Chereads / Gun to Gun (Fanfiction) / Chapter 12 - Chapter 11: Get ready, Mr. Demon

Chapter 12 - Chapter 11: Get ready, Mr. Demon

Andito kami ngayon sa kwarto na puno ng armas hindi ko din masyadong nagegets yung sinasabi ni Eve pero ayos naman yung pag kakaexplain niya baka lang nalulutang lang ako

"Ate! Woy!" sigaw sakin ni Ivan habang tinitinignan ako na parang okay lang ba ako

"Okay lang" sagot ko pero mukhang di siya kumbinsi

"hawakan mo tong baril idikit mo sa nalalapit na part na mahahawakan ng baril yung balat mo" sabi ni Eve tinginan ko siya na parang nagtatanong

"Baket?" tanong ko

"Magagaling kumuha nang armas ang tauhan ni Lucifer" tinignan ko naman si Eva na parang tulala na parang mababaliw na

"Ate.. " sabi ni Ivan na parang kinakausap si Eva

"Ok kalang?" duktong niya

nag thumbs up naman si Eva na parang okay lang

"Si kuya?" tanong ni Eve

"Asa kabila" sabi ni Ivan habang nag lalagay ng armas sa likod niya

"Bat andoon?" tanong ni Eve

"Ate? mukha ba akong aso ni Kuya? di ko alam syempre" sabi ni Ivan kaya naman lumapit si Eve sa kanya at pinitik yung noo

"Gumalang ka" sabi ni Eva sa kanya

"Opo, Ate" may diin pa sa dulo yung sinabi niya sa harap ni Eve

"Si Nathan pala?" tanong ko sa kanila na kinaharap din nila

"Bat mo nanaman siya hinahanap?" napatingin ako sa pinto kung saan nang gagaling yung tanong

"Kuya, Mamaya na kayo mag landian ni Ate Yaomi, intindihin mo muna si Ate Eva tignan mo mukhang mababaliw na" turo ni Ivan pero mukhang hindi kami naririnig ni Eva bigla namang kinotongan ni Evan si Ivan sa ulo

"Aray! nakakarami na kayo ah!" inambahan ng suntok ni Ivan yung dalawang nakakatanda niyang kapatid pero biglang humarap si Eve at si Evan sa kanya

"Joke lang eh" sabi ni Ivan at binaba na yung kamay

"Eva? Ayos kalang?" tanong ni Evan

"Eva.. Eva" pag tatawag ni Evan peri mukhang di parin kami naririnig

"Eva" kinalabit na ni Evan si Eva

"Kuya?" humarap si Eva at tinignan si Evan

"Ayos kalang?" tanong ni Evan

"Kuya.. Paano kung kunin niya ulit si Ivan tapos papatayin nila si Ivan dahil lang sa negosyo nila" sabi ni Eva habang humihikbi

"Hindi mangyayari yon" sabi ni Evan at niyakap niya si Eva

"Drama nyo! halika na maabutan pa namin yon" sabi ni Eve sabay sabay naman na kinotongan nila Evan si Eve

"ARAY!" hawak niya sa ulo niya

"Nag dadrama pa sila, istorbo ka" sabi ni Ivan

"Hey kid! kinotongan mo ba ako?!" sigaw na sabi ni Eve kay Ivan

"Ah.. Ehh.... MOMMY!!!!" tumakbo si Ivan sa labas ng kwarto at nakita ko naman si Evan na hinalikan sa noo si Eva

"Everything is gonna be all right" sabi ni Evan at umalis na sa kwarto

"Maswerte kuya nyo sa inyo" sabi ko ng di ko namamalayan

"Maswerte kami sa Kanya " pagtatama niya sakin

"He is the most important thing in my life" duktong ni Eva

"Isama mo nayung dalawa"

"Kamusta pakiramdam mo?" pag iiba ko ng topic

"Okay na kiniss na daw ni kuya noo para wala na daw akong iniisip" sabi ni Eva na kinatawa naming dalawa

"Woy! Eva!" sigaw na sabi ni Eve sa kanya

"Anong woy? ate mo ko ah!" sabi ni Eva

"Kambal tayo, Remember?" sabi ni Eve

"Ako unang iniri" sabi ni Eva

"Ako yung... ano.. ako yung UGHHH!!!" nagdabog palabas si Eve na kinatawa namin ulet

"Let's go!" sabi ko sa kanya at tumango naman sya

Sasakay kami sa itim na van na puno ng armas sa likod nadoon akk sa katabi ng drivers chuchu

akala mo octupus ang mga to! dalawang armas lang pwede mong hawakan, makapagdala akala mo siyam kamay

"Ivan! nasabi mo naba sa ibang sasama na yung armas nila asa likod?" sabi ni Evan

"ANO!?! Bat tayo may kasama?! " sigaw na sabi ni Eve

"Kuya sabi ni Lucifer na tayo lang" sigaw na sabi ni Eva

"Hindi natin sila pwede isama" sigaw na sabi ni Ivan

"Saglet? Bat kasali ka diba ikaw yung nagtawag sa mga kasama?" turo ko kay Ivan

"Nakikisama lang eh" sabi ni Ivan at nagtakip na ng mata gamit yung panyo na manipis na itim

nakatakip din ng panyo ang kalahati ng mukha ng kambal halos isang mata lang ang lumilitaw

"You need this" sabi ni Evan at lumapit sakin nilagyan niya ng panyo ang labi ko itim din pero walang simbolo

"Ako ang mag da-drive dahil ang babagal ng driver nyo" sabi ni Evan at inistart nayung kotse

nakarating kami sa isang basement

'Hay nako! tuwing may labanan nalang na magaganap lagi nalang sa basement hindi ba pwede sa hotel para sosyal?

