"Expect the Unexpected."
Clint's POV
MAGTATANGHALI na nang magising ako at hanggang ngayon ay masakit pa din ang ulo ko dahil sa inuman namin kagabi. Buti nalang at day off ko ngayon kaya ok lang na late ng gumising.
Napatingin ako sa wall clock ko at 11:25 a.m. na kung kaya ay dali dali akong bumangon at pumunta ng banyo para maligo at magbawas ng sama ng loob.
At sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako sa kubeta ng makita kong puro dugo, DUGO!!!
"What the fuck! Bat may dugo!!!!" gulantang na sigaw ko. Buti at ako lang mag-isa dito sa apartment na tinutuluyan ko kaya ok lang na magsisigaw ako PERO THE EFFF!!!! BA'T MAY DUGO SA KUBETA!!
Hindi kaya may sakit na ako kaya nagtae na ako ng dugo? Wait! May nakain ba akong pagkain kagabi na nagpatigas ng tae ko kaya may nasugatang intestine? Pero sa naalala ko wala akong kinain kagabi na matigas o di kaya ay nagpapatigas ng tae? HINDI KAYA DAHIL SA KAKAINOM KO? Pero hindi naman ganun kadami yung ininom ko eh!
Namilog ang mata ko sa sunod na naisip kong rason kong bakit may pulang likido sa kubeta ko.
Hindi kaya nireregla na ako? Punyeta, bakit naman ako rereglahin eh hindi naman ako babae.
Pero paano nangyari yun?
Napatingin ako sa likuran ko at tama nga ako, sa may puwetan ko nga nanggaling ang dugo kasi hanggang ngayon, may nadaloy pa din na dugo mula sa puwetan ko pababa sa may paanan ko.
Gosh! Para akong buntis na nakunan! Normal ba ito sa mga lalaki? Wala naman akong narinig o di kaya ay nabasang may gantong sitwasyon. Di kaya abnormal na ako? MAMATAY NA BA AKO?
Isa lang ang nakakaalam sa gantong sitwasyon, I NEED TO SEE A DOCTOR.
Dali-dali akong naligo at nagbihis ng maisip kong doktor lang ang nakakaalam sa sitwasyon ko. Buti nalang at kahit papaano ay tumigil ang pagdaloy ng dugo kasi malaking problema kong hindi ito titigil.
Naiisip ko palang na magsusuot ako ng napkin, the eff! Malaking kawalan sa pagkalalaki ko. Buti nalang talaga, magkasundo kami ng destiny.
After an hour, narating ko na din ang Vicente General Hospital. Kahit na may malapit naman sa apartment ko na hospital, mas pinili kong dito magpacheck-up kasi may kaibigan akong doctor dito, si Chris.
"Bro, napadito ka?" takang tanong saakin ni Chris nang makarating ako sa office niya.
Nahihiya man ay sinabi ko sa kanya ang sitwasyon ko na ng bigla nalang sumakit bigla ang puson ko.
Shit!! Anong nangyayari sa akin, mamamatay na ba talaga ako? Di pa ako nagkaka-anak, sayang yung lahi ko kung hindi ko ipapamana sa magiging anak ko!
"Clint, huminga ka lang! Nurse! I need an assisst here! Hurry!..." diko na masyadong narinig ang mga pinagsasasabi ni Mark kasi bigla nalang nandilim ang paningin ko at nawalan ng malay.
Pagkagising ko ay nasa isang hospital bed na ako habang si Chris naman ay nasa tabi ko at chinecheck yung dextrose.
"Hmm, a-anong nangyari?" takang tanong ko sa kanya. Di ba dapat nagpapacheck-up lang ako?
Napatingin ako kay Chris at nakita kong hindi maganda ang timpla ng mukha niya. Totoo nga kayang mamamatay na ako? Hay, grabe namang buhay to oh. Pero kung yun talaga ang nakatadhana, wala na tayong maggagawa.
"Clint, wag kang maggugulat sa sasabihin ko" malumanay pero malalim n ani ni Chris.
"Don't worry Chris, alam ko at naiintindihan ko" ani ko sa mababang boses. Kahit naman na tanggap ko ang pagkamatay ko, malungkot pa din ako kasi gosh! I'm still 25 years old. Ang aga kong mamamatay kong ganun.
"So alam mo nang may Uteruiasic Male Deficiency ka?" gulat na ani ni Chris.
Huh? Utera.. Ute ... Ut.
"Huh? Ano yun?" takang tanong ko sa kanya? Anong sakit naman yun? Ngayon ko lang narinig yung sakit na yan. Tsk! Abnormal na nga katawan ko, pati ba naman sakit abnormal din?
"Akala ko ba alam mo na?" balik niyang tanong sakin.
"Oo, alam ko nang mamamatay na ako" diretsahang sagot ko na nagpatawa sa kanya. Nabaliw na siguro.
"Anong mamamatay, hindi ka mamamatay baliw to!" natatawang sabi pa niya. Ok ako na ang mali!
"Sorry na, so ano yang nyetang sakit na yan?" tanong ko habang sinusubukang umupo pero nang gumalaw na ako ay bigla na namang sumakit sa may bandang puson ko. Damnnn!
"Easy there, well kanina nang mawalan ka ng malay ay chineck ko ang vital signs mo kung bakit ka dinudugo. Napag-alaman namin na may Uteruiasic Male Deficiency ka. Isa itong sakit na sa mga lalaki lang makikita. Well, sakit siya pero hindi nakakamatay like cancers and other diseases na naririnig natin ngayon." mahabang ani niya. Gosh! Wala bang short cut sa explanation niya?
"Can you please, get it straight to the point?" asar na sabi ko.
"It means, you can get pregnant because your body had develop a uterus." nakangiting sabi niya.
"WHAT!!"