DRAVEN's POV
Ako:talaga ? nakatakas na naman yung maligno na yun,bwesit !!
Macky:wag kang mag alala pre ,magaling yata yang erpat mo ,tiyak mahuhuli rin yung gumawa niyang sayo
Rocky:teka lang pare,bakit ayaw mong sundan ang yapak ng erpat mo,para sa susunod ikaw na yung pinakamagaling na pulis dito,lagi yatang laman ng newspaper yang erpat mo kasi siya lang naman ang nakakahuli ng mga most wanted na mga kriminal .
Drake:iba ang hilig ng kaibigan natin mga pare,hahaha di siya mahilig sa baril,hahaha
Kaagad kung binatukan si drake
Ako:siraulo ka talaga,ewan ko di ko lang gusto maging pulis ,ayokong matulad kay papa na maraming kaaway ,pati tuloy kami ni keith nadamay ,tsk ..
Macky:speaking of keith,pare ,nabalitaan ko na dun raw siya mag aaral sa canada .
Ako:wala akong pakialam ,mabuti nga yun para ako lang ang nag iisang mukha dito sa lugar natin.
Rocky:wala ka talagang pagmamahal sa kambal mo pare,hahaha ,
Drake:sa sarili nga niya di siya marunong magmahal sa iba pa kaya,hahaha
Binatukan ko na naman si drake at ayun nagalit
Drake:tang ina !! Kanina mo pa ako binabatukan,akala mo di ako gaganti sayo.
Macky:tama na yan,pare alis na kami ha !bukas na lang ,kita na lang tayo ..
Ako:ang bilis niyo namang umalis .
Rocky:may party kasi kami ngayong tatlo pare,sayang kulang ang grupo ,hahaha ! kasi naman ikaw eh ! bakit ka pa nagpabaril,hahaha
Ako:sige,ganyan naman kayo eh ! nang iiwan ,mga tunay ba naman kayong kaibigan ,sige na umalis na kayo..
Kaagad akong inakbayan ni macky
Macky:ang emotional mo naman pare,hahaha ! babawi kami sayo promise ,nandito naman si nagger hahaha
Ako:nagger pinagsasabi mo ?
Macky:sino pa ,edi yung pinakamamahal mong si arianne ,hahaha
Ako:(tinulak ko siya)baliw ka talaga kahit kailan,sige na umalis na kayo ,wag na kayong magpapakita sa akin.
Drake:hahaha,oh ! ayan gunting .(sabay abot sa akin ng gunting)
Ako:para saan yan pare ?
Drake:itusok mo yan sa mga mata mo ,para di muna kami makita pa kahit kailan,hahaha.
Ako:talaga naman,umalis na kayo ,pag ako makalabas dito ,baldado kayo sa akin.
Rocky:whahaha ..aalis na po mahal na prinsipe ,hahaha ,tara na pare(sabay akbay kay drake)alis na tayo ,macky boy tara na ..
Macky:pare,goodluck ..
hahaha,sa first honeymoon niyo ni nagger ,hahaha ! bye lab you ..hahaha
Ayun umalis na sila,mga bwesit talaga tong mga kaibigan ko buti natiis ko sila,hayssstt !! Teka nasaan na ba yung panget na yun,bakit wala pa dito kainis ! baka mapatay na naman tong ilaw na to .
Habang busy ako sa kakalaro sa phone ko ay dumating si arianne na namumula yung mga mata ,kaagad siyang umupo sa gilid,kahit naka salamin siya ay kitang kita ko sa mga mata niya na umiyak siya.
Ako:anong nangyari ?(pabalang kung sabi kay panget)
Arianne:wala ,matulog ka na .(mahina niyang sabi sa akin)
Ako:umiyak ka ba ?
Arianne:wala ka na nun !
Ako:ibang klase ,marunong ka ng sumagot ngayon ,bahala ka diyan,wag kang aalis diyan kundi malilintikan ka talaga.
Hindi na sumagot si arianne ,bagkus nagbuntong hininga lang siya sabay punas ng mata niya gamit yung panyo niya.
Humiga na ako at tinalikuran ko siya,teka bakit ba ako nakokonsensya sa kanya,bakit kaya siya umiyak ,anong nangyari kaya sa kanya,haysss ! bakit ko ba to iniisip,,nasisiraan na ako ng ulo ..bwesit !!
