DRAVEN's POV:
Nagulat ako sa sinabi lahat ng panget na de paz na to ,eh ! ano naman kung nahalata na nila na nagpanggap kami ni keith at ano raw magkambal kami ng keith na to ,nagpapatawa ba sila at pati rin si keith ,sumasali sa kabaliwan nila,mga siraulo ! kaya sinigawan ko siya at nagalit ako.
Ako:alam mo ,wala akong pakialam kung nahalata niyo na ako ,kasi wala na akong magagawa nun at higit sa lahat wala rin akong pakialam sa atraso sayo ng tatay ko ,baka malaki lang talaga ang kasalanan mo kaya nagawa yun sayo ng tatay ko ,pasalamat ka nga di ako gumaya sa tatay ko na maging pulis kasi baka matagal ka ng nasa lupa nabubulok ,oo nga pala matagal na palang bulok yang mukha mo.
Nakita ko sila menard pati yung mga kasamahan niya pinipigil yung tawa nila kaya bigla akong sinapak ng malakas ni de paz .
Keith:ninong !!(sigaw niya)
De paz:manang mana ka talaga sa tatay mong pakialamero ,gusto muna talagang matahimik ano ! (galit niyang sabi sa akin)
Ako:bago mo ako patahimikin ,siguraduhin mo lang na ipaayos mo yang mukha mo kasi kawawa naman yung mga uod at mga bulate ,imbis na gaganahan sila sa pagkain diyan sa mukha mo,masusuka pa sila at higit sa lahat wala akong pakialam kung kakambal ko yang si keith kasi matagal ng patay yung kambal ko ,maliwanag !
Di na natiis ni de paz ang kanyang galit sa akin,nilabas na niya yung baril niya at kaagad na tinutok sa noo ko .
Keith:ninong ,please !! Wag mong idadamay si draven ,ninong ..(pagmamakaawa niya kay de paz)
De paz:talagang sinasagad mo yung pasensya ko bata(galit niyang sambit sa akin) imbis na bukas pa kita papatayin ,baka ngayon na kita patayin tutal nasa akin na tong diamonds na to kaya maari na kitang patahimikin,si keith di ko muna siya papatayin kasi malaki pa ang ambag niya sa buhay ko .
Tiningnan ko ng masama tong de paz na to .
Ako:ang dami mo pang satsat ,kanina pa ako naiinip ,iputok muna yan sa mukha ko wala namang saysay tong buhay ko bilisan mo !(sinigawan ko siya)
Biglang may lumapit kay de paz na isa sa kanyang tauhan .
Troy:boss ,dehado tayo ,nandiyan yung mga pulis kasama sila reyes at sila ramos.
De paz:Ano !!! Bakit sila nakapunta dito ,lintik !!!!
Ako:nakalimutan niyo na yata na detective yung tatay ko ,baka nahanap niya sa gps ko kung nasaan ako ,o di kaya nagsumbong yung kaibigan mong ABM dun sa museum ,mga bobo ! tsk ! kaya palaging naiisahan .haysssttt...
Nagulat ako ng bigla akong sakalin sa leeg ng de paz na to.
De paz:kanina ka pa ,papatayin na talaga kita ,hayop ka !!
Nagulat ako ng biglang nagpaputok ng baril si de paz dito sa may dibdib ko ,sa may puso kaagad akong nawalan ng malay .
After ilang oras ..
Kaagad kung minulat ang mga mata ko ,nagulat ako kasi puro mga ulap yung nakikita ko ,teka patay na ba ako ? halos ako lang ang nandito ,kaagad akong tumayo at hinawakan ko ang dibdib ko ,wala itong sugat,teka nasaan ako ,patay na ba ako ,kung ganun bakit ako lang ang nandito ,nasaan sila san pedro at jesus ,alam ko langit to kasi puro ulap ang nandito at mga mapuputi .
Habang naglalakad ako ,di ko alam kung saan ako patungo ay biglang may tumawag sa pangalan ko.
Clark:draven ? Draven ?
