Chereads / When Moon Collides with Sun / Chapter 4 - Kabanata 1

Chapter 4 - Kabanata 1

February 03, 3030

Wednesday

"What kind of creature is that mom? Is she a human-animal also?"

"Maybe son."

"She so dumb to sleep there if she's a human. You know.."

Hindi ko alam kung tao ba o robot ang nag sasalita.

Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa'kin ng idilat ko ang aking mga mata na tila ba walang bubong sa kinahihigaan ko. Nang nag unat ako may tumutulo na tubig sa kamay ko habang nakaupo pa rin.

Tubig?

Napakunot ang noo ko.

"Look mom! She's awake!" kaparehas ng sa panaginip ko ang boses na sumigaw kaninang bata.

Napalingon ako sa pinangalingan ng boses.

Bata?

Matatawag ko ba itong bata!?

Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitignan 'sya.

Robot?!

Napatingin ako sa kinahihigaan ko at doon ko napag tantong nasa isang tubig ako!

Anong ginagawa ko dito?

Napatingin ako sa paligid at napansin kong iba ang mga tanawin! May mga sasakyang lumilipad! Pero sigurado ako na hindi iyon eroplano! At ang mga alam ko na kotse ay lumalapat sa sahig! Hindi katulad nang nakikita ko ngayon! Nakalutang! May nakita pa ako na parang capsule ng gamot pero transparent at human size, doon naka tayo ang isang tao at umaandar iyon!

Ano ang mga 'yon?!

What the hell?

Napaatras ako at natamaan ko ang isang poste kaya napatingin ako doon.

"The way to Rivero street is on left way." nag salita ang poste! At may na lumutang na medyo pamilyar na sulat dito.

Teka? Parang alam ko ito.

Baybayin!

Tama!

Wala sa sariling napatayo ako sa kinahihigaan ko.

Shit wrong decision!

Naramdaman ko ang lamig na bumabalot sa katawan ko na tila ba wala akong saplot. Napatakip ako sa aking sarili.

"Really? Two piece sa sapa?" sabi ng isang nilalang. Masasabi kong babae 'sya. Pero hindi ko alam kung tao ba 'sya dahil parang may halong pagka robotic ang boses 'nya. At mas matangkad 'sya kung ikukumpara sa normal na babae na nakikita ko. Pero hindi lang 'sya.. nang ilibot ko ang paningin ko ay nakita ko ang matatangkad na nilalang.

"Takara, come here!" I heard a voice from a far.

"Takara! What are you doing here! I said stay at your room!" I heard a same voice again.

Nagulat nalang ako ng biglang may humablot ng braso ko! Muntik na akong matumba dahil sa lakas 'non! Kinaladkad 'nya ako patayo at pinagsuot ako ng isang roba.

But what the fudge!

Nang tinignan ko ang sarili ko ay para akong naging transparent!

What the fvck?

"Hey! Mister! What the hell! Wag mo nga akong kaladkadin!" pagpupumiglas ko, dahil ang pakiramdam ko ay puputok na ang braso ko sa pag kakahawak 'nya! Pero hindi 'nya ako pinakingan dahil tuloy tuloy lang 'sya ng pag hatak saakin. Ang huli ko lang na natatandaan ay.. nalunod ako!

Yes tama!

Sa isang pool!

But how did I get here?

Natigil ang pag iisip ko ng makita ko ang isang..

Another..

What the fudge..

Anong klase bang lugar 'to?

Bakit mga nakalutang?!

May gravity pa naman!

"Ano ba!?" pinwersa ko na talaga siya na bitawan ako dahil pakiramdam ko ay kinabukasan ay mamamaga at mag mamanhid na ang braso ko!

Gusto ko nang bumalik sa mundo at lugar ko.

Nakita kong bahagya 'syang natigilan sa mga pinag sasabi ko at napa titig sa mukha ko. Namumutlang napa iwas 'sya ng tingin.

"Magbihis ka na muna tsaka tayo mag usap."

"At bakit ako susunod sayo?" singhal ko.

"Just. Follow. Me." matigas na sabi 'nya. Nakita ko na nag kulay pula ang kanyang mga mata.

Para bang may gagawin 'sya sa aking masama sa oras na hindi ako sumunod. Nakakatakot. Nakakapangilabot. I don't wanna die yet kaya sinunod ko nalang 'sya.

"Uh.. S-saan ba dito y-yung C.R?" hindi ko napigilan ang mautal dahil sa takot at kaba.

