Habang papasok sa portal hindi ko pa din talaga maisip kung paanong nangyari na magkakaroon ng bagyo sa kalagitnaan ng summer.
Tinitigan ko muna ang salamin sa harap ko at pinagnasdan ito ng maigi.
Sa unang tingin mo dito aakalain mong isa lang syang simpleng salamin.
Ngunit kapag inilapat mo ang iyong palad sa salamin ay mabubukas ang third eye mo at iilaw ito, pagkatapos ay kailangan mong bigkasin ang password.
Nauna saakin si snow, nilapat nya at palad nya at umilaw nga ang third eye nya saka binigkas ang katagang
La nieve
Pagkatapos ay bigla na lamang syang nawala sa harapan ko
Astig talaga hehe
Sumunod na ako at ginawa ko ang ginawa nya gets nyo?
El sol
Tanging mga dyos at dyosa lamang ang pwedeng maglabas masok dito sa portal dahil kung may tiga lupang gagawa ng ginawa namin ay maaring hindi na sya maka labas sa salamin at habang buhay na lamang maninirahan doon.
Tatagal ng isang minuto ang pagbyahe sa portal patungo sa Puente blanco ito ay isang puti at tila ba mahabang tulay na walang katapusan, walang ibang kulay kundi puti at asul na kulay ng kalangitan ang makikita mo dito.
Ang isang oras sa kalupaan ay isang araw sa amin.
Kaya kung ang byahe namin ay tatagal ng labin limang araw, sa kalupaan ay labin limang oras lamang kami mawawala.
Matapos ang matagal na paglalakbay ay nakabalik na kami sa Castillo Blanco or white castle. Mula sa puente blanco hanggang sa castillo ay puti at asul lamang ang makikita.
"Im home" nakangiting bigkas ko
"Maligayang pagbabalik"
Isang pamilyar na boses ang nadinig ko kaya naman hinarap ko sya at hindi ako nagkamali sya nga. Sa sobrang tagal nya nang nabubuhay ay hindi pa rin nagbabago ang itsura nito, kung titignan kaming magkakasama, ako si snow at si rheign at kasama sya si Clima de la madre ay pagkakamalan kaming magkakaptid dahil sa kagandahan nito na tila ba hindi tumatanda.
"Clima de la madre" tawag ko dito at saka ko niyakap ng mahigpit
"Wala ka pa ding pinagbago Sanny,Ganito din ang itsura mo nung huli tayong nagkita Dalawang daang taon na ang nakalilipas" wika nito at nginitian ako.
"Kayo din naman ho Clima de la madre... mas naganda pa nga kayo saakin kung tutuusin e"
"Oo nga ho Clima dela madre... ilang taon kana nga ulit Clima de la madre?" tanong ni Clouwy
"hulaan mo clouwy" naging sagot na lamang nito.
"Hmmp..." pag iisip nito " 500 years?" paghuhula nito
Ngunit umiling si Clima dela madre
"600 years?"
Mali pa din
"700 last na talaga yan pag mali pa ayoko na"
Titig na titig si Clouwy kay Clima de la madre at hinihintay ang pagtango nito ngunit ganoon na lang ang pagbagsak ng balikat nito nang umiling ang Clima de la madre
"Ha? Hindi ...500 600..or 700 eh ilan taon kana ho talaga?
" isang libong taon" sagot nito
"Sus... Isang libong tao---ANO?! ISANG LIBONG TAON?! GANON KATAGAL?! GANON NA KAYO KA TANDA?!" Gulat sya nyan
Tumango na lamang ang Clima de la madre bilang sagot.
"Wow" namamanghang sagot ni Snow
"Hindi halata ah" namamanghang sagot Clouwy
"Boba.... malamang pagtuntong natin ng isang daang taon hindi na tatanda ang itsura natin." pambabara ni Snow, init talaga ng ulo nito dapat sya nalang ako e.
"But still.... nakakamangha pa din sobrang tagal mo na palang nabubuhay" sabi ni Clouwy
"Eh ikaw ba Snow ilang taon kana" Pagtatanong ni Clouwy
"450" maiksing sagot ni snow
"Hala ako pala ang pinaka bata 199 pa lang ako"saka ito ngumuso pa cute ampt
Tumawa na lamang si Clima de la madre dahil sa pagka isip bata nito.
" Eh ikaw Sanny..... Ilang taon ka na? " tanong nito saakin
" Ako? 500 na ako" nakangiting sabi ko.
"Wow talaga?!" namamanghang tanong nito ibig sabihin kalahati lang ni Clima de la madre ang edad mo nakakabilib."
"Yeah nakakabilib nga, 500 years na syang nabubuhay tapos 400 years na syang naghihintay"
Sinamaan ko sya ng tingin.