Pangalawang beses niyang tinawag pangalan ko kaya bigla akong lumingon at nagulat ako sa nakita ko,parang nakita ko na siya ,teka yung nasa picture sa kwarto ni mama ,siya yung tinutukoy ni mama na first love niya si clark camarines lumapit siya sa akin habang gulat na gulat ako sa kanya.
Clark:draven,hindi mo pa oras ,hindi ka pa pwedeng mamatay kasi balang araw ikaw ang papalapit sa tatay mo (hinawakan niya yung balikat ko)
Ako:ano pong ibig niyong sabihin at kilala ko po kayo ,diba ikaw si clark ?
Clark:balang araw malalaman mo at oo ako nga si clark buti kilala mo ako.
Ako:kung iniisip niyo na magiging pulis ako ,sorry pero di yun ang gusto ko.
Clark:oo di yun ang gusto mo pero wala kang magagawa kundi gustuhin mo yun.
Ako:bahala na pero ano po yung connection niyo kina de paz at yung maica na yun.
Clark:dati kung ka grupo si de paz at si maica kapatid ko ,galit na galit si maica sa mga magulang mo draven dahil kasi kina sab at jazz ay namatay ako yun ang akala niya pero di yun totoo ako ang may gusto na mamatay ako ,kaya draven dapat magising ka na kasi apat na araw ka ng di nagigising ..
Pagkasabi nun ni clark ay nagulat ako ,grabe yun pala yung dahilan kung bakit ,so totoo nga pala na kambal ko si keith kasi ninakaw siya ni maica at ano apat na araw na akong natutulog sa ospital ,impossible ! bakit ngayon lang ako nanaginip na nandito ako sa langit.
Clark:nagulat ka kasi di ka naniniwala na apat na araw ka ng tulog ,kasi draven nakakulong ka pa sa hukuman ng mga espiritu ,kung bubuhayin ka pa ba o hindi na .
Ako:so ano mabubuhay pa ako ?
Clark:sa tingin mo,kaya nga ako ang nandito diba para ituwid mo yung mga pagkakamali ng lahat,sige draven kailangan munang bumalik sa katawan mo basta wag na wag ka ng magiging pasaway sa mga magulang mo lalo na sa mama mo .
Pagkatapos nun ay bigla akong nakarinig ng iyak ni mama at lola
Mama:jazz ,huhuhu ! ayokong mawalan ulit ng anak ,huhuhu ! bumalik nga si danver pero mawawala naman sa atin si draven,huhuhu ! jazz di ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko (iyak siya ng iyak )
Lola:lord ,please !! Wag niyo po munang kunin yung apo ko ,napakabata niya pa po ,please ! Huhuhu !
Kaya ayun dahan dahan kung binuksan ang mga mata ko at dahan dahan kung ginalaw yung mga kamay ko,kaagad na lumapit sa akin sila mama.
Mama:draven(sabay pahid ng kanyang luha) draven ,thank you lord nagising ka na rin sa wakas ,nandito lang si mama ,okey ! wag ka munang gagalaw .
Papa:draven,anak kamusta ? thank you at lumaban ka ,sorry anak nahuli si papa sa pagligtas sa inyo ng kambal mo.
Lola:draven apo ko ,,thank you lord ,thank you binuhay mo yung apo ko ,draven magpahinga ka muna okey .
Febbie:motmot ,
magpahinga ka ha at magpalakas ,tinakot mo kami ,alam mo ba ,huhuhu !
Keith:draven ,masaya kami at nagkamalay ka na rin ,magpalakas ka nandito lang kami ..
Balak ko sanang magsalita pero hindi ko pa kaya ,masakit pa rin yung sugat ko sa dibdib ,naka oxygen pa ako ,grabe di ko alam bigla na lang tumulo yung luha ko,masaya ako kasi nandito sila lahat lalo na sila papa at mama ,ngayon ko lang na appreciate at naramdaman na may concern pala sila sa akin ,pati rin si keith,akala ko talaga patay na yung kakambal ko ..
Makalipas ang tatlong araw ay medyo okey na rin ako,nakakasalita na ako at nagagalaw ko na lahat ng katawan ko pero nandito pa rin ako sa ospital ,bukas na raw yung pag discharge sa akin ..