Ng biglang nagtext si macky sa akin at binasa ko kaagad ito
Macky:pare ,kamusta si nagger,umiiyak pa ba siya ?
Teka bakit biglang natanong ni macky to ,tinawagan ko siya ,tinatamad akong magreply.
Ring.ring
Ako:hello pare,
Macky:oyy,concern siya kay nagger ,hahaha ,
Ako:sabihin mo anong nangyari ?
Macky:nakita kasi namin siya kasama yung isang intern dun sa labas ng ospital ,si felvin yata yung intern na yun.
Ako:oh tapos ?
Macky:parang nag away sila at nakita namin na sinampal ni arianne yung intern na lalaki at ayun nag walk out si arianne,habang umiiyak,di na namin siya tinanong kasi hindi naman kami close ,kaya tinext kita kasi alam ko na close na kayo,hahaha
Ako:tang ina ka !! ,sige na ibababa ko na to.
Ayun binaba ko na yung phone at bumangon ako ,tiningnan ko si arianne .
Ako:hoy !!
Arianne:anu !!(sabay tingin sa akin)
Ako:sino yung intern na yun ,bakit mo siya iniyakan ,si felvin ba yun ?
Arianne:kailan ka pa naging concern,nakakagulat naman ,ganun naman kayong mga lalaki,ginagawa niyo lang laruan yung mga babae.
Ako:ano bang pinagsasabi mo ,teka may boyfriend ka pala ?
Arianne:wala na ngayon,matulog ka na nga .
Ako:diyan ka lang iihi lang ako ..
Kaagad akong tumayo sa kama ko ,tumayo rin si arianne at nilapitan niya ako
Arianne:samahan na kita ..
Ako:ano ba ,kaya ko na sarili ko ,magpahinga ka na diyan kaya ko na to..
Arianne:sigurado ka bang kaya muna .
Ako:ikaw ba ,kaya muna ba
Arianne:ha ?anong sinasabi mo ,
Ako:wala ,sige na magpahinga ka na ,dun ako sa labas iihi ayoko dito .
Arianne:ibang klase ka talaga,ibang iba yung ugali mo kay keith,
Ako:wag mo akong ikumpara sa taong yun,alis na ako .
Ayun iniwan ko na si panget sa loob buti di sumunod ,ewan ko ba bakit ko ba to ginagawa sa kanya,pupuntahan ko lang naman yung intern na ex ni panget ,hayssstt..di ko nga alam yung pangalan ng lalaking yun ,baka si felvin yun.
Kaagad akong lumapit sa information desk .
Nurse:sir ,nasaan na po yung kasama niyo
Ako:andun nagpapahinga,nurse may intern po ba dito ?
Nurse:oo ,isa lang naman yung intern na nandito ,bakit sir ?
Ako:gusto ko lang po siya makausap .
Felvin:ano ang kailangan mo sa akin draven ?..
Kaagad akong lumingon at tiningnan ko siya nakita ko na si felvin nga yung walangyang ex ni panget .
Ako:kilala mo ba si arianne ramos
Felvin:oo bakit ?
Ewan ko bigla ko siyang sinapak grabe ang lakas pala ng suntok ko kahit naka dextrose ako,hahaha ayun kaagad na lumapit sa amin yung mga nurse pati yung guard ,
Guard:sir ,tama na po yan ..
Felvin:ano bang problema mo(matalas ang tingin sa akin habang hawak hawak niya yung pisngi niya kung saan ko siya sinapak)
Ako:sa susunod na mang gago ka ng babae siguraduhin mo lang na hindi siya masasaktan ,tarantado ka !!
Kaagad na lumapit si arianne at hinawakan niya yung braso ko at bewang
Arianne:ano bang ginagawa mo ha !(galit niyang sabi sa akin)
Ako:pambihira ,ginanti na nga kita sa pang gagago sayo ng lalaking yan tapos nagagalit ka pa ,grabiii !!
Guard:wag na kayong mang gulo dito,miss dalhin muna yang pasyente mo sa room niya ..
