Chapter 2 - (2)

Zaiya's POV

"C-clark."

Parang nag slow mo yung paligid. Bumabalik yung mga ala ala naming simula nung nagkakilala kami.

Ganitong ganito 'yon, eh. Slow motion.

Parang biglang nawala yung mga tao sa paligid at kami nalang ang natira.

Nasa harapan ko siya ngayon. The person who broke my heart into pieces.

I don't know what to say or what to do. Sasaktan ko ba siya? Susuntukin? O tatakbo? Ano ba?

"Uhm.. l-long time no see din." Ani ko tyaka ngumiti ng mapait.

It's been a year pero masakit padin. At mas masakit ngayon dahil parang wala lang sakanya yung nangyari noon.

"You know each other?" Tanong naman ni Avatar. Yup, i gave him a nickname. Tutal mahangin naman siya at wala din akong interes sa pangalan niya.

"Yes. Bro let's go to the clinic. Nando'n na din si Paul." Aniya kay Avatar tyaka bumaling sakin.

"See you around Zaiya." Sambit niya at ngumiti ng payak.

Ghad! I really missed his smiles.

Umalis na sila sa harapan ko pero ako nananatili pa ding nakatayo sa pwesto ko.

Ngayon kolang naramdaman na bumalik ang lahat sa dati. Pati na din ang panlalambot ng tuhod ko. Hindi ko alam mararamdaman ko. Should i be happy because finally, we meet again Or should i be sad dahil isang taon na pero confirmed na hindi pa ako nakakamove on?

"Zai! Nahanap kona yung principal's office. Tara na."

Ang sakit. Shit! Gusto kong umiyak.

"Hey, what happen to you?" Nag aalalang tanong ni Freya. Tiningnan ko lang siya tyaka niyakap.

"Zai, are you okay?" Tanong nito at hinihimas yung likod ko.

"Yup, napagod lang ako kakahanap ng Principal's office." Palusot ko sakanya tyaka ngumiti ng peke. Pasalamat nalang ako at hindi na nag tanong pa si Freya.

Agad naman kaming pumunta ng Principal's Office at nagulat ako kung sino ang Principal.

"Tito Harry!" Sigaw ko tyaka niyakap ito.

Business partner siya nila Mom and Dad. Same as Freya.

"Ija! Kayo pala ang mga transferees! It's so good to see you both!" Matamis na ngiting sambit niya samin.

"Kami din Tito. But we don't have enough time to chitchat. Sorry Tito. Kukunin lang namin sched namin." Ani ni Freya tyaka bumeso kay Tito Harry.

"It's okay. Next time nalang tayo magkamustahan. Here! Study well kids." We hug him again then bid goodbyes.

Lumabas na kami at tyaka tiningnan ang sched.

Room 4A

Sa hindi ko malamang dahilan, talagang tinadhana na kami ay malate. Jusko, saan naman namin hahanapin itong room na ito sa pagkalakilaking buiding na 'to.

After few more minutes of hell nakita din namin yung class room namin. Ang bobo pa namin kasi yung 4A pala ay 4th floor room A.

Kumatok kami ng tatlong beses pero walang nag bukas kaya kakatok na sana ulit ako ng biglang may tumulak sakin kaya napa atras ako at muntikan pang makipag halikan sa sahig.

"Aray! Hindi manlang ba marunong mag excuse!" Sigaw ko sa lalaking basta basta nalang nag bukas ng pinto.

Hindi naman ako pinansin nito at pumasok nalang basta basta sa loob.

"Mr. Cordoves! You're late. First day na first day! At hindi kaba marunong kumatok?" Sigaw ng guro na nasa loob.

Buti nga sayo, Avatar. Mayabang ka kasi!

"Actually, the two girls out there just knock 3 times but you didn't open kaya ako na ang nagbukas para sakanila." Paliwanag ni Avatar tyaka dumeretsong umupo sa upuan niya katabi nila-- uhm nevermind.

Papasok nadin sana kami ng mag hand signal si Ma'am na wag muna kaming pumasok.

"Transferees?" Tanong niya.

I just rolled my eyes at nag cross arms.

Hindi ba obvious? Psh!

"Yes, Ma'am." Sagot ni Freya.

"Okay, come in and introduce yourselves."

Pumasok naman kami at tyaka tumayo sa harapan. Si Freya ang unang nagpakilala

"My name is Freya Reyes. 17 years old. Please be nice to me." Nakangiting pakilala niya tyaka umatras. Ibig sabihin ako na ang susunod.

