Chereads / Through The Rain / Chapter 2 - Prolouge

Chapter 2 - Prolouge

HEYZELNATS

Prolouge

"Katagal naman, check mo nga kung uwian na nila."

Asik ni Fatima. Nandito kami ngayon sa dapitan, naunang natapos ang klase namin dalawa kesa dun sa tatlo.

Habang naghihintay ay naisipan muna namin kumain sa Jollibee Dapitan, crave daw si Fat kaya ayun.

Tinarayan ko siya. "Bobo naman, Fat. Obvious naman na hindi pa." asik ko habang ngumunguya ng burger.

Mabuti nalamang at magkapareho kami ng course neto, dahil kung hindi wala akong kasabay na umuuwi lagi. Hindi katulad nung tatlo na magkakaiba.

Nilabas nito mula sa bag niya ang laptop na dala niya. " Hindi pa pala ako nakakapag-review, malapit na finals tanga." sambit niya.

Prente lang ako'ng naupo sa silya ko. "Alam ko, bobo." pambabara ko sakanya.

Umirap ito sa hangin. " Eh, bakit hindi ka nagrereview? Gago ka, huwag na huwag ka'ng hihingi ng sagot ah." Warning pa niya sa akin.

Inubos ko ang natitirang softdrinks na iniinom ko. " Okie, basic." Nakangising tugon ko.

Umirap lang ito sa hangin.

Hindi konalang siya pinansin.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng uniform ko, nang maramdaman ko ito'ng nag-vibrate.

Architect Cunanan: San kayo?

Bungad ni Arabela sa GC namin.

Agad ako'ng nagtipa.

'Jollibee Dapitan. Bakit? Susunduin niyo kame 😀 ? '

Captain Ball Manalo: Nux, kailan mo pa kami naging drayber 😕?

Singit ni Irish.

Chef Ramos: Hahahhahahha

Architect Cunanan: Otw na.

Napangiti ako at agad na niligpit ang mga gamit ko.

Pumitik ako sa harap ni Fatima upang maagaw ang atensyon niya. "Fix your things, the three will fetch us." Nakangiting sambit ko.

Sinara neto ang laptop niya at nilagay sa bag. "Himala, kanino daw sasakyan?" Masayang sambit niya.

Nagkibit balikat ako. "Walang sinabi, let's just wait for them."

Nag-retouch kaming pareho para hindu naman kaming mukhang haggard.

"May lakad ba ngayon?" Tanong ko kay Fatima.

"Aba malay, hindi ako G ngayon, focus muna ako sa finals. May tama pa yung kahapon pucha." reklamo niya.

Tumawa aako ng malakas. "Weak ka kasi, ulol." Pang-aasar ko sakanya.

Napatingin ito sa akin na paeang hindi makapaniwala. " Tanginang 'to, nakakahiya naman sayo na nag-swimming sa tiles, wahhhh!" Pang-aasar niya pabalik.

Bigla nanaman bumalik sa akin ang pinaka-nakakahiyang nagawa ko nung nalasing ako. Pucha.

Nanahimik nalang ako hanggang sa dumating yung tatlo, naka- fortuner pa amputek.

" Kanino nanaman 'to? " agad na tanong ko pagkapasok namin sa loob.

Tinuro ni Arabela si Joana na nag-dadrive ngayon.

"Tinakas mo? Hala gago! Yari tayo kay tita, bobo ka." Gulat na sambit ni Fatima.

Ngumisi lang si Joana. " Tanga alam niya na nasira kotse ko, kaya pinaheram niya." She rolled her eyes.

Sinundot ni Irishgail ang balikat neto. "Nux, yaman talaga ate mo Joana." Pang-aasar neto.

"Ikaw ba naman anak ni Mr. Ramos." Singit naman ni Arabela.

Nag-middle finger lang si Joana sa amin. " Ulol." anito.

Nasa shotgut seat si Arabela at nasa pagitan naman namin ni Irish si Fatima na ngayon ay humihilik na ampucha.

"Tignan niyo si Fat, pucha wala pang 5 minutes HAHHAHAHA!"

Turo ni Irish tsaka nilabas ang cellphone niya para kuhanan ito ng letrato.

Malakas lang kaming tumawa. Kahit na nasanay kami na ganyan siya, natatawa parin kami paminsan-minsan.

"Saan pala tayo?" Tanong ni Joana.

