Chereads / He's the One / Chapter 2 - Chapter 02

Chapter 2 - Chapter 02

Happy Reading LAR!😘

🎶🎧🎷

•just a normal day•

"Best, let's go! Miss ko na yung Baby ko!" Aya ko kay natalie Ng matapos kaming mag-ayos Ng gamit galing sa P.E kanina

Masaya kaming nag lakad habang nagkekwentuhan. Malapit lng naman sa school namin ang pupuntahan namin eh.

"Hi sir!!" Sabay naming bati sa instructor namin na si Sir. tacorda.

"Hmm" tumango lng sya samin, strikto Kasi Yan, pero nakikisama Naman.

Naglakad kami papasok may mga nakakasalubong kaming bandmate namin, nakipagbatian lng kami at nag log-in ng time in saka dumeretso sa nakahilerang cabinet at binuksan ang Isa dun.

"WAH! HI BABY!!!" Masaya kong bati sa Instrument ko, OO! INSTRUMENT YUNG BABY KO! WAHAHA!

"Natalie! Ayusin mo na yung uupuan natin, ako na mag dadala ng Stand at Clear File" nakangiti na utos ko sa bestfriend ko, inirapan nya lng ako at nakangiting kumuha Ng upuan at inayus iyun sa harap Ng maliit na stage.

Nakangiti kong inaSemble yung Instrumento ko, altosaxophone.

Hmm! Ng matapos akong mag-assemble excited akong kumuha ng Music Stand, habang nakasabit sa leeg ko ang SAX ko. Kumuha din ako ng clear file namin na may lamang notes.

Binigyan kami ni sir Ng sampung minuto para mag scaling, Exercise Ng lips, at Ng fingers.

Tumaas ang dalawang kamay ni sir, hudyat na matatae na ako(charot!)Nag prepare na kami,hinawakan nanamin ng maayos ang Instrumento namin,para anytime na mag bilang si sir, ready na kami.

" 1, 2, 3, 4 "

Nagsimula na kami tumugtog, habang si sir ay nasa harap naming lahat nag bebeat sya gamit ang kamay. masayang tumugtog, Lalo nat ang una naming pinapractice ngayun ay "Color of the Wind" hmm! One of my favorite song!

Pinakapaborito kong part sa "colors of the wind" ay yung part namin! Melody kami nyan! Nyehe!

Ng dumating na sa part na kami ng lahat ng AltoSaxophonist yung Melody, napahele nalang kami sa sarili namin, feel na feel namin yung tugtug! Mas gaganda ang tugtug pag galing sa puso mo.. opo. Minsan napapapikit pa ako pag umaabot sa mataas na nota yung tutugtugin namin.

Ng umabot kami sa chorus, mas ginanahan kami, parang magiging rock kasi ng slight yung drummer kaya mas ginaganahan kami, tas may part na mag sosolo yung Quintom. Ansarap sa pandinig! Hmm! Yung pag beat ng paa namin, minsan sabay sabay minsan Hindi, Kasi may mga newmembers kami na di pa masyadong nakakasabay pero okay lng, dun din naman kasi kami dati galing eh.

Dahil strikto ang Instructor namin, nahpaulit-ulit kami sa ibang kanta pag may mga Mali kaming madami. Di namn Kasi maiiwasan yan, di naman Kasi kami sobraaang galing, pero,hmm, kahit professional kana at sobrang galing, di mo maiiwasan magkamali, nasa buhay Nayan ng pag tugtug, di mawawala ang pagkakamali, like  our 'life' ahuh!

Dahil 4:50 nagsimula ang aming practice natapos kami ng 5:40.

Madami kaming close sa band, Hindi man lahat, pero parang lahat natalaga, HAHA! Friendly ko noh?!

Nag-ayos lng kami ng instrument, pinusan ng alcohol at pinag-hiwalayhiwalay yung mgapart at ibinalik iyun sa itim na box, at saka ko pinasok sa cabinet,ganun din ang ginawa Nila Natalie at ang mga iba naming kabanda. Nang matapos ay bumaba nakami.

"Taro tayo!!" Sigaw ng isang bandmate ko na si Alvin.

Sinang-ayunan naman sya ng iba naming Kabanda.

"Wel!" Sigaw ko.

"Ano?"

"Taro tayo?" Tanong ko SA kuya ko. oo! Kuya ko! Pag sa school parang di kami nyan magkakilala haha! Di kami nagpapansinan.

"Bahala ka!" Parang naiirita na nyang asik sakin.

Dahil Sabi nya 'BAHAL AKO' okay! Sama ako mag taro!

Parang hulahulaan lng Kasi kami nyan, mafefeel ko kung pwede Kami magtaro/tambay o hindi. Nasa Panget na nyang mukha Yan kung ayaw nya. Dahil Alam ko na sasama din sya, edi sasama ako! Ayaw ko maglakad pauwi ng mag Isa uy! Masyado akong maganda! Charot! Sanay na kasi akong kasama ko maglakad pauwi si Jimuel (di ko Yan tinatawag na kayu hehe) Sabi Kasi ni dad— ' not going there ivy'

Pagkausap ko sarili ko.

