Chereads / Im not for Sale [BxB] / Chapter 3 - Chapter| 02

Chapter 3 - Chapter| 02

Halos mapabalingkwas na ako sa pagkakahiga dahil sa lakas ng mga sunod-sunod na katok ni tita galing sa labas ng pinto ko.

"Vince ano ba!, tama na nga yang pagbubuhay prinsipe mo! gising na lahat ng kapit bahay dito sa subdivision samantalang ikaw humihilik hilik pa jan?" bulyaw ni tita habang di magkandamayaw sa pagkalampag at pagkalabog ng pinto ko.

Dali-dali akong bumangon kahit antok na antok pa ako at agad binuksan yung pinto.

"s-sorry po tita h-hindi ko po kasi namalayan yung.."

Di pa man ako tapos sa pagsasalita pero sinigawan nanaman nya ako ulit.

"sumasagot ka pa eh, umayos ayos ka Vince, pag ako nabaliw baka hindi na kita pag aralin tandaan mo yan".

Galit na saad nya saakin.

Yumuko nalang ako di na sumagot pa.

"simula bukas ikaw na ang gigising ng maaga at maglilinis ng bahay para naman may silbi ka naiintindihan mo ba ako?" saad nya bago tuluyang umalis.

"pssst!" tawag saakin ni Drake habang nakasilip sa may pintuan nya.

Agad naman akong lumingon pero nginitian nya lang ako.

"okay ka lang?" bulong nya kahit di ko naman masyadong naririnig.

Tinanguan ko nalang sya at agad nang pumasok sa loob ng kwarto ko para makapag palit ng pambahay.

Bumaba na ako at agad nag almusal.

Pero di pa man ako nakakainom ng tubig nang bigla nanaman akong pagsabihan ni Tita.

"Vince ayokong may nakikitang hugasin jan sa lababo kaya pagkatapos mo jan hugasan mo yang mga yan at maglinis ka narin ng bahay".

Saad nya.

"pero tita aalis po ako ngayon para mag pa enroll" sagot ko pero nagtaas nanamn sya ng kilay at namewang.

"aba! Bakit? Aabutin ka ba ng taon jan sa pag papaenroll mo? Naku! Vince tigiltigilan mo ako jan sa pag iinarte mo. Alam kong dahilan mo lang nanaman yan para di mo magawa yang mga pinapagawa ko." saad nya.

Kaya wala na akong nagawa kundi gawin nalang yung mga inuutos nya saakin.

Kahit di ako marunong maghugas ginawa ko nalang, lahat namn ng bagay natututunan kaya paunti-unti gagawin ko lahat para matuto.

Kinausap narin ako ni Drake na kung maari mauuna na syang mag pa enroll kasi may susunduin sya kaya umoo narin ako, madali lang namn siguro mag pa enroll kahit mag-isa nalang ako.

Lagpas tanghali na pero hanggang ngayon di parin ako tapos sa pag vavacum ng bahay.

Ramdam ko na yung gutom ko pero wala paring tanghalian na naihahain.

Nakauwi narin si Drake galing school. Buti pa sya tapos nang mag pa enroll.

Binilisan ko nalang ang paglilinis para makahabol pa ako sa enrollment baka kasi may fines kapag late enrollee ako and worst magkaroon ng cut off.

"Vince pagkatapos mong magpa ernroll mag grocery ka muna bago mo sunduin sa bus terminal si Neil, Aalis ako baka bukas pa ng hapon ang balik ko." saad nya sabay abot saakin ng pera.

Lumunok muna ako bago bumwelong magtanong sa kanya.

"ah,tita gusto ko lang po sanang t-tanungin kung k-kelan po natin bibisitahin si daddy?"

"kaya nga ako gumagawa ng paraan para mabayaran lahat ng Pera na binibintang sa daddy mo? Kaya sana wag na wag kang gagawa ng bagay na ikaiinit ng ulo ko bwiset!" iritang saad nya saka nya ako muling iniwan.

Napabuntong hininga nalang ako at agad tinapos lahat ng gawaing bahay.

Agad na akong naligo at dali daling lumabas ng bahay.

Lakad takbo na ang ginawa ko para makarating sa gate ng Village.

Agad na akong pumara ng taxi at binigay ang address ng school ko.

Ilang minuto din ang byahe bago ko marating yung school.

Kaya pagkarating ko agad ko nang tinungo yung registrar's office para matapos na ako agad, ayoko kasi maabutan ng gabi dahil di ako sanay magbyahe magisa lalo nat malayo kami sa dati namin tirahan.

Naglalakad ako ngayon sa isa sa mga hallway ng Teacher's education building habang Abalang-abala ako sa paghalungkat nung mga gamit na kakailanganin ko sa pag eenroll nang biglang may bumangga saakin.

Tumilapon lahat yung gamit na laman ng sling bag ko.

"sorry sorry, pasensya ka na pero nagmamadali ako sorry talaga" hingal na hingal nyang saad habang nagmamadaling pinagdadampot yung mga papel na nagkalat sa sahig insbot nya saakin yung mga yun habang hingal na hingal saka nya ako muling tinakbuhan.