Ako ang naunang sumagot. "Fat, told me na uuwi na daw siya, may review pa ang bebi gurl, and me G lang anywhere."

Pumitik sa hangin si Irish. "Okay! Baba natin si Fat sa harap ng building niya then G tayo?Ano?" Nakangiting sambit niya.

"G!" sabay-sabay na sang-ayon namin.

Hindi naman kami araw-araw gumihimik dahil mas importante parin ang pag-aaral namin, kailangan lang namin mag-relax ng kaunti dahil finals na next week.

Tahimik lang namin na naihatid si Fatima, hindi na naman siya napilit dahil pagod din daw siya.

She's running for a dean's lister din kasi, kaya super hard-working niya as a student. Same as me din naman pero hindi nga lang deans lister.

Pagkatapos namin siyang naihatid ay dumiretso kami sa MDC, malayo-layo din dahil sa Pampanga pa, pero keri naman dahil maaga pa naman and hindi din ganon kaaga ang sched namin bukas.

Sumandal ako sa window ng sasakyan, biglang umulan pero hindi naman gaanong malakas. Napangiti ako dahil ganitong-ganito ang gusto ko lalo na kapag nagbi-biyahe ng gabi. Pero the feeling of nostalgia ay hindi pa rin maalis sa akin.

******

" Pucha, para kang kinder Maya, anong yakult naman? Kami dito naka RH at San Mig tas ikaw Yakult?!" singhal sakanya ni Irish.

Napakamot ako ng ulo. " Gago, diko trip uminom ngayon, pero iinom naman ako ng konti." Napairap ako.

Buti nalang at nasa VIP area kami, nagkakarinigan ng maayos. Marami na rin tao, natural.

"Hoy! Kapag nag-chat sainyo si Steven, sabihin niyo nakila Maya tayo ah." sambit ni Irish.

Napailing nalang ako at natawa.

"Hindi mo sinabing gigimik tayo?" Natatawang tanong ko.

Nilagok niya ang iniinom niyang San Mig. "Hindi, hayaan niyo 'yon, potangina epal, daig pa si Daddy kung makabawal." Reklamo pa niya.

Nagsindi ng sigarilyo si Joana.

"Nagpapabawal kanaman, minsan." Pang-aasar niya rito.

"Marupok amputek." singit ni Arabela.

Umirap lang si Irish sa amin.

Natawa kami sa naging reaksiyon niya.

Tumayo sina Joana at niyaya kami na magsayaw sa dance floor.Pagkalingon ko ay naabutan ko si Arabela na nagt-twerk sa gitna, pinapalibutan ng mga tao at humihiyaw-hiyaw pa.

Natawa nalang kaming tatlo.

"Kunwaring tahimik ampuchek." Asik ni Joana.

Hindi pa ako naka-inom kaya wala pa akong ganang sumayaw. Kaya pinauna kona sila at nagpa-iwan nalang ako sa table namin.

Kumuha ako ng isang red horse para matamaan agad ako. Nilagok ko lang ng mabilis ang isang bote na parang softdrinks, pero wala paring tama.

Pinagmamasdan ko nalang ang mga taong nagsasayawan.

Sa sobrang tulala ay hindi ko namalayan na nakalahating case kona pala 'tong red horse, pero hindi parin ako natatamaan.

" Maya, may kilala ka ba'ng Archie?"  Umupo si Arabela sa tabi ko, mukhang napagod na kakasayaw.

Tumango ako. " Archie Tolentino?" nilagok ko ulit ang natitirang bote ng red horse.

Tumango siya habang humihingal pa.

"Yah, he's my senior. Why?" Tanong ko rito.

Nang kumalma na siya ay humarap ito sa akin. "Wala lang, naka-make out ko lang kanina hihi, ang pogi nung kasama niya, pilot din siguro course. Eto picture namin." Binuksan niya ang cellphone at pinakita sa akin ang picture.

Siya ang nasa front at nasa likod niya sina Joana and Irish together with those pilots.

Kumunot ang noo ko at pinaka-titigan ang isang naka pilot na uniform. He looks so familiar.

Zi-noom ko ng kakaunti upang makita ko ng maayos.

Sinuri ko rin ito ng mabuti, natigilan ako ng mabasa ang name tag na nakalagay.

"Lopez..." zi-noom ko pa ng maayos pero malabo na.

Sht. Sana mali ako ng nabasa.

