"Brian..."
Mula sa kakahuyan ay nakarinig ako ng boses na tumatawag sa pangalan ko. Para bang nanghihikayat ito na ako'y pumasok sa kakahuyan. Nagdalawang isip ako kung susundan ko ang boses na narinig ko pero kalauna'y sinundan ko rin ito dahil parang pamilyar yung boses.
"Pst. Brian."
Muli ko na naman itong narinig nang nasa kabilang parte na ako ng bakod ngunit unti-unti itong humihina kaya naisip ko na baka guni-guni ko lamang ito. Napagpasyahan kong tumalikod na lamang at maglakad papalayo. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng lubusan nang muli ko na naman itong marinig.
"Brian. Hanapin mo ko..."
Sa pagkakataong ito'y lumakas ang boses na naririnig ko kung kaya't muli kong sinundan ang pinanggagalingan ng boses na kanina pa tumatawag sa akin.
Dinala ako ng mga paa ko sa loob ng kakahuyan at dito ko nakita ang isang imahe ng babaeng nakaupo sa isang troso. Nakangiti ito sa akin ngunit hindi ko maaninag ang buong mukha nito dahil sa liwanag.
Maya-maya pa'y tumayo ito mula sa pagkakaupo kaya nalaman ko agad kung sino yung tumatawag sakin.
"Ang tagal mo naman maghanap." saad nito at naglakad ito papalapit sa akin.
"Pasensya na. Hindi ko agad nahulaan kung sino yung tumatawag sakin eh. Tsaka hindi kita agad nakilala kasi medyo maliwanag dyan sa inuupuan mo." sagot ko sa kanya na dahilan kung bakit nagdikit ang kilay nito.
"Itong mukha na 'to? Makakalimutan mo? Ang sakit naman nun." nagtatampong saad nito.
"Titigan mo nga ang mukha ko. Para di mo makalimutan. O di kaya'y magpapakilala na lang ulit ako. Nakakahiya naman sayo." Tumigil ito sa paglalakad nang makalapit na ito sa akin.
"Ako nga pala si Arya. Huwag mong kakalimutan ang pangalan ko ha?" sarkastikong saad niya kaya natawa ako kasi para siyang bata na nagtatampo. Ang cute.
"Pinagtatawanan mo na ako? Bahala ka na nga dyan." muli nitong saad at naglakad na ito papalayo sa akin na siyang dahilan kung bakit napatigil ako sa pagtawa.
"Uy. Sorry na. Mahina kasi yung boses mo kanina eh kaya hindi ko agad nalaman kung sino yung tumatawag sakin. Tsaka maliwanag kasi sa inu-upuan mo kanina kaya hindi ko naaninag yung buong mukha mo." saad ko sa kanya ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad.
"Bahala ka sa buhay mo!" sagot naman nito at nagtago ito sa likod ng mga punong kahoy.
Para siyang Diyosa na nakikipaglaro ng taguan at habulan sa akin kapag lumilingon ito mula sa likod ng mga maliliit na punong-kahoy habang sumusunod ako sa kanya.
"Uy teka, hintayin mo ako." pahabol kong saad sa kanya ngunit huli na nang sabihin ko ito dahil unti-unting nawala yung imahe niya at tuluyan nang naglaho sa liwanag.
Pagkaraan ng ilang sandali'y lumakas yung nakakasilaw na liwanag ng araw. Agad kong ipinikit ang aking mga mata at maya-maya'y narinig ko ang isang pamilyar na tugtog.
*I thought that I'd been hurt before,
But no one's ever left me quite this score.
You're words cut deeper than a knife,
Now I need someone to breathe me back to life.*
Nang imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa kama ko. Napanaginipan ko na naman siya. Sino kaya siya? Bakit parang anglapit namin sa isa't isa dun sa panaginip na iyon? Totoo kaya yun o nananaginip lang talaga ako? Hays. Nababaliw na yata ako. Titigilan ko na yata yung panonood ng fantasy na love story. Kung anu-ano nang napapanaginipan ko eh.
*You watch me bleed until I can't breath,
Shaking, falling onto my knees.
And know that I'm without your kisses,
I'll be needing stitches.*
Agad kong kinuha at isinuot ang salamin ko at pagkatapos ay inabot 'yung tumutunog na cellphone ko na nakapatong sa maliit kabinet sa tabi ng kama ko.
