Heyzelnats
Nagbuntong hininga ako habang nakikinig sa history class namin. Hindi ko alam kung tinatamad lang ako'ng makinig o inaantok.
Napairap ako sa hangin nang humikab nanaman ako. Hindi kona mabilang kung pang-ilan beses ko nang pang-hihikab 'to. Pucha.
Mabuti nalamang at mabilis dumaan ang oras. Dismissal na. Pero hindi ko rin alam kung uuwi na ba ako or maglilibot pa.
Mabilis ko'ng kinuha sa bag ko ang cellphone ko nang mag-vibrate 'to.
Architect Cunanan: Samgy daw, libri ni Chef Joana. G?
Napangiti agad ako.
Thomasian beauty : G lang, uwian na kayo?
Architect Cunanan: Oo, kakadimissed lang. San kayo?
Thomasian Beauty: Mini Pav, tagal ni Fat as usual.
Captain Ball Manalo: Weyt niyoko, patapos na training.
Architect Cunanan: Oki.
Pinatay ko na agad ang cellphone ko at kinuha ang libro. Wala naman akong ginagawa kaya naisipan ko'ng mag-highlights ng mga importanteng notes.
"Nux, kunwaring masipag ampotek, totoo ba 'yan?"
Umupo sa harap ko si Irish. Umiinom pa 'to ng BIG, may suot pa na Nike Swoosh headband, naka-spandex short at yellow shirt.
Pinkyuhan ko lang siya tsaka binalik ang libro sa bag.
"Himala aga uwian, wala bebe mo?" Pang-aasar ko.
Umirap siya na parang may nasabi ako'ng mali. "Correction: Ex-boyfriend"
"Break na kayo? Bakit?"
"Toxic amfuta."
Tumawa lang ako sa sinabi niya. She's a player, pati lalaki pinaglalaruan niya. Walang panahon magseryoso, wala daw sa vocabulary niya. Bola at lalaki lang daw kasi ang pinaglalaruan niya.
"Tangena, daming pinapagawa ni ser. Kainis."
Napalingon kaming pareho kay Fatima na nakasimangot.
Natawa kaming pareho sa itsura niya, wala yatang araw na hindi siya nakasimangot.
Binagsak niya ang dala niyang libro atsaka umupo sa tabi ko at nagtanggal ng heels.
"Putek, kakatapos lang nung pinagawa niyang research ah!
Tapos eto nanaman. Tanginang giliw!" Gigil na sambit niya tsaka gigil na kumagat sa fudgee bar na inabot ko sakanya.
"Buti nalang, hindi ko prof 'yan" Pang-aasar ko pa sakanya.
Nag-usap lang silang dalawa ni Irish, habang ako ay tahimik lang na nagbabasa.
Nagulat pa si Fatima nung nalaman niyang break na ang dalawa. Kesyo wala na daw manlilibre sa amin, nagalit pa siya dito, pero wala 'rin nagawa si Fatima.
Ilang minuto lang ay sinundo na kami nila Joana at Arabela, sasakyan ni Arabela ang ginamit namin dahil tinatamad daw na magdala ng sasakyan si Joana.
"Mga bwicit na'to, hoy may sarili kayo'ng sasakyan ah!" Reklamo ni Arabela.
"Tanga, sayang gas." Singit ko.
Humarap siya sakin at pinakyuhan ako, ngumiti lang ako sakanya at nag-finger heart.
*****
"So guys. Archie invited me, birthday ni tita sa saturday." Sabi ni Joana habang kumakain ng Egg roll.
"Natural tanga pamangkin ka" Pamimilosopo ni Fatima.
"Ano meron?" Takang tanong ni Irish kay Joana.
"I just wanna ask, if G ba kayo?" Tanong ni Joana sa amin.
Nagkibit balikat ako. "Yeah sure, basta hindi busy. Si Fatima tanungin niyo." Natatawang sabi ko.
"G lang ako, walang training ng sabado." sabi ni Irish.
"Ako din, tapos narin mga plates ko. Na-submit na." Tugon ni Arabela.
Tumingin lahat kami kay Fatima.
"What? Im in, relax day." Sabi lang niya habang ngumunguya ng kimbap.
Nagsalubong ang kilay ko at mabilis na inagaw sakanya ang plato ng kimbap.
"This is mine, buy yours."
"Damot." Tinarayan niya lang ako.
Nginitian ko lang siya. Tatlong platito yata ng egg roll ang naka-serve sa harap ko. Para sakin lang lahat.
"By the way. How's Aero?"
Literal na nabulunan ako sa tanong ni Joana. Mabilis ko'ng ininom ang ice tea na nasa harap ko.
