Chereads / Im not for Sale [BxB] / Chapter 4 - chapter 03

Chapter 4 - chapter 03

Mag a-alas *syete* na ng gabi nang makarating kami sa bahay.

Agad kaming sinalubong ni Drake sa labas ng gate.

"kuya Neil" sigaw n'ya sabay yakap sa kuya n'ya.

"O bunso, musta na?" nakangiting saad ni kuya neil habang ginugulo yung buhok ni Drake na parang pet dog. Umangal naman si Drake at inalis yung kamay ni Niel sa ulo n'ya.

Ngumiti nalang ako saka dere-deretsong ipinasok sa loob ng bahay yung mga pinamili namin at agad nagtungo sa kusina para maiayos na.

Habang abala ako sa paglagay ng canned food sa cabinet lumapit saakin si Drake habang dala dala yung ibang groceries na pinamili.

"Vince, pasensya ka na kung di namin nasabi ni mommy yung tungkol sa dalawa kong kapatid" malungkot na saad n'ya habang inaayos yung itolg sa ref. Pero ngumiti lang ako bilang pagsagot.

"ayos lang naman saakin 'yon, mas okay nga 'yun diba? para di boring dito sa bahay." nakangiting saad ko habang inaayos yung pagkakalagay ko ng instant noodles sa Tray.

Nag-ngitian nalang kami at agad tinapos yung pag a-ayos.

Mabuti nalang at wala si tita makakapahinga ako ng mahimbing.

Agad na akong umakyat sa kwarto ko at naghubad ng pantalon, may nahagilap akong ilang maleta sa tabi ng aparador ko pero di ko na 'yun pinagtuunan ng pansin at dere-deretso akong nagtungo sa banyo para makapaghilamos at makapag toothbrush bago matulog. Agad kong ibinagsak ang pagod na pagod na katawan ko sa malambot kong kama habang yakap-yakap ang malambot at mabango kong unan.

Bumuntong hininga ako saka tuluyang ipinikit ang kanina pang antok at pagod kong mga mata.

Bigla nalang akong naalimpungatan dahil sa mabigat na hitang nakapatong sa hita ko at kamay na nakapasok sa loob ng damit ko. Agad akong kinabahan at napabalingkwas patayo pero laking gulat ko nang may makita akong lalaking nakahiga sa kama ko habang humi-hilik.

Agad kong kinuha yung cellphone ko para aninagin kung sino yung lalaking nakahiga sa kama ko pero hindi namn si kuya Neil. Agad akong nagsuot ng shorts at dahan-dahang lumabas ng kwarto ko para hindi ko magising kung sino man yung lalaking 'yon.

Dahan-dahan kong sinarado yung pinto ng kwarto ko at agad naglakad pa tungo sa harap ng pinto ni Drake. Naka ilang katok na ako pero ni isang sagot wala akong narinig.

Hindi magkandamayaw sa pagtibok ng pagkanda bilis bilis ang puso ko dahil sa kaba. Ni hindi ko kilala kung sino yung katabi ko kanina.

Bumaba ako ng hagdan at agad nagtungo sa CR malapit sa kusina.

Agad kong inalis ang medyas ko bago pumasok para hindi mabasa, naghilamos ako para kahit papano mahimas-masan man lang yung pakiramdam ko.

Nangatal ako Dahil sa lamig ng CR kaya napagdesisyonan kong magtungo sa kusina para uminom ng mainit na gatas para kahit papano mainitan man lang yung sikmura ko at bumalik yung pagka antok ko.

Lagpas alas-dose na ng gabi pero di naman ako makabalik sa kwarto ko dahil sa lalaking nakatulog dun.

Bumuntong hininga nalang ako at kinuha yung bath robe para may Kumot ako dito sa sala, tumitig ako sa malaking sealing fan habang dahan-dahan ito sa pag-ikot hanggang sa tuliyan na akong dalawan ng antok.

*Kinaumagahan*

"Vince! gising na!" saad ni Drake habang tinatapik ng bahagya yung pisngi ko.

