Nakatuon lamang ang mga mata ko sa bawat kilos ng lalaki na huli ko ng namalayan na may papalapit na palang dagger sa aking kinatatayuan. Biglang nanlaki ang mga mata ko at hindi ko magawang gumalaw sa bilis ng pangyayari. Buti na lamang ay agad-agad akong kinabig ni Geanna paalis sa posisyon na yun dahilan para ang dagger ay tumama sa pader at nahulog sa sahig. Doon lamang ako nahimasmasan na kung hindi yun napansin ni Geanna ay baka bulag na ako ngayon.
"What a Bullshit Lemery!" Sigaw ni Geanna dahilan para mapatigil ang apat sa labanan. Napatingin silang lahat sa direksiyon namin .
Gulat ang tatlong lalaki pero nakangisi ang isang babae habang nakatingin ito sa akin. "You're eyeing my boyfriend, dear. And I don't like it," she said while grinning.
Napansin kong napailing ang lalaking siyang tinitingnan ko kanina. "Possessive, huh?" Komento nito at napairap na lamang si Lemery. At sa boses nga niyang iyon, nakonpirma kong siya talaga yun. Pero bakit sa dinami-raming nilalang na nandirito, bakit siya ang nasa panaginip ko? Ano ang kailangan sa akin ng lalaking ito?
"I'm sorry for that. It's just that I remembered someone, someone that looks like him. Sorry," paliwanag ko at yumuko ng bahagya.
"Yun naman pala. For God's sake Lemery, muntik mo ng mabulag si Cleschia!" Bulyaw ni Geanna pagkatapos ay hinila na ako nito papalapit sa kanila.
Nagkibit-balikat lamang ito. "I don't think so."
"Oy tama na nga yan. Let's move on because I think there's something to be clarified here more than that 'eyeing' issue," sambit ng isang lalaking may golden hair tapos ay napatingin ito sa akin.
"Alright," tumingin sa akin si Geanna tapos sa kanila. "This is Cleschia Fhreyanney Guershan, the sixth member of Elites," pag-iintroduce sa akin ni Geanna.
"Whoah! Guershan!" Manghang komento ng lalaking grayish ang buhok. Napakunot-noo akong tumingin sa kanya.
"What's with Guershan?" I asked him.
"Uhuh, you know nothing about your own family?" Singit na tanong ni Lemery.
"You can't blame her. She never met her parents, her family and relatives as well in her entire life. Anyway, she came from the human world and obviously her powers were not developed nor discovered," saad ni Geanna.
"Oh. No wonder if the task to be given this week is all about you," sagot ni Lemery. Napatingin siya sa akin at bigla itong napangiti na hindi tulad kanina na nakakaasar. "Sorry for my behavior, Cleschia. I'm really not that bad. By the way, I'm Lemery Rosette Macmillan. And welcome to the group," saad nito at nag-alok ng shake hands na siyang tinanggap ko naman. Pagkatapos ay kumabit ito sa braso ni Geanna at malambing na nagsalita. "I'm sorry, bish. Ginalit kita, bati na tayo ha."
Hinampas ito ni Geanna kaya ito napabitaw. "Hays, Lemery. Ang aga-aga, sinisira mo ang beauty ko."
"Saan banda?"
"Yah! Henric Rashid Grehmann!" Biglang sigaw ni Geanna.
"That's my name. No need to introduce," sabi ng lalaking grayish ang buhok. Ngumiti ito sa akin at nag-peace sign naman kay Geanna.
"Steinz Heisen Winston here. Nice to meet you, Beautiful Young Lady," hinawakan ng lalaking may golden yellow na buhok ang isang kamay ko at hinalikan. Bigla akong nailang pero kahit na ganun ay ngumiti pa rin ako.
"Sus, galawan mo Winston," komento ni Rashid.
Muli akong napatingin sa lalaking nagpapakita sa aking panaginip na siyang nakatitig din pala.
"Vynth Rhyvonne Vehoma," tipid nitong pagpapakilala.
"The only prince of this kingdom," sabi ni Heisen na siyang ikinagulat ko. Luluhod na sana ako pero...
"Don't kneel."
Na siyang sinunod ko naman. Pero teka lang, tama bang ang mga salitang yun ay narinig ko mula sa aking isipan?
Pero bago pa ako makaangal muli at magtanong ay nakarinig kami ng pagbukas ng pintuan. Tumambad sa amin ang pigura ni Madame Charisse.
"Good morning Elites," bati niya. Napayuko kami saglit bilang paggalang maliban lamang kay Vynth na nananatiling nakatayo ng maayos. "I guess young Lady Guershan already introduced herself to all of you. Since that she came from the human world and unfortunately, her powers were not yet developed, your task for the whole week is to help her discover and gain her real powers as well as the other abilities that she needs to learn as an Elite. Also, teach her the things that she need to know basically about this world, the life here and even about Eldonians. In short, make her prove to herself that she's really an Elite. Understand?"
"Aye, Madame."
"Alright. Ah, before I forgot," gumawa siya ng pagpitik sa hangin at nagulat na lamang ako na may hawak na akong box.
"Those were gadgets that you need," sabi niya sa akin pagkatapos ay bumaling sa iba. "Teach her how to use those gadgets as well as their purposes. For the whole week, we won't disturb you but we're monitoring you at the office. So any question?"
"Madame," si Lemery. "Can we do some trainings outside of this floor?"
"If it's necessary, you can."
"No more?" Napailing sila. "Then, I'll go now so that you can already start your task."
"Goodbye Madame," tugon namin at umalis na.
"Oh yeah. It's gonna be an exciting week," boses ni Henric.
"I agree. I'm too curious with Cleschia's powers," pagsa-sang-ayon naman ni Heisen.
Kahit ako, curious din ako sa sarili ko kung ano nga ba talaga ang kapangyarihan na mayroon ako.
At muli na naman akong nayigilan nang marinig ko ang boses niya sa utak ko.
"Even me, I'm absolutely bothered with you."