Tumayo naman ako ng diretso at tyaka tumingin sa buong klase. Isa isa ko muna silang tiningnan. Natigil ang tingin ko sa isang lalaking katabi ni Avatar at seryosong nakatingin sakin.

Don't look at me like that Clark, lalo akong nahihirapan.

Iniwas ko agad ang tingin ko at ngumiti.

"Zaiya Maysha is the name, 17 years of age. Nice meeting you all." Pakilala ko naman tyaka tumingin kay Freya at sa guro.

"You may now take your seat."

Umikot naman ang paningin namin para maghanap ng bakanteng upuan at nahinto kami sa pinakalikod.

Sa likod nila Avatar.

No choice kami kaya umupo na kami.

"Now i know why." Tango tangong bulong ni Freya sakin.

"Know what?" Nagtatakang tanong ko naman.

"Why you look so sad earlier. You saw him, right?" Tanong niya. Hindi nalang ako sumagot at umiwas ng tingin. Ayoko munang mag isip dahil mahaba haba pa ang oras ko ngayong araw. Baka hindi ko kayanin.

After an hour...

*Kringgg*

"Please pass your assignment and see you tomorrow." Sambit ng guro tyaka lumabas ng room.

Bwisit na teacher na'to unang araw may assignment? Juskolord.

Agad ko namang hinila si Freya dahil gutom na ako at nakakasuffocate sa loob.

"Aray, Zaiya! Nag aayos pa ako." Sigaw ni Freya habang bitbit ang bag niyang nagkakanda laglag na ang laman.

"Sa cafeteria mo na ayusin 'yan." Sambit ko naman sakanya at tyaka muli siyang hinatak patungong cafeteria.

Pag pasok namin ng cafeteria ay samin napunta ang atensyon ng mga tao sa loob. Wao! Parang naka red carpet lang ah. All eyes are on us.

'Pasabugin ko kayo, eh!'

"She's the clumsy girl kanina."

"Nag papapansin kay Zandro."

"Siya din yung girl na umaway kay Allison."

"Lakas naman ng loob niya. Nilabas niya agad 'yung kasamaan ng ugali niya."

Hanggang ngayon topic padin nila 'yung tapatan namin nung babae with a name of Allison at ang  pagkabangga ko kanina kay Zandro. Hello, bangga lang naman 'yon. Kala mo naman may nangyaring masama sa Avatar na'yon

Hindi ba nila alam ang salitang move on?!

Ikaw nga mismo hindi alam 'yun, eh.

EDIWAO!

Hindi nalang namin pinansin ang usap usapan at humanap nalang ng lamesa.

"Ako na ang pipila. Baka mapag initan ka. Just stay here." Prisinta ni Freya tyaka tumayo at naglakad papalayo.

Pa'no, kung nakakamatay ang tingin, naka burol na ako for sure. Grr. Kakagigil. Dukutin ko mga mata ni'yo, eh!

Hindi nag tagal ay napuno nanaman ng sigawan ang buong cafeteria.

"Hala! Anong ginawa niya?!"

"Hindi ba niya kilala kung sinong binangga niya?!"

"Yari ka kay Zandro."

Meron nanamang pinag kakaguluhan sa may counter area. Hindi ko makita kung sino ang pinagkakaguluhan dahil halos lahat ng tao dito ay nandon at nakiki chismis.

At dahil dakilang chismosa din ako, lumapit ako.

Curious lang ako mga inday.

Nakita ko si Avatar na galit na galit dahil may babaeng nakatapon ng juice sa damit niya. I can't see the face of the girl dahil aligaga niyang pinupunasan yung uniform ni Avatar.

Tatawa na sana ako dahil sa nangyari sakanya kaya lang bigla niyang kinwelyuhan yung babae kaya nakita ko na kung sino 'yong babae.

At isa lang ang nararamdaman ko ngayon.

Galit. Galit na galit ako ngayon.

Si Freya lang naman ang kinwelyuhan niya. Ako nga hindi ko magawa yan sa kanya, eh. Bakla ba siya?!

Hindi ko na namalayan na nasa harapan na pala nila ako at walang emosyong nakatingin kay Avatar.

"Remove your fcking hands off her!" Sigaw ko sakanya pero hindi padin siya natinag. Nginisihan lang niya ako.

"She needs to pay the mess she did to my uniform before i let her go." Malamig na saad nito at tumingin na ng seryoso sakin.