Tinignan ko ulit pero LOPEZ talaga at pamilyar na pamilyar sa akin ang mukha, nagbago lang ang iilan pero hindi ko makakalimutan yang mukhang 'yan.

"Bakit? Kilala mo?" Tanong ni Arabela.

Tumango ako. "He's Aero Grabriel Lopez." Nilagok ko ang San Mig na nasa table.

Napa-upo ng maayos si Arabela. "Pucha! Yung ex mo nung nasa province ka?!" Hindi makapaniwalang sambit niya.

Wala sa sariling tumango lang ako. Hindi ko pinahalatang nagulat ako ng slight. Slight lang naman.

Umupo ng maayos si Arabela. "Gago, hindi ko siya nakilala, tanga. Hala." naguhulat pang sambit niya.

Nagbuntong hininga lang ako at hindi pinansin ang sinabi niya.

Hindi ko rin siya nakilala sa unang tingin.

Nang maubos ang iniinom namin ay nag-order pa ng 2 bucket si Arabela at 2 case ng RH.

Sa aming lahat ako ang pangalawang mataas ang tolerance sa alak, habang si Irishgail ang nangunguna. Huling-huli naman si Fatima.

"HelLlOo guYysss!!!"

Napausog ako ng umupo si Irish sa tabi ko, hindi pa naman siya lasing pero halatang napagod din sa pagsasayaw.

Nilibot ko ang paningin ko.

"San si Joana?"

Tanong ko nang hindi siya makita.

Tumuro lang si Irish sa kung saan. Sinundan namin 'to.

Naningkit ang mata ko, mula sa malayo ay naglalakad ang isang babae at tatlo na lalaki, pero hindi ko maaninang ang mga mukha nila dahil medyo madilim.

"OMG!! OMG!!! GAGO MAYA!!" Napapatiling sambit ni Arabela.

Kumunot ang noo ko'ng lumingon sakanyan. "Napano ka?" Nagtatakang tanong ko.

Mabilis siyang lumipat sa upuan namin at siniksik ako sa dulo.

" Aray ko punyeta, ano ba!" Hinampas ko ang braso niya nang maipit ako.

"Shss!! Gago, papalapit ex mo, kasama si Joana tanga." Aniya na parang takot na takot.

Tinulak ko siya.

" Bobo'ng 'to, eh ano naman? Parang ikaw may ex ah." naaasar na sambit ko, halatang medyo naka-inom na siya ng konti.

Ngumuso ito at umalis sa tabi ko tsaka bumalik sa upuan niya.

Potek.

"Guys!!!!" Tinakpan ko ang dalawang tenga ko nang makalapit si Joana.

Umupo siya sa tabi ni Arabela.

Prente lang ako'ng nakadikwatro sa upuan namin, at hindi lumilingon kahit saan. Pinagmamasdan ko lang si Joana.

"May kasama ako!!" Masayang sambit niya.

" Halata nga tanga " pambabara ko.

Tumayo ulit siya at pinalapit ang mga kasama niya.

Pero hindi pa rin ako lumilingon. Patuloy lang ako sa pag-inom.

Pesteng alak. Bakit hindi ako tinatablan?!!!

"This is Archie, my cousin. Then, he's Kurt, Archie's bestfriend and Siya si Aero Gabriel Lopez bestfriend din niya."

Pagpapakilala ni Joana sakanila.

Ramdam ko ang pag-alis ni Irish sa tabi ko at ang pag-alis din ni Arabela, tumayo ang mga 'to at nagpakilala.

Samantalang ako naka-upo lang at kunwaring nagtitipa sa cellphone, pra hindi ako mukhang akward.

"Maya! Magpakilala ka bwisit! Huwag kang pabebe diyan " singhal ni Irish sa akin.

Lumingon ako sakanya at nagkunwaring wala ako'ng napapansin kanina pa.

"Sorry, nagchat si Fatima. Nagtatanong about sa pinapagawa nung Prof namin hehe " Mabilis lang ako'ng sumulyap. " I'm Amaya Hurricane David." Mabilis na pagpapakilala ko.

Para tuloy akong niihi, pero hindi naman. Potangina.

"Wow, Hurricane. Nice name." Rinig ko'ng bulong nung isa nilang kasama.

Ngumiti lang ako, at hindi na sila pinansin.

Napausog ako sa dulo ng pina-upo ni Irish sa tabi niya ang isa sakanila.

Pa-letter "U" kasi ang inuupuan namin.