"Malay ko gago, why ask me? Kaibigan ng pinsan mo 'yon."
Sambit ko nalang. It's been a month since nung pangyayari, and after that wala nang kasunod dahil naging busy lahat sa finals.
Nagkibit balikat si Arabela." Malay ba namin kung nakaka-usap mo tanga."
I rolled my eyes "Hindi ko, hindi kami close," sinubo ko ang natitirang egg roll " Eh kayo ni Archie? Kamusta? May label na ba?" Pang-aasar ko sakanya.
"Meganon? Pinagpupuyatan pero wala naman label?" Dugtong pa ni Irish.
Natawa kami sakanya.
"Saan ba kasi nakakabili ng ganon? Bibilhin ko lahat." sabi ni Arabela.
Kinuha ni Joana ang cellphone niya muka sa bag. "Wait. I'm gonna text Archie then ask him, where nakakabili ng label, oki?" Pang-aasar din neto sakanya.
Pinakyuhan lang siya ni Arabela.
Pagkatapos namin kumain ay kinwento sa amin ni Irish kung bakit raw sila nag-break ni Steven.
Nagcheat daw 'to sakanya, 'yon daw ang totoong nangyari. Pero walang bakas ng kalungkutan o panghihinayang sa mukha neto, masaya pa nga siya dahil makakalandi na siya ulit.
"Buti pa ako. Single, masarap matulog nang walang iniisip." Singit ko.
Inirapan lang nila ako.
"Awit mga lods, ako lang bobo sa room ngayon. Pota." Pag-iiba ni Irish ng topic.
Tinawanan lang namin siya.
Nag-order kami ng soju pero hindi ganoon karami dahil wala kami sa mood maglasing.
"Huwag mo ibahin topic. Cheer-up girl, malandi ka remember?"
Natawa kami sa way ng pagchi-cheer-up ni Joana sakanya.
"Reto kita, crim student!" Masayang sambit ko.
Agad na umiling si Irish. "Ekis sa crim, fuckboy." Nandidiring sambit niya.
Tumawa lang kami, well she might be a player, pero ayaw niya sa fuckboy. Gulo din minsan utak neto
"Ulol, birhen ka te?" Nakataas ang kikay na tanong ko.
Inirapan niya lang ako tsaka pinakyuhan.
********
Mabilis na lumipas ang araw at friday na agad, bukas na din ang pupuntahan naming party. Nasa mall kami ngayon para maghanap ng gifts.
"Sino-sino ba mga pupunta? Para naman alam ko susuotin ko pucha, baka magmukha ako'ng muchacha don ah!" Tanong ni Fatima.
"Just casual, basta may suot." Tugon ni Joana.
Inabot ko ang bikini na kulay red sa tabi ko. "Okay na 'to, basta may suot." Nakangising sambit ko sakanila.
Tinampal ni Arabela ang kamay ko. "Gago'ng 'to."
Natawa nalang ako at binalik ang bikini sa sabitan. Kahit naman ako hindi ko kayang magsuot ng mga revealing na damit. Kahit maganda ang katawan ko, halos balot na balot pa'rin ako kung mag-ayos.
"Archie's friends."
Napatingin ako agad kay Joana. Kumunot ang noo ko, agad din ako'ng umiwas ng tingin at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Daming boyz?" Nagniningning ang mga mata ni Fatima.
Binatukan siya ni Arabela dahil dito.
" Ulol, basta lalaki ang bilis ah." sarkastikong sambit niya.
"Edi nandun din ex ni Maya?"
Napatingin ako kay Irish na walang prenong nagtanong. Abnormal amputek.
Nagbuntong hininga ako at kunwaring walang narinig.
"Idk, should I ask my coz? Wait, will you be okay, if happened na pupunta siya?"
Natiklop ko ang bunganga ko nang tanungin ako ni Joana.
Ngumiti ako at tumango."Yah ofcourse, gago tagal na nun ah." Nagbuntong hininga ako.
Hindi ko alam pero parang pinagpawisan ang mga palad ko.
Pagkatapos nung nangyari noong gabing 'yon, hindi na ulit kami nag-usap.
Naka-unfriend siya sa akin at naka-unfollow na 'rin. Besides, I'm too busy with my studies. Focus sa acads, were not close, and were not friends also.
*****
"Bilisan niyo, aayusan ko pa sarili ko eh!" Reklamo ko kina Fatima na wala pa.
Napag-usapan kasi namin na ako ang mag-aayos sa buhok nila, tutal magaling din naman daw ako'ng mag-ayos ng buhok.
