Zaiya's Pov
"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyong sambit ng babae.
"Nandito ako para humingi ng tawad. Alam kong mali ang ginawa ko kaya pinagsisisihan ko." ani ng lalaki habang nakayuko.
Alam mo naman palang mali ba't ginawa mo pa?
"Ha!" singhal ng babae at napaiwas ng tingin "Ang kapal din ng mukha mong mag sorry sakin?! Kung makipag landian ka nga parang wala kang girlfriend!" inis na sigaw ng babae at akmang tatalikuran ang lalaki nang hablutin ng lalaki ang kamay nito.
"Hindi totoo yan by! Siya ang lumapit sa'kin!" nag mamakaawang iyak ng lalaki.
By? Bybitawan kalang niyan. Haha!
Mas lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko dahil sa eksena doon sa palabas kaya agad kong kinuha ang remote sa ibabaw ng lamesa tyaka pinatay ang TV.
Kapag binalikan mo 'yon, tanga ka!
"Anong mukha nanaman yan? Ang aga aga nakabusangot ka?" Salubong na sambit sakin ni Freya nang abutan niya ako sa living room.
Hindi ko siya sinagot at dumeretso sa kusina para kumuha ng tubig. Ramdam ko ang pagsunod niya kaya nanatili nalang ako sa kusina at pinanood siyang maghanda ng agahan.
"Panigurado gutom lang yan. Hintayin mo lang 'tong itlog at hotdog" aniya.
Ang sarap talaga ng may taga luto dito sa bahay. Hindi ako manghihinayang sa katawan ko pag tumaba ako.
Habang nag luluto si Freya ay naisipan kong ako na ang magasikaso ng lamesa para pagtapos maluto ay ayos na lahat.
"Simula ngayon lagi nang tatlo ang ihahain mo na plato ha?" Sabi ni Clark habang yakap yakap ako mula sa likuran.
"Bakit, balak mo na bang tumira dito kasama ko?" Malambing na tanong ko naman sakanya.
"Not now but soon." Sagot naman niya tyaka ako hinalikan sa pisngi.
"Hoy! Bilisan mo mag ayos dahil mainit itong hawak ko!" Sigaw naman ni Shane kaya ako natauhan.
Hawak hawak niya kase yung kawali na nilutuan ng hot dog at itlog. Alam kong mainit yon kaya nataranta akong ayusin ang paglalagyan no'n
"Ito na. Kalma kalang." Sagot ko naman sakanya.
"Hays. Kung sino sino nanaman kase yang iniisip mo." Pailing na saad niya.
Napabuntong hining nalang ako.
Zai, umayos ka. Wag mo na siyang isipin. Masaya na 'yon.
Pilit ko siyang inaalis sa isip ko at tyaka umupo para kumain.
"Bilisan mo jan at mag ayos kana. Dadaan pa tayo sa principal's office bago dumeretso sa designated room natin." paalala niya habang nakaupo sa sofa at ako naman ang nagliligpit ng pinagkainin.
Oo nga pala. First day of class ngayon. 1st year college na kami kaya sobrang kabado ako ngayon. Syempre iba na ang buhay ng isang kolehiyala kaysa sa highschool.
Pagkatapos kong maghugas ay umakyat na ako para mag ayos.
After 123456789 years...
"Ambagal mo kumilos! Bilisan mo nga!" inis na sigaw ko kay Freya habang inaantay siya sa garahe.
"Wag ka ngang sumigaw! Lalo akong natataranta eh!" sigaw niya habang nagmamadaling bumaba ng hagdan
"Tsk!" singhal ko
Kahit kailan napakabagal niyang kumilos inuuna kase ang kaartihan. Mahilig kase siyang mag makeup. Panigurado mas matagal pa ang pagtitig niya sa salamin kaysa sa pagligo niya.
Siya pa 'tong nagsabi na bilisan ko tapos siya papala 'tong mabagal.
Nang makababa siya ay kanya kanya na kameng sakay sa sasakyan at tyaka pinaharurot ito pupuntang school.
Nang makarating kami doon ay talagang namangha kami sa itsura ng eskwelahan. Mas malaki ito sa personal kaysa sa picture.
Naglalakihan ang nga building na merong iba't ibang kulay. Base kase sa description ay nahahati daw sa apat ang student dito. Preschool, elementary, highschool, and college at bawat level ay may designated building.
Nang makarating kame sa parking lot ay agad-agad kameng bumaba pano, kakahanap ng parking lot ay inabot kame ng halos 15 minutes. Kalaki naman kasi ng eskwelahan.
