Chereads / Chasing Her Smile / Chapter 2 - Alcantara Family

Chapter 2 - Alcantara Family

Ang nakaraang isang linggo

Nagmamadali akong umuwi ng probinsya dahil naaksidente ang tatay ko habang sya ay nasa trabaho "Ma, andito na po ako nasan po si Papa?"

Iyak ng iyak ang nanay ko habang nakaupo sa may lobby ng hospital at niyakap niya akong agad "Rica!!! Ang Papa mo..."

"Ma, kumalma muna kayo ayokong pati kayo eh magkasakit rin tandaan niyo may sakit kayo sa puso."

"Sorry anak, pero anong gagawin natin? Kailangan natin ng malaking pera para sa operasyon ng tatay mo. Dahil sa truck na naka bungo sa kaniya comatose sya ngayon."

Iyak ng iyak si Mama at hindi ko rin alam kung saan kami kukuha ng malaking halaga ng pera. Sweldo ko sasapat lang sa pang gamot ni mama at sa mga iba pa naming mga pangangailangan. Isa nalang ang naiisip kong paraan.

"Ma..."

"Anak, pumunta ang mga Alcantara sa bahay nung nakaraan."

"Ma! Wag na wag niyong ibebenta ang bukid mahal na mahal yun nila Lolo at Lola."

"Pero sila na ang may sabi kung kinakailangan ibenta ang bukid ibebenta raw nila para sa papa mo."

"Hindi Ma! Hindi po ako papayag na ibenta sa mga Alcantara ang lupain nila Lolo at Lola."

May biglang sumingit na isang lalaki sa usapan namin ni mama "Subalit, nakapirma na ang grandparents mo so, sa mga Alcantara na ang lupain niyo."

"Attorney?" Ang sambit ni Mama pag lingon namin.

"Ma sino siya?"

Iniabot sa akin nung attorney yung kaniyang kanang kamay at nag pakilala "Ako si Atty. Nicdao ang abogado ng pamilya Alcantara ."

Nakipagkamay naman ako sa kaniya bilang pag galang "Ako po si Ricailee anak po ako..."

Hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil bigla nitong pinutol ang pagsasalita ko "I know you and your whole family."

Hinila ko sa isang gilid si Mama at bumulong "Mapagkakatiwalaan po ba yan Ma? Mukha syang arogante gaya ng mga Alcantara."

"Matagal na syang nagpupunta sa bahay para pilitin ang lolo at lola mo na ibenta na ang lupaing ating sinasaka."

"Ano po? Bakit wala po akong alam sa ganyan?"

"Hindi na namin sinabi sayo dahil hindi naman namin talaga balak ibenta ang lupa ngunit..."

"Excuse Mrs. and Ms. nais ko lang ipaalam sa inyo na bayad na ang hospital bills niyo." Ang sabi nung attorney kaya nagulat naman kami ni Mama.

"Ano? Lahat?"

Malaking pera raw ang gagamitin para sa operasyon ni Papa at matagal na gamutan kasi may ilang buto ang na dislocate sa katawan ni Papa at hanggang ngayon ay wala pa syang malay.

"Lahat ay bayad na dahil sa lupang ibinenta ni Mr. and Mrs. Villamor na nagkakahalagang 2Million."

"Ano? Hindi maaari limang ektarya ang pag mamayari ng lolo at lola ko tapos 2Million lang? No way! Tatawag kami ng abogado namin hindi ako papayag na ganon lang ang ibabayad niyo sa grandparents ko!"

"Rica..."

"No way Ma! Akala ata ng mga ito porket nasa probinsya wala ng alam kaya naloloko nila ang mga mamayan dito sa Barrio De Espenzo pero hindi ako papayag na ganun lang ang halaga ng lupain ng Lolo at Lola ko!!!"

"Oh really?" Ang sambit nung abogado.

"Yes! At alam ko rin na kaya niyo binibili ang mga lupain dito para gawing tapunan ng mga waste galing sa factory ng mga Alcantara. Kaya mag sasampa ako ng kaso!"

"Matapang ka, baka hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo mga Alcantara sila at wala silang hindi nakukuha kapag ginusto nila."

"Wala akong pakialam! Kahit sila pa ang pinakamayaman sa bansang ito!"

Hindi ko alam kung bakit ako nagtatakbo papalabas ng hospital at sa kasamaang palad may epal akong nakabanggaan "Ano ba? Bulag ka ba? O sadyang tatanga tanga ka lang?!"

"Sorry po hindi ko po sinasadya."

