Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Her World (His Point of View)

ThatGuyHoldingAPen
--
chs / week
--
NOT RATINGS
6.3k
Views
Synopsis
Brian Kyle was just an ordinary writer. Hindi siya sikat kagaya ng mga hinahangaan niyang mga author ngunit umaasa siya na balang araw ay mapapansin din ang kanyang mga akda. He writes stories to escape reality. Para matakasan ang paghihirap at ang mga problemang sa kanya'y patuloy na sumasalakay. Sandata niya ang pluma at papel, at ang paraan ng pakikidigma niya ay ang pagsusulat. But unlike any other writers, he loves writing tragic stories because in his point of view, endings aren't supposed to be happy. But what if one day, he will fall in love with the character he created? A girl that was just a creation, living on another dimension, and exists only in his imagination. Will his love story forever be a fantasy? Or can true love transform it into reality?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 01: Painful Reality

"Thanks for being a part of my life. Ikaw ang nagpaganda ng kabanata ng buhay ko, at labis akong nagpapasalamat dahil dun."

Muli itong tumingala at muling pinagmasdan ang mga bituing kumikislap sa kalangitan.

"My life was boring before, pero nang dumating ka sa buhay ko, everything changed. Masaya ako dahil kasama kita sa pagsulat ng masasayang alaala ng aking buhay dito sa librong hawak ko ngayon. Gustuhin ko mang ipagpatuloy ang kwento ng buhay natin ngunit ito na ang huling pahina ng ating kwento."

"Please don't talk like you were leaving. Walang mangyayaring masama. Hindi ka mawawala, tandaan mo 'yan. Please 'wag ka namang magsalita ng ganyan. Hindi pa tapos ang kwento ng buhay natin. Ikakasal pa tayo, magkakaanak, mag-aalaga ng bata, diba 'yun 'yung pangarap natin? Nothing bad will happen."

Agad akong lumapit sa kanya at tumitig sa mga mata nito. "Mahal kita, please 'wag kang umalis." I pleaded then I hugged her tightly.

"I love you too. I'll miss you." she whispered then after a while, floating and glowing letters started to surround her.

"No. Please stay. Hindi ko kakayaning mawala ka. Please 'wag kang umalis."

"If only I could, I will stay. But I just can't." ani nito at hinalikan ako sa huling pagkakataon.

Kasabay ng paghalik niya ang paglaho ng imahe nito na naging usok at tinangay ng hangin papalayo sa akin. Agad na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I was left alone sitting under the stars.

Unti-unti ay binalot ako ng kadiliman. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali'y lumiwanag ang buong paligid. Napapikit ako dahil sa lakas ng liwanag at pagmulat ko'y nasilayan ko ang kisame ng aking silid.

Napakurap ako nang tumama ang liwanag ng araw sa aking mga mata na nanggagaling sa nakabukas na bintana sa aking silid. Unti-unti akong umupo sa kama ko at napabuntong hininga na lang nang maalala ko 'yung panaginip na 'yun.

That dream. It seems so real pero parang napakahirap paniwalaan. Naglalaho bigla-bigla? Pa'no 'yun? Ngunit bakit pakiramdam ko parang totoo ito. Tapos parang angbigat-bigat pa ng pakiramdam ko. 'Yung pakiramdam na nahihirapan kang huminga dahil iniwan ka ng taong napakalapit sa'yo. Nakapagtataka.

Dahil sa sobrang pag-iisip ko rito'y napayuko ako at nagulat ako nang may pumatak na luha mula sa aking mga mata at nahulog ito sa aking kumot. Teka, bakit lumuluha ako? Hindi kaya't totoo ang pangyayaring napanaginipan ko?

Napahilamos na lang ako sa aking mukha nang maisip kong napakaimposible namang mangyari 'yun sa totoong buhay. Maybe it was just my imagination after all, o 'di kaya'y isang panaginip lamang talaga ito. Masyado na yata ako naaaliw sa mga kwentong pantasya na napakaimposibleng mangyari kung kayat pati sa panaginip ko'y nararanasan ko na ang mga ito.

