Habang kumakain may naramdaman akong nakatitig sa akin agad kong pinalibot ang paningin ko sa paligid pero wala akong makitang kahina-hinala.Nakaramdam ako Ng matinding kaba.
"Ayos ka lang?"agad akong napatingin kay Kyle,tumango ako bilang sagot.
"Kilala mo ba kung sino yung katabi mo Alex?"biglang tanong ni Pauleen.
"Hindi,ang alam ko lang Drake ang pangalan niya.At hindi ako interesado kung sino man siya."walang ganang sagot ko
"Seryoso hindi mo siya kilala?!sabagay bago ka palang dito"Coleen
Sinabi nang hindi ko kilala eh psh!Wala rin akong balak alamin kung sino man yan.
Pagkatapos kumain dumiretso na kami sa room at saktong papasok naman yung lecturer.
Discuss
Discuss
Discuss
Dismissal
Nag-aayos ako ng gamit ko ng nagpaalam na sa akin yung kambal at si Claire at sumunod naman si Josh at Kyle.Napatingin ako sa katabi kong natutulog,hindi pa ba to uuwi?tinapik ko siya sa balikat niya pero di pa siya nagigising.
"Huy!gising na uwian na!"sabay tapik ko pa sa balikat niya.Pero ungol lang ang naging sagot niya sakin.
Bahala siya diyan.Naglakad nalang ako palabas at dumiretso sa guidance office para kunin ang iniwan kong maleta kanina dahil late na ako. Hinanap ko ang magiging room ko.
Nahanap ko naman kaagad ang room ko,kakatok na sana ako ng saktong bumukas ang pinto at nagulat pa ako dahil si Claire Ang nagbukas ng pinto.
"O my gosh,girls ka roommate natin si Alex!"sabi pa niya at tumili,lumabas naman kaagad yung kambal at kinuha agad yung mga maleta ko sabay hila sakin papasok.
Pagpasok ko sa magiging room ko, pero para sakin bahay na yun kung tawagin dahil may sariling kitchen at dining area.Pumasok naman kami sa unang kwarto may dalawang queen size bed siya at may sariling CR at closet ganon din sa kabilang kwarto.
"Ako ang magiging roommate mo Alex, isn't that fun hahahaha"sabi ni Pauleen sabay tawa pa niya.
"Dito yung bed mo Alex"Pauleen
"Doon naman ang closet mo"sabay turo sa magiging closet ko.
"Thank you,buti kayo yung mga naging ka housemate ko hehehe" sabay tawa ko pa.
"Ayusin mo na muna yung mga damit mo bibili lang kami ng dinner natin,tinatamad ako mag luto eh atsaka wala pang grocery" Claire
Tumango ako at hinila ang maleta ko papalapit sa closet ko.Habang nag-aayos ako nagpamusic nalang ako para di ako maboring.
Pagkatapos ko mag-ayos bumalik naman sila dala ang dinner namin.
Dinner
Kakatapos lang namin mag dinner at ako na ang nagligpit ng kinainan namin,nagpaalam narin yung kambal na sila na mauna gumaamit ng CR at susunod nalang kami ni Claire.Humiga muna ako sa kama ko at tumingin sa kisame.
"Alex"napabaling ako kay Claire na nakahiga na rin sa kama niya at nakatingin sakin na ikinagulat ko.
"H-hmm?"
"Mag-iingat ka sa school na to" kinabahan ako sa sinabi niya,nahalata niya siguro na kinabahan ako sa sinabi niya kaya tumawa siya"I mean mag-ingat ka sa mga bullies,marami kasi dito ang ganun lalo na si Chloe at yung mga kasama niya"
"Bakit?sino ba si Chloe?"takang tanong ko.
"Si Chloe kasi yung bully dito as in wala siyang sinasanto,kahit sino binubully niya kahit teacher pa yan palibhasa kasi politicians ang parents niya kaya ganon ang ugali niya. Mababait naman ang parents niya pero bakit ganon ang ugali non? "mahabang paliwanag pa niya.
"Basta kung makakabangga mo man sila wag mo silang papansinin.Kasi ang mga binubully nila yung mga transferees"dagdag pa niya
"Sige"nagpaalam naman na siya na pupunta na siya sa room nila ni Coleen.Kinuha ko ang towel ko at damit pang tulog at pumunta na sa CR para makaligo.Kakatapos ko lang maligo,pinatuyo ko muna ang buhok ko bago matulog.
Nagising ako sa alarm clock na nasa tabi ng kama ko,bago ako tumayo nagdasal muna ako.Bumangon ako at tumingin sa katabi kong kama, natutulog pa.Naglakad na ako papuntang CR para makaligo na.
Pagkatapos kong maligo,nagpalit na rin ako ng uniform ko at lumabas na ng kwarto.Pagkapasok ko palang ng kitchen kumuha na ako ng bread at nilagay sa toaster at nagtimpla ng kape.
"Good morning!aga mo gumising ah?" napatingin naman ako kay Coleen at ngumiti.
"Good morning din!nasanay na kasi akong maaga gumising"sagot ko
"Kaya pala 6:24 palang nakaligo ka na"tumawa nalang ako.
--------------------------------------------------
Drake's POV
"Dre!balita ko may bago daw kayong kaklase?!"napatingin ako sa pinsan kong si Ryan
"Hmm"
"Maganda ba?"kumunot ang noo ko sa tanong niya 'tsk,tsk,tsk' babaero .
"Oo,pero mas maganda parin si Chloe"sagot ko
Ngumisi naman ako kay Chloe na halatang kinikilig.
"I have an idea!"biglang singit ni Eugene.
"Ano?!siguraduhin mong maganda yan!"Ryan.
Alam kong hindi maganda ang plano ni Eugene kaya umalis nalang ako. Kumapit naman kaagad si Chloe sa braso ko at sabay na kaming naglakad, girlfriend ko si Chloe at magiging fiance ko na siya pero hindi ko siya gusto dahil ang daddy ko lang naman ang nagplano ng lahat ng ito. Nagiging sweet lang ako sa kanya kasi alam kong pinababantayan kami ni dad.