"Hello."
"Hello Brian." sagot ng isang pamilyar na boses mula sa kabilang linya.
Agad kong tiningnan ang pangalan ng tumawag at bigla ko na namang naramdaman ang hapdi na pilit kong kinakalimutan.
"Ano na naman ba ang kailangan mo? 'Di ba tapos na tayo? Wag ka nang mag-explain pa. Tanggap ko na ang lahat kaya kung maaari lang sana ay 'wag mo na akong guluhin at hayaan mo muna akong makalimot." mahinahon kong sagot sa kanya bago ko pinutol ang tawag.
Kagigising ko pa lang, sira na agad ang araw ko. Tama na Brian, hindi siya kawalan at hindi mo dapat siya iniiyakan.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko at muling ipinikit ang aking mga mata at sinubukang matulog muli ngunit hindi na ako makatulog pa.
"Itong mukha na 'to? Makakalimutan mo? Ang sakit naman nun."
"Titigan mo nga ang mukha ko. Para di mo makalimutan. O di kaya'y magpapakilala na lang ulit ako. Nakakahiya naman sayo."
"Ako nga pala si Arya. Huwag mong kakalimutan ang pangalan ko ha?"
Bigla kong naalala ang napanaginipan ko kanina. "Titigan mo nga ang mukha ko. Para di mo makalimutan."
Muli kong ipinikit ang aking mga mata at pilit na inalala ang mukha niya. Pagkatapos ay agad akong bumangon at hinanap 'yung sketch pad ko na nakatago sa maliit na kabinet na nasa tabi ng kama ko at sinimulang iguhit ang mukha niya para hindi ko ito makalimutan.
Mga matang parang talang kumikislap sa kalangitan. Mamula-mulang labi na hugis arko kapag ako'y nginingitian. Medyo mahaba ang buhok nito na kulay brown na may bahid ng pagkapula. Medyo manipis ang kilay at medyo rin matangos ang ilong nito.
Matapos kong iguhit ang mukha niya'y muli ko itong tinitigan. Sino ka ba talaga Arya? Bakit kita napapanaginipan? Bakit parang nangungulila ako sayo kahit hindi pa kita nakikita at nakikila?
Muli kong narinig na tumunog ang cellphone ko kaya inilapag ko ang portrait na ginawa ko at agad na sinagot ang tawag.
"Hindi ba't sinabi ko na tama! Wala na tayong dapat pag-usapan pa! 'Di ba tinapos mo na ang lahat?! Kaya tigilan mo na ang pagpapaliwanag mo!" sunod-sunod na saad ko sa kanya.
"Teka lang pre, si Ash to. Hindi ako si Rina." sagot ng nasa kabilang linya.
Agad ko namang tiningnan kung sino 'yung tumatawag at nakita kong hindi pala si Rina 'yung tumawag.
"Pasenya na pre, akala ko kasi si Rina na naman."
"Tingnan mo muna kasi kung sino 'yung tumawag bago mo sagutin. Hiniwalan ka lang, naging ganyan ka na." natatawa nitong saad.
"At saka, hindi ako inutusan ng kapatid ko na tawagan ka para makapag-explain siya. Papangunahan na kita kasi baka isipin mo na kaya kita tinawagan dahil inutusan ako ni Rina. Pagpasensyahan mo na 'yung kapatid ko, baliw eh." pagpapaliwanag nito.
"Kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana hindi ko na lang minahal 'yang kapatid mo. Pero wala na eh, minahal ko na."
"Ewan ko ba 'dun pre. Sa totoo lang, mas boto ako sayo kaysa sa kapatid mo para sa kanya. Pero wala akong magagawa eh."
Muli ko na namang naalala 'yung nangyari sa Canteen sa school kaya nanikip na naman 'yung dibdib ko.
"Ganito na lang pre, samahan mo kami ni Rain sa Mall para naman makalimot ka. Maghunting tayo ng chicks."
"Baliw. Sa bukid ka maghanap ng sisiw, 'wag sa Mall."
"Nagbibiro lang ako tol. Hindi ka na mabiro. Pero seryoso, samahan mo kami ni Rain sa Mall para naman makalimot ka kahit saglit lang. Hindi 'yung magkukulong ka na lang diyan."
"Tinatamad ako pre. Sa susunod na lang."
