Chereads / El Dorado: Witnessing the Power of Destined / Chapter 3 - Chapter 3: Elite

Chapter 3 - Chapter 3: Elite

"Welcome to your home, Young Lady."

Bungad sa akin ng limang babaeng kung titingnan ay mga nasa 30-40 ang edad na abot langit ang ngiti habang nakahilerang nakaharap sa akin. Hilaw akong napangiti sa kanila at saglit na napayuko bilang paggalang. Argh! Ang lakas ng tibok ng puso ko lalo na at sumisigaw ang kanilang presensiya ng kapangyarihan.

"Ma-magandang a-araw po sa inyo!"

Biglang lumapit sa akin ang babaeng nakasuot ng blue dress at hinawakan ang kamay kong nanginginig.

"Hey, Young Lady. Masyado mong pinapakaba ang iyong sarili," saglit itong natawa. "Ok, pumikit ka muna at huminga ng malalim," na siya ring sinunod ko. "Now open your eyes and meet my gaze," at sa pagbukas ko ng aking mga mata na siyang awtomatikong napatingin sa kanyang itim na mata na biglang naging kulay green ay bigla ako nitong napakalma at nawala lahat ng aking takot.

"Yan, ok ka na. You're not afraid and surprised of our prettiness now," sambit nito at natawa ulit. Bigla na lamang akong napangiti.

"Nadala lang po sa bilis ng mga pangyayari. Sorry po sa naging asal ko," paliwanag ko at binigyan sila ng matamis na ngiti.

Pagkatapos ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid na aming kinalalagyan sa ngayon. Isa itong malawak na silid na sa bandang harapan namin ay may nakapwestong mahabang mesa na yari sa glass at kung may anu-anong bagay doon na nakapatong. At sa bandang gilid namin, sa gawing kanan ay may nakatayong napakataas na kabinet na siyang puno ng mga naglalakihan at makakapal na aklat. May mga sofa at iilan pang mga maiikling mesa na pang-isahan ang makikita rin dito. May hagdan malapit sa mahabang mesa. Maaliwalas ang paligid at hindi ko maiwasang mapahanga dahil sa likas na kulay silver ang paligid na siyang sumisigaw ng karangyaan.

"You're now amused and starting to be curious, Young Lady," agaw pansin sa akin ng babaeng nakasuot ng brown coat na hanggang tuhod ang haba. "So I think we must start to orient you." Lumakad ito papunta sa mahabang mesa.

"Let's go there, Young Lady," aya ng babaeng nagpakalma sa akin kanina.

Umupo ang babaeng naka-brown coat sa pinakadulo at gitnang bahagi ng mesa samantalang ang tatlo sa kanila ay nasa kaliwang bahagi at kaming dalawa nitong babaeng naka-blue dress ang sa kanan. Nasulyapan ko ang mga bagay na naroon sa mesa. May mga iilang papeles na naroroon pero saglit akong napakunot noo sa mga glass na pakuwadrado. Posible kayang ang mga ito ay matawag kong gadget?

"Oh, before I forgot, I'm Madame Louisse Esteban, the Head Mistress here. Here in my left is Madame Ayanna Levis, then Madame Alleah Whisky, that's Madame Charisse Tuazon, and here beside you is Madame Amethyst Collins. And we're the officials assigned here in El Dorado Academy as well as the caretaker of the portal," pagpapakilala ni Madame Louisse sa akin.

"It's a pleasure to meet all of you, Madames," tugon ko. Sa katunayan, hindi ko hilig ang magsalita ng English kahit na marunong ako pero parang dito sa kahariang ito, parang kailangan ko ng sanayin ang sarili ko.

"Alright, Young Lady Guershan," panimula ni Madame Louisse na ipinagtaka ko.

"Guershan?" Tanong ko na siyang ipinagtaka rin nila.

"Oh, you do not know that you're a Guershan," Tanong ni Madame Charisse. Napailing ako. It's basically my father's surname.

"Ok, sorry for that Young Lady. So, I would like to inform you that your true and registered name here is Cleschia Fhreyanney Quasco Guershan and to make you aware of your whereabouts, here's your profile that we have." Inabot nito sa akin ang isang black folder. Tiningnan ko yun at di ko maiwasang malungkot nang ma-realize kong nabuhay ako for 17 years na mali-mali ang impormasyong pinanghahawakan o sabihin nating wala talagang alam.

