Alex's POV
Grocery store
Hinati kami ni Claire sa dalawang grupo para raw mabilis kaming matapos,kasama ko si Pauleen as usual.
"Alex sa canned goods section muna tayo"Pauleen
Habang tinutulak ko yung cart papuntang canned goods section may natanaw akong batang umiiyak.Agad akong lumapit sa bata.
"Why are you crying?"
"I'm lost huhuhu"umiiyak na sagot sakin
"What's your name?"tanong ko sa bata habang hinihimas ang kaniyang likod.
"My name is Clara,ikaw po?"
"Ate Alex"masayang sagot ko sa kanya at binuhat siya.
Habang hinahanap namin ang yaya niya marami akong nalaman tungkol sa kanya. She's just four years old,may ate raw siya na kasing edad ko and she told me her favorites.
Masaya siyang kausap.Sa kalagitnaan ng paghahanap namin sumigaw si Clara.
"Yaya!"sigaw niya at agad naman lumapit samin yung tinawag niyang yaya.Nasa 40's siguro yung yaya niya.
"San ka ba nagpupuntang bata ka!ay jusko kanina pa kita hinahanap" tumingin naman siya sakin at nagpasalamat lang at nagpaalam na uuwi na raw sila.
"Bye ate Alex!hope to see you again" paalam niya habang nakayakap saakin.
"Bye Clara"
Naglakad na sila palabas ng grocery store,naglakad naman ako pabalik kung saan ko iniwan si Pauleen kanina ng tumunog ang cellphone ko.
Pauleen Calling
"[Hoy asan ka na?!]"
"[Nandito ako kung san kita iniwan]"
"[Aba! dumiretso ka na dito sa cashier nandito na kaming lahat]"
"[Hehehe sige papunta na]"
End call
Naglakad na ako papuntang cashier ng may mahagip ang mata ko.Lalaki, nakatingin sakin.Kinilabutan akong umiwas ng tingin at nagpatuloy ng maglakad.Pagkarating ko sa cashier si Pauleen agad ang sumalubong sakin. Naisip ko nanaman ang lalaking nakatingin saakin kanina.
'bakit ako kinikilabutan?bakit nakatingin ng ganun sakin yung lalaki?kilala ko ba yun?'andaming tanong sa isip ko at mas lalo lang akong kinabahan.
Nagulat ako ng pinitikin ni Pauleen ang noo ko kaya bumalik ako reyalidad.
"Hoy..san ka ba nanggaling?!"galit niyang sambit sa akin
"H-ha?"
"Ang sabi ko saan ka nanggaling bakit iniwan mo ako doon?"pigil-inis na tanong niya.
"May nakita kasi akong batang nawawala tapos tinulungan kong hanapin yung yaya niya"paliwanag ko
"Sige kala ko naman kung saan ka na pumunta haha"sakto namang pagharap namin tapos na sila.
Habang bitbit ko ang dalawang supot na pinabili namin.Hindi ko maiwasang isipin si Clara at yung lalaki. Pagkalabas palang namin sa grocery store nakahanap kaagad kami ng masasakyan.
Hindi rin nagtagal nakarating na kami sa dorm namin at nakapag-ayos narin kami ng mga pinabili namin.
Dumiretso ako sa CR para makaligo na ako.Pagkalabas ko nahiga agad ako sa kama ko.Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng maalala ko yung necklace na napulot ko nung first day of school.Agad akong bumangon at hinalungkat ko ang bag ko pero hindi ko mahanap,inisip ko kung saan ko huling nilagay yun'sa bulsa ng palda ko!'dali-dali akong pumunta sa closet ko at kinuha ang palda kong ginamit ko nun.
Nakapa ko naman agad yung necklace at nilabas yun at tinignan mabuti ng may maalala ako.
*flush back*
Kaka-alis lang namin ni mommy sa park kung saan ko nakilala si Owen hehehe.
"Hindi mo naman suot yung necklace mo baby?"tanong sakin ni mommy.
Hindi ko nga suot!kanina lang suot ko yun ah?baka nahulog koo!
Present
Katulad to nung nawawala kong necklace!
Nakaramdam ako ng antok kaya bumalik ako sa pagkakahiga ko.Sinuot ko nalang ito.Dahil siguro sa pagod nakatulog kaagad ako.
*KRIIIING* *KRIIIING*
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock sa tabi ng kama ko. Bumangon ako at dumiretso sa CR para maghilamos.
Tulog pa sila,maaga pa naman kasi sadyang sinet ko lang yung alarm clock ko ng 6:00 ng umaga.Hinanda ko na yung mga lulutuin ko para sa breakfast namin.Kumuha ako ng six na itlog,mahilig kasi sila sa itlog kumuha rin ako ng bacon.Habang nagluluto ako napatingin ako sa cellphone ko.
Kyle Calling
"[Hello]"ako
"[Nagising ba kita?]"Kyle
"[No.. actually I'm cooking eh]"ako
"[Sakto hindi pa ako nag brebreakfast hahahaha makikikain sana ako]"
Tumawa muna ako bago sumagot "[sure punta ka na dito isama mo na rin si Josh I'm sure na hindi pa din yun nag breakfast]"
"[Sige papunta na kami]"
Nakalipas ang ilang minuto may kumatok na sa pintuan.Nang buksan ko bumungad sakin si Josh at Kyle.
"Hi,by the way good morning nakalimutan kong sabihin sayo kanina eh"sabi sakin ni Kyle
"Morning..tara pasok na kayo baka mahuli pa kayo nung nagbabantay hahaha"
Nauna akong maglakad at tinapos ko na din ang pagluluto..