Raighn's POV
Nasa byahe na kami ni Jax pauwi sa Manila,ramdam ko yung pagod ng katawan ko and worst di ko nadala yung mga gamot ko, But I know worth it ang pagod na to. Pero na relax naman ako dahil sa 'A Thousand Miles' that was playing while when we're on the road.
Past 10 o'clock na ng makauwe kami ni Jax. Pagkahatid nya sakin nagulat ako ng halikan niya ako sa may pisngi ko and he whisper--
"It was a great day Mi Angel, see you tomorrow."
Tapos umalis na siya non I'll wave on him for a goodbye and everything went black.
Yaya's POV
Lumabas ako ng makarinig ako kumalabog sa may pintuan at ng nakita ko si Lady Raighn na nasa lapag na nakatumba.
"MADAM SI LADY RAIGHN PO!" Sigaw ko dahil sa pag-aalala.
"W-why what happen? My daughter what happen to her bakit sya nakatumba dyan?"
Binuhat ni Sir Adam si Lady Raighn papunta sa kwarto nito at kinabitan ng oxygen.
Kinakabahan ako dahil nabagok si Lady Rhaighn at makaka-apekto yun sa epilepsy niya dahil iyon ang pinaka-iiwasan namin,ang mabagok sya.
And siguro iniisip nyo kung bakit lagi sya kinakabitan ng oxygen palagi pag hinihimatay dahil iyon sa sakit nya sa puso humihinto ang pag tibok ng puso nito pag sobrang pagod at hinihimatay.
Agad namang tinawagan ni Madam si Doctor Sandoval na siyang personal doctor ni Lady Raighn.
Dumating si Doctor Sandoval at chineck ang vitals nito ang sabi nito ay---
"Mr. and Mrs. Xunchette alam ko na gusto ng anak nyo na mabuhay ng normal pero hindi ito nakakabuti sa kanya. At dapat lagi nitong dala ang gamot nya. And if magpapatuloy ang sitwasyon ni Raighn baka mawala sya sa inyo ng maaga and idagdag pa yung pagka bagok nya it will make things worst." paliwag ng doctor.
"Oh my God! No, Adam I don't want that to happen."mangiyak ngiyak na sambit ni Madam.
"That won't happen, I promise."sagot ni Sir dito. "Doc, thank you for your time." baling niya sa doktor.
"No problem Mr. Xunchette. Just call me if something happens to Raighn."paalam nito.
"Of course doc, thank you so much." pasalamat ni Sir." Ya, pakihatid si Doc sa labas." sabi nito sakin.
Iginiya ko si Doc palabas ng kwarto ni Lady Raighn.
"Ikaw ba ang yaya ni Raighn?" tanong sakin ng doctor.
"Ah opo doc, bakit ho?"nagtataka kong tanong.
"I just want to tell you na dapat lagi naiinom ni Raighn ang mga gamot niya. Don't make her skip her medicines dahil makakasama iyun." Paliwanag ng doktor sakin habang nakangiti.
"Opo doc, ako po bahala." sabi ko naman.
"Thank you, please let me know asap kung may mangyari kay Raighn." paalam nito muli nang nasa gate na kami.
"Oho doc, salamat ho"sabi ko muli.
Sana maging ayos lang si Lady Raighn.
JL's POV
It was monday already, ang bilis ng araw. Parang kahapon lang Friday tapos saturday and sunday tapos lunes na naman.Hayst!
I'm here na sa school, dahil takot ako malate. Hinihintay ko nalang ang boys dahil papunta palang daw sila, di kami nakapagsabay ni Troy dahil galing pa siya kila Raighn.
"Hi babe." bati sakin nito.
"Oh, nandito ka na pala." Sabi ko kay Troy.
"Yeah, wala pa naman traffic eh, maaga pa." Sagot niya.
"Ahhh. How's Raighn? Is she ok?" Tanong ko dito ng pabulong baka kasi may makarin--" naputol ang sasabihin ko ng bigla sumulpot si Jax.
"What happen to Raighn?" tanong nito.
"Ah wala naman, sumama lang ang pakiramdam niya." Sagot ko agad.
"Why? Ano bang ginawa niya? I texted her last saturday pagkauwi ko nung nahatid ko na siya pero hindi siya sumasagot." Sabi ni Jax.
"I don't know, di pa din kami naguusap eh, ang alam ko lang masama pakiramdam niya sabi ni Tita sakin."
"Ahhh ok. Maybe I can visit her later." sasagot pa sana ako kay Jax ng biglang pumasok ang teacher namin.
"Let him be babe, I know sooner or later malalaman niya din." Sabi sakin ni Troy.
He shouldn't know about Raighn's condition, di magugustuhan ni Raighn yun.
Jax's POV
Last subject na for today, pupunta pa ko kay Raighn.
"Hey bro, chill. Matatapos na din ang klase." Sabi ni Troy sakin. Napansin niya siguro na kanina ko pa tinititigan ang wall clock namin sa ibabaw ng board.
"Ang tagal eh." simpleng sagot ko sakanya at tinawanan lang ako ng mahina ng walang hiyang to.
After a couple of minutes," Ok class see you tomorrow." sa wakas nagpaalam na ang teacher.
"Guys mauna na ako ah" paalam ko kay Troy at JL.
"Ah sige sige, Kita nalang tayo doon mamaya." Sabi ni JL.
"Ok sige,ingat kayo."
I ran to my car and drove. Bibili muna ako ng pagkain para kay Raighn.