"ba't ka ba dito natulog?" Bungad n'yang tanong saakin pero nagkusot muna ako ng mata bago tuluyang dumilat.

"m-may tao kasi sa kwarto ko kagabi? Ni hindi ko naman kilaka kung sino" paliwanag ko habang nagkukusot ng mata pero tumawa lang s'ya.

"bakit? Ginago ka ba ni kuya Trace kagabi" saad nya sabay tawa.

"Maniac ka talaga kahit kelan" singit na saad naman ni Kuya Neil habang umiinom ng kape. Kumunot noo lang yung Trace na pinaguusapan nila habang nakaupo sa sofa malapit saakin.

"Ano ba kasing nangyari? Ano bang ginawa sayo ni kuya?" Sunod sunod na tanong saakin ni Drake habang naka kibit balikat na nakatayo sa harap ko.

Sumandal naman si kuya Neil sa headboard ng sofa habang umiinom ng kape at naghihintay sa paliwanag ko.

"h-hindi sa ganon, h-hindi lang ako sanay na may katabi pero ayos lang namn ako" sagot ko nalang Para wala nang kumusyon.

"kung nagugutom ka nagluto si kuya Neil ng almusal sa kusina at pasensya ka narin di ko nasabi kahapon na dumating si kuya Trace, dere-deretso ka na kasi sa kwarto mo kagabi eh." saad ni Drake habang naglalakad paakyat ng hagdanan. Tumango nalang ako at agad nagtungo sa kusina para mag almusal.

Alam ko naman na may kapatid pa silang isa pero hindi ko alam na darating din pala s'ya.

Abala ako sa pagkain nang biglang lumapit saakin si Kuya Neil.

"Ayos ba?" nakangiting tanong nya saakin.

"ayos lang naman ako kuya" blankong saad ko habang wala sa wisyong kumakain. Dala narin siguro to mg kakulangan ko sa pagtulog.

Narinig ko ang bahagya s'yang natawa sa sagot ko.

"yung pagkain ang tinatanong ko kung ayos ba pero mabuti narin kung ayos ka, minsan kasi may pagkatopak yang kapatid kong 'yan eh," saad n'ya sabay tingin kay Trace na nasa Sala habang abala sa panonood ng TV.

Bigla tuloy akong napahiya dahil sa sinabi nya.

"di na namin sya napakilala sayo dahil umalis s'ya kagabi bumili ng gamot sa pharmacy, di ka narin namin inabala pang gisingin dahil tulog na tulog ka na nang makita ka namin sa kwarto mo" paliwanag na saad ni kuya Neil.

"ayos lang naman po ako, pagod na pagod lang siguro ako dahil sa enrollment." Sagot ko habang pinapaikot yung tinidor sa plato ko.

Tumango-tango namn s'ya bilang pagsagot.

Nang matapos na akong kumain agad na akong umakyat sa kwarto ko para makaligo dahil tinanghali na pala talaga ako ng gising. Kailangan ko naring mag ayos nang bahay dahil maya maya lang darating na daw si Tita.

Pagkatapos kong maligo inayos ko yung buong kwarto ko at bumaba para labhan yung mga maruruming damit ko.

Mabuti nalang at di ko na kailangang maglaba ng mano-mano dahil automatic naman yung washing machine.

Ilalagay mo lang yung mga damit mo at lalagyan ng sabon tapos kusa na syang maglalaba. Mag bi-beep nalang kung tapos na at tuyu na yung damit.

Nang mailabas ko na sa machine yung damit ko tinupi ko narin sila at agad na akong bumalik sa kwarto pero naabutan ko lang dun si kuya Trace na nakaupo sa kama ko habang naglalaro sa cellphone nya.

Kukuyahin ko na sila tutal mas matanda namn sila saakin.

Gwapo si kuya Trace, kung tutuusin parang sya lang yung naiiba sa dakawa, medyo mistisuhin kasi s'ya tapos matangkad. Magkaiba rin yung itsura ng mga mata at shape ng labi n'ya kumpara kila kuya Neil at Drake na mahahalata mo talagang magkapatid sila sa unang tingin palang.