Nakikita ko sa mga mata nila mama at papa na masayang masaya na sila lalo pa't nandito na si keith ,nagbago na rin yung pakikitungo ni papa sa akin ewan ko ,parang totoo yata yung sinabi ni clark sa akin na di na ako magiging pasaway kasi alam niya na yata na nagbago na sila mama at papa.
Mama:anak ,si arianne muna yung magbabantay sayo dito ,kasi papasok muna ako sa trabaho ko,okey lang ba sayo ..
Oo nga pala si mama lang pala ang nandito ,kasi nasa trabaho si papa ,si keith ayun pumasok sa klase ,dun pa rin siya nag aaral sa pinapasukan niya ,si lola naman ayun busy sa simbahan ,si febbie may meeting sa organization niya raw ,kaya
Ako:bakit po si arianne yung magbabantay sa akin,kahit wala ng magbantay sa akin,kaya ko na to ma .
Mama:draven ,si arianne ang nagsabi na babantayan ka niya kasi ngayon lang siya magpapakita sayo .
Ako:bakit ma ?hinahanap ko ba yung panget na yun,assuming naman niya ,wala akong pakialam kung di siya magpakita .
Mama:draven,behave ka na okey ,sige na ,papunta na dito si arianne .
Ako:haysstt ! nga pala ma ,di mo pa sinasabi sa akin kung anong nangyari kina de paz at maica pati yung menard na yun.
Mama:bukas ko na sasabihin sayo lahat lahat draven,basta magpagaling ka muna diyan,sige alis na ako ,nagtext na si arianne na nandito na siya ..
Ako:hay naku !! seryoso ka talaga ma ,tsk ! kainis naman oh ..
Ayun biglang dumating si arianne ,may dala siyang mga pagkain at naamoy ko yung burger na may bacon yung favorite ko ..
Grabe talaga tong si arianne napaka old fashion yung mga suot,tsk ! yung buhok niya ang kalat kalat pa ,bwesit !!
Mama:alis na ako draven at arrianne ikaw na bahala kay draven .
Arrianne:yes po tita (ngiti niyang sabi kay mama)
Kaagad na umalis si mama at hinalikan niya ako sa pisngi ,nilapag na ni arianne yung mga pagkain,kinuha niya yung bacon burger at binigay sa akin.
Ako:di pa ako nagugutom ,pwede ba lumayo ka nga ng kunti wag mo akong lalapitan,tsk..(pagsusungit kung sabi sa kanya)
Arianne:okey .(binalik niya yung burger sa plastic )okey ka na ba ?
Ako:seryoso ba yang tanong mo at nagpapatawa ka ba? sa tingin mo magiging okey ako kung ganyang itsura ang makikita ko ,dun ka na nga sa gilid wag mo akong kakausapin .
Kaagad akong humiga at pinikit ko yung mga mata ko
Arianne:okey ,sabihin mo lang kung may kailangan ka ,dito lang ako sa gilid .
Ayun wala kaming kibuan ni arianne ,tanging nakatutok lang ako sa phone ko,grabe tong mga kaibigan ko ,nalungkot talaga sila na nagising pa ako,bwesit !! Lalo na tong si macky , si sam ano kaya nangyari sa kanya bakit di siya nagpakita sa akin o bumisita man lang wala siyang paramdam .
Maya maya ay bigla akong nakaramdam ng gutom ,kaagad akong bumangon at di ko na inistorbo pa si panget ,parang natutulog yata siya kaya kahit nahihirapan pa akong tumayo at pinilit kung tumayo para kunin yung pagkain ,pero nung kukunin ko na yung pagkain ay bigla akong nawalan ng balanse akala ko matutumba na ako buti sinalo kaagad ako ng panget na to ,nagkalapit pa tuloy yung mga mukha namin,as in malapit talaga,nagka eye to eye pa kami.
Arianne:okey ka lang ba ? bakit di mo ako tinawag ? ako na ang kukuwa ,halika bumalik ka na sa higaan mo.
Ako:ano ba bitawan mo nga ako(tinulak ko siya pero mahina lang) kaya ko ang sarili ko ,hindi ako baldado ,maliwanag ba ! tang ina !!
