"Tulala ka nanaman" wika ng kaibigan ko na si Seiji habang umuupo sa tabi ko.
Ninamnam ko ang simoy ng hangin na dumadampi sa mga balat ko, Napaka sarap ng hangin lalo nat nandito kami sa taas ng bundok sa ilalim ng tirik na araw.
"Seiji" tawag ko sa kanya.
"Ano?"
"Nakikita mo ba yung araw na yon?" tanong ko dito.
"Pssh... Oo naman hindi naman ako bulag e, Oh e anong meron don?" pagtatanong nito.
"Sa tingin mo ba... Hindi napapagod ang araw?"
"Ang araw?" sabay tingin nya sa araw "HAHAHAHAH nagpapa tawa kaba? Panong mapapagod yung araw--- Aray! Sakit non ah!" sabi nito habang naka hawak sa ulo.
"Pag kinakausap ka ng maayos....sasagot ka ng maayos.. Bwisit ka talaga"
"Oo na oo na.... Eh... bakit nga kasi mapapagod yung araw? Sanny napaka labo naman nung sinasabi mo e" pagmamaktol nito.
"Isipin mo ang araw bilang isang babae"
"Oh tapos?" sagot nito.
"Babae sya na naghihintay sa ilang daang taon para sa isang lalaki na minamahal nya... Sa tingin mo ba... anong mararamdaman nya?"
"Pwede ba yun.... Ilang daang ta--" hindi nya natapos ang sasabihin nya ng samaan ko sya ng tingin
"Siguro masasaktan sya.... Ay! Mali, talagang nasasaktan nga sya"
Tama ka seiji nasasaktan ako, sobra akong nasasaktan.
"Pero kung ako sa kanya... hindi ako maghihintay"
"Ganon? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko.
"Dahil masasaktan lang sya, kung nasasaktan sya sa paghihintay mas lalo syang masasaktan kung hindi naman darating yung hinihintay nya." sabi nito habang nakatingin sa kawalan.
May punto naman sya, sabagay kanya kanya tayo ng opinyon.
"Siguro... Siguro kung ako maghihintay ako" sabi ko.
"hmmm kakaiba ka talaga, O sige... bakit ka maghihintay?"
"Dahil mahal ko sya, mas mabuti nang masaktan tayo kesa naman wala tayong gawin... Para balang araw wala tayong pagsisihan na may isang bagay na dapat pala ginawa natin pero hindi natin nagawa"
"Lalim naman ng hugot sanny.... tara na nga magdidilim na oh, umuwi na tayo" pagyayaya saakin nito
Tinanguan ko na lamang sya bilang sagot.
Ako, ang araw... na patuloy maghihintay, may katiyakan man o wala maghihintay pa din ako.
_
Nasa balkonahe ako ngayon at pinagmamasdan ang ganda ng buwan nang hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Clouwy.
"Gabi-gabi kang nakatitig sa buwan... baka matunaw yan" pagbibiro nya pero hindi ako tumawa kase corny.
Hindi ko na lamang sya sinagot dahil wala akong panahon makipag batuhan ng mais sa kanya ngayon.
"Ang sabi ni Clima de la madre may bagong nagpapatakbo na daw ng buwan... akala ko bumalik sya"
Minsan talaga masarap busalan ang bibig nitong babae na to e, alam naman na nandito ako, ako na umaasa ako na naghihintay.... hmp! Buset
"Clouwy,baka nandito ako hano?" sarkistong tanong ko dito
"Ay! Andyan ka pala, akala ko wala... di ka man maimik eh"
naiinis na ako mang wawarshock na talaga ako unte na lang bi<3
"BWISIT KANG ULAP KA LUMAYA---" hindi ko na natapos abg sasabihin ko ng biglang pumasok si Snowy
"Hoy ang ingay ingay nyo! Lagi na lang kayong nagaaway para kayong nga bata e ke tatanda nyo na! Jusmiyo marimar isang daang libong taon na tayo nagkakasama tapos nga utak bata pa din kayo grow up mga stupid daig nyo pa yung pamilyang loud ah! Arg.... Peste manahimik nga kayo ha! Tahimik na nga e Hindi ko naintindihan yung pinpanuod ko dahil sa inyo! Sinasabi ko sa inyo pag hindi ko nalaman kung may babae talaga si bobby magpapaulan talaga ako ng snow mga peste! " sabay talikod nito
Katakot naman si nanay hihi
Sya talaga yung pinaka mabunganga saaming lahat e, Biruin mo snow sya tapos ang init ng ulo nya, hindi lang yan. Aakalain mo baril yung bibig nya kahit na snow naman talaga sya, nagegets nyo ba ako?, ok sige kung hindi wag na lang.
Nakakatakot talaga minsan si Snow lalo na kapag nagbabanta sya na magpapaulan sya ng snow natatakot ako, syempre sya ang bida snow sya ako araw e ang init sa pilipinas dagdag mo pa na isang beses lang sa isang libong taon umuulan ng snow sa pinas edi pag tinotoo nya maeechapwera ako ayoko nun!
Subukan lang talaga nya at tutunawin ko sya saka ko ilalagay sa ice Mold para maging yelo tapos magbebenta ako ng halo halo patok pa naman yung business nayon lalo nat tag araw.
_
Nagising ako sa kadahilanan na may naririnig akong malakas na ingay, tunog ng tv amp. Aga aga pa e.
"At sa iba pang mga balita isang bagyo ang namataan sa bandang Visayas na tinatayang may bilis na aabot 285 km/h inaasan ang pagpasok nito sa bansa sa darating na byernes kaya pinapayuhan ang lahat na----"
Napatigil ako dahil sa narinig kong balita, imposible naman yon summer ngayon at ako ang bida, bakit bigla bigla namang may papasok na bagyo
"Sanny" tawag sa akin ni Snow
"hmm?"
"Nakatanggap ako ng sulat galing sa itaas, pinapatawag daw tayo ni Clima de la madre"
"Teka?... Bakit naman tayo ipapatawag ni Clima de la madre? Hindi naibigay nya na sa atin ang schedule natin hanggang sa susunod na isang libong tao----- teka! May ginawa bang hindi maganda ang isa sa inyo?!" tanong ko dito.
"WHAT?! galit yan. " hindi nga din namin alam kung anong nangyayari e bigla bigla nya tayong pinapatawag tapos sisihin mo kami? Lintik kang araw ka"
"Easy..."
"Pano ako nag eeasy..... Sya nga pala hindi kaya may kinalaman to sa paparating na bagyo sa pilipinas?"
Oo nga no! May punto sya, hindi magpapatawag ng ganito si Clima de la madre kung hindi importante, Nabigay na ang schedule namin sa susunod pang mga taon kaya kung isang Good Clima fairy ang may gawa ng bagyo ibig sabihin nilabag nya ang batas at may kaparusahan yon at ang isa pang nasa isip ko ay.... Baka bumalik na ang mga kalaban na nagdudulot ng panganib sa mga taga lupa.
S I L I C A S I L I T C H