Nagbuntong hininga ako nang matapos ko'ng ayusan si Irish at Arabela, si Fatima nalang ang wala. Si Joana naman ay may sariling taga-ayos.
"Sorry guys, medyo traffic sa katipunan hehe"
Mabilis na pumwesto si Fatima sa harap ng vanity mirror ko.
"Ulol, kahit kailan lagi ka'ng late, kaya late din lovelife mo gago."
Pambabara sakanya ni Irish.
Hindi na ako nagsalita at mabilis lang siyang inayusan. Pagkatapos ko siyang inayusan ay sinunod ko ang sarili ko.
Wavy curl lang ang ginawa ko para magmukha ito'ng simple. Simple'ng beige wrap dress lang din ang sinuot ko at heels.
"Bilisan mo, kotse ko na dadalhin."
Mabilis ako'ng bumaba ng condo at dumiretso sa carpark. Hindi ko alam kung late na ba kami, wala pa naman chat si Joana.
Napangiti ako nang makita ulit ang mustang ko. Walang gasgas.
"Wow, mustang. Sana all."
Napataas ang kilay ko at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nahigit ko ang hininga ko.
Nakangiti lang ito habang may nilalagay sa compartment ng kotse niya? Idk, maybe he brought a car.
Hindi ko siya pinansin. Inayos ko ang mga seats at nagligpit ng konti.
"Famous kana rin, sana all." He chuckled.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. First of all, hindi kami close. Hindi rin kami friends. Civil lang.
Pero wala ako'ng time makipagchikahan dahil malelate kami.
Tahimik lang ako'ng sumakay at pinaharurot papunta sa tapat ng building.
"Tagal mo ah!" Reklamo ni Irish.
Nagbayangan pa sina Fatima at Arabela kung sino'ng unang mauupo sa passenger seat. Bandang huli sumuko nalang si Arabela at umupo sa likod.
Napailing nalang ako at mabilis na pinaharurot ang sasakyan ko.
Medyo malayo-layo din dahil sa Makati pa.
*****
"Yah! Why did you bring that ugly witch? Kanina pa'ko naiirita sa mukha niya ah!"
Napailing nalang ako sa kanina pa'ng nagrereklamo na si Arabela. If glaring could kill someone, may pinaglalamayan na siguro ngayon.
"Let them be." Paalala ko sakaniya.
"I'll jus entertain them. I'll be back, bye guysueee" nag-flying kiss pa si Joana bago mawala sa paningin namin.
Nilibot ko ang paningin ko at halos malalaking personalidad talaga ang makikita mo. Mabuti nalamang at napaghandaan namin lima ang mga sinuot namin, dahil kung hindi ay mapapahiya kami.
"Pucha, wala ba'ng matapang dyan? Parang juice naman 'tong iniinom!" Reklamo ni Irish.
Lumingom dito si Fatima. "Tanga, ikaw matapang ka. Pinaglaban niyo nga relasyon niyo nung una eh" Pang-aasar niya dito.
Pinakyuhan siya ni Irish.
Tahimik lang ako'ng naka-upo at pinagmamasdan ang mga tao. Base sa ayos nila ay halatang mga politicians and businessman ang iba.
Napairap ako sa hangin at tumayo.
"C.R lang ako." I said before I left them.
Mabilis ako'ng dumiretso sa C.R para mag-retouch. Feeling ko kasi nawala na ang make-up ko kahit naka-upo lang kami.
Liptint lang ang nilagay ko dahil mas kumportable ako dito kaysa sa lipstick.
"Hi."
Habang naghuhugas ng kamay ay napatingin ako sa babaeng kakapasok lang.
Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring walang narinig.
"Long time no see." Nakangising sambit niya.
Tahimik ko lang na inayos ang gamit ko. Wala ako'ng ganang makipag-usap kahit kanino kaya hindi ko'to pinansin. Sayang oras.
"Kinakausap kita"
Akmang paalis na ako nang mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ko.
Walang emosyon ako'ng tumingin sakanya. Malamig ang tingin na pinukol ko dito. "Let go."
Wala siyang nagawa at binitawan din niya agad. Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad pabalik ng table namin.
"Hey, yung bespren mo nasa CR kanina ah" Pang-aasar ko kay Irish, pagkaupong-pagka-upo ko.
Kumunot ang noo niya. "Who?"
"Iris."
Hindi ako tinugon nito at nanahimik nalamang. Ngumisi ako.
Napairap ako at tumingin sa relo ko. Naiinip na ako at inaantok. Kung pwede lang umuwi ay kanina pa ako naka-uwi. Pero dahil nakakahiya kay Archie ay nag-stay nalang kami at maghihintay nalang daw sa after party.