Ayun kinuha ko pa rin yung pagkain sa mesa,,buti nakuwa ko rin
Ako:ano !! Sabi ko sayo kaya ko (pagsusungit kung sabi kay arianne)
Heto bumalik na ako sa higaan ko at binuksan ko yung laman ng pagkain at pagtingin ko ,grabe ang sarap naman nito ,napa smile ako sa nakita ko kasi favorite ko lang naman yung kakainin ko ngayon yun ay ang dalawang burger steak at spaghetti ,syempre may kanin na.
Arianne:alam ko yan ang favorite mo,buti na lang nagustuhan mo .
Ako:paano mo nalaman ?
Arianne:sabi sa akin ng mama mo
Ako:okey ..
Ayun nagsimula na akong kumain ,grabe ang sarap talaga hehehe !
Maya maya ay natapos na rin akong kumain at mag gagabi na pero wala pa rin sila mama at papa pati si keith ,lalo na si febbie ,tinawagan ko si mama
Ring.ring.
Mama:hello anak ,sorry di muna kami makakapunta diyan ng papa mo,aayusin ko pa kasi tong report ko .
Ako:si papa
Mama:meron siyang report na kailangan tapusin rin,si keith naman ay nandun pa siya sa kanyang school ,mag sleep over sila dun ,si febbie ay ganun din .
Ako:hayssstt. ! sige bukas na lang ..kainis !
Mama:nandiyan naman si arianne,siya muna ang magbabantay sayo ..
Ako:sige na ..bye !
Ayun binaba ko na yung linya at nakita ko si panget na nakatingin sa akin
Ako:anong tinitingin tingin mo ! may gusto ka ba sa akin ?(galit kung sabi sa kanya)
Arianne:wala ,bakit masama bang tumingin
Ako:oo lalo pa't kasing sama mo yung tumitingin kainis sa lahat ng makakasama ko dito ikaw pa ! tsk !
Arianne:gusto mo umalis ako
Ako:mabuti pa nga ..
Kaagad akong humiga at tinalikuran ko si arianne,7 pm pa lang ng gabi pero biglang nawalan ng ilaw ,napaka dilim
Ako:hoy ! Panget,buksan mo yung ilaw,tang ina ka !!
Ni wala manlang sumagot at ayun bumukas na yung ilaw pero namatay ulit ito,hanggang sa nag bukas ulit ito at namatay ,paulit ulit kaya kaagad akong bumangon at nakita ko na wala na dito si panget ,ewan ko nakaramdam ako ng takot,teka may multo ba dito,eh ! 7 pm palang ng gabi,ang aga naman nilang magparamdam .
Ako:hoy ! pwede ba wag mo akong pagtripan ,sisirain mo pa yung ilaw .
Ng biglang bumukas yung pinto pero pagtingin ko walang tao ,kaagad akong natakot ,bwesit !!
Ako:hoy !! Arianne ,nasaan ka na ,bumalik ka na dito ,hoy !(sigaw ko habang natatakot ako)
Bigla na namang namatay yung ilaw at kaagad na nagsara yung pinto,kaya kaagad akong nagtago sa kumot ko.
Ako:arianne ,hoy ! nasaan ka na ba ,siraulo ka ! bwesit !! kung sino ka mang multo ka ,umalis ka na ,iba na lang ang guluhin mo ,tarantado ka !!
Ng marinig ko ulit na bumukas yung pinto ayun takot na takot na naman ako,tang ina !! Ano ba tong ginagawa ko para akong bata nito eh ! ng biglang may humawak sa akin at kaagad akong sumigaw na.
Ako:lumayo ka na sa akin, tang ina ka !!
Arianne:anong nangyayari sayo ?
Narinig ko yung boses ni arianne at kaagad kung tinanggal yung kumot ko at ewan ko bigla kung niyakap si arianne ,takot na takot ako eh !
Ako:pwede ba ,wag muna akong iiwan dito,bwesit ka !!mamamatay ako sa takot .