Muli kong sinubukang alalahanin ang imahe ng babaeng kasama ko sa aking panaginip ngunit wala akong maalala. Bakit kaya napanaginapan ko na kasama ko siya? Sino kaya siya? May gusto kaya siyang ipahiwatig sa akin? If only I could ask her.

Napasabunot na lang ako sa ulo ko at muling humiga.

"Brian Kyle Mendez! Bumaba ka na't kakain na tayo! May pasok ka pa ngayon." pasigaw na saad ni Mama na siyang pumutol sa mga bagay-bagay na gumugulo sa isip ko.

Agad akong napabalikwas at tumingin sa orasang nasa tabi na kama ko. Shoot! 7:00 na pala?! malalate ako neto. Patay ako kay Ma'am.

"Pababa na ako Ma!"

Agad akong bumaba at nagtungo sa banyo at naghugas ng mukha, at pagkatapos ay agad akong nagtungo sa hapag-kainan.

"Bilisan mong kumain dahil late ka na. Naku talaga 'tong batang 'to. Diba sabi ko sayo na 'wag na 'wag kang magpupuyat? Tingnan mo tuloy, late na kayo." panenermon ni Mama.

"Sorry po Ma. 'Di na po mauulit." saad ko sa kanya bago ako kumain.

Sanay na akong napapagalitan ni Mama at kasalanan ko rin naman kung bakit ako napapagalitan kaya 'di na ako umaangal pa. Alam ko namang para sa ikabubuti ko 'yung mga sinasabi niya. Wala naman sigurong magulang ang magagalit kapag tama ang ginagawa ng anak nila 'di ba?

"Naku Ma, nagbasa na naman kasi 'yan kagabi kaya napuyat. Ewan ko ba kung bakit anghilig niyang magbasa ng kung anu-ano. Buti sana kung lesson niya 'yung binabasa niya." sabat naman ng kuya kong si Blade na nakaupo sa tapat ng kinauupuan ko.

"Nag-advance reading ako sa lesson namin." walang gana kong sagot at kumain lamang.

"Sus, advance reading daw. Oo na, ikaw na 'yung matalino. Ikaw na 'yung magaling. Psh, tukmol." sagot naman niya na ikinagalit ni Mama.

"Tigilan niyo nga 'yan! Nasa harap kayo ng hapag-kainan! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na huwag na huwag kayong mag-aaway kapag kumakain?! Manahimik kayong dalawa at kumain na lang kayo! Late na nga kayo, nakukuha niyo pang mag-away!" sunod-sunod na saad ni Mama saka ito nagtungo sa kusina.

Muli akong tumingin kay kuya na ngayon ay nanlilisik na ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at ibinaling ko na lang ang attensyon ko sa pagkain.

Simula noong bata pa kami ni kuya Blade, hindi na talaga kami magkasundo. Kung tutuusin, dapat magkasundo kami sa lahat ng bagay kasi kambal kami ngunit hindi na siguro 'yun mangyayari. Para kasi kaming bomba kapag nagsama. Laging nagsisigawan at nagbabangayan kaya hindi talaga kami pwedeng magkatabi. Hindi kasi kami magkapareho ng pag-uugali. Tahimik ako, maingay siya. Ayaw ko ng gulo, laging siyang naghahanap ng gulo. Mahilig ako sa arts, mahilig naman siya sa sports. Matalino ako, medyo matalino naman siya. Ngunit kahit anong gawin ko'y aaminin kong mas angat siya dahil mas marami siyang talento kaysa sa akin. Magaling siyang kumanta, mag-acting, kasama siya sa Dance Troop at kasali rin siya sa basketball at volleyball team ng school na pinapasukan namin.