"Hindi naman tayo iinom eh. Kung iinom tayo, 'di sana sa Bar tayo pupunta. Sumama ka na tol. Kahit ngayon lang." pagpupumilit nito.
"Oo na, oo na. Iend call mo na 'yang tawag. Para kang bading. Text mo na lang ako."
Wala na akong nagawa kundi pumayag na lang. Hindi rin naman siguro masama kung mamamasyal ako para makalimot, tutal wala rin naman akong gagawin ngayon.
Agad akong nagtungo sa banyo at naligo na at pagkatapos ay nagsuot lang ako ng simpleng damit, pantalon, saka rubber shoes.
Nang matapos na akong mag-ayos ay nagtungo ako sa baba para magpaalam kay Mama.
"San kayo pupunta? Hindi ka na ba nilalagnat?" tanong agad ni Mama nang magpapaalam ako sa kanya.
"Sa Mall po Ma. Nagpapasama kasi sila Ash at Rain. Okay na po ako Ma. Hindi na masakit ulo ko."
"Siguraduhin mo lang na hindi kayo iinom at magpapagabi. May limangdaan dun sa tabi ng TV. Mag-iingat kayo ha?" muli nitong saad bago pumunta sa likod ng bahay namin.
"Aanhin ko 'yung limangdaan Ma? Wala naman akong bibilhin eh." nagtataka kong tanong bago siya makaalis.
"Magpagupit ka. Masyado nang makapal 'yung buhok mo. Sige na, maglalaba pa ako. Basta 'wag magpapagabi ha?"
"Opo Ma."
Ako magpapagupit? Okay pa naman 'tong buhok ko eh. Magsasayang lang ako ng pera. Wag na.
Nang nasa labas na ako ng bahay ay sakto namang dumating na rin sila gamit ang sasakyan ni Rain.
"Pasok ka na tol." saad ni Rain kaya agad ko namang binuksan 'yung pintuan sa likod at sumakay na 'rin.
"Ano pareng Brian, masakit pa rin ba?" natatawang tanong ni Rain habang nakatingin sa salaming nasa taas ng sasakyan niya.
"Siraulo! Ikaw ba naman ang iwanan. Malamang masakit 'yun." sabat naman ni Ash na nakaupo sa tabi ko.
"Kasalanan 'to ni Ash eh. Kung hindi niya sana ako pinakilala sa kapatid niya, sana hindi ako nasasaktan ngayon." pagbibiro ko pero seryoso ang pagkakasabi ko.
"Teka-teka, bakit ako? Huy! Hindi ko kasalanan 'yun ha. Siya 'yung nagpumilit na makipagkilala sa'yo." depensa nito kaya napatawa na lang ako.
"Nagbibiro lang ako baliw."
Dahil sa sinabi ni Ash ay muli ko na namang naalala kung paano kami nagkakilala ni Rina. Birthday kasi noon ni Ash. That was last year. Nakaupo lang akong mag-isa nang biglang lumapit si Ash sa akin at ipinakilala 'yung kapatid niya. Simula nun, naging malapit na kami sa isa't isa hanggang sa nahulog ako at ganoon din siya. Niligawan ko siya ng ilang buwan bago niya ako sinagot.
She was my first girlfriend. Noong araw na sinagot niya ako ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Kaso wala talagang forever. Lahat ng kwento ay may katapusan. Isang taon. Nagsayang ako ng isang taon sa taong hindi rin naman pala para sa akin.
"Tama na 'yang pag-eemote mo pre. Namumula na naman 'yang mata mo. Narito na tayo. Ipapark ko lang saglit 'tong kotse."
"Hindi ako nag-eemote pre. Masakit lang talaga mata ko." pagsisinungaling ko.
"Sus, 'wag nang magsinungaling pa. Sabi ko naman sayo, lahat niyan nagloloko. Pagkatapos kang pakinabangan ay biglang lalayo." saad nito saka kumanta.
"Siraulo." natatawa namang saad ni Ash saka niya binatukan si Rain.
"Aray! Masakit din naman 'yun Ash. Gusto mo magcommute mamaya?" saad nito bago bumama habang hinihimas 'yung batok niya.
"Joke lang pre." sagot naman ni Ash tapos nagpeace sign.
"Para kang bading Ash." natatawang saad ni Rain saka nito isinara ang pintuan ng sasakyan niya.
"Tara na nga lang." dagdag pa nito at naglakad na papalayo.