Sabi saakin ni kuya Neil kanina pangalawa si kuya Trace sa kanilang magkakapatid kaya medyo masungit at hindi pala imik, pero ayos narin saakin 'yun para hindi masyadong magulo.

Tahimik lang ako habang linalagay sa aparador ko yung mga damit ko nang biglang pumasok si Drake.

"Vince! Pahiram ako ng cellphone mo makikipag 1v1 lang kay kuya Trace" saad nya sabay pasok sa loob ng kwarto ko.

"huh! Bat yung akin? " takang tanong ko.

"mas malaki kasi Iphone mo kesa saakin hirap maglaro dun" sagot nya.

*(Na halls naka Iphone)*

Tumango nalang ako at agad binigay sa kanya yung cellphone ko.

Nang maiayos ko na yung mga damit ko agad na akong bumaba at nagsimulang maglinis ng bahay.

Mag vaccum at magpunas ng mga gamit sa bahay lang naman ang alam kong gawin. Ayos na yun kesa mabungangaan nanaman ako ni tita dahil madumi ang bahay. Mas okay nang paunti-unti akong natututo sa gawaing bahay kesa yung wala akong alam. Ang lawak pa man din ng lilinisan ko.

"Vince! Maglilinis ka ba?" Pagtawag ng atensyong tanong ni kuya Neil saakin habang pawis na pawis, mukhang katatapos n'ya lang mag exercise.

"opo kuya, baka kasi pagalitan nanaman ako ni tita pag maabutan n'yang marumi ang bahay" sagot ko pero nagkamot lang sya ng ulo.

"si mommy talaga, sige tulungan nalang kita magbibihis lang ako." saad nya sabay takbo sa hagdan pataas.

Nagtungo na ako sa sala at sinimulan nang punasan yung ibang gamit.

"ako maglilinis sa kusina at ikaw jan sa sala para mabilis tayo matapos." Aniya habang brinabrush pataas yung buho n'ya gamit yung mga daliri nya.

Tumango lang ako bilang pagsagot at sinimulan nang magpunas.

Abala ako ngayon sa pagpunas ng vase at mga babasaging decoration sa bahay nang muli akong lapitanni kuya Neil.

"So ilang taon ka na?" tanong n'ya saakin habang pinupunasan yung mga picture frames.

"mag se-seventeen na ako ngayong month kuya" ngiting saad ko.

"ah, isang taon lang pala gap nyo ni Drake" saad n'ya sabay tingkayad para maabot yung nasa taas na Malaking Frame. "pero kung makitungo sya sayo parang s'ya pa ata kuya mo" kunot noong saad nya sabay ismid.

Ngumiti lang ako bilang pagsagot saka muling pinagpatuloy yung pagpupunas.

"sanay naman na ako d'un, at isa pa di naman s'ya tamad utusan minsan" sagot ko nalang.

Umismid ulit s'ya saka tinitigan yung hawak n'yang picture namin ni Drake nung medyo bata pa kami.

"good to hear that, simula pagkabata kasi malayo na ang loob n'ya saakin, siguro dahil narin kina mommy at daddy. They've been fighting infront of us at ni isa walang umaawat sa kanila hanggang sa nagdesidido si mommy na aalis kaming apat pero we refuse to come with her kaya siguro may galit parin saakin si Drake hanggang ngayon." Malungkot nyang wika.            "naiingit  nga ako kay Trace kasi sila palagi magkasama dag-dag nya. Bakas yung lunkgot sa mukha nya habang nagkukwento.

Natahimik tuloy ako bigla, hindi ko alam kung anong sasabihin ko para ma comfort ko man lang s'ya.

"s'ya nga pala pwede mo ba ako samahan bukas tutal linggo naman, may bibilhin lang sana ako."

Nakangiting saad n'ya saakin habang inaayos yung pagkakalagay ng picture namin ni drake sa glass divider.

"s-sige kuya" saad ko nalang dahilan para mapawi yung malungkot n'yang mood kanina.

Kung tutuusin mas madrama pa pala buhay nila kesa saakin samantalang ako nag mumukmok dahil di ako marunong sa mga gawaiing bahay.

©081899