Nasa left side kami at nasa right side sina Joana.

Tumikhim ako nang makitang pina-upo ni Joana sa tabi ko ang dalawa.

Nagtataka ako'ng tumingin kay Joana. Inosente siyang tumingin at ngumiti lang sa akin.

'What?' She mouthed.

Inirapan ko lang siya.

Hindi tuloy ako makagalaw sa inuupuan ko, amoy na amoy pa ang pabango niya.

Bagsik!

Masama pa rin ang tingin ko kay Joana.

May binulong si Arabela sakanya at halata ang gulat sa mukha ni Joana.

Lumingon 'to sakin at nag- peace sign.

Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin.

Walang nagsasalita sa amin dalawa, tanging sina Arabela at Irish lamang ang maingay. So awkward!

Inubos ko ang huling alak na iinumin kona sana, at pilit na humarap sakanya.

"Hi." Ngumiti ako ng pilit.

Walang emosyon ang mukha neto at halatang naboboring na. Tsk.

Hindi pa rin nagbabago.

"Hello?" Tugon niya.

" So...uhmmm, you're a pilot student now, I see." awkward ko'ng sambit.

Ngumit siya ng bahagya at tumango, saka lumingon sa akin. "Yeah, second year." tugon niya.

Tumango lang ako. "Nice. Goodluck."

" Thanks." Maiksing sagot niya.

Nagbuntong hininga ako nang mamutawi nanaman ang katahimikan sa aming dalawa.

Wala na akong alam sabihin bhie!

Hindi ako mapakali at tingin lang ako ng tingin sa orasan ng cellphone ko. 

Siya naman ay kanina pa nagdudu-dutdot sa cp niya, hindi panga niya nakakalahati yung iniinom niyang San Mig ey.

Kumuha ako ng isang Red Horse at inabot sakanya.

"Drink this, hindi mo mae-enjoy kapag 'yan yung iniinom mo."

Halata ang gulat sa mukha niya kaya natawa ako.

Umiling siya. "No, but thanks." Pagtanggi niya.

Tatanggi pa sana siya, kaso nagpumilit ako, kaya tinanggap din niya sa huli.

Tumayo ako at nagpaalam na magc-CR lang sandali, kaya iniwanan ko muna sila.

Dumiretso ako sa comfort room para magre-touch ng slight. Nagpalit na rin ako ng damit, kung sakali man.

Pagkatapos ko'ng naghugas ng kamay ay pinatuyo ko lang 'to saglit.

Nagbuntong hininga ako habang nakaharap sa salamin.

Naalala ko nanaman ang mukha niya.

Maraming nagbago sakanya, kung sa picture mo lang siya titignan, hindi mo siya makikilala.

Nagbuntong hininga ulit ako at umalis na sa CR, baka sabihin nila ang tagal ko.

Hindi pa man ako nakakalayo sa CR, naramdaman ko'ng nagvibrate ang cellphone ko. Tumigil ako sandali at kinuha ito sa bag ko.

' Ate Aera '

Agad ko'ng sinagot ang tawag at tinakpan ang isang tenga ko, para marinig siya.

" What?! I can't hear you! " Sigaw ko ng hindi siya marinig.

' Umuwi kana bruha ka! Emergency!! '

" What?! Emergency?!!" Sigaw ko parin, habang naglalakad papunta sa table namin.

' Umuwi kanalang! Bilisan mo! '

Napairap ako sa hangin at agad na pinatay ang tawag. Mabilis ako'ng naglakad papunta sa table namin.

"Guys, I have to go, tumawag si ate. Emergency daw." Paalam ko kina Joana.

Bineso ko sila isa't- isa.

Napatingin ako sa gawi ni Aero.

" Anyare dyan? " Tanong ko sakanila.

Nagkibit balikat lang sila.

"Pagka-ubos niya sa

RH, tumumba. Nakatulog." Natatawang sambit nung pinsan ni Joana.

Kumunot ang noo ko.

'Bakit hindi niya sinabi?!'

Inabot ni Joana ang susi ng kotse niya. " Bring him with you." Aniya.

Nagsalubong lalo ang kilay ko. "What? Gago ka?! " Gulat na sambit ko.

" Parehas lang kayo ng condo building, isabay mona." Singit nung Kurt.

Lalo ako'ng nagulat sa narinig ko. 'Shet?'

Natulala ako ng ilang saglit, habang pinoproseso ang sinabi niya.