At dahil first day of classes ngayon ay bawal MALATE!
Tumakbo na kame papasok ng campus tyaka hinanap ang principal's office
Bwisit! Pati Principal's office ayaw magpahanap!
"Subukan nating magtanong! Malalate tayo nito eh!" sigaw ko kay Freya.
Kaya nag hiwalay kame at nag hanap ng pwedeng tanungan.
Hanggang sa makakita ako ng estudyante pero mukang may kaganapan don dahil kumpulan sila.
"May napag initan nanaman daw si Paul."
"Nako! Napaka hilig talaga sa away ni Paul."
"Okay lang. Cool naman siya. Pogi pa."
'Yan ang naririnig ko sa paligid. Dahil isa't kalahating chismakers ako ay lumapit ako do'n.
Natanaw ko ang dalawang lalaki na nag sasapakan at ang mga estudyante ay nanonood lang. Pwede ba 'yon dito? Walang umaawat, eh.
Wala naman akong interes sa bugbugan kaya kumalabit nalang ako ng isang estudyante para mag tanong.
"Why are you touching me?! Who the fck are you?!" maarteng tanong niya
Napamaang ako ng 'di oras.
Late na nga dahil sa paghahanap ng Principal office na ayaw magpakita tapos mas malalate pa lalo dahil sa eschoserang froglet na 'to!
Dahil ayaw ko ng away ay hindi ko na sinagot ang tanong niya at tyaka siya tumalikod.
"Hey! I'm still talking to you!" Sigaw niya at marahas na hinila ang braso ko upang magkaharap ulit kami.
Naramdaman ko naman na saamin nabaling ang tingin nung mga taong nakiki isyoso sa bugbugan kanina dahil sa lakas ng boses ng babaeng 'to.
Wag mokong punuin sasamain ka sakin! Takte!
"Remove your filthy hands off me or you'll see hell!" Sigaw ko tyaka marahas na hinila ang braso ko.
Kitang kita sa mata niya ang pagkagulat. Dapat lang! God! First day na first day mahahagard ako!
"How dare you talk to me like that! Don't you know me?!" malakas na sigaw naman niya sakin. Siya pa talaga ang may ganang magalit ha?!
Takte! Wala akong balak kilalanin siya!
"Wala akong balak kilalanin ka kaya kung maaari umalis ka sa dinadaanan dahil ayoko ng pakalat kalat na basura." nagtitimping sagot ko tyaka hinawi ang daanan.
"Argh!" malakas na sigaw niya. Alam kong nag walk out siya. Ako naman ay ngiting tagumpay. Hindi ka uubra sakin. I'm also a bitch.
Doon ako nakaramdam ng hiya ng lingunin ko ang paligid. Lahat sila nakatingin sakin!
"Who's that girl?"
"Tsk! Attention seeker!"
"Baka nag papapansin dahil nandito si Zandro!"
"Malamang! Akala mo naman ay mapapansin! Yuck!"
Sa sobrang hiya ay nakayuko akong naglakad hanggang sa malagpasan ko ang mga tao ng biglang....
*Boogsh!*
Aray!
Atomatiko akong napahawak sa ulo ko dahil sa sakit! Nasa gitna ako ng hallway kaya imposibleng tumama ako sa pader! Ang tigas eh. Grr!
"Matuto ka namang tumingin sa dinadaan kita mo ng may nata--"
Naputol ang sasabihin ko ng makita ko kung ano este sino pala itong nabanga ko.
Isang lalaki pinagmalooban ng napakagwapong mukha at malapad na katawan ang nasa harapan ko ngayon.
Syet! Ang pogi niya!
I wonder who's this pokémon. Bakit kaya hindi pa 'to naka-catch?
Landi mo Zai! Stop it.
"Who are you?" Walang ekspresyon na tanong niya. Hindi agad ako nakasagot dahil nananatili lang akong nakatitig sa asul niyang mata. Nahihipnotized ako.
Ang ganda ng mata niya parang ulap ngunit walang emosyon. Ang cold at sobrang nakakaintimidate kaya agaran akong napaiwas.
"I know that i'm handsome. Everyone already knows that. I'm asking you, who are you?" Tanong niya ulit. Naparolled eyes nalang ako dahil sa kahanginan niya.
Pero wag mong itanggi. Pogi talaga siya.
Magsasalita na sana ako ng biglang may dumating.
Oh my god..
"Bro let--" hindi na niya natuloy ang pagsasalita ng magtapat ang tingin Namin.
What the fck! Tell me, this is not happening.
"L-long time no see, Zai."