Ako? Hindi ako magaling kumanta, hindi rin ako magaling sumayaw, at kung sa sports naman, chess at badminton lang ang gusto ko. Mahilig akong magsulat ng kuwento at tula. Pero sa arts lang ako bumabawi kasi alam kong kahit kailan ay hindi niya 'yun magugustuhan. Bata pa lang kasi kami, ayaw niya na talagang magdrawing.

Nang matapos na akong kumain at mag-ayos ay agad kong kinuha 'yung bag kong nakapatong sa lamesa at agad na lumabas ng bahay. Sumunod naman si kuya Blade at pagkaraan ng ilang sandali'y lumabas na rin si Papa at hinatid na kami papuntang school.

Malapit lang naman yung school na pinapasukan namin mula sa bahay namin kaya mabilis lang kaming nakarating.

Nang makarating na kami'y nauna akong bumaba at agad nang nagtungo sa gate. Sakto namang tumunog yung bell nang nasa covered walk na ako. Ang ibig sabihin nun, hindi ako late. Pero sana wala pa si Ma'am sa room namin kundi, patay ako 'pag nagkataon.

Pagkaraan ng ilang sandali'y narinig kong nagsigawan at tumili 'yung mga babaeng nakaupo sa bench. Kahit hindi na ako tumingin sa likod ko'y alam kong naglalakad si kuya Blade.

"Ang gwapo talaga ni Blade!"

"Blade, akin ka na lang!"

"Papa Blade, notice me!"

"Sa akin lang si Blade!"

"Hindi! Akin lang siya!"

Napailing na lang ako nang marinig 'yung mga pinagsasasabi nila. Mga babae nga naman talaga.

Binilisan ko na lang 'yung paglalakad ko dahil ayaw ko ng attensyon. Kambal kami ni Blade, ngunit alam kong mas lamang siya kaya minsan ay naikukumpara ako sa kanya. Oo nga't magkamukha kami, pero nakasuot kasi ako ng makapal na eyeglass kaya nagmumukha akong nerd, tapos makapal pa 'yung buhok ko. Pero wala akong pakialam 'dun. Ayoko rin namang maging kagaya niya na pinag-aagawan ng maraming babae.

Nang makarating ako sa room namin ay nadatnan kong nagsimula na sila sa discussion. Napakamot na lang ako sa batok ko nang tumingin sa akin si Ma'am Armadon. Patay ako nito.

"Mr. Mendez, you're late." mahinahon niyang saad sabay hawak sa kanyang eyeglass at inayos ito.

"Good Morning Ma'am. Sorry po." sagot ko saka ako tumungo at tumingin sa sahig.

"What's good in the morning?!" tanong nito at sa pagkakataong ito'y tumaas na ang tono ng kanyang pananalita.

"The weather today is good Ma'am. According to the weather forecast, there is only 10% chance of rain." agad na sagot ko na dahilan ng pagtawa ng mga kaklase ko.

Ibinaling niya ang attention niya sa mga kaklase kong tumawa saka ito sumigaw.

"Anong tinatawanan niyo?!" pasigaw nitong tanong kaya natahimik silang lahat.

"Wala po Ma'am." sabay-sabay naman nilang sagot.

"Go to your seat Mr. Mendez!" muli nitong sigaw bago bumalik sa harap ng whiteboard.

Agad naman akong nagtungo sa upuan ko at umupo saka ko ibinaba 'yung mga gamit ko. Tumingin ako sa relo ko at napagtantong hindi naman pala ako late. 5 minutes pa yung natitira bago yung start ng discussion eh. Aish. Advance talaga mag-isip si Ma'am.

"Pst! Brian! Wala ka bang balak tapusin 'yung kwentong sinusulat mo? Tapusin mo na please. Nambibitin ka naman eh."

Tumingin ako kay Sun na nakaupo sa kaliwa ko at nakita kong hawak-hawak nito 'yung notebook na pinagsulatan ko ng kwentong last month ko lang sinimulan.