"Rica! Please lead her to her room." simpleng sabi 'nya at may dumating na isang nilalang.

"S-sir?" ani Rica pero hindi 'sya pinansin ng lalaki.

"M-ma'am Takara please follow me." sabi ni Rica nang hindi na talaga 'sya sinagot nung lalaki.

Bakit Takara ang tawag 'nya sakin?

Hindi ako si Takara!

Si Damara ako!

Ang mga tao ngayon ay matatangkad.

Masasabi kong matangkad sila, pero hindi ko masabi kung ano ang maliit para sa akin.

Maroon silang hearing aid sa kanilang tainga na konektado sa kanilang kaliwang mata.

Ang bahay nila ay mayroong hindi nakikita na hagdan mula sa labas. At hindi mo iyon mahahakbangan hanggat hindi mo pinipindot ang parang wrist watch na nakalagay din sa palapulsuhan.

Nag simula na si Rica humakbang na tila ba ay may naapakan talaga 'syang hagdan papunta sa nakalutang nilang bahay.

Nanlalaki ang mga mata ko sa nakikita.

Parang hindi pa rin sa akin nag si-sink in na naandito ako at ang mga nakikita ko.

Dahan dahan kong inangat ang kanang paa at hinakbang iyon kung saan nakatayo si Rica. May naapakan naman ako kaya sinunod ko na ang kaliwang paa. Dalawang baitang lang ang hinakbangan namin at may pinindot ulit 'sya sa parang orasan na ka'nyang pinindot rin kanina para may maapakan na hagdan.

Nag lakad 'sya na sinundan ko naman.

And.

Holy shit.

Bigla na lang kaming umangat!

Napakapit ako sa braso ni Rica. Naramdaman ko ang pagkagulat 'nya sa ginawa ko pero hindi ko nalang iyon pinansin.

What the hell is happening?

Bakit kami umaangat?!

Nanlalaki ang mga mata ko habang natatakot at the same time na lulula.

Ang lugar na kailan man ay hindi mo aakalaing nag e-exist o mag e-exist.

Nang pumantay na ito sa pader ng bahay ay may pinindot ulit si Rita sa bagay na nakalagay sa ka 'nyang palapulsuhan at doon bumukas ang isang hindi normal na pader.

Muling nanlaki ang mga mata ko.

"Ma'am let's go na po." sabi 'nya

"Al-alright." dahan dahan akong bumitaw sa ka'nya at mariin na pumikit, dahil baka mahulog ako.

"Uh.. ma'am? Tara na po?" ulit 'nya, dahan dahan ko muling dinilat ang mga mata ko at nakita ko na nakalahad ang isa 'nyang kamay sa akin at nasa loob na rin 'sya. Agad ko iyong kinuha at humakbang na sa loob ng nakabukas na pader nila dito.

Habang pupunta kami sa dapat kong paroonan ay nililibot ko ang aking nga mata sa paligid ng nakalutang na mansyon. Sa baba o sa labas ay para lang 'syang isang maliit na pa-oblong na color gray na may stripes na white, pero ang stripes na iyon ay naka usli o nakapaibabaw. But.. when we enter it was huge! Like it's a expandable! It's my first time here so.. Ganoon na lang ang pag ka mangha ko sa bagong lugar.

Ang ganda dito..

Umakyat kami at huminto sa isang pader.

"Ma'am this is your room." sabi ni Rica sabay yukod.

Napa ubo ako saglit at nag sabi na ng salamat. Pero nakatayo lang ako sa harap ng pader. Dahil hindi ko alam kung nasaan ang pinto!

"Uh! Rica wait!"

"M-ma'am?" ng mamadali 'syang lumapit sa akin.

"Uh.. pwede bang pag buksan mo ako?" oh.. so bossy boss.

"Uh.. ma'am. Mukha 'nyo po kasi ang naka enroll sa device ng kwarto 'nyo po, kaya hindi ko po kayo mapag bubuksan." ani 'nya. Napakunot naman ang noo ko.

Saan ko itatapat ang mukha ko?

"Saan.. ko itatapat?" napapangiwi ako.

"Uh.. diba po dito?" tinutro 'nya ang isang parte ng pader.

Lumapit naman ako doon, at kusa na iyong nag bukas pag ka lapit ko palang. Napatingin naman ulit ako kay Rica.

"Uh.. ma'am, pwede na po kayong pumasok." ngumiti 'sya sa akin.

"Salamat," ngumiti ako sa ka'nya pabalik bago pumasok sa pader na ang loob ay isang kwarto.