Humingi ako ng tawad sa lalaking nakabanggaan ko at nung una hindi ko akalain na si Chase pala yon.

"Sorry? Huh! Did you know how expensive my coat is?"

Hindi ko inaasahang itatapon niya sakin ang dala-dala niyang ice coffee americano. Bakit alam ko na ice coffee americano yung itinapon sakin? Dahil I once worked at coffee shop ng friend ko nung nag aaral palang ako ng kolehiyo kaya alam ko ang lahat about sa kape.

"Kawawa naman yung babae."

Sabi ng mga chismosang mga bisita ng mga pasyente sa hospital at parati namang ganon ang mga pinoy may makita lang na kakaiba pag uusapan na agad. Tapos malalaman na ng buong nayon. Madalas pa nga kung sino pa mismo yung topic sila pa yung walang alam sa mga usap-usapan dahil may dagdag at bawas na yung kumalat na kwento tungkol sa taong topic sa kwentuhan.

"Sir, marami na pong nakaka kita sa inyo kapag nalaman na naman ito ng daddy niyo mapapagalitan na naman niya kayo."

Bakit kapag mayaman parati nalang may secretary o assistant na kasama hindi ba sila marunong mag sarili ng kanilang to do list or something? Ang tatamad talaga! Kaya di na umasenso ang bansang ito dahil napaka daming tamad!

"Get that girl. I want her."

"Sa— Sandali lang! Saan niyo ko dadalhin? Mahirap lang kami hindi kayo mababayaran ng ransom ng mga magulang ko. Bitawan niyo ko!!!"

"Patahimikin niyo yan!"

"Yes Sir." Ang sabi nung mga kalalakihang kala mo mga MIB o Men In Black na para namang mga bouncer dahil ang lalaki ng katawan nila kaya nung dinakip nila ako ni hindi man lang ako makapalag sa pagkakahawak nila sakin ang malala pa nilagyan nila ng tape ang bibig ko.

Pero ang ipinagtataka ko ni hindi man lang ako tinulungan ng security guard don sa mismong hospital at kahit ang mga taong naroroon sa loob ay di man lang ako tulungan kahit na nakita naman nila akong kinidnap.

Ano ba talaga ang nangyayari? Sa sobrang taranta ko nga nalimutan kong halos lahat ng nasa lugar namin na mga establishment ay sa mga Alcantara kaya siguro walang pakialam ang mga tao sakin dahil takot sila sa mga ito.

"Sir, eto na po ang ward ng lalaking nasagasaan ng truck."

Bakit sila nandito sa ward ng tatay ko? Ano naman kayang binabalak ng isang ito.

"Sir, papasok po ba kayo?"

"No need where's my dad?"

"Nasa mansion na po Sir."

"That's good lets go."

"Okay po. A... Ahm... ano po ang gusto niyong gawin sa babae?"

***

Lumingon si Chase kay Ricai at lumapit "bihisan niyo sya ngayon din."

"Sir?"

Nag pupumiglas itong si Ricai pero hindi sya makapagsalita dahil may tape ang bibig niya at hawak naman sya ng dalawang lalaki "lets play a game." Ang sabi ni Chase na para bang may masamang binabalak kay Ricai.

At makalipas nga ang isang oras ng pag aayos kay Ricai natapos ito sa santong paspasan pinatulog nila ito para hindi mag tangkang tumakas at nung nagising sya sobrang ganda ng transformation niya.

"Ma'am gising na po." Ang sabi ng isang staff na babae sa salon.

"Mmm... nasan ako?"

"Andito po kayo sa salon dinala po kayo dito ni Sir Chase."

Nalimutan na nga ni Ricai na kinidnap nga pala sya ni Chase dahil hindi niya alam na pinatulog sya ng mga ito.

"I need to escape!"

Tumayo agad itong si Ricai "Ahm... Madam..." ang sabi nung staff na babae.

"Sorry but... hindi kita mababayaran ngayon ilista mo muna babalik ako bukas pangako! Pero wag na wag mong sasabihin dun sa mga nag dala sakin dito na babalik ako bukas. Okay?"

"Pe— Pero Madam..."

Nag madali na ngang lumabas si Ricai ng salon pero hindi niya inaasahan na maraming bantay palang guard ni Chase doon "get her!" Ang sabi nung assistant ni Chase na si Belj na sya ring kasama kanina nung nasa hospital pa sila.

"Get away from me!!!"

"Sorry Miss pero kailangan niyo pong sumama samin."