Ako:(tiningnan ko yung guard)pasyente ? ikaw nga tong mukhang pasyente sa atin,
Arianne:draven,ano ka ba ! tara na ! pasensya na po sir(sabi niya sa guard)
Ayun inalalayan na ako ni arianne ,nagka eye to eye kami ng gagong felvin na to ,buti di siya pumalag,takot naman pala to,hahaha ..
Andito na ulit kami sa room ko ,ayun umupo na ako at nagulat ako ng biglang magalit si arianne sa akin.
Arianne:grabe ka ,kagigising mo lang galing sa apat na araw mong pagka comatouse tapos ,grabe ibang klase ka talaga,kaya bilib ako kay febbie natitiis niya yung ugali mo ..
Ako:teka lang ,bakit ba galit na galit ka sa akin,ikaw na nga tong tinulungan ,tapos parang ako pa yung may mali, siraulo ka rin ano !!
Arianne:di muna man kailangan gawin yun,kaya ko na sarili ko ,makakalimutan ko rin siya,sige na matulog ka na ,anong oras na ,maaga pa ako bukas sa klase ko.
Ako:sandali lang ,paano mo naging boyfriend yun,akala ko walang may nagkakagusto sayo kasi diyan sa lumang mukha mo ,ang panget panget mo kaya tapos wala ka pang kaibigan,
Arianne:wala ka na dun,kaya matulog ka na ..
Ayun bumalik na si panget sa favorite spot niya dun sa gilid,nahiga na siya
Ako:bwesit !!! ,bakit ba kita kinakausap ng ganito,di naman ako ganito ,nakakainis ka talaga ,! walangya !! bahala ka ..
Ayun humiga na ako ,grabe napalakas yata yung pagsapak ko sa gagong yun.
Kinabukasan ..
Dahan dahan kung minulat yung mata ko ,pagtingin ko nandito na sila mama at febbie
Mama:gising ka na pala ,draven,magpalit ka na ,aalis na tayo dito ..
Febbie:(sabay yakap sa akin)sa wakas motmot ,makakalabas ka na,hehehehe,sorry ha ! Di ako nakapunta dito kagabi,hehehe
Ako:ano ba bitawan mo nga ako(sabay alis ng pagkakayakap ni febbie sa akin)diba sabi ko sayo na wag muna akong lalapitan
Febbie:bakit pumayag ba ako ..
Mama:tama na ..draven anak magpalit ka na ..
Ako:nasaan si panget,este si arianne
Mama:umalis na,may klase pa kasi siya ,
Ako:sige magpapalit na ako ..
Ayun tumayo na ako at tinanggal ko na yung dextrose at nagpalit na ako ng damit dun sa banyo ..
Di man lang ako ginising ng panget na yun,bigla na lang umalis,wala talagang utang na loob yun,.
Heto palabas na kami ng ospital at sumakay na ako sa kotse ni mama,magkatabi kami ni febbie
Febbie:(nakatutok sa mukha ko)grabe motmot,di pa rin ako makapaniwala,
magkamukha talaga kayo ni keith,grabe ang gwapo niyong dalawa,pero mas hotter ka sa kanya,hehehe
Ako:pwede ba ,lumayo ka sa akin,kung ayaw mong sunugin kita (galit kung sabi sa kanya)
Febbie:hehehe,okey po ,(dumistansiya kaagad siya)pero bakit ganun magkaiba kayo ng ugali ni keith,si keith mabait at palaging cool lang,ikaw magaspang yang ugali mo tapos palaging mainitin yung ulo,pero okey lang mas hot ka pa rin sa akin,hahaha
Ako:siraulo ka talaga ,ma pwede bang buksan mo yung music ,napaka ingay ng babaeng to ..
Mama:grabe parang kami lang dati ng papa mo draven,ganyan din kami nung una ,pero alam mo kami ang nagkatuluyan,hehehe
Febbie:tita naman,hehehe,baka umasa po ako niyan,sabagay matagal na akong umaasa,hehehe
Ako:hayssss ! ewan ko sa inyo at never kitang magugustuhan maliwanag(ssbay tingin kay febbie)
Febbie:ayieehhh ! nagka eye to eye contact kami ni draven,hehehe,kinikilig ako ,tita si draven oh .hehehe(sabay niyakap yung sarili niya)
Napatingin na lang ako sa labas ng kotse,grabe loka loka talaga tong babaeng to ,tsk ..