"Oo nga Ian, bitin eh."

saad naman ng classmate kong si Rain na nasa kanan.

"Kailan mo ba kasi balak tapusin 'yun? O may balak ka nga ba talagang tapusin 'yun?" tanong naman ni Ashton na nasa harapan ko na ngayo'y nakalingon sa akin.

"Mamaya ko na tatapusin. Manahimik muna kayo. Baka mapagali-"

"Mr. Mendez! anong pinag-uusapan ninyo diyan?! Would you mind sharing it to the class?" pasigaw na tanong ni Ma'am na pumutol sa sasabihin ko. Sabi ko na nga ba't mapapagalitan na naman kami.

"Wala po Ma'am. Hinihiram ko lang po 'yung notebook niya." sagot ni Ash.

"Mr. Mendez and Mr. Smith Solve this!" muli nitong saad kaya wala na akong nagawa kundi pumunta sa harapan at sumunod naman si Ash.

"Find Limx+2 wherein x->4. Complete the table 1 and 2 then graph the solution." sunod-sunod na saad ni Ma'am habang nakatingin sa libro nito.

Agad ko namang sinulat yung given at sinimulan nang mag-assume ng numbers na lesser than 4 pero dapat malapit lang sa 4. Nang matapos ko 'yung table 1 ay agad kong sinimulan 'yung table 2. This time eh greater than 4 naman pero dapat malapit pa rin sa 4.

"Mr. Smith, draw the graph." saad muli ni Ma'am nang matapos ko 'yung dalawang table kaya ibinigay ko agad 'yung marker kay Ash.

Nang matapos niya yung graph ay ibinigay niya sa akin 'yung marker at bumulong.

"Ikaw na magexplain ng sagot."

Agad ko namang sinulat 'yung final na sagot bago tumingin kay Ma'am.

"Limx+2=6 wherein x->4. This means that the limit of (x+2) is 6 as x approaches 4 from either side."

"Correct. You may now take your seat Mr. Mendez." saad niya kaya agad akong nagtungo sa upuan ko.

Sumunod naman sa akin si Ash pero hindi pa siya nakakalayo nang muling nagsalita si Ma'am.

"Mr. Smith, saan ka pupunta? Solve this!" utos ni Ma'am kaya napaface-palm na lang siya.

Mabuti na lang at nakinig ako sa discussion kahapon. Kung hindi, ewan ko na lang kung makakaupo pa ako ngayon. Hindi ako magaling sa Mathematics na subject kung kaya't ginagawa ko ang lahat, huwag lang akong bumagsak sa subject na ito.

Nang makaupo ako'y tumingin ako sa harapan at napatawa na lang ako ng makita kong nakatayo si Ash habang tinititigan 'yung given sa whiteboard. Kung ako 'yung nasa kinatatayuan niya'y malamang mapapanganga rin ako. Hindi ko alam kung paano sagutan 'yung given eh.

Natapos ang buong discussion na nakatayo si Ash sa tabi ng table ni Ma'am Armadon.

"Okay class, dismissed." saad nito habang inaayos 'yung gamit niya.

"And, Mr. Smith, I want your solution tomorrow morning. That's your assignment. You may now take your seat." dagdag pa nito bago lumabas ng tuluyan sa room.

Agad namang bumalik si Ash sa upuan niya at muling lumingon sa akin.

"Brian, tulungan mo naman ako 'dun sa pinapagawa ni Ma'am Armadon sa akin. Hindi ko alam eh."

"Hindi ko nga rin alam sagutan eh. Ang swerte mo kasi." natatawa kong saad saka tumingin sa harap.

"Magpatulong ka na lang kay Jaydee, tutal siya 'yung pinakamagaling dito."

"Pero ano kasi, aish! sige na nga lang." sagot naman niya at tumingin na rin sa harapan.