Cleschia Fhreyanney Guershan

Born: July 2, 2012

Name of Father: Frederick Ryan Guershan

Name of Mother: Mariah Celestina Quasco

Ilan sa mga mahahalagang nakalagay doon na pinagtuunan ko ng pansin. Pagkatapos kong mabasa ang lahat ng nilalaman nun ay ibinalik ko rin kay Madame Louisse. Hindi na ako nag-abala pang magtanong tungkol sa mga magulang ko dahil mukhang hindi pa ako handang malaman ang mga impormasyon tungkol sa kanila, hindi ko pa kayang kilalanin sila. Gusto ko muna itong iwasan sa mga oras na ito dahil baka mas lalo lang akong mangulila sa kanila o baka maging emosyonal lang ako sa harap ng mga Mistress na ito. Saka na lang kapag unti-unti na akong nasasanay sa mundong ito, kapag tuluyan ko na talagang tanggap ang lahat.

"So, now Young Lady. We're glad that you made your way to be back here after 17 years of living in the human world. And well, your comeback made us surprise a little,"  Madame Louisse said na ipinagtaka ko naman. Is it a surprise? Eh anong meron sa biglaang harang na sabi ni nanay ay parang pinaghandaan talaga nila ang pagbabalik ko?

"We thought that this day will be just a normal day for us but not until the King called our attention," Madame Alleah said.

"He said that we need to open the portal in the human world because of your coming as well as put some blocks to make sure that you'll be finally entering the kingdom," Madame Ayanna continued.

"Well, we're already expecting that you're coming back but not the exact day that you'll be here which is now," dagdag naman ni Madame Amethyst.

"Did the King predict it?"

"It's part of his power, Young Lady." Madame Louisse responded with an amused smile.

Power. I wonder what's mine. If there really is. Parang di ako makapaniwalang mayroon talaga ako nun.

Ah, may naalala ako na siyang ipinagtataka ko talaga habang nasa mundo pa ako ng mga tao.

"I'm just wondering about my dreams I had seen when I'm asleep, do you know about that?" Tanong ko na nagbabakasakaling sila ang nagbibigay sa akin ng impormasyon sa pamamagitan ng panaginip pero napatingin lamang sila sa akin ng may pagtataka.

"What's with those dreams?" Madame Alleah asked.

"Those were the reasons why I am here. Kung hindi ko ito ipinaalam kay Nanay Sita ay hindi ito magdedesisyon na ibalik ako rito. Those dreams that gave me the idea with this kingdom and a dream showing me of a guy who is encouraging me as if I'm needed to be here. I'm just curious if those dreams were made to send me a message by the person who is behind that," I said seriously to them. Napatingin sila sa isa't isa.

"Young Lady, I'm sorry but that is beyond our knowledge. We were just oriented of your existence but if those dreams happened to be a message sent to you and if you're thinking of some questions with that, it's for you to find the answer. Because the life and fate that is waiting for you here is already within you and needed to be discovered by your own," mabilis na tugon ni Madame Louisse.

"But there's that one thing we can assure with you..."napatingin ako kay Madame Charisse. "You're too important in this world," makahulugan niyang sambit sa akin. Ewan pero sa sinabing iyon ni Madame Charisse ay bigla ko nalamang naalala ang sinabi ng lalaking nasa panaginip ko.

He needs me. How come? Isa ba siya sa dahilan kung bakit importante ako sa mundong ito?

"And you will start your life here as a student," agaw pansin naman sa akin ni Madame Amethyst at itinapat sa akin ang isang glass na pakuwadrado kung saan tumambad ang repleksiyon ng aking mukha at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay parang may boltahe ng kuryente akong naramdaman na pumasok sa aking katawan. Biglang napalitan ng mga salita ang screen na sinasabayan ng isang boses.

Entering El Dorado Academy as Elite Student. Congratulations!

"No doubt," Madame Ayanna commented. May kung ano itong ginawa sa glass na nasa harapan din niya. "Young Lady Stanford, please be here in the embassy," sambit nito. "Ok, Mistress," tinig ng isang babae at naputol na ang kanilang koneksyon. "I'm wondering what will be their reaction with this."

Those glass were really gadgets! Technology is also existing here!

"What's with elite student?" Tanong ko nang matandaan ang nabasa at narinig ko sa screen.