"Saan niyo ko dadalhin?!!! Tulong!!! Tulungan niyo ko kinikidnap nila ako."

Sigaw ng sigaw si Ricai pero walang pakialam yung ibang nakakarinig at nakakakita at yung iba naman ay ang buong akala ay may shooting para sa isang movie or series na nagaganap at isa sa nga sa cast itong si Ricai.

Nang makarating sa isang close van doon may dalawang babae na nag ayos kay Ricai binihisan sya ng mga ito at ng matapos dinala sya sa mansion ng mga Alcantara kung saan nakatira si Chase at ang pamilya nito.

"Miss, maaari na po kayong bumaba pero paalala lang oras na tumakas kayo lalong magagalit si Sir Chase sa inyo. Sundin niyo lang ang usapan at walang mangyayaring masama sayo at sa pamilya niyo."

Hinila ni Ricai ang necktie nitong si Belj papalapit sa kaniya sa galit "sabihin mo sa boss mong psycho hindi niya ako madidiktahan dahil hindi lahat kaya niyang bilhin ng pera! Naiintindihan mo?!"

"Ye— Yes Miss."

Ricai let go Belj with force "lead the way!"

"O— Opo sumunod kayo Miss."

Inis na inis si Ricai kay Chase kahit na sobrang ganda ng kasuotan niyang one sided off shoulder na blue floral ang design na above the knee pa ang skirt nito at nakaagaw sya ng atensyon ng karamihan hindi lang dahil sa taglay niyang ganda kung hindi dahil sya lang naman ang date ng sikat na hunk chef na si Chase sa 75th birthday party ng lolo nito.

"Not bad, di ko akalain ang isang probinsyanang gaya mo ay may tinatagong ganda." Ang pabulong bulong na panunukso ni Chase kay Ricai.

"Psychopath!"

"YOU!!!!"

Galit na galit itong si Chase kay Ricai at balak niya pa sana itong sampalin ng biglang nag announce ang Daddy nitong si Fernan na 53years old na mag papakasal ito sa step mom niyang si Eulla na 23years old palang at matanda pa sya dito ng 3years.

"Sir, gagawin na po ba natin ang plano?" Ang sabi naman ni Belj kay Chase.

"Hindi muna, gaya ng inaasahan ko kukunin ni Daddy ang pagkakataon na ito para sa kanila ng kabet niya."

Chase clenching his fist furiously and he dragged Ricai sa unahan para mag announce rin "What the hell are you doing? Lemme go, you psycho!"

"Manahimik ka kung ayaw mong lumaki ang utang ng pamilya mo sa pamilya ko! Tandaan mo simula sa araw na ito ay sa akin ka na!"

Chase held Ricai's right hand with too much of his force "Chase sinong babae na naman yang kasama mo?!" Ang sabi ng daddy nya.

"Huh! Sinong babae? Bakit daddy yang papakasalan mo kilala mo ba yan ng lubusan?"

"PAK!"

Ang lakas ng pagkakasampal ni Fernan kay Chase at ang birthday party na maingay at masaya ay biglang na balot ng katahimikan "wala ka ng galang! Pati ang kaarawan ng lolo mo sinira mo!"

"Huh! Look who's talking."

"IKAW!!!"

Nakiawat naman agad itong si Eulla "Fernan tama na. Chase, ako ng humihingi ng sorry para sa daddy mo."

Pumalakpak si Chase na para bang may halong pang aasar "Wow, what a perfect wife saying sorry of what her husband doing. Ang galing talaga ng acting pang professional."

"CHASE!!! Sumosobra ka na!" Ang galit na galit na sambit ni Fernan at balak niya sanang pag buhatang muli ng kamay ang anak niya pero napatigil ito dahil may biglang sumigaw "ANG CHAIRMAN NA HIMATAY!!!"

Nagka gulo na at mabilis namang naitakbo si Chairman Arnulfo sa hospital at sumunod namang agad si Chase dahil laking lolo sya kaya sobra itong nag alala "doc, anong lagay ni Pa'pa?" Ang nag aalalang sambit ni Fernan.

"Ayos naman ang Chairman pero ang sakit niya sa liver ay lumalala na. Kaya kailangan na natin syang maoperahan pero sa edad niya baka magkaroon pa ng ibang komplikayon at ang malala pa baka ikamatay nya ito. Kaya pag isipan niyong mabuti kung ooperahan pa ang chairman pero wag kayong mag alala dahil gagawin namin lahat ng aming makakaya para mailigtas sya."