin:pwede bang mag usap muna tayo?

Ako:nag uusap na tayo..

Felvin:wag sana dito dun tayo sa dream cafe

Ako:sosyal ,dream cafe pa talaga ,bakit ba anong kailangan mo ?

Felvin:gusto ko sana ng magandang closure yung maayos na paghihiwalay

Ako:para saan pa ? At tandaan mo ito felvin,walang closure na maganda at walang maayos na naghihiwalay,kaya nga naghiwalay diba kasi di na maayos,aanhin mo pa yung closure,2nd chance ,comeback ? ,oo madali akong mauto,oo panget ako,jologs,makaluma ,pero hindi ako desperada .

Felvin:dami naman ng sinabi mo ! anong desperada pinagsasabi mo,di ako nakikipagbalikan sayo,gusto ko lang na maayos yung paghiwalay natin,alam mo naman na close sa isa't isa yung family natin

Ako:problema muna yun,

Felvin:si draven ba yun na sumapak sa mukha ko.

Ako:bakit ? masakit pa ba yang mukha mo,pasalamat ka yun lang ang inabot mo.

Felvin:grabe akala ko ,ako lang yung nagloko,nakonsensya pa ako,ikaw rin naman pala at si draven pa,ibang klase

Kaagad kung sinampal si felvin

Ako:hindi ako kagaya mo,makati ..wag na wag ka ng magpapakita sa akin ..(galit kung sabi sa kanya)

Ayun buti may dumaan na jeep kaagad akong pumara at sumakay na ,may lakas pa talaga siyang magpakita sa akin ..

Maya maya ay nandito na rin ako sa bahay kaagad akong pumasok ,nakita ko si papa na nasa sala ,teka himala nandito siya,kaagad akong lumapit sa kanya

Ako:hello pa !(sabay halik sa pisngi)

Papa:oy,anak buti nandito ka na ,

Ako:bakit pa ,hinihintay niyo po ba ako ?

Papa:bukas ,pupunta tayo sa bundok ng foress ,mag cacamping tayo,

Ako:ano ? ,hindi ako pwede pa ,

Papa:sumama ka !! ,hindi ka pwedeng hindi sumama

Ako:pero pa ,may program kami bukas ,

Papa:anong oras matatapos ?

Ako:mga 2 pm

Papa:2 pm,okey ,humabol ka na lang bukas,mag oovernight naman tayo dun,sige magpahinga ka na

Ako:teka ,sino ba yung mga kasama natin,

Papa:sila draven,febbie at yung boyfriend mong si felvin

Ako:FYI ! lang pa ,di ko na boyfriend si felvin,at bakit naman ang dami ..anong meron ?

Papa:good ,buti at nakipaghiwalay ka na sa kanya,kasi di ko siya gusto para sayo,reunion naming magkakaibigan bukas syempre dapat kayong sumama kasi kayo ang next generation ,hehehe

Ako:oo nga pala,si mama lang pala ang may gusto kay felvin para sa akin,close pala sila ni tito lesther ,sige ..sasama na lang ako,wala namang choice eh ! sige pa akyat na ako sa taas

Papa:sige ..

Ayun kaagad akong umakyat sa taas at kinuha ko kaagad ang tuwalya ko,maliligo muna ako ,bago ako humiga ..

Kinabukasan ..

Alas 8 na ng umaga ako nagising,kaagad kung nakita yung sulat na nilagay dito sa mesa ko ,binasa ko ito

"anak ,sabay na lang kayo mamaya ni draven na pumunta dun sa bundok ng foress"

Grabe ,talagang magsasabay pa kami ng draven na yun,kainis !! ..speaking of tumatawag sa akin si draven ..sinagot ko ito

Ako:hello !

Draven:hintayin mo ako mamaya sa terminal mga 2 ,dun tayo magkita ..

Ako:di mo ba gagamitin yung kotse mo

Draven:wala pa akong lisensya ,basta hintayin mo ako ..