Febbie:motmot ,alam mo ba pupunta tayo bukas sa bundok ng foress ,mag cacamping tayo dun,hehehehe
Mama:excited ka na talaga iha ..hehehe
Ako:di ako sasama !!
Mama:hindi pwede draven,magpaparty tayo para sa pagbabalik niyong dalawa ni keith
Ako:magpaparty ? Saan sa bundok ,ibang klase rin yung naisip mo ma ,pwede naman sa bahay na lang,ang laki naman ng bahay natin,bakit sa bundok pa ..
Febbie:eh ! kasi motmot,mas malaki dun sa bundok ,hehehehe,grabe excited na ako ,nandun kaya sila arianne,yung papa ni arianne ,ako at si papa pati si mama ,diba ang saya,hehehe
Teka kasama si arianne ,hehehe ,bigla akong napangiti kasi nababagay lang dun sa bundok si arianne ,nandun yung mga kauri niyang mga unggoy,hahaha
Febbie:motmot,bakit nakangiti ka diyan,hehehe,ayiehhh ! ini imagine mo ba ako,hahaha
Mama:sumama ka draven ha ..
Ako:bahala na kayo ..matagal pa ba tayo inaantok na ako ..
Mama:malapit na tayo anak ,nagugutom ka na ba ?
Ako:kanina pa ..
Febbie:free ako ngayon buong araw motmot,ako muna ang mag aasikaso sayo,hehehe
Ako:pwede ba ,wag na wag mong gagawin yan ,febbie (sabay tingin kay febbie)di ko kailangan ng oras mo ,baka nakakalimutan mo na may atraso ka sa akin..
Febbie:nagsorry na nga ako diba ,hindi pa ba sapat yun,gusto mo bang magpa alipin ako sayo,yung bang 100 days with mr.arrogant ,hehehe,grabe kinikilig ako sa movie na yun,nagpa alipin yung babae sa gwapong lalaki,ayiehhh !! parang ako lang sayo draven,handa akong magpa alipin sayo ,pagkatapos ay maiinlove ka sa akin,hahaha
Narinig ko yung malakas na tawa ni mama ,
Mama:hahaha,grabe kinikilig ako sa inyong dalawa,,
Ako:hoy ! febbie,saan mo nakukuha yang mga pinagsasabi mo ,di ka ba kinikilabutan sa pinagsasabi mo,sira na talaga yang utak mo ,bwesit !! tumahimik ka na nga,kanina ka pa maingay ..
Febbie:hehehe ! sorry draven ,sorry,kasi naman ..
Ako:tama na ,wag ka ng magsalita,..
Febbie:okey ..hehehe
Maya maya ay nandito na kami sa bahay ,sa wakas nakarating rin ,bumaba na ako at kaagad kung binuksan ang pinto ,nagulat ako sa pagbukas
Welcome home !!!(sabay saboy ng mga ribbon)
Keith:welcome home draven(sabay yakap sa akin)
Papa:masaya kami na nakalabas ka na anak,ngayon na completo na tayo ay dapat magdiwang tayo ngayon,hehehe
Inalis na ni keith yung pagkakayakap sa akin
Lola:apo ko,kamusta ka na,halika kumain ka muna(hinawakan ni lola yung braso ko)
Ako:okey na ako lola,salamat (sabay halik sa pisngi ni lola)namiss po kita ,hehehe
Lola:namiss rin kita apo ko,hehehe(sabay pisil ng pisngi ko)
Mama:nakaka inggit naman,hehehe,tara na kumain na tayo,febbie dito ka na kumain
Febbie:hindi po ako tatanggi diyan,lets go ,hehehe
Ayun pumunta na kami sa dining room ,nilapitan ako ni keith
Keith:di pa rin ako makapaniwala na magkapatid tayo draven
Ako:lalo na ako ,sige na kumain na tayo..