Kelangan pa ba talagang sabihin yon, hindi ba pwedeng 500 years old na sya 500 years nadin syang maganda di ba pwedeng ganon na lang?
Sasagot pa sana ako ng biglang nagsalita si Clima de la madre
"Tama na yan, May mahalaga tayong pag uusapan kaya kayo pinatawag dito"
"Oo pala.... Clima de la madre ano ho ba yun?"
Hindi ito umimik at umalis sa harapan namin at syang sinundan namin
Umupo kami sa Upuan na ulap, napaka lambot talaga napaka komportable
"Ang nga Dioses malos"
Kaagad naagaw ng pansin ko ang usapin ukol sa kanila, sinasabi ko na nga ba.
"Nagbalik na sila" seryosong sabi ni Clima de la madre
"Sila nanaman?!" naiinis na sambit ni snow "hindi pa ba sila napapagod sa kaka dala ng kapahamakan sa tao? Hindi ba sila natatakot ulit na matalo?"
"Walang kapaguran ang mga Dioses malos, hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha ang kagustuhan nila"
"Tayo bilang mga Buenos Dioses ang tungkulin natin ay mapanatiling ligtas ang mga tao at gawin ang mga iniatas saatin, di gaya ng Dioses malos wala silang batas" pagpapaliwanag ni Clima de la madre
"Teka sino ho ba yung nga Dioses malos na yan Clima de la madre" pagtatanong ni Clouwy
oo nga pala hindi kilala ni Clouwy ang mga Dioses malos dahil 200 taon pa lamang sya at ang huling pag atake ng mga kalaban ay 200 taon na din ang nakalilipas
"dalawang daan taon na ang nakalipas nung huling umatake ang mga Dioses malos... Ang pagitan ng paglusob nila ay laging 200 taon, at ngayong taon na ito... ngayon ang itinakdang taon ng pagbabalik nila" sabi ni Clima de la madre habang nakatingin sa vase na nasa harapan namin.
Tinignan ko ang vase at nakita kong lanta ang halaman na naka tanim dito
Napatingin naman ako kay Clima de la madre nang ilagay nya ang kamay nya taas ng bulaklak na tila ba binabasbasan ito.... ilang sandali pa ay namukadkad bulaklak ang kaninang lantang bulaklak.
"Eh sino ho ba ang mga Dioses malos na iyon Clima de la madre.... Saka..... bakit sila nagdadala ng kapahamakan sa nga tao?" pagtatanong ulit ni Clouwy
"Ang mga Dioses malos sila ang masasamang diwata, mga masasamang gods at goddesses, kaya nilang magdala ng panganib sa tao sa pamamagitan ng paggamit nila sa mga kung anong mayroon sila halimbawa nalang nito ay ang paparating na bagyo sa mga susunod na araw kahit na summer na hindi ito normal dahil ang karaniwang dating ng bagyo ay sa buwan ng June july august at iba pang mga buwan... hindi maganda ang dulot nito sa mga tao lalo nat hindi natin alam kung gaano kalakas ang bagyong kaya nilang ihampas sa mga taga lupa... maraming mamamatay at yun ang dapat nating iwasan na mangyari" mahabang paliwanag ni Clima de la madre
"Eh teka" naguguluhang sambit ni clouwy "hindi nyo pa po ako sinasagot bakit po nila ginagawa nila to... ano yon trip trip lang #goals #thuglife ganon?"
"Hindi kaba nagtataka kung bakit hindi ko masabi kung sino talaga sila?" pagiiba ng usapan ni Clima de la madre
Hindi naman umimik si Clouwy at nagsalita naman ulit si Clima de la madre
"bukod sa pangalan ng samahan nila at mga gawain nila... wala na kaming alam"
"ha? Pano ho yun?" tanong nito ulit.
"Ang mga Dioses malos, sila ang mga diyos na tinatawag na sin indentidad o walang pagkakakilanlan, kaya sila umaatake ay hindi nila matanggap na parang hindi sila nabubuhay dahil nga sa hindi nila alam kung ano sila bukod sa masama at kung saan sila nagmula"
"pero ang babaw naman po nung dahilan para pumatay ng tao" naiinis na sabi ni clouwy
"Tama ka, dahil ang tunay nilang pakay ay ang mahanap ang Princesa del clima"
"Princesa del clima..... ang prinsesa ng mga dyos at dyosa?"
"Oo"
"Pero bakit naman ho"
"Dahil ang Prinsesa lamang ang makapag sasabi kung Sino at ano talaga sila, kung saan sila nagmula"
"Eh nasaan ho ba ang prinsesa, clima de la madre?"
"Yun ang hindi namin alam, dahil walang nakaka alam kung sino sya..... maski ang sarili nya hindi nya kilala"
S I L I C A S I L I T C H