Chereads / When Moon Collides with Sun / Chapter 7 - Kabanata 4

Chapter 7 - Kabanata 4

February 06, 3030

Saturday

It's saturday!

Sabi ni kuya pupunta daw kami sa amusement park.

Dapat mag saya na para ma-enjoy ko naman dito ang pananatili ko. Kahit medyo mabagal palang ang pag basa ko ng baybayin dito. Halos pwede na nga akong ikumpara sa mga bata dito na limang taong gulang.

"Ma'am? Tawag na po kayo ni Sir." narinig ko ang boses ni Rica sa voicemail.

Ang voicemail ng kwarto ko ay gagana lang sa oras na gising ako at naandito ako. Kapag naman tulog ako ay maririnig ko lahat ng kanilang mga sinabi sa oras na magising ako.

"Sige sabihin mo bababa na ako saglit lang." I said. Maririnig 'nya ang sinasabi ko kung gugustuhin ko. Pwede ring hindi. Isipin mo lang na gusto mong iparinig sa nasa labas ay maririnig na nila iyon.

"Sige po ma'am."

Pinag patuloy ko ang pag aayos.

Kumukuha ako ng damit sa isang parang sikretong silid.

Mag bubukas lang ito sa oras na maditect nito ang mukha ko.

Nang natapos ako ay nag lakad na ako sa pinto dirediretso.

Nag bubukas lang din ito ng kusa sa oras namaditect din nito ang mukha ko, dahil ang mukha ko ang naka register sa mga pinto dito. Mag sasara ito ng kusa sa oras na hindi na nito maditect ang mukha ko.

Ang mga modernong pinto.

Bumaba na agad ako at nakita ko na agad si kuya doon nag hihintay.

"Ang tagal mo, sabi ko ala sinco palang bumangon ka na." sabi 'nya at tumayo para salubungin ako.

"Hindi kasi ako nakatulog agad. Pesensya na." I sincerely said.

"Alright. Let's go." hinawakan 'nya ang pulapulsuhan ko at hinila na papunta sa aming sasakyan.

Hindi 'nya ako binitawan hanggang sa makababa na kami. May remote na bigla nalang na lumitaw sa kamay 'nya. Iyon ang ginamit 'nya para buksan ang mga pinto ng sasakyan.

Nanlalaki ang mga mata ko sa nakita. Dahil ng gumamit naman ako ng sasakyan ay mano-mano ko itong binuksan. Pero mukhang may bagong labas nanaman na sasakyan.

Napailing nalang ako.

Napapansin ko sa apat na araw na pananatili ko dito ay tinuturuan tayo ng makabagong teknolohiya na maging tamad at batugan.

Sa oras na gusto mong makausap ang mahal mo sa buhay na nasa ibang lugar ay isipin mo lang ang gusto mong sabihin at isipin mo lang din kung kanino mo ibibigay ang mensahing iyon. Segundo lang ay mare-receive na nila iyon.

Kapag naman malapit lang ang tao na gusto mong kausapin ay pwede na kayong mag usap gamit lang ang isip. Walang makaka alam, walang makakadinig.

Lahat ng iyan ay sa tulong ng brain chips.

Nilagyan na daw ako ng ganon ni kuya ng natutulog ako. Kaya pwede ko rin gawin ang ganoon pero hindi ko pa masyadong gamay kung paano.

"You know what kuya?" pag kukuha ko sa atensyon 'nya dahil busy 'sya sa pag gamit ng brain chips 'nya ngayon. Alam ko iyon dahil ang mga mata 'nya ay may gumuguhit na mga linya at mga malilit na salita o baybayin sa tapat ng kanyang mga mata.

"What is it?" nawala ang mga guhit at salita sa kanyang mga mata at binigay nasaakin ang lahat ng kanyang atensyon.

"I am seeing this moderation as morbid event." sabi ko at nag iwas sakanya ng tingin.