Ayun nagsimula na kaming kumain ng biglang magsalita si papa
Papa:draven at keith ,sobra akong nagpapasalamat kasi naging okey na kayong dalawa at hindi kayo kinuha sa akin ni lord ,,
Grabe napaka drama naman tong si papa,hindi bagay sa kanya
Papa:lalo na sayo keith,wag na wag kang maiilang sa amin ha..lalo pa't kami na yung tunay mong pamilya,pangako di ka namin sasaktan dito katulad ng ginagawa sayo ni maica at menard,lalo na yung de paz na yun
Keith:thank you rin po sa inyo papa at mama ,lubos po ang aking kasiyahan kasi akala ko hindi ko na to mararanasan pero grabe triple ang binigay sa akin ni lord na blessing kasi marami na ang nagmamahal sa akin,salamat rin sayo draven(sabay tingin sa akin)kung hindi tayo nagkita nun sa gabing yun,baka ngayon wala pa ako dito ..
Ako:ang drama niyo naman,kumain na tayo,teka lang papa(tiningnan ko si papa)hindi pa ba nahuhuli yung de paz na yun
Papa:hindi pa anak,pero may alam na kami kung saan siya nagtatago ngayon ,
Mama:wag kayong mag alala mga anak,di titigil yung papa niyo na di mahuli yang de paz na yan,
Ako:eh ,sila maica at menard
Papa:habang buhay na sila na nakakulong,di na sila makakatakas kahit kailan,
Ako:paano kung makagawa sila ng paraan para makatakas
Papa:impossible mangyari yun draven
Febbie:bakit tito ?
Lola:oo nga jazz ,may point yung apo ko,paano nga kung makatakas silang dalawa ,lalo pa't napakalaki ang kasalanan ni maica dun sa pagnakaw niya kay keith nung baby pa siya
Papa:basta,magtiwala kayo sa akin,malakas kaya to,hehehe.
Naniniwala naman ako sa kakayahan ni papa pero ayoko ng mapanatag pa ,baka kasi biglang mag higanti yung tatlong yung sa amin,baka sa susunod di na ako mabuhay,pag magkataon ,
Maya maya ay natapos na kaming kumain ,,magkaiba kami ng kwarto ni keith,grabe parang bata tong si keith,kung umasta di pa rin maka move on na magkapatid kami,bwesit !! nakaka inis na yung pagka mabait niya na parang inosente ,tsk ! buti di ako gumaya sa kanya..
Heto nandito siya sa kwarto ko ..
Keith:sino ba ang mas matanda sa atin,sabi ni mama ako raw ang unang lumabas,hehehe
Ako:di na yun imporante ang mahalaga pareho tayong nabuhay,di ka pa ba matutulog,ako kasi inaantok na ako..
Keith:hehehe,ang hot mo naman ngayon brother,hehehe,sige matutulog na rin ako ..
Ako:brother ,wag mo nga akong tawagin ng ganyan,
Keith:eh ! bakit ano gusto mo sister ,hahaha
Ako:may pagka siraulo ka rin pala ,akala ko seryoso kang tao,hehehe,sige na umalis ka na ,matutulog na ako ..
Ng biglang tumabi sa akin si keith at inagaw niya yung kumot ko .
Ako:ano ba may kwarto ka,dun ka matulog di ako sanay na may katabi ako..
Keith:ngayon lang naman kuya eh ,hehehe,tabi na tayong matulog,hehehe
Ako:bahala ka ,basta wag kang malikot ,kundi ihuhulog kita sa kama ko
Keith:(sabay yakap sa akin)opo kuya,hehehe,
Ako:(inalis ko yung pagkakayakap niya sa akin)ano ba ,wag mo nga akong tawagin ng ganyan,sasapakin na kita
Keith:eh,anu ang itatawag ko sayo ,hehehe
Ako:TOL !! Yun ang itawag mo,bakla ka ba kieth ?
Keith:whahahaha, ako bakla ,whahaha !
bakla pinagsasabi mo ,ganito lang ako sweet,hehehe,sige tol matulog na tayo,grabe para talaga akong nananalamin,hehehe
Ako:buti naman,wag kang pabakla bakla diyan,sayang yung kapogian natin,sige na matulog na tayo ..
Keith:hehehe ..
Ayun natulog na kami,masaya rin naman ako na nandito na si keith,pero ewan ko mas gusto ko na ako lang ang nandito sa bahay.
Itutuloy.