Chereads / Kaliwa, Kanan / Chapter 23 - Kabanata 21

Chapter 23 - Kabanata 21

SINUNTOK ni Roger si Oscar dahil sasaksakin siya nito. Napaatras naman si Oscar dahil sa lakas ng puwersang pinakawalan ni Roger. Galit na galit ito dahil sa ginawang pagpaslang sa kanyang mga anak na sobrang ikinadurog ng kanyang puso.

"Tangina mo Oscar! Bakit mo ginawa 'to akala ko ba magkaibigan tayo?" Sigaw ni Roger.

Tila walang naririnig si Oscar dahil para itong sinaniban ng masamang espiritu at kahit anong suntok sa kanya ay hindi ito nagpapatinag.

"Pasensya na P're trabaho lang! Ayoko kasi ng sagabal sa plano ni Boss kaya mas mapapanatag ako kung pati ikaw itutumba ko na rin."

Tumawa iyon at lumapit muli para saksakin si Roger, napalunok na lamang si Roger at hinintay ang paglapit ng traydor na kaibigan.

"Totoo nga ang sinabi ni Madam! Ikaw nga 'yung traydor sa grupo. Wala kang kwentang kasamahan, hindi kita mapapatawad hayop ka! Pati mga anak ko dinamay mo!"

Itutusok muli ni Oscar ang hawak na patalim ngunit hindi ito nagtagumpay. Sinanggi ni Roger ang kamay nito at nabitawan ni Oscar ang hawak na patalim. Agad na sinipa niya iyon at tumalsik sa ibaba ng hagdanan.

"Hindi kita mapapatawad! Magsasama tayo sa impyerno!"

Malakas na suntok muli ang ginawa ni Roger at naging sanhi iyon para pumutok ang labi ni Oscar.

"Maria!" Sigaw ni Roger ngunit katahimikan lamang ang bumungad sa kanya.

"Sinong tinatawag mo? Asawa ko? Wala na ang asawa ko pinatay ko na rin."

Hindi lubos akalain ni Roger na pati ang sarili nitong asawa ay nagawa niyang patayin, marahil nadatnan nito si Oscar na isinasabit ang katawan ng mga bata sa kisame at akmang isusumbong na niya iyon sa mga pulis ay agad itong iniumpog sa pader at naging sanhi iyon ng pagdurugo ng utak ni Maria.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit mo 'to ginagawa?" Sigaw ni Roger.

"Hindi mo alam ang buong pangyayari kaya kailangan mo nang manahimik!

Sinipa ni Oscar ang tiyan ni Roger at napangiwi iyon sa sakit. Hindi ito makakilos at tumumba sa sahig. Tumingin ito sa mga nakalambitin na anak at puno ng pagsisisi ang kanyang nararamdaman.

"Sana pala hindi ko na lang kayo iniwan," sambit ni Roger habang tumutulo ang kanyang luha.

"Hindi ko nga lubos akalain na ako ang lalapitan mo simula noong nag-away kayo ng asawa mo e, kasi alam mo sa totoo lang, natutuwa ako na ikaw na mismo ang lumapit sa akin para mas mapadali ang trabaho ko," sabi ni Oscar habang papalapit ito kay Roger na kasalukuyang nakahiga sa sahig at hindi makakilos ng maayos.

Tinapakan nito ang tiyan ni Roger at malakas na diin ang kanyang ginawa, sumuka iyon ng dugo at ano mang-oras ay susuko na ang nanginginig nitong katawan.

"Itinuring kitang kaibigan, pero bakit ito ang isinukli mo sa akin?" Mahinang sabi ni Roger.

"Kasalanan mo na 'yon kasi nagtiwala ka sa akin, sa tingin mo ba hindi ko alam kung ano ang mga binabalak niyo ni Madam Claudia? Puwes nagkakamali ka! Alam ni Boss ang lahat ng mga binabalak niyo at sigurado akong pati 'yang Amo mong balimbing ay kasama mo sa hukay!"

Magkakasunod na putok ng baril ang umalingaw sa loob ng bahay at bumagsak ang katawan ni Oscar. Butas ang likod niyon at halos maligo sa sariling dugo. Hindi alam ni Roger kung sino ang bumaril na iyon dahil malabo na ang kanyang paningin.

Lingid sa kaalaman ni Oscar ay sumunod si Madam Claudia kay Roger dahil may nag-ulat sa kanya na alam na ni Mansalta ang lahat ng pinaplano niya.

"Una pa lang duda na ako sa'yong hayop ka!" Sabi ni Madam Claudia kay Oscar na kasalukuyang naghahabol ng hininga.

Tinapakan nito ang dibdib ni Oscar gamit ang sapatos na may matulis na takong. Lumubog iyon sa dibdib ng kawawang lalaki at napahiyaw iyon sa tindi ng sakit. Ikinasa naman nito ang hawak na baril at itinutok iyon sa noon ni Oscar.

"Kung naging tapat ka lang sana sa akin hindi tayo aabot sa puntong ito."

Kinalabit nito ang gatilyo ng baril at tumama ang bala niyon sa noo ni Oscar. Tuluyan na itong nawalan ng buhay at naliligo sa sariling dugo. Tumingin naman si Madam Claudia sa dalawang batang naka-sabit at napakagat ito sa kanyang ibabang labi.

"Madam?" Mahinang sambit ni Roger.

Dumako naman ang tingin nito kay Roger kaya agad niya iyong nilapitan at inalalayan na tumayo.

"Madam! 'Yung mga anak ko!"