Kaagad niya akong binabaan wala talagang manners yung taong yun,tsk..

Ayun naligo naligo na ako,at nagbihis ,nag handa na rin ako ng mga damit na gagamitin ko mamaya,kumain muna ako bago ako umalis at ni lock ko yung pinto ..

Maya maya ay nandito na ako sa school ,buti di pa nag start yung program,ako lang naman yung host sa pagpaparangal para sa mga players dito sa school ,oo nga pala nakalimutan ko na varsity player pala dito sa draven,tatanggap rin pala siya ng award ..bakit di ko yun naisip ..

At heto nag start na yung program,kumanta muna kami ng lupang hinirang at ayun nagsimula na yun pagpaparangal ,

Ako:Nandito po tayo para tanggapin ng mga magigiting natin mga varsity players dito sa campus natin,para sa unang tatanggap ng award,bilang MOST VALUABLE PLAYER at MOST ATTRACTIGVE PLAYER(teka meron palang most attractive player,sana all) WALANG IBA KUNDI SI DRAVEN TIMOTHY REYES

Teka si draven,eh ! ang daming mas gwapo sa kanya dito ,siguro binayaran niya to,kaagad na nagpalakpakan yung mga tao dito at naghihiyawan yung mga studyanteng babae ,nakita ko si draven na nakasuot ng toxedo at naka necktie pa ,wow ! Pormang porma ,infairness gwapo siya sa suot niya ngayon at yung buhok niya bagay sa kanya,kaagad siyang umakyat sa stage at nagulat ako ng bumulong siya sa akin na

Draven:ang panget mong mag host ,walang kadating dating ..

Sabay lumapit sa dean,ano raw panget akong maghost ,nakakahiya naman sa kanya ,kainis talaga siya ,kahit kailan.

Maya maya ay natapos na rin yung program ,nagugutom na ako ,nasaan na kaya yung draven na yun akala ko ba magsasabay kami,2 pm na kaya ,,kaagad ko siyang tinawagan .

Ring.ring.ring.

Draven:diba sabi ko maghintay ka ..nandiyan ka na ba sa terminal

Ako:nagugutom na ako,kakain muna ako,saglit lang ..

Draven:sige ..bilisan mo ..

Ayun binabaan na naman niya ako,bwesit talaga,di manlang ,wag na nga lang ..pumunta na ako sa cafeteria at syempre bumili na ako ng pagkain ,maya maya ay nakabili na ako ng pagkain habang naglalakad ako papunta sa table ay biglang may sumagi sa akin,kaagad akong natumba at natapon yung pagkain ko ,pinagtatawanan ako ng mga tao dito,ako naman ay nahihiya at kinakabahan,

Nicole:ikaw kasi tatanga tanga ka diyan,yan ang napapala ng mga taong makati ..

Kaagad ko siyang tiningnan ,

Nicole:ano !! Lalaban ka na ngayon..

Pinulot ko na lang yung mga pagkain na natapon ,pero nagulat ako ng magsalita si

Draven:wag mong pupulutin yan ..

Kaagad na hinawakan niya yung braso ko at itinayo niya ako ,kitang kita ko sa mukha ni draven na galit na galit siya

Draven:hoy ikaw !! ,pulutin mo yung mga pagkain sa sahig at magsorry ka dito kay arianne(galit niyang sabi kay nicole)

Nicole:draven,hindi ako may gawa nun,tatanga tanga kasi siya,

Draven:pupulutin mo ba oh ,ipapakita ko tong video sa buong mundo ,

Kaagad niyang pinakita sa lahat yung video niya sa phone niya kung paano ako sinagi ni nicole ,kaagad naman na nagulat si nicole ,

Ako:draven,okey na ,wag munang palakihin yung problema(bulong ko sa kanya)

Draven:tumahimik ka diyan panget ,hoy !! nicole magbibilang ako ng tatlo,lumuhod ka sa harap ni arianne at humingi ng sorry at pulutin mo yung mga pagkain

Nicole:ano ba ang nakita mo diyan sa panget na babaeng yan ha ..