Wtf.

" Sasabay nalang kami kay Archie." sambit ni Arabela.

Naguilty tuloy ako, kung hindi ko siya pinilit na uminom, hindi siya tutumba. Bwisit. Hindi ko naman alam na mahina pala ng sobra tolerance niya, eh hindi nga naman umiinom dati 'tong hayop na 'to.

Nagbuntong hininga ako at lumingon sakanila. " Buhatin niyona, wala naman ako'ng choice." Pagkasabi ko nom ay iniwan kona sila at nauna nang pumunta sa parking lot upang kuhanin ang kotse.

'What a great day'

Mabilis ako'ng sumakay at pinaandar ang makina tsaka dumiretso sa harap ng club. Hinintay ko sila saglit.

Ilang segundo lang ay nandiyan na sila, at pinagtutulungan buhatin ang kaibigan nila.

"Weak talaga." Bulong pa ni Kurt na natatawa.

Lumingon sa akin si Archie. " Take care, thanks in advance." ngumiti ito.

Ngumiti lang ako bilang tugon. Mabilis pa sa alas kwatro'ng pinaharurot ang sasakyan, dahil nagmamadali ako.

Sinulyapan ko lang siya saglit.

Himbing ng tulog. Sana lang ay huwag siyang sumuka.

Medyo mahaba-haba pa ang biyahe namin, mabuti nalamang at hindi traffic.

Pero isang oras pa bago kami makarating sa  condo.

Natatawa ako sa sarili ko.

Pagkatapos ng mahabang taon, nagkita pa kami. Sa ganitong sitwasyon pa ampucha. Walang thrill.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang marinig ko siyang nasusuka.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na hininto ang sasakyan saka agad na naghanap ng plastic.

"Please, huwag dito putaena" bulong ko habang naghahanap.

Punyetang plastic nasan kanaba?!!!

Binuksan ko ang bintana sa side niya kung sakali man. Mabilis ako'ng bumaba ng kotse at tumakbo papasok ng convinience store, mabuti nalamang at nakapag-park ako malapit rito.

Nanghingi ako ng plastic at nagbigay ng 100 pesos.

Bumalik ako agad sa kotse at hingal na hingal na tumayo sa pintuan ng shotgun seat.

Binuksan ko agad ang pintuan ngunit napahiyaw ako nang hindi dumiretso sa akin ang niluwal niya.

Napapikit ako sa inis nang masukahan niya ang damit ko!!

' kalma self putangina, kalma ka lang.'

Napahigpit ang hawak ko sa plastic na dala ko.

Pagkatapos niyang sumuka ay sumandal ulit siya sa headrest neto. Parang napagod kakasuka amp.

Napa-irap ako at mabilis na kinuha ang panyo ko sa bulsa at pinunas sa bibig niya.

Putekina.

Kumuha ako ng wipes sa may glove compartment at pinunas sa damit ko, pagkatapos ay pumasok ulit ako ng convinience store para bumili ng pampa sober na inumin.

Mabuti nalamang at hindi yung sasakyan ni Joana ang nasukahan niya, dahil kung hindi ay pare-parehas kaming mayayari sa magulang niya.

Pumasok agad ako sa sakayan at niyugyog ang balikat niya para magising.

"Hmm." He groaned.

Inabot ko sakanya ang isang bote. Kinusot niya muna ang mga mata niya tsaka nagtatakang tumingin sakin.

Nagtaas ako ng isang kilay habang iniinom ang binili ko.

"Pinasabay ka nila Archie." Maikling sagot ko.

Kinuha niya ang bote sa akin at ininom din ito.

He hissed.

Pagkaubos ko ay tinapon ko ito agad sa likod ng, bahala na si Joana.

Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan, oras na din naman.

"Hindi mo sinabing mahina tolerance mo sa alak." Nakangising satsat ko pa.

Umayos siya ng upo at tinabi ang bote. "I'm just too tired, and my tolerance is not that too low." Pagtanggi pa niya.

Natawa nalang ako.

" Talaga ba?Sabi kasi ni Jasper eh." Nagkibit balikat lang ako.

Hindi niya ako sinagot. He mumbled some words, but still  I can understand.

"That damn, Archie." He mumbled.

"Weak." bulong ko.

Ramdam ko ang paglingon niya. "Sino'ng weak? I'm not weak.

Shut up" Halata ang pagigingpikon sa boses niya.

'Pikon amp'