Humagulgol na parang bata si Roger dahil sa labis na pangungulila, walang sakit ang makakatumbas sa kanyang nararamdaman.

"Kunin mo na ang mga anak mo, bibigyan ko sila ng maayos na himlayan."

Dahan-dahang lumapit si Roger sa kinaroroonan ng mga anak at isa-isang pinutol ang makapal na lubid na nakapulupot sa leeg ng mga ito.

Bakas sa mga leeg nito ang higpit ng pagkakatali at pasa.

Bitbit ni Roger ang mga anak at inilagay sa loob ng Van at sinundan nito si Madam Claudia. Nakita niyang may mga parating na mga pulis kaya naman agad na humarurot ito ng takbo.

"Ikaw ang may kasalanan nito Mansalta! Magbabayad ka," sabi ni Roger sa kanyang isip.

Tumingin ito sa salamin at nakita niya ang repleksyon ng mga nakapikit na anak. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag kay Jimena ang lahat ng nangyari. Hinihiling niya na sana panaginip lang ang lahat dahil ayaw niyang mawala ang kanyang minamahal na mga anak.

Bumaba ng sasakyan si Madam Claudia at may kinausap itong babae sa isang pribadong libingan upang doon ilagak ang bangkay ng dalawang bata. Ilang minuto rin ang itinagal ng usapan at pumayag din naman ang may-ari nito.

Sumenyas ito kay Roger upang ilabas na ang mga bata sa loob upang maasikaso ng mga tauhan sa loob ng sementeryo.

"Huwag kang mag-alala, sinabihan ko na sila na 'Wag muna magpapapasok ng ibang dadalaw hanggang matapos ang tatlong araw na palugit. Maaaring bumisita ang mga ka-anak mo o maging ang asawa mo para sa huling pagkakataon." Paliwanag ni Madam Claudia.

Pinagmamasdan na lamang ni Roger ang mga walang buhay na anak at ipinasok iyon sa loob ng isang kwarto para ayusan at ilagay sa loob ng kabaong.

"Nakikiramay ako sa pagkawala ng mga anak mo," sabi ni Madam Claudia.

Hindi naman agad na kumibo si Roger dahil wala ito sa sarili at malalim ang iniisip.

"Ayoko na Madam, gusto ko na malagay sa tahimik 'yung buhay ko. Ayoko na!"

Nagulat ito sa sinabi ni Roger, at lumapit at hinawakan ang pisngi nito.

"Isipin mo na lang na dalawa nating laban ito! 'Di ba galit ka rin kay Mansalta? Kung ikaw ay titiwalag sa akin, sa tingin mo ba ay titigilan ka na niya?"

Napaisip ito sa sinabi ng kanyang Amo, alam niyang hindi maganda ang mangyayari sa kanya ngunit nilalamon na siya ng kanyang konsensya. Iniisip niya na ito na ang kabayaran ng buhay na kinuha niya.

"Pag-isipan mo mabuti 'yan, ikaw rin ang kawawa bandang huli. Ayoko lang na may malagas ulit sa mga tauhan ko."

Naiwan na mag-isa si Roger nang umalis ang kanyang Amo, sumakay muli iyon sa sasakyan at lumabas ng sementeryo. Kailangan niyang pag-isipan mabuti ang gagawin niyang pagtiwalag dahil malaki rin ang magiging epekto sa kanya ng gagawin niyang pasiya kung sakaling magkamali siya.

Kinuha niya ang kanyang telepono at hinanap ang pangalan ng kanyang asawa, gusto na niyang pindutin at tawagan iyon ngunit nagdadalawang isip siya. Siguradong sa kanya isisisi ang nangyaring pagkamatay ng mga bata at tiyak na kamumuhian siya nito.

"Pagod na pagod na ako, hindi ko na alam kung ano pa bang silbi ko rito sa mundong ibabaw, ayoko na! Gusto ko ng mamatay." Mangiyak-ngiyak na sabi nito habang nakahawak sa kanyang ulo.

Dumilim ang langit at may kahalong kulog at kidlat. Maya-maya pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Iyon ang pangyayari na hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Naalala niya ang mga panahon na kalaro pa ang mga anak at labis na naglalambing ang mga iyon sa kanya ngunit sa isang iglap lamang ay napalitan ng malamig at malagim na pangyayari ang lahat.

Kinuha niya ang sigarilyo sa kanyang bulsa at hinithit. Mariing ipinikit ang mga mata at hinawakan ang kwintas na binili para sa mga anak.

"Patawad mga anak."

"Patawarin n'yo si Tatay."

Tumulo ang luha nito sa dalawang kwintas na hawak at may disenyo ng kalahating buwan.

Huminga ng malalim si Roger bago niya inilagay muli sa kanyang bulsa ang mga kwintas na kanyang hawak.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas ng ulan, inaabangan niya ang paglabas ng dalawang kabaong na ilalagay sa isang chapel sa loob.

Sa pagkakataong iyon ay naglakas-loob na siyang tawagan ang asawa at sabihin ang nangyari. Malulutong na mura at sermon ang natanggap niya kay Jimena, mas naapektuhan iyon sa pagkawala ng mga bata dahil iyon ang nag-luwal at nag-aruga hanggang sa lumaki ang mga iyon. Ngunit lahat ay nawala, mga pangako at pangarap ay tila isang bula na napunta sa initan at nawala ng walang nakakaalam kung paano naglaho. Hindi na kailan man maibabalik ang nangyari na at ang mga karanasan nila sa buhay ay mananatiling alaala na lamang at magsisilbing aral na upang magpatuloy sa agos ng buhay.