Draven:ISA

Nicole:draven,yan na ba ngayon ang mga type mong mga babae mga kampon ng maligno

Draven:DALAWA

Nicole:draven,wag muna mang tong gawin sa akin

Draven:TATLO ,goodluck na lang sa milyon na mang babash sayo ..tara na arianne ..

Kaagad na hinawakan ni draven yung kamay ko,balak na sana kaming umalis ng magulat ako ng lumuhod sa harapan ko si nicole

Nicole:sorry !! kung nagawa ko yun sayo,draven wag ka ng magalit sa akin at wag munang ipost sa social media yung video,please !! ,

Draven:gagawin mo rin pala,pulutin mo yung mga pagkain

Ako:nicole,wag na ,okey na ..

Draven:pulutin mo sabi !!(sinigawan niya si nicole)

Ayun kaagad na pinulot ni nicole yung pagkain isa isa at nagulat ako ng biglang hinatak ni draven yung kamay ko,heto palabas na kami ng cafeteria ,nagtitinginan sa amin yung mga tao dito,habang palabas na kami ng school ay kaagad kung binitawan yung kamay ni draven ,

Ako:ano ba ang problema mo !! Bakit mo yun ginawa ha !(galit kung sabi sa kanya)

Kaagad siyang humarap sa akin,grabe bakit ang gwapo niya ngayon sa suot niya,pinagpapawisan na siya sa suot niya,

Draven:ibang klase ka rin ano,imbis na magpasalamat ka sa akin,ikaw pa tong galit,yan ba ang isusukli mo sa akin ha !!(galit rin niyang sabi sa akin)

Ako:okey ,pasensya na ,kasi naman ,bakit kailangan mo yun gawin kay nicole,okey lang naman sa akin ng magsorry siya

Draven:para magtanda siya at pwede ba panget tumahimik ka na diyan,ayaw kung marinig yang boses mo,

Ayun kaagad siyang tumalikod at nagpatuloy sa paglakad ng bigla kung nasabi sa kanya na

Ako:bakit mo ako tinulungan ?

Draven:wala kang pakialam,wag munang alamin,tara na ,hinihintay na nila tayo dun.

Ayun nagpatuloy na kaming maglakad,grabe di ko to inexpect na gagawin to ni draven sa akin,pangalawang beses niya na ako tinulungan at sinagip,ewan ko bigla akong napangiti ,heto nag hihintay na kami ng taxi ,at maya maya ay may dumaan na rin ng taxi at pumara na si draven,sumakay na kami

May kinuha sa bag si draven nakita ko isang packlunch kaagad niyang binigay sa akin,

Draven:ayan ..(galit niyang sabi sa akin)

Ako:ano to ?

Draven:nagugutom ka diba ,alangan naman tingnan mo lang yan,tang ina !!

Kaagad kung binuksan yung packlunch at wow ang dami naman,fried chicken,vegetables,

hamburger at kanin yung laman ,

Ako:share na tayo,alam ko di ka pa kumain

Draven:busog na ako ,kainin mo yan ...

Ako:ito na lang burger kainin mo ,(sabay abot sa kAnya ng burger)

Draven:ayoko nga ,ba't ba ang tigas ng ulo mo,sayo na yan diba !!

Ayun binalik sa akin yung burger na galit na galit

Ako:okey,pero salamat draven ha,,makakabawi rin ako sayo ..

Draven:tsk..

Ayun kinain ko na yung binigay sa akin ni draven,grabe habang kumakain ako ay tinitingnan ko si draven na nakatingin sa labas ng bintana,grabe ang gwapo naman pala niya,kaso lang mainitin yung ulo

Draven:mukha ba akong pagkain ,bakit ka nakatingin sa akin!!