Pagkaraan ng ilang sandali'y dumating na si Ma'am Pat at nagsimula nang magdiscuss sa harap. Pure discussion.

Pinipilit kong makinig sa sinasabi niya ngunit lahat naman ng mga dinidiscuss niya ay nabasa ko na kung kaya't napayuko na lang ako nang makaramdam ako ng antok hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Pst! Ian! Lunch Break na. Tumayo ka na diyan."

Nagising ako nang biglang may umalog sa inuupuan ko. Tumingin sa taong nakatayo sa harap ng upuan ko saka ko inikot ang paningin ko sa buong room.

"Lunch Break na bro. Pasalamat ka't wala si Sir Ruel kanina, kung hindi, baka pinagpipyestahan ka na sa impyerno ngayon." saad ni Ash at pagkatapos ay bumalik ito sa upuan niya at kinuha ang bag niyo.

"Bilisan mo bro. Hinihintay ka na siguro ni Sabrina ngayon." dagdag pa nito at nagsimula nang maglakad palabas sa room.

Agad naman akong tumayo at nag-ayos nang gamit at agad ring lumabas ng room. Sana hindi pa nakakaalis si Rina sa room nila. Taena, ba't kasi ako nakatulog. First Anniversary namin ngayon. Dapat susunduin ko siya ngayon sa room nila at sabay kaming pupunta sa Canteen.

Nang makalabas ako sa room ay agad akong tumakbo patungo sa room nila, pero nang makarating ako'y wala na siya 'dun. Argh! Napasabunot na lang ako sa ulo ko dahil sa inis. Palpak ka na naman Brian! Bakit kasi nagpuyat ka sa pagbabasa!

Balak ko sanang sorpresahin siya sa room nila pero dahil nagpuyat ako kagabi, nakatulog ako ng tatlong oras lang naman sa room. At dahil 'dun, sira na 'yung plano ko. Sa Canteen ko na lang siya sosorpresahin. No choice. Kaysa naman sa wala akong gagawing surprise 'di ba?

Kahit pagod na ako'y tinakbo ko pa rin yung Canteen. Medyo malayo ito sa room nila Rina pero hindi ko inalintana ang pagod. Makulimlim naman ang kalangitan ngayon at hindi mainit kaya hindi ako gaanong pinagpawisan sa pagtakbo.

Nang makarating ako'y agad ko siyang hinanap. Habang iniikot ko ang paningin ko sa buong Canteen ay napako ang mata ko sa imahe ng isang babaeng nakaupo. Nakatalikod ito ngunit alam kong siya 'yun. Napangiti na lang ako nang sa wakas ay nahanap ko rin siya.

Agad kong inilabas 'yung rosas at tsokolateng nasa bag ko at agad na naglakad patungo sa direkyon niya. Parang bumagal ang ikot ng mundo habang papalapit ako nang papalapit sa kanya. Pabilis rin nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Nang makarating ako sa tabi niya'y biglang tumigil ang ikot ng mundo kasabay ng pagsikip ng dibdib ko. Gulat na gulat na tumingin ito sa akin. Nagulat rin ako ngunit pinilit ko paring ngumiti at tumingin sa kanya.

"Happy 1st Anniversary!" nakangiting saad ko rito at inilapag ang rosas at tsokolateng hawak-hawak ko bago ako tumalikod at naglakad papalayo.

"Brian!" pasigaw na saad ni Rina ngunit hindi na ako lumingon pa.

Mas maigi nang tanggapin ko na lang ang masakit na katotohanan kaysa sa maniwala sa kasinungalingan. Yeah, life is not a fantasy. Sawa na akong magpakatanga.

"I'm so sorry." dagdag pa nito na siyang dahilan ng unti-unting pagtulo ng luha sa aking mga mata, kasabay nito ang pagbuhos ng maliliit na butil ng tubig mula sa kalangitan.