Mula sa parking lot ay naglakad kami papuntang Mall. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta rito kaya namiss ko ang tumambay rito. Mas gusto ko kasing nagkukulong sa bahay. Hindi naman kasi ako 'yung tipo ng tao na lakwatsero. Mas hilig ko kasi ang pagsusulat at pagdadrawing kaya mas pinipili kong manatili na lang sa bahay. Hindi rin kasi ako mahilig masyado sa sports kaya nasanay na ako na kapag walang pasok, 'yung silid ko ang tinatambayan ko.
"Teka, ano pala gagawin natin dito?" tanong ko sa dalawa ngunit wala akong narinig na sagot galing sa kanila.
Nagtitigan lamang silang dalawa na para bang may pinag-uusapan sila base sa nakikita kong galaw ng mga mata nila.
"Tutulungan ka namin sa pagmomove-on mo. Pero joke." natatawang sagot ni Ash at sa pagkakataong ito'y si Rain naman ang bumatok sa kanya.
"Aray! Masakit 'yun Rain!" angal ni Ash.
"Masakit din naman 'yung ginawa mo kanina. Ngayon ramdam mo na." sagot naman ni Rain.
"Magpapagupit ako, samahan niyo ako." saad muli ni Rain at naglakad na paalis.
Hindi talaga marunong maghintay 'yung isang 'yun. Sarap kutusan. Pero wala na rin kaming nagawa ni Ash kundi sumunod na lang sa kanya.
"Anong maipaglilingkod namin sa inyo mga gwapong binata?" saad ng isang baklang tantiya kong nasa trenta na ang edad nang makapasok na kami.
"Magpapagupit po kaming tatlo." sagot ni Rain at agad na itong umupo at sinimulan na siyang gupitan.
"Teka, bakit pati kami? Akala ko ikaw lang ang magpapagupit?" nagtatakang tanong ko rito.
"Umupo na lang kayo't magpagupit na. Huwag nang magsalita pa." tipid na sagot niya.
Ayaw ko mang magpagupit pero wala na rin akong nagawa kundi umupo na lang. Mahirap na dahil kapag kinontra ko si Rain, magkocommute ako papauwi. Hindi pa naman ako marunong pumara at sumakay mag-isa.
"Ano pong gupit niyo sir?" tanong sa akin ng babaeng nasa likod ko nang makaupo na ako pero hindi pa man ako nakakasagot nang biglang sumabat si Rain.
"Gupitan niyo po siya ng gupit na uso ngayon na babagay po sa kanya. Lagyan niyo rin po ng lining sa gilid." sunod-sunod na saad nito.
"Teka, ako 'yung tinatanong eh." angal ko rito pero hindi niya ako pinakinggan.
"And also, please dye his hair with dark red." dagdag pa nito bago tumingin sa akin.
"Huwag ka nang umangal pa pre. Diba iniwan ka ni Rina? Patunayan mo na nagkamali siya sa pag-iwan sa iyo. Ate, kapag umangal 'yan, kalbuhin niyo na lang." saad muli nito.
"Oo na, oo na. Papayag na. 'Wag niyo lang akong kalbuhin." sagot ko sa kanya kahit sa totoo'y hindi talaga ako payag.
Kahit naman magpagupit ako ng uso eh wala na talagang pag-asa na magkabalikan kami ni Rina. Pero paano kaya kung mag-ayos ako? Sus, naku Brian, 'yan ka na naman. Huwag ka nang umasang babalik pa siya.
…One hour Later…
"Pogi ka naman pala kapag nagpagupit ka eh. Sigurado akong magsisisi 'yung ex mo na nang-iwan sayo." saad ng babaeng nanggupit sa akin nang matapos niyang gupitan at kulayan ang buhok ko.
Hindi na lang ako umimik. Kahit naman pogi ako, hindi na kami magkakabalikan eh.
Nang matapos na kaming magpagupit ay nagpasama naman si Ash na bibili raw ng contact lens. Sabi niya, pinabibili raw ng kapatid niya. Hindi na ako nagtanong pa dahil alam ko namang mahilig talaga si Rina na gumamit ng contact lens.
Nang makarating na kami'y pumasok agad si Ash ngunit nagtaka ako nang biglang pumunta si Rain sa harap ko.
"Pre, may gasgas yata 'yang salamin mo." saad ni Rain saka ito lumapit sa akin.