Hindi 'sya basta kwarto!

Manghang mangha na nilibot ko ang paningin sa mga kagamitan dito.

Lahat dito ay gawa sa kristal!

Dumapo ang tingin ko sa isang imahe..

Isang sobrang pamilyar na imahe.. gawa sa mga pinong kristal.

Nilapitan ko 'yon at nakita ko ang mukha ko sa imahe na 'yon..

Ang ganda ng pag kakagawa..

Sobrang pulido ng mga angulo..

Parang isang kasalanan na iyon ay hawakan o dikitan.

Hindi ko na napigilang mapanga nga sa sobrang ganda ng kwarto. Pumunta ako sa isang napaka laking cabinet dito sa loob.

Shit!

Ano 'tong mga 'to!

Bakit puro crystal?

Parang mga crystal gadgets, na kailan man ay hindi ko pa nakikita.

Sinara ko iyon at tumingin tingin pa.

Nang bigla ay may mag salita.

"You can now successfully enter your room."

Nanlalaki ang mga mata ko at na laglag ang panga ng biglang nag bukas ang pader sa tabi ng lalagyan ng mga metal kanina.

Hindi ko alam kung paano iyon nag bukas pero nag papasalamat na rin ako na nag bukas iyon!

Nang tuluyan na iyong nag bukas ay halos mag hugis puso ang mga mata ko at magtatalon sa galak.

Nakita rin kita!

Ang daming mga magagandang damit dito!

Abot tainga ang ngiti ko ng nilapitan ko ang mga ito.

Ang sayang mamili dahil lahat ay magaganda ang itsura maging ang tela!

Nag halungat ako ng damit hanggang nakakita ako ng simpleng damit sa pinaka likod.

Hinanap ko ang pinaka simple dahil dito ako kumportable.

Habang nag bibihis sa C.R nililibot ko ang akong mga mata dahil ang ganda dito! Ang linis at ang luwag. Nang natapos ako sa pag hanga sa boong kwarto ay lumabas na ako at naabutan ko si Rica sa labas. Bigla siyang napaayos ng tayo ng makita ako.

"M-ma'am, hinihintay na po kayo ni sir sa baba." ani Rica.

Hindi yata ako mag sasawang tignan ang mga palamuti dito sa mansyon na ito. Ang ganda sobra!

Ang kumikinang na mga sahig at pader.

Ang mga magagandang kagamitan..

"Takara, let's go. We have an appointment with Doctor Medina."

Huh?

"T-teka? Bakit naman ako sasama sayo? E hindi kapa nga nag papakilala?"

Huminga lang 'sya ng malalim at hindi na ulit ako pinansin, pero sinabi ang kung ano ang pwede kong itawag sakanya.

"Just call me Lycus," sabi 'nya at nag sumula ng humakbang.

Nag lakad 'sya papuntang pasilyo palabas. Sumunod naman ako sa ka'nya. Lumabas 'sya sa daan na pinasukan namin ni Rica. Bumaba kami na para bang may inaapakan talaga kami. Nang makalabas na kami ay tumungin pa ako balik at halos literal na malaglag ang panga ko ng makita ang tinatagong ganda ng lumulutang na masion!

Mas na emphasize ang ganda nito dahil gabi na at mas nakikita na ang liwanag ng ilaw.

At mas na appreciate ko ito gayung gabi na. Kasi feeling nasa galaxy ako pag tingala ko ito.

Dahil naging dark violet 'sya at may mga stroke at dot na kulay puti, blue.

"Lycus, pwede ko po bang makausap si Takara?" isang tinig na nakapukaw ng aming pansin. Napalingon ako sa pinangalingan ng boses. Isang lalaki na sa tansa ko ay isa hanggang apat na taon ang agwat sa akin.

"Allen, mamaya na. May pupuntahan kasi kami ni Takara." ani Lycus.

"B-but—"

"Just follow what I said." boong boses na sagot ni Lycus sa lalaking tinawag 'nyang Allen.

Napabuntong hininga nalang si Allen. Lumingon ito sa akin at pagod na ngumiti.

"Sige salamat nalang Lycus," nag paalam na siya at sumakay sa isang sasakyan na hindi lumalapat sa sahig.

Wala rin itong gulong!

Nanlalaki ang mga mata ko habang sinusundan ng tingin ang sasakyan 'nyang palayo.

May gravity pa naman pero paanong hindi nakalapat sa sahig ang kanyang sasakyan?