I know he might not get what I am saying. He was born at this generation. While I was born at old generation. Generation Z.

"Why?" nakakunot na tanong 'nya.

"It makes people lazy. It teach people to be dependent on gadgets, robots, remotes, and automatic machines." I explained.

I wish that he gets what I am saying.

"What? That's new." he laughed without humor. "You are one of the fans of moderations," pag tutukoy 'nya pa sa mga sinabi ko kanina. "Don't fool your self. Liar." bulong 'nya pa sa huling salita na sinabi 'nya.

Liar.

Parang may kumurot sa puso ko sa narinig. He just called me liar. Sinungaling.

Truth is..

I am a real liar.

I am fooling them as a Takara. Even if I'm Damara.

Naka rating kami sa amusement park na sinasabi 'nya. Higit pa ito sa inaasahan ko.

Wow..

Hindi ko alam kung amusement park ba ito o may halong zoo.

Nasa bundok ito pero may rides naman din. Tanaw ko ang sa tingin ko ay ferries wheel.

Nawala ang mood ko kaya hindi ako nag enjoy sa lahat ng rides na sinakyan namin. Actually parehas yata kame.

"Let's go home?" tanong 'nya pa.

"Yes," I agreed, besides wala na man na kaming gagawin pa dito. Nag simula na kami na mag lakad papunta sa pinaka gate ng parke, pero nahinto kami ng biglang may nag salita.

"Lycus." napalingon kami sa isang babae na tumawag kay kuya.

"Mom." he casually said. Naramdaman ko ang pag harang 'nya saakin. Tinatabunan ako ng kanyang pigura dahilan kung bakit hindi ko makita ang kanyang ina.

Mom?

She's his mother?!

Dumungaw ako sakanya ng may namamanghang mga mata.

Ang ganda 'nya.

Umalis ako sa likod ni kuya at tumabi sakanya para harapin ang kanyang ina.

Bagay na bagay sakanya ang titulo bilang isang Luna.

Isang karangalan na makaharap ang Luna ng kanilang lahi.

Ngumiti ako sakanya.

"Hello po!" nakangiti akong yumuko bilang pag galang.

Nang nag angat na ako ng tingin ay nakita ko ang nakakunot na noo ng kasalukuyang Luna habang nakatingin saakin.

"She's not belong here." she said. Tumingin ako sa paligid kung ako ba ang tinutukoy 'nya o may iba pa. Inusente kong binalik ang tingin sakanya.

,

"She's not one of us, son." bumaling 'sya sa anak 'nya. Napatilt naman ang ulo ko. Nag tataka. Nara

"She's not Takara-" pinutol agad ni kuya ang sasabihin ng kanyang ina. Pero huli na, dahil nakumpleto na ng kanyang ina ang gusto nitong sabihin. Nagimbal ako at nanlaki ang mga mata sa nadinig. Pinigilan kong huwag humakbang pa atras dahil baka mas lalo nilang isipin na tama ang kasalukuyang Luna.

"Mom." bahagyang pagak na tumawa si Kuya. Pero ang panlalaki ng mata ko ay narito pa rin.

"Takara." pag tawag pa saakin ng Luna.

"U-uh.. bakit po?" pinilit ko na ihakbang ang aking mga paa palapit sakanya. Pero nakita ko na ang mabilis 'nyang pag lapit saakin.

A werewolf.

"Why so stunned?" saryosong ani 'nya.

"U-uh-"

"Mom, stop." pigil pa ni kuya. Nilingon 'sya ng Luna at doon tinuon ang kanyan atensyon.

"I know that you know what I am saying Lycus. Your not blind." she said. Bamaling muli 'sya saakin bago mabilis na nag lakad palayo saamin. Sigundo lang ay wala na 'sya sa paligid namin o sadyang hindi ko lang 'sya nakikita.

What does she mean?

"Let's go Takara." he said.

Napagod ako sa mga sinakyan kong rides.