Kaagad kung iniwas yung tingin ko sa kanya ,nakakahiya naman ..kainis..

Maya maya ay nandito na kami sa terminal,kaagad na bumaba si draven,ganun din ako ,

Draven:magpapalit lang ako ng damit

Ako:ako rin

Draven:bahala ka ..

Ayun pumunta na kami ni draven,grabe bakit ba ayaw niyang makipag usap sa akin,himala yata na di niya ako inaasar ..

Heto nagpalit na ako,naka long pants lang ako at naka t shirt tinali ko na yung kulot kung buhok at heto lumabas na ako ng cr at nakita ko si draven na may kausap sa phone niya,grabe yung suot niya lalo siyang naging hot ,naka sando lang siya at naka short nilapitan ko na siya at binaba na niya yung linya.

Draven:bakit yan ang suot mo,napaka jologs mo talaga ,

Ako:eto yung fashion ko eh ,bakit ba nakikialam ka ..

Draven:tara na,tumawag na sa akin si papa,pumunta na tayo dun,dalhin mo tong bag ko .

Kaagad niyang binigay sa akin yung bag niyang mabigat,grabe napaka gentleman talaga ng lalaking to ,sumakay na kami sa bus,heto hirap na hirap akong sumakay ..buti naman at nakipag tabi siya sa akin

Ako:draven,salamat pala kanina ha..

Draven:can you please ! shut up !

Ako:bakit mo pala yun ginawa ,akala ko wala ka na dun

Draven:di dahil sayo kaya ginawa ko yun,galit lang ako sa nicole na yun,wag kang assuming diyan.

Ako:wala naman akong sinasabi na ganyan,bakit ka galit kay nicole

Draven:ang dami mong tanong,tumahimik ka na diyan..

Ako:okey ..

Ayun sinuot ko na lang yung headphone ko,wala namang kwentang kausap tong lalaking to,di ko namalayan na nakatulog pala ako.

Draven:panget,gumising ka na diyan,nandito na tayo !!

Kaagad akong nagising,sino ba naman ang hindi magigising ,pinisil lang naman ni draven yung ilong ko .

Nakita ko na bumaba na si draven,kaya nagmadali akong bumaba,dala dala yung mabigat niyang bag ..

Ayun nakababa na kami,at nakalarga na yung bus,dun ko lang natandaan na nakalimutan kung bitbitin yung bag ko

Draven:anong problema ?

Ako:yung bag ko,nandun sa bus,patay yung gamit ko nandun pati yung laptop ko

Draven:hayaan muna yun,tara na

Ako:hindi pwede ,nandun yung mga files ng report ko,lagot ako nito

Draven:eh ! anong gusto mo,hahabulin natin yung bus,siraulo ka ba ,tatanga tanga ka kasi ,

Ako:kung bakit pa kasi ako yung pinabibitbit mo ng bag mo ,kainis naman oh !

Draven:matalino ka ba talaga ? Bakit di mo ginagamit yang utak mo,

Ako:ano na naman ba ,malaki na nga tong problema ko,nang aasar ka pa diyan

Draven:bukas pupunta tayo sa terminal para kunin yung bag mo,tinu turn over naman nila yun kung may naiiwan na gamit dun sa bus nila.

Ako:talaga ? baka kunin yun ng ibang pasahero dun.

Draven:ewan ko sayo,tara na ..

Kaagad akong nabuhayan ng loob,sana nga totoo yung sinabi ni draven,kaya ayun nagsimula na kaming pumasok sa bundok ng foress ,grabe ang daming puno,malamang bundok nga ,hehehe ,

Ako:sandali lang draven,magpahinga muna tayo,nasaan na ba sila,deadbat na kasi yung phone ko

Draven:nandun sila sa christina falls,hindi pa nga tayo nakakalayo ,pagod ka na agad

Ako:eh ! Kasi naman ,ang bigat bigat kaya tong bag mo,ano bang laman nito,mga bato ba yung laman nito ha ..(galit kung sabi sa kanya)

Draven:(bigla siyang tumingin sa akin)nakakalimutan muna bang tinulungan kita sa nicole na yun at kagabi rin sa felvin na yun,tinulungan rin kita kaya wag ka ng madaming arti diyan,maliwanag ..