Narinig kong tumikhim si Lycus sa tabi ko.

"Tara na."

"H-huh?" nag loading pa ako dahil sa pagkamangha sa sasakyan na ngayon ko lang nakita

"Ah! Oo! Tara na!" bawi ko agad.

Hindi ko inaasahan ang nakita ko! Isang sobrang gandang sasakyan! Umiilaw ito! First time kong makakita ng ganitong sasakyan sa tanangbuhay ko. Katulad din ito ng sasakyan ng tinawag 'nyang Allen.

Binuksan ni Lycus ang isang pinto at nagagalak naman na pumasok ako doon.

Sinara 'nya ang pinto ko at binuksan naman ang kabila para sa ka'nya para makapasok na 'sya.

"Lead us to her doctor." sabi 'nya na akala mo ay may kausap.

Napakunot ang noo ko. Pero unti unti rin na nanlaki ang mga mata ko ng nag simula nang umandar ang sasakyan na sinasakyan namin.

"L-Lycus, sinong nag da-drive?" alam ko na bakas sa aking mga mata ang takot lalo na't walang nag mamaneho ng sasakyan.

"Takara?" napakunot ang noo 'nya sa akin. Na para bang sinasabi 'you should know that!'

"Uh.." hindi nalang ako nag salita. Nag iwas nalang ako ng tingin at tumingin sa labas.

Oh.. my..

Ang ganda!

Simula sa street light hanggang sa mga daan, ay masasabi mong nasa isa kang mundo na hindi mo aakalaing mangyayari o umiiral pala.

"Steet sweeper? Gabi na ah.. Mga robot ba sila? At parang hindi sila napapagod?" natawa ako ng kaunti sa sinabi kong iyon kay Lycus.

Ngunit tinignan 'nya lang ulit ako katulad ng tingin 'nya sa akin kanina. Nakakunot ang noo at nanliliit ang mga mata na nakatingin sa akin na para bang sinasabi na 'you should know that!'

Huminga 'sya ng malalim at sinabing "Yes they are robot." at napaiwas siya ng tingin ng mag salubong ang mata namin.

"T-they are robot!?" gulantang kong tanong. Mukha silang mga tunay na tao! Ganoon ba katagal ang pagka tulog ko at napaka dami nang nag bago.

Yung baybayin..

Ang pagiging hindi ko pamilyar sa mga lugar..

Ang sasakyan na mag isang umaandar..

Mga sobrang modernong teknolohiya..

Ang mga street sweeper na sinasabi 'nyang robot.

Ang mga nakalutang na sasakyan at kabahayan..

Dont't tell me nasa ibang planeta ako!?

Ayan ang huling laman ng isip ko bago ako mawalan ng malay sa loob ng sasakyan.

This feeling was familiar.

"Time of death 02:15 pm, March 03, 2020."

Iyakan ang bumalot sa loob ng kwarto na kinaroroonan ko.

Nakapalibot sila sa isang tao na nakabalot sa puting kumot sa isang hospital bed.

Habang ako ay nakahiga.

"She lost her memories from the begining of her life." I heard a voice.

"W-what does it mean?"

"That maybe the reason why she's not familiar for anything. But you know, to be honest, ito ang pinakamalalang kaso ng Dementia na naitala dito sa ospital. We can compare it to Amnesia."

Sobrang saryoso ng paguusap nila.

Naramdaman ko na may humahawak sa pisngi ko kaya pinilit ko na dumilat. Nakita ko ang nag aalalang mata ni Lycus.

"Your awake." ani Lycus, maya maya ay nag iwas na 'sya ng tingin at pinakilala ang lalaking kausap 'nya.

"By the way, this is Doc Remirez. Pansamantala 'sya ang magiging doktor mo dahil on vacation si doctor Medina kaya papalitan muna 'sya ni Doc Remirez." pero hindi doon natuon ang aking pansin kundi sa orasan na nakita ko sa likod ni Doc Remirez.

14:16 pm

02•03•3030

Ayan ang naka lagay sa wall modern clock nila.

While..

02:15 pm

02•02•2020

Ayan ang oras at panahon na narinig ko sa panaginip ko. Parang biglang nanikip ang dibdib ko dahil sa naalalang panaginip.

Pero sobrang labo non!

Pero year 3030? Grabe mahigit isang milenya naman ang agwat ng wall clock na iyan kumpara sa napaginipan ko.

"A-ah.. Lycus, tignan mo yung wall clock." nag aalangan kong itinuro ang wall clock na tinutukoy ko.

