#Wasted
"Magandang gabi po sa ating lahat, maraming salamat po sa magandang sayaw na ipinakita nyo Mano Juan at Mana Sallie. Ngayon naman po tinatawagan na po namin ang lahat ng bata, dalaga, binata at kahit ang mga matatanda na gusto munang mag-praktis sumayaw, ano ho? dahil sisimulan na po natin ang pangkalahatang sayaw!"
"Miguel!"
Kahit na kanina ko pa sya tinatawag at nagpapapadyak pa ng paa dito sa kinatatayuan ko ay hindi pa din nya tinitigilan ang inumin nyang coke hanggat hindi ito nauubos.
"Sandali lang" sambit nya na sumilip pa sa plaza at pilit na linulunok ang malapit ng maubos na coke sa bote.
Bakit naman kasi kailangan pang ubusin yun?! kung gusto nya ay bibilhan ko pa sya mamaya.
"Ano ba yan! andun na sila Mari oh" pagdadabog ko ng makita ko ang mga kaibigan naming nagsisimula ng sumayaw.
Hindi ko na talaga kayang palampasin 'to, last na last na itong sayaw ng pangkalahatan ngayong Gabi. Taon na naman ang aantayin ko bago mag fiesta.…at bago ko uli sya makasayaw.
"Tara na" laking gulat ko ng hatakin niya ako.
"Daliii" dugtong pa nya. wow ha? Siya nga itong kanina ko pa inaantay e.
Kahit na andito na kami sa loob ng plaza ay hindi pa din sya humihinto sa paglalakad at sa paghihigit sa akin.
"Makikiraan po" paulit-ulit nyang sinasabi sa bawat hawi nya ng taong nagsasayawan.
"Joey! dito kayo!" Lalo akong nahilo sa dami ng tao dahil sa isa pang humila sa akin.
Agad namang bumitaw sa kamay ko si Lorence ng makitang kasama ko ang kaibigan nyang si Miguel.
"Dito na tayo" sambit ko at humarap nalang kay Miguel.
Uumpisahan ko palang sanang igalaw ang katawan ko at itugma ito sa tutog ng bigla naman itong itinigil ng dj. Hmmm! Humuhugot palang ako ng energy e!
"Ayan! slow dance naman po tayo! ang daming kabataan ah!" muling sigaw ng dj.
Bago mag-umpisa ang panibagong tugtog ay agad na nagbago ang kulay ng ilaw na nakakabit sa mga banderitas na nasa ibabaw namin.
"Yehey!"
"Ayieeee"
"Uy! sumasayaw sila!"
Halos puro tilian at asaran ng mga kabataang katulad namin at mas bata sa amin ang halos naririnig ko dahil ito na nga ang pinaka-aantay namin! ang slow dance.
"Akin na kamay mo" awtomatik kong inilayo ang mukha ko mula sa mukha ni Miguel. Masyado syang malapit sa akin. Amoy na amoy ko mula sa bibig nya ang amoy ng toothpaste at coke. Ugh. Hindi ko maintindihan pero ang bango nya!
Kahit hindi pa ako pumapayag ay hinawakan na nya ang magkabila kong kamay at dahan-dahan nyang ipinatong sa magkabila nyang balikat.
At para naman akong tangang napangiti ng ilagay nya yung dalawa nyang kamay sa bewang ko.
"Sundan mo lang ang paa ko" Aniya.
Habang dahan dahan naming sinusundan ang mabagal na kanta, napalingon ako sa mga kaibigan namin. Tahimik lang silang sumasayaw.
Tahimik ang buong plaza, yung tugtog lang ang nangingibabaw. Pero sa kinatatayuan ko? tibok ng puso ko ang nangingibabaw.
"Joey" malambing nyang tawag sa pangalan ko.
Hindi ko sya sinagot, sinundan ko lang ang bawat galaw at tingin ng mga mata nya sa akin.
"Aalis na kami bukas. Pwede ka bang mangako sa akin?"
Sabay kaming napahinto.
Ito ang rason kung bakit ko gustong mahabol ang huling pangkalahatang sayaw na ito, dahil aalis na sya at taon ang bibilangin bago uli kami magkita.
