"Making a plan doesn't work but unplanned."
Clint's POV
NAKAUWI na ako't lahat pero lipad pa din ang isip ko sa sinabi ng kaibigan kong doctor. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala pero doctor na magsabi eh, alangan namang wag paniwalaan.
Para naman kasi akong binuhusan ng malamig na tubig. Yung parang Ice Bucket Challenge na ginawa ko nung nag-summer ako sa probinsya kasama mga kaibigan ko.
Pero kasi namannn, ba't may paganung eme pa. Di ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Iniisip ko palang na mag-kakaanak ako. Shet, napapatalon ako sa saya pero pag iniisip ko naman na AKO YUNG MAGBUBUNTIS! Lintik. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa!
Alam niyo yung feeling na ni-regaluhan ka ng cellphone na alam mong high tech at ang saya-saya mo kasi ATLAST BAGONG CELLPHONE AT MAGANDA PA pero pagkagamit mo, sira naman pala kaya binigay sayo. Deymm, diko na alam anong gagawkn ko.
Gusto kong bigwasan ang sarili ko dahil diko matanggap na malaki ang posibilidad na magkakaanak ako yun nga lang ako yung papasukan. Ayoko ko kasi never in my life akong BOTTOM. SEME AKO SEME!
Kahit naman kasi ganto ang pangangatawan ko, top ako palagi kasi gusto ko TOP ako at ayaw kong ma-experience yung sakit pag bino-bottom. Kaya saludo ako sa mga lalaking bottom diyan. Diko alam kung pano niyo nakayanan. Masakit na nga kung lalabasan ka ng matigas na errr tae paano nalamg kaya kung yung errr basta yun. Sorry for the word
Ano na gagawin ko? Diko alam. Ang alam ko lang, magkakaroon man ako ng anak, gusto ko yung normal tulad ko. Gusto ko yung galing sa BABAE at hindi galing sa LALAKI. Shet, magkaroon pa ng abnormalities, nalintikan na. I mean, tanggap ko naman pag ganun nga ang nangyari pero men, wala pa kasi akong nakikilalang may gantong ... sakit? Errr ewan, basta wala akong kilala kaya wala akong mapag-kunan ng reference.
"Hay buhay, parang life." sambit ko nalang. Wala na tayong magagawa, andito na eh. Alangan naman papatanggal ko pa. I guess, move on nalang. Diko nalang ipagsasa muna yung revelation. Baka makakita pa ako ng babae na tanggap ako at handang maging ina ng mga anak ko. Shet, andrama.
HULAAN niyo kung nasan na naman kami?
As always nasa bar na naman kasama mga da-barkadz ko. Hinanap ng mata ko si Chris. Sinabi ko kasi sa kanya kanina na wag muna ipagsabi, napaka daldal pa man din ng isang yun pag nalalasing kaya dapat bantayan ko yun pag nagka-inuman na pero di ko siya makita kaya tinanong ko si Shenon.
"Uy pre, san si Chris?" tanong ko dito habang kumuha ng inumin.
"Diko asawa si Chris para itanong mo sakin yan" pilosopong sagot nito sakin. Abaaaaa!
"Bawal na ba magtanong ngayon ng mga nawawalang tao? Aba, ano suntokan nalang oh!" ani ko naman habang patayo na. Gigil mo ko pre!
"Hayaan mo na Clint, nag-away kasi sila ng asawa niya kaya ganyan yan" segunda naman ni Niel.
"Kung nag-away sila, sabihin niya hindi yung namimilosopo. Nagtatanong lang ang tao eh" ani ko at tumayo para umalis na.
Hindi pa nga ako masyadong naka move-on dun sa revelation na nangyari sakin kanina tapos mababadtrip pa ako.
Bawal na ba magtanong ngayon ahh? Diko talaga alam sa mga tao ngayon, simpleng tanong lang naman nagagalit na agad. Ok, naiintindihan ko naman si Shenon pero wala eh, inis ako at wala akong magagawa kundi ang umalis nalang para di na magkagulo.