Lumingon naman siya doon pero parang hindi nakita ang ibig kong sabihin.

"A-ah ano kase. Tama ba ang naka lagay jaan?"  hindi ako komportable na mag salita dahil pati si Doc. Remirez eh nakatingin sa akin. Parang sinasabi na 'manahimik ka nalang.'

"Huh?"

"Uh.. Kalimutan 'nyo na 'yon. At 'saka diba may pinagusapan kayo? Yung Amnesia? Amnesia ba yun?" pag iiba ko ng usapan.

"Well. Takara may roon kang sakit na tinatawag na Dementia. Ang talas ng pag-iisip ay natural na nababawasan sa pagtanda ng bawat tao. Ngunit sa taong madalas na umiinom ng alak, ay doble o triple ang bilis ng pagkasira ng mga cells sa utak kaya't mapapaaga ang kanilang pagiging malilimutin." pag e-explain ni Doctor Remirez.

Sasakyan ko nalang ang pag tawag nila sa akin ng Takara.

Dahil baka sabihin nila na nababaliw na ako kung ipipilit ko ang tunay kong pangalan.

"Huh?"

I didn't remember that I'm sick..

Infact..

I didn't remember anything..

"Maybe it's because of your situation. You will not remember anything.. not really anything.. but.. just a few things."

"Pero Doc, bago ako mapunta kung saan ako nahanap ni kuya Lycus, naalala ko na may tumulak saakin sa may pool." pag e-explain ko pa.

He's right..

There's only few things left in my mind.

"Takara, I told you na wag na munang lumabas. Bakit ba mas tumigas na 'yang ulo mo simula ng mawala sila Okāsan?" napakunot ang noon ko sa huling salita na binigkas 'nya.

"O-okāsan? Ano yun? Baka orasan?" pag lilinaw ko pa.

Napa sintido nalang si Lycus sa sinabi ko.

"Realy? Takara? Pati ba naman sila mama nakalimutan mo na din?"

Teka lang naman malay ko bang nanay pala ibig sabihin non? Ano bang lenguwahe 'yun?

"Ah. 'di mo agad sinabi. Anong lenguahe ba ginamit mo?"

"Let's just talk about it at home. But for now, let's go." kinuha 'nya ang papulsuhan ko t'saka inalalayan pa tayo.

"Doc. Remirez, we'll go now." sabi pa ni Lycus pero ang tagal bago pumayag ni Doc. May nanliliit 'syang mata na naka tingin sa akin.

"Sure." he said and then nodded. Tumango si Lycus sa ka'nya pabalik pero sa akin pa rin naka tingin si Doc. Tumago ako sa ka'nya at ngumiti bago sumunod kay Lycus na lumabas na sa pader na bumubukas. Ang nag sisilbing pintuan nila.

"Ano ba 'yun? Anong sasabihin mo?" I asked him when we arrived.

"That we're only a adopted children." he casually said, na parabang wala lang ang kanyang sinabi pero ako ay muntik na masamid sa sariling laway!

"Wait—what? Ampon? Pano nangyari 'yun?" dire-diretsong tanong ko.

"We're adopted by Hatsu couple. On paper we are brethren, but on blood? Nah."

What the hell?

"But for now sleep first. Bukas na natin pag usapan ang mga dapat mo pang malaman."

"Pero—" paano pa ako makakatulog kung napaka daming tanong sa isip ko. Pero lahat nang yun nawala ng ilapat 'nya ang hintuturo niya sa labi ko. Na 'syang sinundan naman ng aking mata. Binalik ko ang tinignan sa ka'nya gamit ang nankalaking mga mata.

"Shh.. Naging mahaba ang araw na ito para sayo." kung kanina hindi pa ako inaantok, dahil sa sinabi 'nya para akong biglang napagod.

Sabagay, ang daming nangyari mula kaninang umaga hanggang ngayong gabi.

"Umakyat kana." Anya pa. Napatitig ako sa kanyang mukha.

"Good night," sabi ko pero tango nalang ang naisagot 'nya.

Pag akyat ko sa kwarto ay ginawa ko ang nag muni muni ako. Inisa isa ang mga katanungan. Ngunit hindi lahat ay tanong ko ay kayang sagutin gaya ng..

Bakit ako naandito?

Bakit inaakala nila na ako ay si Takara?

Paano ako napunta dito?

At higit sa lahat..

Nag time travel ba ako?

O

Nasa ibang mundo ako?