"Akala ko ba nayaman tong si Lucifer? bat dito yon nakatira?" tanong na sabi ni Ivan

"Same question" sabay sabay naming sagot nila Eve

"Bobo niya" sabi ni Ivan habang pabulong

naglalakas na kami papunta sa loob

"Bakit naman?" tanong ni Eva

"Paano mag tatago nlang yung alalay niya sa taas ko pa" sabi ni Ivan at may binaril sa taas

"One down" sabi ni Ivan at nag iiikot pa na parang sumasayaw di naman nagulat silang magkakapatid pero ako halos di makagalaw kaya naman mas nauna sila kaysa sakin at andito ako sumusunod sa kanila habang unti unting naglalakad

"Tanga naman niya" sabi naman ni Eve habang deretso ang paningin sa dinadaanan nila

"Bakit?"tanong ni Ivan

"Magtatago nalang siya, sa likod pa ni Yaomi" sabi ni Eve at bigla bigla namang ng tinatapatan ng magkakapatid ng baril si Lucifer na nasa likod ko

Kutsilyo ang hawak niya at nakalagay iyon sa leeg ko nararamdaman kong bumabaon yung kutsilyo niya

humawak ako sa bewang ko at unti unti ko namang tinaas ang paa ko kung may mahahanap akong armas habang nakatingin siya kaila Eva

'SHIT!'

Nakalimutan ko armas ko!

"Awww...Looks like na walang kang armas" sabi ni Lucifer at dinidiinan na yung mga kutsilyo sa leeg ko

"Stupid!" sigaw na sabi sakin ni Evan

"Bastard!" sigaw ko sa kanya

"Diinan mo pa" sabi ko kay Lucifer at ramdam ko sa ang pag kabigla niya

"Di ako natatakot, masyado na kaming naging bestfriend ni kamatayan baka nga lang mag bonding lang kami sa impyerno, gusto mo sumama?" sabi ko sa kanya

"Bakit hindi mo rin ako i-best friend tutal magklapit lang kami ng pangalan" sabi niya

"Masydong mahihina ang mga demonyong katulad mo kung gagamit sila ng sandata"

"Si kamatayan chill lang, eh ikaw? kailangan mo pa ba ng sandata para sabihan lang malakas? Ew mahina.. " sabi ko ramdam ko nang dinidiin niya yung kutsilyo sa leeg ko

pinikit ko nakang ang mata ko sa hapdi ng kutsilyo nararamdaman ko ng tumutulo yung dugo ko sa lapag

"Lucifer, pag ako nay nakitang o kahit anong marka sa leeg niyan, ako mismo papatay sayo" sabi ni Evan

"Bakit di ko pwede idiin" sabi ni Lucifer at diniin ulit yung kutsilyong hawak niya

"Akala ko ba mag uusap tayo" sabi ni Evan

"Namiss mo ba kapatid ko?" pahabol na sabi ni Evan

Hindi pinansin ni Lucifer yung snabi ni Evan sa halip nawala masyado ang diin ng kutsilyo sa leeg ko

"Mahina ka parin pagdating sa pagibig" sabi ni Evan

"Tatanga tanga ka" sabi ni Eve napatingin naman lahat sa kanya

"What?" tanong ni Eve

"Di ka kasali, sila lang yung nag uusap" sabi ni Eva

"Hindi pwede mag join?" tanong ni Eve

"Ano to laro? Tumahimik ka dyan" sabi ni Eva

napako ulit ang paningin namin sa dalawang nagbabangayan

"Anong kailangan mo samin?" tanong ni Eve

"SHUT UP! EVE!" sabay sabay naming sigaw nila Ivan

"Siguro napapaisip kayo kung bat maraming nakakarating sa bahay nyo?" bigla namang siyang tumawa

"Wala akong pake! ang tinatanong ko kung anong kailangan mo samin" sabi ni Evan

"Madali lang, si Yaomi" sabi ni Lucifer at kinuha ang bewang ko at dinikit sa kanya

"Ang baho mo, tanga" sabi ko sa kanya

"Ang laki ng basement nyo pero wala kayong shower" sabi ko at tinulak siya

"Oh!?" bigla namang may binato sakin si Ivan

"Perfume yan" sabi ni Ivan at tinaas ang kilay niya

"Oh? chill klang walang sandatang inabot sakin" kukunin dapat niya yung perfume dahil akala niya sandata hawak ko

nagpabango naman ako sa katawan dahil masyadong dumikit yung amoy ng baho niya

.

"Gusto mo?" pagaabot ko sa kanya nung Pabango, kukunin niya dapat

"Luh asa ka" sabi ko at binato ulit kay Ivan yung perfume

Kinuha ulit ni Lucifer yung bewang ko at nilagay ang kutsilyo sa leeg ko

"Mukhang mamatay ka ngayon, Lucifer" sabi ni Eva at Eve, kumakain na ng chocolate si Ivan sa gilid habang naka indian sit

"Nakikita ko na yung sugat na marka sa leeg ni Yaomi" sabi ni Eve tinignan ko naman si Evan sobrang talim ng tingin niya kay Lucifer parang nandidilim nakakatakot ang pag iikot niya ng baril sa daliri niya isama mo na ang pagpapatunog niya ng leeg

"Tingin mo mamatay siya?" tanong na sabi ni Eva

"Oo naman" sabi ni Ivan habang naeexcite

"Any last words? Lucifer?" sabi ni Evan at biglang tumakbo papalapit samin

"Paktay na!"sigaw na sabi ni Ivan

"TAKBO!" sigaw na sabi nila Eva kay Lucifer

To be continued....