Basta ayaw nila momshie na umuuwi kami ng mag-isa, masyado daw maganda yung lahi namin baka marape daw kami o di Kaya ma disgrasya. Mahangin talaga si momshie eh noh?

Nakasanayan nanamin ang magchillchill, haha, I mean, mag pahinga sa tarohan, malayo-layo ng kaunti yun sa bahay namin.

Nakasanayan namin na after mag practice tatambay kami dun, maglalakad lng kami papunta doon, imbis 20 minutes lng yung paglalakad namin aabot yan ng 1 hour dahil mag chichika-chika ganern, o maghihinay hinay mag lakad, kanya kanya kami ng gropo nyan, haha! May nauuna Kasi at may nahuhuli maglakad, depende nalang sayo Kung saan ka.

Minsan sumasama samin si sir magtambay, minsan manglilibre pa sya, nyehehe! Yung ibang bandmate naman namin after magpractice deretso uwi, o di Kaya mag hihintay ng sundo.

Depende kung gusto nilag sumama samin, pag madaming gustong tumambay, tatambay kami, pag kunyare Lima o anim lng ang payag, deretso nalang uwi, dahil di naman masaya pag unti lng kami.

"Anty Maribel!" Sabay naming sigaw ng bestfriend ko ng nasa harap na kami ng dimaliit di din kalakihang Sari-sari store ni antii.

"Hel-lo" may accent pang Ani anty Maribel.

Tumaas ako sa semento na apakan sa harap ng tindahan no anty.

"Sino mag chochocolate?" Tanong ko sa kabanda ko, madalas kasing ako yung mag bibilang ng bibilin para di malito si anty.

"Sino mag tataro?" Rinig kong tanong din ng Isa kong kabandmate na taga rito na si Nikki, classmate sya ng kuya kong si Jimuel. Sila nikki yung nagsama saamin dto, Kaya nakasanayan nanamin, dahil masarap yung shake nila anty.

"Ako"

"Meee"

"Chocolate akin"

Nagsilapitan na yung iba saakin para ibigay saakin yung mga bayad nila.

"Tig-20 na chocolate saakin iv" lumapit saakin yung Isa kong bandmate. Kinuha ko lng yung pera nya, tinatandaan ko Kung Ilan yung bibili ng tig-20 at tig-10.

"Wala na? Ito na lahat?"  Tanong ko.

"Oo"

"Yeah"

Tumaas din si Nikki sa tabi ko at nag bilang din.

Pumasok kami sa loob, welcome na welcome kami dto eh!haha! Mapagkakatiwalaan kaya kami, ishh!

"Sampung chocolates na tig te-ten anty at isang tig-20 anty" Ani ko ng makapasok kami, nilagay ko sa pahaba na sementong lalagyan ng mga garapon yung pera habang nag susuma.

Ng matapos kming magbayad, pumasok kami sa balkonahe ni anty, diba?! May tiwala samin si anty, hihi!

NagHintay lng kami dun, hanggang sumigaw si anty na nashake na nya yung iba, yung iba naman na ordernamin Hindi pa kaya nag hintay pa kami hanggang matapos lahat.

May ibang  nag-order ng fishballs, mga chitcherya, at french fries, etc.

Chocolate shake lng akin tig-10 100 lng naman Kasi yung baon ko, pati Kay kuya. Kasama na Dyan yung recess namin, at Kung Wala si Kuya waren ay mag cocommute kami papuntang school, at Kung ano ano man bibilin namin, pero dahil naglalakad lng kami papuntang band at papuntang tarohan may tira kami Kaya nakakabili kami ng taro at chocolate shake.

Habang tumatambay sa balkonahe, umiinom ako ng shake, ganun din yung iba, kumakain din sla at umiinom nga shakes.

Nagkwentuhan lng kami nagtawanan hanggang matapos lahat uminom at kumain.

Dahil 5:40pm kami nagsimulang maglakad kanina papunta dto, at 6:10pm Kami naka-dating dto, 7:50 nakami uuwi.

"Babyee!!" Paalan ng iba naming bandmate.

"Bye best!" Sabay naming sigaw ni Natalie lie.

"Bye kambals!" Paalam ko din sa magkambal na bandmate ko

Kanya kanya na kami ng dereksyon pauwi, maglalakad lng kami ni Jimuel/kuya kahit Gabi na at madilim.

Ayaw din naman namin ng nagpapasundo sa driver namin. Kaya naman namin, at nakakatuwa namang maglakad.

Dumaan kami sa shortcut na minsan dinadaanan namin.

Tahimik lng kami ni Jimuel/kuya habang naglalakad hanggang makarating kami sa bahay.

Itutuloy••••