Agad ko naman itong tinanggal at tiningnan kung nasaan 'yung gasgas pero wala naman akong nakita.
"Nasaan? Wala naman eh." sagot ko pero nagulat na lang ako nang hablutin ito ni Rain saka pinutol.
"Siraulo ka pre. Paano na ako makakakita niyan? Bakit mo sinira? Regalo sa akin 'yan ni Mama eh."
"Baliw. Hindi ito 'yung regalo ng Mama mo. 'Wag kang magsinungaling. At saka, kaya tayo nandito para bumili ng contact lens mo. Angbaduy mo kapag nakaeyeglass ka ng makapal eh." sagot nito saka tinulak ako papasok sa loob.
Taena nitong dalawang ito. Kanina pa ako pinagtitripan. Sayang 'yung eyeglass ko. Kabibili ko lang 'yun last month eh.
Nagsisimula na namang lumabo ang paningin ko kaya wala na akong nagawa kundi sumama sa babaeng tinawag ni Ash kanina.
"Ilang years ka nang nagsusuot ng eyeglass?" tanong nito sa akin nang makaupo na ako.
"Mga 5 years na po."
"Anong eye problem iho?" muli nitong tanong.
"Noong nagpatest po ako sa isang eye doctor, nadiagnose na may Myopic astigmatism po ako. At ayon sa ophthalmologist, moderate o mild astigmatism daw ito na nainherit ko. Nakakakita pa rin naman po ako ng maayos kahit wala po akong salamin pero for a short period of time lang."
'Yung astigmatism ay problema sa mata caused by the irregular shape of the cornea na nagkacause ng blurry at distorted vision. Sa case ko, Myopic astigmatism ang nadiagnose. Ang Myopic ay kinuha sa word myopia o nearsightedness. Nagiging blurred kasi ang nakikita ko kapag malayo ang tinitingnan ko at kung malapit naman ito ay nakikita ko ng maayos.
Sabi nila, hindi raw serious na eye problem at hindi raw eye disease ang astigmatism dahil puwede paring maging clear yung vision sa pamamagitan ng paggamit ng salamin o contact lens o di kaya'y sa pamamagitan ng LASIK na ang ibig sabihin ay 'laser-assisted in situ keratomileusis' na isang klase ng laser eye surgery. Pero kahit hindi ito seryosong sakit sa mata, kailangan ko paring mag-ingat para hindi lumala.
"Ah. Ganun ba? Ash! patingin nga 'nung eyeglass niya." saad nito at narinig ko namang may lumapit sa amin.
"I see. Hindi basta-basta na contact lens ang kailangan mo. You need toric contact lens. Pero bakit mas pinili mong magsuot ng eyeglass instead of toric contact lenses para maayos ang paningin mo?" muli nitong tanong sa akin nang maibigay na ni Ash 'yung salamin ko sa kanya.
"Mas komportable po kasi ako sa eyeglasses. At saka mas madali po kasi itong isuot at tanggalin. Pero sa tingin ko, oras na rin po siguro para subukan ko 'yung contact lens. Nabasa ko po kasi noon na mas clear daw yung paningin kapag contact lenses ang gamit compared sa eye glasses. At bukod sa mas maayos daw ako tingnan kapag walang salamin sabi nila Ash, pinutol rin kasi ni Rain 'yung salamin ko kanina." sagot ko naman na dahilan ng pagtawa niya.
"Teka lang iho. May kukunin lang ako saglit. Umupo ka muna diyan." muli nitong saad at narinig ko itong naglakad papalayo.
Ilang minuto rin ang nakalipas bago ito bumalik.
"Ibukas mo lang 'yung mata mo at 'wag kang gagalaw." utos nito sa akin kaya sinunod ko ito at naramdaman ko na lang may nilagay ito sa mata ko.
Nang matapos na niyang ilagay 'yung dalawang contact lens sa mata ko'y inutusan ako nitong ipikit ang aking mga mata at buksan ito muli
"Parang breakup lang 'yan. Medyo mahapdi sa una, pero mawawala at masasanay ka rin kapag nagtagal." saad nito.
Mahapdi sa una, pero mawawala at masasanay kapag nagtagal? Gaano kaya katagal?
Nang medyo nawala na ang hapdi ay nakita ko itong umalis saglit at pagbalik niya'y may hawak itong litrato na may nakasulat na salita sa ibaba nito.