Simple kong inangat ang magkabila kong kilay.
"Pwede bang hindi ka mapagod na antayin ako?"
Kahit kailan hindi mangyayari yun Miguel. Elementary palang tayo ay may gusto na ako sayo kaya bakit naman ako susuko? ngayo pa bang pareho na tayo ng nararamdaman sa isa't-isa!
Inalis nya iyong mga kamay nyang nakahawak sa bewang ko at may dinukot sa bulsa.
"Joey" muli na naman nyang binanggit ang pangalan ko na lalong nagpatibok ng puso ko.
Lalo syang lumapit sa akin kaya awtomatik akong napapikit. Hahalikan ba nya ako sa ginta ng plazang ito?! Paano kung makita ako ng mga ate ko?! Nako andyan pa naman sina mama. Miguel please, wag dito!
Bigla akong napamulat ng marinig ko ang mahina nyang tawa at ang malamig na bagay sa may leeg ko.
"Saka na kita hahalikan kapag naging tayo na" bigla nya akong yinakap. At kahit na hindi ko sya yinayakap pabalik ay lalo pa nya itong hinihigpitan.
"Ipangako mo sa akin na sa pag-uwi ko, ikaw pa din ang Joey na may gusto sa akin at gusto akong mapangasawa" agad ko namang hinampas ang likuran nya.
Ang kapal nya ha! siya nga din itong may gusto sa akin e!
"Ang yabang mo" sambit ko matapos piliting makalunok ng laway dahil sa taas ng balikat ni Miguel.
"Wag ka ng mahiya, gusto din naman kita e" ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga malapit sa tenga ko.
"Hoy! sayawan itong pinuntahan natin, kapag kayo nakita ng magulang nyo!"
Agad kong naitulak si Miguel ng marinig ang sigaw ni Lorence. Napaka epal!
***
Kinabuksan, kahit na ramdam na ramdam ko ang antok ko dahil sa ilang araw na pagdiriwang ng fiesta ay mas pinili kong hindi matulog at tumambay nalang sa bahay ni na Miguel, saka linggo din naman ngayon.
"Joey, paniguradong laging tatawag si mama kay ninang, kaya lagi akong uuwi ng maaga para maka-usap kita"
simple akong tumango bago kami lumabas ng gate nila.
"Ako din. Mag-aantay ako"
Gusto ko sana syang yakapin kaso nakakahiya. Andito ang mga magulang namin! saka isa pa masyado ata yung maagang gawain para sa tulad naming pareho lang ang nararamdaman pero hindi naman magka-relasyon.
"Paano kumare, mauuna na kami. Maraming salamat sa pag-aako ng responsibilidad dito sa bahay namin" pang ilang beses ng sinabi iyan ni ninang kay nanay.
"Oo na. Kami na ang bahala dito. Mag-ingat kayo sa byahe. Wag kayong masyadong mag-tagal doon dahil baka mamaya e hindi namin mamalayan na binata at dalaga na pala iyang mga inaanak ko"
Tama. Walang kasiguraduhan kung kailan uli sila babalik kaya baka sa panahong iyon ay malaki na ang nagbago kay Miguel.
Pero kahit na ganun, naniniwala ako sa kanya na babalik din sya kaagad at kakapit lang ako sa mga pangako nya.
"O siya paano, lumakad na kayo. Mag-iingat kayo"
Ani nanay na parang pinagtatabuyan na sila Miguel.
"Mag-aantay ako" walang boses kong sambit kay Miguel na nakasakay na ngayon sa sasakyan
Hindi ko naintindihan ang sagot nya dahil masyadong mahaba, pero naintindihan ko yung "I love you"
Ugh Miguel!
Bakit naman kasi masyado mong sineryoso ang sinabi ni tatay at nanay dati na bawal pa akong mag boyfriend! biro lang naman yun e! saka isa pa, nasa huling taon na ko ng high school ano!
"Babye" sambit nya bago umandar ang kanilang sasakyan.
"Bye!" sigaw ko kahit na hindi pa naman sila talaga gaanong nakakalayo.
Mag-aantay ako, Miguel.
Sandali lang din namang lilipas ang panahon e.