Nag iinit na talaga ang ulo ko. Gusto ko ng sumabog.

"I said take your hands off her!" Sigaw ko ulit at hinawakan ang kamay niya na nakahawak padin sa kwelyo ni Freya at pilit na inaalis ito. Pero hindi din siya nagpatinag.

Matigas ka talaga, ah!

"Zai, stop it. Wag kana makialam. Kasalanan ko naman, eh." Pag pigil sakin ni Freya.

How can i stop?! Hindi ko palalagpasin 'to.

Hindi ko nalang siya pinansin at nakipag laban nalang ng tingin kay Avatar.

"What if i don't want to?" Tanong niya at lalong hinigpitan ang pag kahawak sa kwelyo ni Freya kaya napangiwi ito ng kaunti. Nasasaktan na siya sa pagkakahawak ni Avatar!

That's it! I can't take it anymore. Saktan mo na ako pero wag ang kaibigan ko. Magkamatayan na!

Ngumisi ako ng nakakaloko sakanya kaya medyo nagulat siya pero bumalik din 'yong mukha niya na walang emosyon. Hindi niya inaasahan siguro 'yon. Lalo akong napangisi dahil sa naiisip ko.

Bumitaw ako sa pag kakahawak sa kamay niya at nilipat ito sa balikat niya tyaka siya hinila pababa para mag kapantay kame at tyaka bumulong.

"Hindi ka uubra sakin kahit na sino ka pa. Once you messed with my friend ay ako ang makakalaban mo. Don't worry it's just a warning. At dahil sinira mo ang first day ko---" bitin na saad ko sa kanya tyaka lumayo at nakangisi pading tumitig sakanya "--- you need to pay the debt."

"Oh my god! Baby Zandro!"

"Help him!"

"He's bleeding! Take him to the clinic!"

The next thing he knew ay nakasalampak na siya sa sahig habang hawak ang ilong na dumudugo.

Sinapak ko lang naman siya. At malakas 'yon kaya siguradong mamamaga ang ilong at panga niya.

"Zai! What did you do?! I told you to stop! I can handle myself!" Sigaw sakin ni Freya habang nakahawak sa braso ko at pinipigilan ako sa muling pag sugod.

Hindi pa ako tapos. Hindi pa ako kuntento.

"What?! Sa tingin mo papayag ako ng ganun ganun lang!? And your saying that you can handle it? Ni hindi mo nga napigilan si Avatar eh. Don't get me wrong. Hindi kita minamalit, It's just that i can't see you in this kind of situation na nagpapaapi ka." Mahabang salita ko tyaka bumuntong hininga. Hindi naman na siya nakasagot pa.

Mabait ako sa mabait pero pag galit ako hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko.

Simula nung iniwan ako ni Clark, naging ganito ako. He's the fcking reason why I change! And i hate him for that!

Malapit na kami sa pintuan ng cafeteria ng makasalubong namin si Clark na may kasamang hindi namin kilalang lalaki katabi din ito ni Avatar kanina sa room.

Pamilyar siya...

Aha! Siya yung lalaking nakikipag bugbugan kaninang umaga nung nag hahanap kami ng principal's office.

Lalagpasan ko na sana sila ng hawakan ni Clark ang braso ko at hinarap sakanya.

"Anong ginawa mo?!" Seryosong pagalit na tanong niya sakin.

Galit ba siya dahil sinapak ko ang kaibigan niya? I don't fcking care!

"I just teach him a lesson. Na bakla lang ang pumapatol sa babae." Sagot ko sakanya at marahas na hinila ang braso ko mula sa pag kakahawak niya at umalis na. I was about to open the door ng may sumigaw.

"You will pay for this btch!" Sigaw ni Avatar.

I'm definitely the btch.

I just wave without looking at him.

"I'll wait for it! Alalahanin mo lahat ng sinabi ko." Balik na sigaw ko at tuluyan ng lumabas sa cafeteria.

Hindi manlang kami nakakakain.

Nakasunod padin si Freya sakin na nakayuko padin.

"Let's go to the locker room. Change your clothes. Lukot lukot na, oh."

Lumapit ako sakanya at inayos ang pag kakabutones ng polo niya pati ang kwelyo niya na nakatabingi.

"Hindi ko aakalaing ganito ang first day natin." She said and start crying.

I just hug her tight and pat her back.

Me too. This is my worst first day ever!