Idagdag pa ang panghihina ko sa mga sinabi ng ina 'nya.

Mas lalong na drain ang lakas ko.

Habang nasa byahe naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko.

Doc:

Takara, lumabas na ang result. Ikaw na ang bahala kung kailan mo gustong malaman. Just tell me when.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa.

Kahapon lang ako nag pa test. Ang bilis namang lumabas. Kung sabagay. Nasa modernong panahon nga pala ako.

But in other side, it's great. Hindi na ako mag iisip kung ano nga ba ang ibig sabihin ng panaginip ko.

And thank God, I'll know the answer now.

Takara:

Alright Doc. I'll go on Hospital, 17:00 the time. Thank you Doc.

Hindi ko alam kung magiging masaya ako o manlalata. Pakiramdam ko ay hindi pa ako handa sa kalalabasan ng test. Binalik ko ang cellphone ko sa bag at sumandal sa upuan. Pinindot ko ang isa sa mga buton dito sa armchair para umabas ang isang kamay at masahihen ang aking sentido.

Napapikit na lang ako. Pinipilit na kumalma.

"Sino 'yang ka text mo?" tanong pa ni kuya pero hindi ako natinag sa pag sandal at pag ka pikit.

Hindi 'nya dapat malaman.

"Wala akong ka text, may nilagay lang akong reminder." yun ang sinabi ko at nakatulog na dahil sa pag kakapikit.

"Damara.."

"Day four.. you still not responding.."

"Damara, we're waiting.. until you open your eyes."

"You promised.. you will fight no matter what. I am holding that promise now."

"Damara. When you open your eyes, it's yes. But when you remain asleep, I will wait until you to open your eyes, so.. will you marry me?"

Napadilat ako. Tila ba hindi ako galing sa tulog.

Parang may napaniginipan ako.. hindi ko lang masabi kung ano.

Napa kunot ang noo ko.

Ano iyon?

Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko na nasa kwarto na ako.

I sighed. Bumangon ako at naligo para sa pag punta ko ng Ospital. Get up, dress up, and never give up.

I won't lose my hope without knowing the answer and reason of this.

Lumabas na ako nang natapos na akong mag ayos. Dumirerso ako ng Ospital para sa kinalabasan ng test results.

Ready your self Damara.

I took a deep breath bago dumiretso sa opisina ni Doctor Remirez.

"Takara, huwag ka sanang mabigla sa sasabihin ko." napapikit ako ng mariin.

Get ready..

This is it Damara.

"Takara, based on your test, you only have almost one month to live. To be exact, 3 weeks." diretsong sabi ni doc.

Bumagsak ang balikat ko sa narinig.

Paulit-ulit na nag echo sa isip ko ang sinabi ni doc saakin.

Naalala ko ang panaginip ko.

Naalala ko ang sinabi ng babaeng nasa panaginip ko.

Kung ganon, totoo nga ang hinala ko.

"Naomi, spend your last days with your love ones." naka ngiti pang anya. Hindi ko naramdaman na tumulo na pala ang luha ko habang nakapikit.

"We should tell it to you brother." sabi ni Doc na nag padilat saakin.

"No! Doc! I mean, ako nalang po ang mag sasabi sakanya." I said.

"Yes, that's good idea. Pano Takara? Mauna na ako." tumayo na 'sya senyales na aalis na 'sya.

"Sige po doc, salamat po. Wag na po sana ito makadating pa kay kuya." tumayo na din ako at nakipag shake hands sakanya.

So now, confirm..

I only have limited time here.

Hindi agad ako umuwi. Nag libot libot ako. Kumain sa labas at kung ano pa ang pwedeng gawin.

Pumunta ako sa spa na pinaka malapit dito dahil gusto ko na munang kumalma kahit alam kong imposible.