Sobrang bongga ng event, pero hindi kami nag-eenjoy. What a nice.
Bored ko'ng nilibot ang paningin ko para maghanap ng pogi sana, balita ko kasi kay Joana ay maraming pogi daw na darating.
"Look, Aero and his friends?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Fatima. Nakatingin siya sa likod ko, kaya hindi ko makita. Wala 'rin naman ako'ng balak tignan.
Agad na umayos ng upo si Irish. "Gago, magpaka-dalagang pilipina muna tayo mga bhiE." Pabebeng sambit niya.
Natawa lang ako at napailing.
"Daming gwapo tanga." Bulong din ni Fatima.
Binato siya ng tissue ni Arabela.
" Labo ng paningin mo ah, sobrang labo. Kapag may gwapo lumilinaw pucha." Sarkastikong sambit niya dito.
Inirapan lang siya nito.
Patuloy lang ako sa pagkain, walang pakialam sa mga tao. Tumayo sandali si Irish para batiin ang iilan na mga kakilala niya, ganun din sina Arabela at Fatima. Business world nga naman.
Naiwan ako'ng tahimik na kumakain sa table ko. Mabuti nalang ay patapos na ako'ng kumain nang umalis sila.
Kinuha ko ang isang baso'ng tubig at ininom ng mabilis tsaka ko pinunasan ang gilid ng bibig ko. Nakakahiya baka isipin nila na dugyot ako.
"Hi"
Muntik na'kong mabulunan sa sarili ko'ng laway nang umupo sa tabi ko si Aero.
Mabilis niya ako'ng inabutan ng tubig at tissue ulit. Napairap lang ako sakanya at ininom ang tubig na inabot niya.
'Why is he here?!'
Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at kunwaring busy.
"Birthday ng mommy ni Archie. I'm invited." biglang sambit niya.
"Hindi ko tinatanong."
"Pero tinatanong mo sa sarili mo."
Walang emosyon ako'ng tumingin sakanya. Nakataas ang isang sulok ng labi niya habang nakatingin sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Inirapan ko lang 'to at humarap sa cellphone ko. Hindi ko alam kung ano'ng pinagtataype ko, mabuti nalamang at tinted and tempered nito. For privacy.
"Hindi mo talaga ako papansinin?"
Tanong pa niya.
"Pinansin na kita." Mataray na sagot ko rito.
Umangat ang tingin ko sakanya. Nakapangalumbaba siya at nakangiting nakatitig sakin.
Nagtama ang paningin namin pero agad ko rin iniwas. Medyo nailang ako ng konti kaya nagbuntong hininga nalang ako at sinubukan mag-focus sa cellphone ko.
' Hindi ba siya naiilang? Puta, ako ilang na ilang na '
Chinat ko sina Arabela sa GC.
Thomasian Beauty: San kayo putanginaniyo? Bilisan niyo.
Architect Cunanan: Maghintay ka, nagpaiwan ka 'di ba?
Napairap nalang ako at hindi nalang nag-reply.
Parang pinagsisisihan ko tuloy ng ilang segundo ang hindi pag-sama sakanila. Aabutin kasi ako ng ilang minuto sa pagpapakilala kaya tumanggi ako'ng sumama. Isa pa, maghahanap lang ng gwapo ang mga 'yon.
Inangat ko ang mukha ko at pilit na tinitignan sya ng diretso sa mata.
"Bakit mo'ko kinakausap? Are we even close?" Walang ganang tanong ko.
Hindi ko alam kung ano'ng trip neto, pero naiilang pa'rin ako sakanya.
He's wearing a navy blue long sleeve polo, sinadya nyang iwan na hindi nakabutones ang iilan, naka-tupi ito hanggang siko at naka-tucked in. Tinernuhan niya ito ng brown na pants.
Hindi ko alam kung kailan pa nag-collab ang navy blue at brown, pero nagmukha ito'ng bagay sakanya.
Pinilig ko ang ulo ko at naka-taas ang isang kilay na tumingin sakanya.
Umayos siya ng upo. Nawala ang mapang-asar niyang mukha at bumalik sa pagiging seryoso.
"No." Tipid niyang sagot.
Umirap ako at sumandal sa upuan ko."Leave, hindi naman pala. I don't talk to stranger."
Nagbuntong hininga siya at walang emosyon na nakapalmusang tumayo. Diretso lang siya'ng nakatingin sa akin. "Until now?" He asked before he walked away and left me alone.
I sighed then I smiled bitterly and drank the remaining cocktail.
'You're the best stranger that I've met tanga'
.....