Pagkalabas ko ay dumiretso nalang ako sa parking lot at napagplanohang umuwi nalang pero hindi pa man ako nakakarating sa kotse ko ay may narinig akong ungol.
Shet! May m-mumu ba dito? Isip ko at napatigil sa paglalakad. Napalingon naman ako sa banda kung saan ko narinig yung ungol.
"Hmpp" sunod na ungol nito. Shet! Bukas ba third eye ko. Patay ako nito, ayokong makakita ng multoooo! At isa lang ang dapat kong gawin...
"Our father who are in heaven holy be thy name, thy kingdom come, thy will be done in heaven..." bigkas ko habang nakapikit at naglakad pa-kotse ko. Pero imbis na matakot pa ako eh nawala bigla ang takot ko na makarinig ulit ng ungol pero ngayon 100% sure ako na hindi yun galing sa multo!
"hmmp, yes baby. H-Harderrr. Kyah!hmp!" KAILAN PA UMUNGOL NG GANYAN ANG MGA MULTO. Shems, tinatakot ko lang sarili ko Bakit ko ba nakalimutam na nasa bar pala ako at normal na iyong may mga nagme-make out sa gilid-gilid ng bar. Ambobo ko talaga, epekto ba toh ng Uteru.. Ute.. Pocha yung sakit na pwede akong magbuntis? Nako, nagiging sensitive na ata ako. Dapat na sigurong mag-ingat.
At dahil sa hanggang ngayon eh rinig ko pa din ang mga gumawa ng milagro eh may naisip ako. Hahaha, magiging cockblocker ako sa pagkakataong ito *evil smirk*.
Walang tunog na lumapit ako sa kong saan nanggaling yung ungol at ayun! Nakita ko sila at ang lakas naman talaga ng apog ng lalaki at sa may hood pa talaga nang kotse nila ginawa ang makamundong bagay.
Lumapit pa ako para makita ng maayos ang mga mukha nila. Baka isa na ito sa mga kaibigan ko, haha may pang blackmail na ako.
Habang palapit pa ako ng palapit niready ko na ang aking mahiwagang mobile phone at ready na din amg flash light. Aasta akong guard sa sitwasyong ito.
Nang makita ko na ng maayos ay bigla akong napatigil.
Napa-awang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ng makita ko ang lalaki.
Kahit na likod palang ang nakikita ko, masasabi kong ABNORMAL ito at hindi NORMAL ang katawan niya. Batak na batak, mula ulo hanggang paa. Ang gwapo ng likod paano nalang kaya ang harap. Arghhh, ano ba itong iniisip ko. Nagiging manyak na naman ako. Kasi naman men, ang ganda ng likod, nakakapang selos kasi ang katawan.
Nang mas lumapit pa ako ay nakita ko ang napakalaking tattoo sa likod niya. At mas nagka-interes akong kilalanin ang lalaki kasi ang tattoo niya ay isa dragon tattoo na ang tail ay nakapalibot sa may balakang niya. Gosh, same pa talaga kami. Gaya-gaya itong si kuyang gwapo ang likod.
"Shet, ang g-ganda" biglang sabi ko na dapat sa isip ko lang kaya napatingin sa akin ang lalaki at doon na ako muntik mahimatay ng makilala ng lalaki.
Malalim na mga mata, mahabang pilikmata, matangos na ilong, perfectly shape eyebrow, perfectly shape cheekbone at kissable lips.
Ito yung mga nababasa ko sa wattpad na mga descriptions eh. Yung description ng mga bida sa kapareha nilang lalaki. At ito din ang mababaw na description ko sa lalaking kaharap ko ngayon.
Ang lalaking hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.
"Long time no see, love" mapang-akit na sambit nito na nagpasiklab ng galit ko na akala ko nawala na noon.
"Ace!"