"Elite is considered as the highest and special class among the five classes being recognized by the academy. Bihira lamang ang mapabilang dito because it depends on how unique and powerful your ability is. Actually they are only five but here you are, recognized as the sixth member," paliwanag ni Madame Alleah.

"But how did that thing recognized me as an Elite, eh sa hindi ko nga alam ang powers ko o kung mayroon nga talaga?" Pagtataka ko.

"You have your powers but it was not developed due to your situation. And that power rank detector app can able to read it through a current that suddenly enters your system even if it is just hidden."

Napatahimik ako. That explains why I suddenly felt being electrified. I think technology is considered as power here. I wonder who are the inventors. They were really awesome.

Maya-maya'y napalingon kami sa  direksiyong nasa bandang kanan ko nang makarinig kami ng pagbukas ng pintuan at iniluwa nito ang isang babaeng hanggang balikat ang itim na buhok at halos kasing edad ko na nakasuot ng maiksing jacket na may sanib na puting sando at naka-itim na paldang maiksi habang nakasuot ng black boots.

Nang makalapit sa mesa ay yumuko ito bilang paggalang at  sinalubong kami ng ngiti. "Hello Mistresses. What can I do for you?" Bati nito. Napatingin ito sa aking dako. Saglit siyang napatigil at pinasadahan ako ng tingin bago masiglang ngumiti sa akin.

Humarap ito sa Head Mistress. "Head Mistress, what will be my deal with this very gorgeous young lady here?" Eh? Masyado yata niya akong pinupuri. Ang ganda rin kaya niya tapos haluan pa na may pagka-astig siya na aura.

"Well, Young Lady Stanford. Here's Young Lady Guershan and she's recognized as the sixth member of the Elite," sabi ni Madame Louisse at literal itong napanganga.

"Whoah! For how many years, at last we're being added!" Mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "I'm really really honored to meet you, Sis." She looks so happy and well, excited?

"Same to you, Miss."

"Alright. Young Lady Stanford, please escort Young Lady Guershan to her room which is the ER-506 so that she can have her rest. Malapit ng gumabi oh, it's better if you can go now," sambit ni Head Mistress.

Eh? Malapit ng gumabi? Okay. iba yata ang oras dito kaysa sa mundo ng mga tao. Hays! Namimiss ko na agad si Nanay.

Nagpaalam na kami sa kanila bago lumakad palabas ng gusaling iyon.

Pagkalabas ay mas lalo akong namangha.

"So here in our right side, that is the school building..." Sambit nito habang itinuturo pa ang building na nakakalula sa taas at kapansin-pansin na disenyo nito. "At dito naman sa kaliwa, that is the dormitory building and definitely tayo ang nasa itaas. So let's go," pag-aya nito at sinimulan na naming lakarin ang hallway patungong dormitory.

"Ba't parang wala yatang mga tao dito sa labas," tanong ko nang mapansing parang kami lang ang naglalakad.

"Oops, just to remind you, hindi tayo tao, Eldonians ang tawag sa atin," pagtatama niya sa akin. Ok, hindi ako tao, Eldonians ako. "Anyway, they are probably in their rooms resting. Sunday kase at karamihan sa ngayon ay mga bagong balik galing sa kani-kanilang house. But there are some that they choose to be back here tomorrow in the early morning," she explained and smiled.

"Eh ikaw?"

"Hindi ako umuwi," tipid niyang sagot. "Nga pala. I was only introduced to you in a surname so I'm Geanna Mitzy," pagpapakilala nito.

"I'm Cleschia Fhreyanney."

"Oh what a beautiful name just like you," komento nito at ngumiti na lamang ako.

"Where did you came from? Not that I'm too curious pero nakakapagtaka lang kasi na ngayon ka lang pumasok dito. Technically, students here were sent by their family when they reached 7-10 years old."

"I came from the human world," bigla itong napatigil.

"Human? How come?"

"Definitely brought by my mother when I was just a baby."

"Oh, well," nagpatuloy na ito sa paglalakad. "I guess, you do not know your powers," napailing ako.

"Hmm. I already knew what will be our task this week," sambit niya at para pa itong nae-excite.

Nang makarating ay awtomatikong bumukas ang glass door kaya agad kaming nakapasok pagkatapos ay dire-diretsong tumungo sa elevator--oh, exclusive for Elites only, nabasa ko. May sariling elevator ang Elite.