Grabe makatingin sa akin parang kakainin niya ako ,

Ako:okey ..kainis ..may kapalit pala yung pagtulong mo ,ibang klase ka talaga,dapat pala hindi ako magpasalamat sayo .

Draven:hahaha ..mabuti sana kung type kita at isa kang dyosa,kaso isa kang maligno ..hahaha ..

Ako:oo na ,ikaw na ang most attractive ,hiyang hiya naman ako sayo

Nagpatuloy na kami sa paglalakad ..

Ako:bibigyan kita ng 10 minutes

Draven:okey !! Ha !! Saan !!(kaagad na tumingin sa akin)

Ako:meron kang 10 minutes para mag ikot ikot dito..

Draven:(tinuro niya ako gamit daliri niya)hoy !! Maligno ,nandito tayo para mag camping,hindi dahil para mag ikot ikot,at teka lang bakit mo ako inuutusan ng ganyan ha ..

Ako:sana nagpunta ka dito mag isa ..

Draven:nakakainis ka talaga !! Bwesit ka !! ,bahala ka ..

Ayun iniwan ako ng lalaking to ,nag ikot ikot nga siya ..diba ang galing niya ..kainis talaga ,,bakit pa to nangyari sa akin ngayon,

Ang ganda ng lugar ,bwesit !! naman yung kasama.

Sa wakas nandito na rin ako sa falls teka nasaan kaya sila papa ,haysss...makahugas nga ng kamay.

Kaagad kung hinawakan yung tubig,ay mali pala di pala nahahawakan yung tubig,hehehe ,habang naghuhugas ako ng kamay ko dito sa falls ay bigla akong nahulog at bwesit !! di ako marunong lumangoy malalim pa yung nahulogan ko,kaya ayun kaagad akong sumigaw habang nalulunod ako

''Hoy !! Draven,draven ,hoy !! Tulungan mo ako !!! .

Nakita ko si draven na nakatingin lang sa akin habang nalulunod ako ,

"Draven,tulungan mo ako,dali !! ,tulong !!

Ng biglang may humatak sa katawan ko ,at bigla akong nilapag ni draven sa lupa,ubo ako ng ubo ,at sinusuka ko yung tubig

Draven:hayssstt ! Ayos lang ba ?

Ako:oo ayos lang ako,(hingal na hingal kung sabi sa kanya)

Draven:basang basa ka oh !!ayos ang tawag mo diyan ..(kaagad niyang kinuha yung bag niya)

Ako:oo nga ayos lang ako salamat ..

Draven:hindi ikaw yung phone ko(kinuha niya kaagad yung phone niya sa bag niya )hay naku !nilagay ko yung phone ko sa bag ko kanina,hay ! Grabe buti okey pa tong phone ko,sa susunod mag ingat ka !! ,(galit niyang sabi sa akin)

Ako:(kaagad akong tumayo)hoy !!(binatukan ko siya sa ulo niya)mas importante yung buhay ng tao kesa diyan sa phone mo,muntik na nga akong malunod kanina eh,tsk.

Nagulat ako ng biglang hinatak ni draven yung braso ko at ayun napasandal ako sa katawan niya,kaagad ko siyang tinulak

Ako:bakit mo yun ginawa

Draven:halika ka na,pumunta na tayo kina papa ,meron ibang tao ang nandito,may gustong pumatay sayo arianne,muntik ka ng tamaan ng karayom ,

Nagulat ako sa sinabi ni draven ,ano raw ? Karayom? May gustong pumatay sa akin ?

Itutuloy.