"Subukan mo ngang tingnan ang larawang hawak ko at sabihin mo sa akin kung ano ito at kung ano ang salitang nasa ibaba nito." saad muli nito at lumayo ito ng konti at tinitapat sa akin ang larawan.
"Larawan po ng 'Saging' at ang nakasulat sa baba ay 'Apple'." sagot ko sa tanong nito.
"Pero bakit apple po 'yung nakasilulat sa ibaba?" tanong ko sa kanya kaya tumawa ito.
"Tinitingnan ko lang kung nakakakita ka ng maayos sa contact lens na suot mo. At sa tingin ko'y maayos naman. Sige na, pumunta ka na kila Ash." aniya bago ito tumalikod.
Nang makarating ako sa harap nila Ash ay agad silang tumayo.
"Wow pre. Laki ng pinagbago mo. Kita mo, mas okay 'yung wala kang suot na eyeglass."
"Ewan ko sa inyo. Uuwi na ako. Baka kung ano pang mangyari sa akin kapag nagtagal pa ako dito." sagot ko sa kanila at naglakad na ako palayo.
Nasa tapat na ako ng elevator nang muling nagsalita si Rain.
"Huwag ka munang umuwi pre. Wala kang susuutin sa bahay niyo kapag umuwi ka ngayon."
"Walang susuutin kapag umuwi? Ano?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Sinabi namin kay Tita na itago lahat ng damit mo. 'Di ba sabi namin sayo na tutulungan ka naming makalimot? Kapag binago mo ang pag-aayos mo sa sarili mo, magsisisi si Rina na iniwan ka niya. Kaya kung ako sayo, mabago ka na. Start a new beginning pre." pagpapaliwanag ni Rain saka ito naglakad papalapit sa akin.
"Sinabihan ko na 'yung mga saleslady ng Branch ng Company namin dito na pumili ng damit na uso ngayon na babagay sayo. Sabi ko nga, tinago na ni Tita Clara 'yung mga damit mo kaya kakailanganin mong bumili ng bago. Isipin mo na lang na pagpapasalamat ko ito sa pagtulong mo sa akin sa school kaya halika na." muli nitong saad at sinenyasan akong sumunod sa kanya.
"Nakaready na rin 'yung mga sapatos na inutos kong piliin ng mga saleslady ng Branch rin ng Company namin dito. Hindi mo na rin kailangang bayaran 'yun. Regalo ko na 'yun sayo dahil tinutulungan mo ako para 'di bumagsak grades ko." saad naman ni Ash.
"Pero hindi niyo naman ito kailangang gawin eh. Hindi ko naman kailangan ng bagong damit at sapatos. Okay na ako sa mga damit ko."
"Mga damit mong parang pangmatanda, uso noong 1960? Umayos ka nga pre. Basta kami nang bahala. Wala ka namang babayaran eh."
"Bahala kayo. Dami niyong arte."
Wala na akong nagawa kundi sumang-ayon na lang sa kanila. Siguro nga kailangan ko na talagang magbago. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko 'di ba?
Magbabago ako hindi para balikan niya ako. Magbabago ako dahil sawa na akong pinaglalaruan. Sawa na akong magmahal. Sawa na akong laging natatalo sa laban.
Tama nga sila Ash at Rain. Hindi dapat ako magpapatalo at dapat na akong magbago. Buti na lang nakilala ko sila.
Nang makauwi na ako'y nagpaalam na ako sa kanila. Halos limang oras din pala kaming nasa Mall. Para kasing babae 'tong mga kasama ko. Angdaming kaartehan.
"Para kayong mga babae kung magshopping." natatawa kong saad sa kanila nang maibaba ko na 'yung mga binili nila.
"Salamat nga pala mga pre. Susundin ko na 'yung payo niyo sa akin. Susubukan ko na talagang magbago."
"Walang anuman tol. Basta tulungan mo kami sa school." natatawang sagot ni Ash.
"Basta 'wag ka nang magsusuot ng eyeglass pre. Sige alis na kami." saad naman ni Rain bago nito pinatakbo ang sasakyan niya.
Napabuntong hininga na lang ako nang makaalis na sila. Muli kong tiningnan 'yung sandamakmak na binili nila. Taena, magiging kuba ako kapag natapos kong dalhin 'tong mga 'to sa silid ko.