"Advantage of being an Elite," sambit nito nang makapasok kami sa loob. "But you will feel it more when we reached there." Pinindot na nito ang red button at dire-diretso na itong lumarga hanggang sa naramdaman kong tumigil ito.

"We're here." At nag-open na ang pinto at una siyang lumabas na siyang sinundan ko naman.

Dire-diretso kaming naglakad hanggang sa makaabot kami sa magiging kuwarto ko. Magkabilaan ang mga kuwarto at ang pintuan ay gawa sa metal. Sa gilid nito ay may gadget na nakakabit, it's a lock system I think. Pinindot ni Geanna ang isang button. "Four zeros were the initial password here but now you can reset it for your security. Here, type your password." Tumalikod ito at nag-type naman ako ng magiging password ko. Nang ma-enter ko ito ay bumukas na ang pintuan.

"Alright. My duty now is finished. Enjoy your stay in your room as an Elite and have some enough rest. Anyway, my room is ER-502, in case you need me. See you tomorrow Cleschia," pagpapaalam nito sa akin.

Pumasok na ako sa loob at nang i-on ko ang switch ng ilaw ay eto na naman at napuno ang aking mga mata ng kamanghaan.

Kulay ivory white ang pintura ng kuwarto at may dalawang bintana sa harapan. Sentro ng silid ay ang glass table na pinalilibutan naman ng dalawang couch na kulay golden brown na siyang nagsisilbing sala at may maliit na cabinet rin at nasa itaas ay may chandelier. Nasa kaliwang gilid makikita ang kamang hindi pangkaraniwan dahil sa may para itong takip sa ibabaw na sinusuportahan ng haligi at may nakakabit pang gold na kurtina, sa tapat nito ay ang malaking cabinet at nang buksan ko ito ay punung-puno ng mga damit. Sa kanan naman ay nagsisilbi itong kusina kung saan kumpleto ang gamit-may pabilog na mesa na may dalawang silya at may nakapatong sa center na isang basket ng prutas, may electric stove, lababo, mga kitchen utensil at may refrigerator na siyang pagbukas ko ay punung-puno ng pagkain.

Napatingin ako sa isang kulay black na sliding door na nasa gawi malapit sa main door at nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang malawak na comfort room kung saan may toilet, bath tub, at lababong puno ng personal hygiene.

Hays! Ang buhay na mayroon ako sa mundong ito ay kabaligtaran ng naging buhay ko sa mundo ng mga tao. Pero kahit na gaano pa ako pinamangha ng mga paligid na ito ay bigla namang napawi ang mga ngiti ko nang sumagi sa isipan ko na sa kabila ng karangyaang sinisigaw sa apat na sulok ng kuwartong ito ay ang reyalidad na mamumuhay ako ng mag-isa.

Tumungo ako sa bintanang nasa sala. Hinawi ko ang kurtina at binuksan iyon sa pamamagitan ng pagtulak.

Madilim na ang langit pero mas nangingibabaw ang kaliwanagan na nagmumula sa iba't ibang tirahan na nakatayo sa kalayuan na siyang matatanaw mula rito sa bintana. Napangiti na lamang ako sa kaisipang sa bawat loob noon ay ang pamilyang nagkukwentuhan at nagkakasiyahan. Hanggang sa mapadako ang aking tingin sa direksiyon kung saan tanaw ko ang napakataas na bundok.

Ang bundok na nasa tuktok nito ay may nakatayong palasyo.

Habang matagal na nakatitig dito ay di ko maiwasang mag-isip ng napakaraming tanong at ng mga bagay na gusto kong maranasan sa mundong ito.

At isa na sumasagi sa isipan ko ay ang makaharap ang hari ng El Dorado.

Third Person's POV

Sa pinakasentro ng kaharian, sa pinakatuktok ng toreng bahagi ng palasyo ay nakadungaw sa bintana ang isang nilalang na hindi maipagkakaila ang lakas ng kapangyarihang taglay na diretsang nakatingin sa direksyon ng paaralan partikular sa dormitoryong tinitirhan ng mga mag-aaral na animo'y alam na alam nito na may isang babaeng mariing nakatitig sa palasyo.

Biglang sumilay sa kanyang labi ang isang masiglang ngiti.

"The day is near to come...that the ultimate and greatest power of the destined among all will be felt by this kingdom."