Malayo pa lamang ay kitang kita na ni Eve or Eba kung tawagin ang mga tao na nagkakagulo.
Hindi nya alam ang nangyayari dahil madalas sya sa bayan dahil doon sya nag tatrabaho bilang isang Pediatrician. Mayroon syang apartment na tinutuluyan doon at umuuwi lang sya pag weekends sa sitio. Biyernes pa lang ngayon, napagpasyahan nyang umuwi ng maaga dahil wala namang masyadong pasyente sa clinic.
Napabilis ang lakad nya ng marinig ang boses ng ama na syang namumuno sa mga taga Sitio La Presa.
"Pa!" sigaw nya rito.
Agad naman itong lumingon sa kanya. Naagaw na rin nya ang lahat ng atensyon ng mga taong naroon.
Ngumit sya sa mga ito.
"Nandito kana pala anak" halata ang gulat sa ama. Hindi siguro nito inaasahan ang pagsulpot nya roon gayong biyernes pa lang.
"Buti at dumating ka Eba" Parang nakahinga ito ng maluwang ng makita sya.
Lumapit pa sya at binati ang mga taong nakakasalubong.
"Anong nangyayari papa?" magalang nyang tanong.
"Ay naku! May mga foreinger na dumating kanina rito Eba may kasama silang .. Ano nga ulit iyon Mang Hose?" tanong ni Aling Baba sa kanyang ama.
Napatingin sya ama.
Napabuntong hininga ito.
"May mga pumunta ritong kalalakihan at tiningnan ang buong lupain. Sinukat na rin nila ito." sagot ng kanyang ama sa naging tanong nya.
Napakunot ang noo nya.
Kalalakihan?
Sinukat?
Naguguluhan sya. Hindi nya maintindihan.
"Para saan daw ho ba ang pagsusukat pa?" tanong nya ulit.
"Binili na raw ang sitio natin Eba. May binigay nga sa aming papel" sagot ng isa sa kanya.
May inabot sa kanya ang Ama na puting sobre. Hindi pa iyon nabubuksan.
She's dying to know what inside, so she opened it quickly.
Ramdam nya ang tingin ng lahat sa kanya. Sanay na sya. And she's not conscious on how she looks to her fellow ka Sitio. It doesn't matter how much she looks.
"hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nyan eba kaya paki linaw nga sa amin" pakiusap ni Ka Temyong. Isa sa pinakamatanda sa Sitio.
Agad nyang pinasadahan ng tingin ang papel.
Inintindi nyang mabuti ang binabasa.
Napakunot ang noo nya ng maintindihan ang laman niyon.
"Para saan yan eba?" tanong ulit ng matanda.
Napahinga sya ng malalim.
Hindi nya alam kung paano uumpisahan.
Sasabihin ba nya ang totoo?
Minabuti nyang huwag magsinungaling.
Napalibot ang tingin nya sa mga tao. Lahat ito ay nakatingin sa kanya at naghihintay ng eksplanasyon mula sa kanya.
Lumipat sya sa tabi ng ama kaya nasa unahan sa sya.
"Sabi po sa sulat ay may isang buwan tayong lahat upang lumikas sa lugar na ito. Gaya po ng narinig nyo, nabili na ang Sitio Natin." paliwanag ko. Bumigat ang loob ko sa mga sinabi.
Namuo ang galit sa aking dibdib sa pangalang nakaukit doon sa papel na hawak ko.
"Hindi pwede! Sa atin ang lugar na ito! May mga papel tayo na nagpapatunay na sa atin ito!" Halos maiyak iyak si Ka Temyong habang sinasabi iyon.
Alam nyang walang papel. Kung meron man ay hindi iyon legal.
Gusto nyang sabayan ito at umiyak kasama ng lahat.
But she chose not to.
She needs to be strong.
"Paano na tayo? Isang buwan? Hindi ko kaya iyon. Sa pag aani lang ako kumukuha ng pang araw araw"
"Oo nga. Paano na kami? Ang mga anak namin?"
"Paano ang mga hayop at mga pananim na syang nagsisilbing kabuhayan namin?"
Halos lahat ng nandun, mapa babae o lalake ay umiiyak.
"Huwag po kayong mag alala. Gagawa ako ng paraan. Kakausapin ko ang bumili at pakikiusapan" Matatag kong pagkakasabi.
Hindi sya mangangako because promise is a sacred thing for her. But she will do everything to keep this place.
Nabuhayan ang mga tao sa narinig.
"Salamat at nandyan ka Eba!"