Binagsak ko yung balikat ko at

Bumuntong hininga, agad ko nang inayos yung mga gamit ko para at muling naglakad patungo sa Registrar's office para matapos na ako sa pag papa enroll.

Alas singko ng hapon nang mabayaran at matapos ko na lahat ng kakailanganin.

Kukunin ko nalang yung mga uniforms ko at pwede na akong umuwi.

Pero bigla kong naalala yung mga bibilhing grocery. Pa takip silim narin kaya sunduin ko nalang muna yung pinapasundo ni tita baka kanina pa naghihintay yung lung sino mang Neil na yun.

Pagkalabas ko ng campus pumara na ako agad ng sasakyan papuntang bus terminal.

Malapit na kasing gumabi baka pagalitan pa ako ni tita kapag nalaman nya na di ko sinundo yung pinapasundo nya.

Pagdating ko sa bus terminal agad akong nagpalinga linga kung sino ba yung susunduin ko.

Ni hindi ko kilala yung taong kikitain ko kaya wala akong kaide-ideya kung anong itsura nya.

Kung hindi lang talaga asawa ni Daddy si tita Carol hindi ko gagawin lahat ng inuutos nya, hindi namn dahil sa tamad ako pero dahil may respeto parin ako bilang pangalawang mommy sa kanya. Gagawin ko nalang lahat ng ipinapagawa nya hanggat makakaya ko bilang bilin ni daddy saakin bago sya makulong.

Maya-maya pay biglang may lumapit saakin na maputi at matangkad na lalaki, sa tantya ko nasa 19-20 na sya.

"excuse me ikaw ba si Vince? " tanong nya saakin.

Pero tanging pagtango yung isinagot ko.

"great! kanina pa kasi ako nag hihintay dito, kung alam ko lang kung paano pauwi kila mommy umuwi na ako" mahabang lintaya nya habang kinakamot yung makapal at wavy nyang buhok.

"p-pasensya na po pero galing pa po kasi ako ng school kaya medyo natagalan, Sino po ba kayo?" paliwanag ko naman pero nginitian nya lang ako.

"hindi ayos lang gusto ko na kasing magpahinga kaya uwing uwi na ako, Im Neil kuya ni Drake, sya nga pala may lalakarin ka pa ba o uuwi na tayo?" tanong nya saakin habang naglalakad kami palabas ng bus terminal bitbit yung iba nyang gamit.

"mag gro-grocery lang ako bilin kasi saakin yun ni tita" sagot ko.

"ganun ba?,sige samahan nalang kita para malibot ko naman tong lugar na to." nakangiting saad nya.

Ngumiti nalang din ako at pinagpatuloy ang paglalakad papuntang savemore para mag grocery.

Pagkapasok namin agad syang kumuha ng pushcart habang ako abala sa pag halungkat nung listahan na binigay saakin ni tita sa sling bag ko.

"should I wait for you?" tanong nya saakin habang nakatigil sa harap ng pushcart.

"ah, mauna ka na po may hinahanap lang ako." saad ko—iiwan ko pa kasi tong sling bag ko sa may counter kasi bawal ipasok sa loob.

Nang makita ko na yung listahan agad ko nang iniwan yung bag ko at dali daling pumasok para hanapin yung mga nakalista.

Uwing uwi narin kasi ako.

Inuna ko muna yung nasa unang listahan para sunod sunod dahil wala talaga akong alam kung paano mag grocery.

Abala ako sa pag abot nung sausage nang biglang may tumigil na pushcart sa likod ko.

"need help with that?" tanong nya sabay abot nung sausage.

Agad akong lumingon saka nagpasalamat, nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng ibang items na nakalista dito pero napaigtad ako nang marinig ko syang magsalita sa likod ko.

"di na kailangan yan." saad nya sabay hablot saakin nung listahan ko

"nakuha ko na lahat, ng pinapamili sayo ni mommy, kaya no need to make a list" saad nya ulet pero bigla nalang akong napakunot noo.

Kanina pa kasi sya mommy ng mommy, so it means anak sya ni Tita Carol.

"kung nag aalala ka dahil wala sa listahan yung mga linagay ko sa cart, dont bother, kilala ko si mommy kaya ayos lang" saad nya kaya tumango nalang ako kahit na sobrang nawiwirduhan na ako sa kinikilos nya at isa pa baka magkulang yung budget  wala pa amn din akong dalang pera para pandagdag.

Tumungo nalang ako at di na umimik.

"kilala na kita dati dahil na ku-kwento ka na saakin ni Drake tuwing bumibisita sila ni mommy sa bahay, but unfortunately di mo ako na meet because I never get a chance to visit your house. Ayaw kasi ni mommy na malaman ng dad mo na may dalawa pang kapatid si Drake." paliwanag nya saakin habang naglalakad kami patungo'ng counter para magbayad.

Pero ako tahimik lang dahil di ko naman alam isasagot ko at isa pa family matter yon kaya baka ma mis interpret nya pag nagsalita pa ako.

Nang makapagbayad na kami agad na kaming sumakay ng Taxi pauwi.

sana lang hindi ako pagalitan ni tita pag di nasunod yung nasa listahan.