"Welcome to Interesting Spa madame, what kind of service you want madame?" sumalubong saakin ang isang robot. Ka height lang 'sya ng mga tao dito, pero hindi ko alam kung kaparehas lang ba 'sya ng tao kung mag serbisyo. Nilibot ko ang tingin ko at may nakita akong mukhang tao naman pero mayroong one inch na antenna sa kanyang ulo. Napakunot ang noo ko sa nakita.

Alien?

"A-anong uri ng nilalang iyon?" turo ko sa nakita kong may antenna sa ulo.

"Ah.. madame, gusto mo po bang si ma'am Aliena po ba ang gusto ninyong serbisyo? Pwede naman po madame, but she's expensive to rent." sagot 'nya.

Ma'am Aliena. Word itself, Alien.

"No need. I just want to relax. Can I?"

"Sure madame! This way po." she lead me the way.

Narating namin ang isang silid.

"Madame, just choose a robot and the skills you want them to have on your relax session." iminuwestra 'nya ang isang screen na may nakalagay na mga modelo ng robot. Napa tilt ang ulo ko dahil sa pag tataka.

"Alright.." tumango tango pa ako.

"Enjoy madame." yumuko 'sya at umalis na. Binalik ko ang tingin sa screen. Pinindot ko ang isang robot na napusuan ko at nilagay so sa skill ang mga gusto kong katangian na mayroon 'sya. Nang natapos na ako ay pinindot ko ang 'done'. Napalingon ako sa tabi ng screen ng may unti unting nabubuong pigura doon, at nang nabuo na ay nakita ko ang modelo na pinili ko sa screen. Napangiti naman ako.

Moderation..

Unti unting ay muli kong naalala ang sinabi ng doktor saakin. Pinipilit kong winawaksi iyon sa isip ko pero hindi gumana..

C'mon, I am here to have a relaxing time.

Habang naka tingin ako sa robot na ay muling tumulo ang panibagong patak ng luha ko.

Paano ba ako nagkaroon ng ganitong sakit?

Pumikit ako ng mariin.

"Madame, please lay here. So we can start the session now." she said.

Nilagay ko sa skill 'nya ang dapat na mayroon ang isang masahista, nilagay ko rin na ayaw ko ng maingay, ayaw ko nang madaldal, at matanong. Dahil alam ko na muling tutulo ang luha ko. Ayaw kong mag tanong 'sya kung anong nangyari o nangyayari saakin. Nilagay ko rin na pag katapos ko dito ay malilimutan 'nya na isa ako sa mga naging costumer 'nya.

Nang natapos na 'sya sa pag mamahahe saakin ay nawala na agad 'sya kaya lumabas na ako.

Ini-swipe ko lang ang palad ko sa isang monitor nila dito para mag bayad. Ang ganoong paraan ng pag babayad ay ang tinatawag nilang contactless payment. Thanks for the brain chips again.

"Thank you for coming madame!" sabi ng robot na sumalubong din saakin kanina. Ngumiti ako sakanya tsaka dumiretso na sa labas at sumakay na ulit ng sasakyan.

Sinugurado ko na hindi na ulit ako maiiyak sa sasakyan, dahil baka mahalata nila na mugto ang mga mata ko at mag tanong pa sila.

Prevention is better then cure ika nga nila.

Pag uwi ko, dumiretso ako sa kusina, ng madinig ko nanaman ang bulungan ng mga maids.

"Bumait si ma'am ano?" narinig ko ang boses ni Rica.

"Oo! Simula nung nawala daw yung alaala ni ma'am? Hindi 'nya pa ako nasisigawan." narinig ko sila na humalikhik.

"Mabuti naman! Lalo na dati at ikaw lagi ang puntirya ni ma'am."

Napangiti yung ako sa nadinig.

I didn't really changed.

"Pero bakit nga ba nawala lahat ng alaala ni ma'am?

"Dahil yata sa sakit 'nya."

Napanis ang ngiti ko sa narinig. But don't worry will overcome this test to discover my new strength.