"Hindi namin alam ang gagawin kung wala ka."
Nahabag sya sa nakikitang takot sa mata nang mga ito.
At kung tingnan sya at parang sya na lang ang tanging pag asa ng lahat.
She lived her almost 26 years in this place. At alam nya ang iba ay mas higit pa. She knows, everyone valued this Sitio than any place in this world.
Ito ang lugar nila.
Dito sila nabuo at nahubog.
Dito sila nag ka isip at natuto.
Hindi nya hahayaang masira iyon dahil lang sa isang taong walang puso.
Nag sialisan ang mga tao at nagsiuwian na. Todo ang pasasalamat ng mga ito wala pa man.
Ngiti lang tanging naisagot nya sa lahat.
She's scared.
She's sad.
She's angry.
And her father noticed it.
"Eve, alam kong matapang ka anak, pero sa tingin ko ay hindi ang laban na dapat mong ipaglaban" umpisa nito pagkauwi nila.
Ang ina ay nag hahain na ng hapunan.
Maaga ang buhay sa Sitio. Alas sais pa lang ng gabi ay naghahapunan na sila.
"Ang aga mong dumating anak" puna ng ina nya. "Biyernes pa lang ngayon ah"
"Wala po kasing masyadong pasyente kaya umuwi na ako" mahinahong sagot ko.
Pero sa loob ko ay puno ng galit at lungkot.
"Alam mo ba anak?" tanong ng ina nya.
Tumango sya bilang sagot.
Tumabi ito ng upo sa ama.
"Tama ang Papa mo anak, hindi mo ito laban. May mga katibayan sila anak. At legal lahat iyon. Kung dadalhin nila sa korte ay mananalo sila" pag sang ayon ng ina sa ama.
"Pero paano na ang mga tao, pa? Tayo, hindi mahihirapan kasi may ipon na ako at kasya na iyon para manirahan tayo sa ibang lugar. Pero paano ang mga tao, Pa? I don't want to leave them hanging here." naiiyak nyang sagot.
"Naiintindihan kita anak, kahit ako man ay ayaw ko silang iwan dito. Matatanda na ang ilan at halos lahat ay walang ipon .." problemado din ang ama, alam nya.
His father is always kind to people. Ito ang nagturo sa kanyang maging makatao.
"Nakausap ko nga ang ilan sa mga kababaihan kanina, lahat sila ay namomoblema" sabi naman ng ina.
"Yung mga lalaking sinasabi nyong nagpunta rito, kanina lang sila nagpakita?" tanong nya.
"Hindi anak. Mga tatlong araw na. Tatawagan sana kita para ipaalam pero sabi ng papa mo, hintayin ka ng umuwi para masabi sayo ng personal."
"Saan po kayang posibleng makita ang mga lalaking iyon?"
Nakita nyang natigilan ang ama't ina.
Nag aalangan ang mga ito.
Alam nyang natatakot ang mga ito sa pwede nyang gawin.
"Eve .." tawag ng ina.
"Ma, let me do this. I will just going to talk to the new owner"
"At paano kung ikapahamak mo ito Eba?" seryosong tanong ng ama.
"Pa, I am going to be alright. Trust me. I won't do anything stupid." she assured to her father.
"Alam kong wala kang hindi gagawin para sa mga tao Eve. Katulad mo rin ako. Alam ko kung anong tumatakbo sa utak mo" seryoso parin ang ama.
Ang ina naman nya ay nagsimula ng pakalmahin ang kanyang ama.
Yes, they are the same. Madalas iyon sabihin ng ina sa kanya.
Para raw syang babaeng version ng ama.
The looks, she got it most from her mother but the way she thinks, acts, and mind works, parehas na parehas sila ng ama.
"Pa, I will do anything to keep this place." matatag na sabi ko .
"Sa Hotel sa bayan, doon mo sila makikita" sumusukong sabi ng ama.
Ang ina naman nya bakas na ang pag aalala wala pa man syang ginagawa.
"Thank you for letting me Papa." she held her fathers hand and squeeze it.
"Ma, don't worry too much. I'll be fine"
"Hindi ko lang mapigilan mag alala. Pero hindi kita tututulan sa gagawin mo anak. Ipaglaban mo ang lugar na ito. Ipaglaban mo ang sa tingin mo ay makabubuti sa nakararami" napangiti sya sa sinabi ng ina.
"I love you both so much" she said with so much love.
And with that, they enjoy the dinner together.
Becuase tomorrow, it will be a long battle for her.