Arianne:diba pinaalis mo ako tapos ngayon sasabihan mo ako ng ganyan,ano bang nangyari ? narinig ko kasi na tinawag mo pangalan ko .
Kaagad kung inalis ang pagkakayakap ko kay arianne at tinalikuran ko siya,walangya bakit ko siya niyakap ,bwesit talaga .
Ako:basta diyan ka lang,wag kang aalis diyan ka lang,okey ..
Arianne:di naman talaga ako aalis ,may kinuha lang ako sa labas,sige magpahinga ka na para ka diyang nakakita ng multo ..
Ako:(tiningnan ko siya)nang aasar ka ba o nang iinis,teka nga baka ikaw yung gumawa nun sa akin ! para gumanti ka sa akin.
Arianne:ano bang pinagsasabi mo ,,di ko gawain na gumanti ,so nakakita ka nga ng multo ?
Ako:umamin ka nga,ikaw ba talaga yun ..
Arianne:hindi nga,ang kulit neto..
Ng bigla akong makarinig ng malakas na tawa sa labas at nakita ko si macky ,tawa ng tawa ganun din sila rocky at drake.
Macky:whahahaha ,grabe pare ,whahaha ,may phobia ka pala sa multo,whahaha
Rocky:hahaha ! ang sweet nga eh ! may payakap yakap pa siya,hahaha
Drake:sayang di ka natuluyan pare,hahaha
Ewan ko natameme na lang ako sa nakita ko,mga bwesit talaga tong mga kaibigan ko ,kahit kailan ..
Ako:masaya na kayo ,,pasalamat kayo na may sugat pa ako kundi kanina ko pa kayo sinapak ,mga tarantado (inis kung sabi sa kanila)
Lumapit na sila sa akin ,lumayo kaagad si arianne at umupo sa gilid
Macky:kamusta ka na pare,hehehe,balita ko nagkakamabutihan na kayo ni arianne ,hahaha
Rocky:balita ko nga sila na ,hahaha
Drake:akala ko ba yung mga type mo ay katulad ni samantha,hahaha
Biglang tumayo si arianne
Arianne:draven,alis muna ako ,nandiyan naman yung mga kaibigan mo .
Ako:(tiningnan ko si arianne at nagalit ako sa kanya)diba sabi ko na dito ka lang ,saan ka pupunta ?
Arianne:magpapahangin lang ako sa labas
Ako:bakit di ka pa ba nalalamigan dito sa loob,eh ! May aircon naman dito ha !
Macky:baka gusto niya ng fresh air galing sa kalikasan,hahaha
Ako:tumahimik na nga kayo ,ang iingay niyo..
Drake:wow ,pinagtatanggol ni mr.varsity player si miss lonely girl,hahaha
Arianne:sige alis na ako ,balik na lang ako mamaya.
Ayun umalis na si arianne na malungkot yung mukha .
Rocky:bakit ganyan yang mukha mo pare,hahaha
Ako:mga siraulo kayo,kanina pa ba kayo nandito.
Macky:uhmmm ! sakto lang yung paglabas kanina ni arianne ,hahaha,grabe yung takot mo pare,hahaha
Ako:pwede ba ,
Rocky:okey ! nga pala pare kamusta ka na ? alam mo ba simula nung bumalik si keith dun sa school nila ay hinahangaan na siya dun,hehehe,dahil sayo .
Drake:grabe totoo mo palang kambal si keith,so paano na yan pare,tiyak mauunahan ka ng kakambal mo kay samantha
Ako:di ko gusto si sam ,tumahimik kayo diyan
Macky:ano ba guys ,iba na yung taste niya sa chicks,hahaha ,mga exotic na yung gusto niya,hahaha
Ako:di ko rin type yung arianne na yun,mga siraulo kayo !
Rocky:so bakit mahigpit yung yakap mo kanina sa kanya,hahaha,with feelings pa,whahaha
Ako:bahala kayo diyan,
Macky:hahahaha,maiba tayo pare,alam mo ba na hindi pa nahuhuli ng erpat mo si de paz,tanging si menard lang yung nahuli nila ,
Ako:talaga ? ,nakatakas na naman yung maligno na yun,bwesit !!
Itutuloy.