I was driving when I saw a fruit stand, I decided to buy some, I know it can help Raighn to feel better.
Pagkatapos ko mamili at dumiretso na ako sakanila.
Kakatok palang sana ako sa pintuan ng bigla itong bumukas.
"Ay sir Jax" sabi ni manang.
"Ay hello po manang" Bati ko sakanya.
"Ano po kailangan niyo sir?"
"Dadalawin ko po sana si Raighn Manang, nanjan po ba siya?"
"Ay opo sir, nasa kwarto niya kaso wala po dito sila Madam baka po mapagalitan ako."
"Ay ganun po ba? Sandali lang naman po ako eh. Ibibigay ko lang po ito kay Raighn, mga prutas." sabi ko dito para payagan ako makapasok.
"Ah ganun po ba sir, sandali po tatawagin ko lang ang yaya ni Lady Raighn pasasamahan ko ho kayo." sabi nito at pinatuloy ako sa sala ng bahay habang tinawag naman niya ang yaya ni Raighn.
"Sir kayo ho ba ang bibisita kay Lady Raighn?"sabi ng babaeng mukang bata pa.
"Ako nga." simpleng sagot mo.
"Tara po sir." sabi niya and she lead the way to Raighn's room.
Nasa tapat na kami ng room niya.
"Lady Raighn."tawag niya at kumatok ng tatlong beses.
"Yes?"sagot ng babae mula sa loob.
"May bisita po kayo."sabi niya.
"Sige papasukin mo" sagot ni Raighn.
"Pasok na po kayo sir, paalala lang po bawal mapagod si Lady Raighn."paalala ni yaya sakin.
"Ok, thank you."
Pumasok na ko sa loob at nakita ko siyang nakaupo sa maliit niyang table sa gilid ng kwarto niya malapit sa veranda.
"Raighn."tawag ko sakanya.
"J-Jax? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Dinadalaw ka? I heard from JL that you're sick so i decided to visit you."
"Ahm. An-Ano p-pa-pang sabi ni JL sayo?"
"Wala naman, narinig ko lang kasi na kinakamusta ka niya kay Troy at nasabi niyang may sakit ka nga."
"Ah ganun ba? Salamat ah."
"No problem. Btw, I brought fruits for you."sabi ko at inilapag ang plastic ng prutas sa lamesa.
"Thank you Jax."
"Welcome as always" sabi ko at ngumiti. Nagkwentuhan lang kaming dalawa habang hinihintay si JL at Troy.
"Raighn, I texted you last saturday nung nakauwi na ko pero di ka sumagot."sabi ko sakanya.
"Ah iyun ba? Ano kasi eh, nakatulog na ako agad. Di ko na narinig ang phone ko." Sabi niya naman.
"Ah ganun ba, but It's alright." sagot ko.
"Jax" tawag niya sakin.
"What?"
"Pwede mo ba ako samahan maglakad sa garden?" tanong niya.
"Oo naman. Tara?" aya ko sakanya. Akmang tatayo na siya nang bigla siyang napaupo muli.
"Raighn! What happened?"t anong ko pero di siya sumasagot. "Kaya mo ba? Wag na kaya tayo bumaba?" sabi ko.
"I-I-I'm ok Jax, don't worry." sabi niya.
"Dito nalang tayo sa kwarto mo, baka mapano ka pa pagbumaba tayo eh."sabi ko sakanya.
"Si-sige. hintayin nalang natin sila JL."
Inalalayan ko siya papunta sa kama niya para makahiga siya.
"What are you feeling? Tawagin ko yaya mo?"
"No, I'm fine medyo nahilo lang ako. Ipapahinga ko lang to sandali."sabi niya.
"Are you sure? Wag ka mahiya magsabi"pagaalala king sabi sakanya.
"Thank you Jax."
"Sige na, pahinga ka muna. I'll stay here, gisingin nalang kita pag nandto na sila JL."sabi ko.
"Ok."sabi niya at umayos na ng higa para maging komportable siya. Inayos ko ang comforter niya dahil medyo malamig sa kwarto dahil sa aircon.
Kinuha ko naman ang kaninang inuupuan ko para makaupo ako sa gilid ng kama niya at para kung may kailangan siya ay malapit lang ako.
"Ahm Jax?"baling niya sakin.
"Ano yun?" tanong ko. "Do you need anything?"
"Pwede pakuha ng water sa ref.? May mini ref ako, Just walk straight heading sa cr tapos may door sa open space jan sa left nandun ang mini ref ko. Please" sabi niya.
"Ok, wait." tumayo ako at sinunod ang sinabi niya.
"Here." sabi ko,at inunom niya ang bottled water.
"Di ako inaantok Jax."sabi niya sakin, pagkaabot ng bote.
"Ganun ba, gusto mo ng oranges? Ipagbabalat kita."
"Is it ok?"
"Of course, anything for you Mi Angel." kumuha ako ng orange mula sa plastic at sinimulang balatan ito.
"Here, eat this." at inabot ko sakanya ang nabalatan na. Naubos niya ang dalawamg oranges at wala pa din sila JL.
"Jax, I want to sleep, just wake me up pag nandito na sila Troy."sabi niya.
"Ok, I'll wait for them. You can sleep." sabi ko. At inayos ang comforter niya.
Minutes passed at nakatulog na siya, I also feel sleepy kaya naman ipinatong ko ang ulo ko sa gilld ng kama. At di ko namalayan na nakatulog na nga ako.