Chereads / Gun to Gun (Fanfiction) / Chapter 13 - Chapter 12: Virgin Lips

Chapter 13 - Chapter 12: Virgin Lips

Andito po kami, opo nakaupo habang kumakain ng chocolate ni Ivan, ang dumi na nga ng mukha niya eh

hindi po siya tae opo, kasama namin si Lucifer maraming bugbog yung katawan niya at andito siya ginagamot ni Eve, Si Eva naman nasa tabi namin tahimik habang nag iisip plano sa susunod na laban

"ARAY KO NAMAN" sigaw na sabi ni Lucifer kay Eve dahil siya yung naggagamot sa sugat niya

"Akala ko ba badboy ka? Bading kaba? makatili ka kanina akala mo nasa gay bar ka" sabi ni Eve

"ARAY KO NAMAN! Dahan dahan lang" sabi ni Lucifer

Tinignan naman ng matalim ni Eve si Lucifer at diniinan pa lalo

"Aray! aray! B*TCH!" sigaw ni Lucifer kaya naman nagulat kmi ng biglang tumayo si Eve at kumuha ng alcohol tas binuhos sa sugat ni Lucifer

"Sino B*tch ulet? " tanong ni Eve at tuloy tuloy parin yung pag buhos

"Ako! Ako! Ako yung B*tch" sabi ni Lucifer

"Akala ko may narinig ako kanina eh" sabi ni Eve at binuhusan ulit ng alcohol yung sugat niya

"Aray!" hinayaan nalang namin silang dalawa

hinanap naman ng mata ko si Evan na nasa labas ng basement habang naka deretso ang tingin, mukhang duda padin siya sa basement nato

nilapitan ko siya at humarang ako sa tinitignan niya

"Ano bang nangyayari sayo?" seryoso kong tanong pero tinignan lang niya ako ng masama

"Get out" sabi niya at hinawi ako

"ARAY KO!" bigla kong hinawakan yung sugat ko na nasa leeg bigla naman akong tinignan ni Evan

"Patingin" hinawi ko yung kamay niya

"Aray!" hinawakan niya yung balikat ko at tinabingi niya yung leeg ko gamit yung isa pa niyang kamay pero hinawi ko ulit ung kamay niya

"Patingin!" sabi niya at hinatak yung kamay ko papalapit sa kanya

"Tanga ka" sabi niya at hinila ako papalapit doon sa mag kakapatid

"Nauna mo pang gamutin yang demonyong yan kaysa dito sa ate niyo" sabi ni Evan sa nag kakaptid

"Okay la--" binuhos bigla ni Evan yung alcohol sa sugat ko

"Ayusin mo yang leeg mo puputulin ko yan" sabi niya kaya naman medyo tinagilid ko yung ulo ko para magamot niya

"Dahan dahan lang" sabi ko dinahandahan naman niya at hinipan yung sa bandang sugat ko

"Baka nalilimutan yung nandito kami" sabi ni Lucifer kaya naman kinuha ni Evan yung alcohol at binuhos sa sugat niya

"Aray ko! Baby oh" sumbong ni Lucifer kay Eva

tinanggal naman ni Eve yung takip nung alcohol tas binuhos lahat doon sa sugat niya halos walang natirang alcohol doon sa bote

"Mama mo, Baby" pagtatanggol ni Eve

nilalagyan ng betadine yung sugat ko sa leeg kasama yung pag hipan niya sa sugat ko

"masakit.. " sabi ko at hinawi yung kamay niya pero nanlaban siya at nilagyan parin yung leeg ko kaya naman wala nakong nagawa

nung natapos siya kinuha nya yung bote ng alcohol tapis biglang pinalo sa ulo ni Lucifer

"Ang landi mo" Sabi ni Evan kay Lucifer

"Lika dito" bigla naman hinatak ni Evan yung braso ko at hinila ako

"Pagod nako.. " sabi ko dahil naglalakad kami

"Saan ba tayo pupunta?" di niya parin ako pinapansin

"Hoy! Evan" naiilang narin ako dahil bigla niyang binaba yung kamay niya s braso ko pababa sa kamay ko

"Isa!" sigaw ko pero wala padin

"Dalawa!"

"Dimo talaga ako bibitawan!"

"nagagalit nako Evan"

"Evan!!!!" bigla niya akong hinatak papalapit sa kanya bigla naman nag sungaban yung nga labi ko pilit akong kumawala pero hawak na niya yung bewang ko

sya ang gumagalaw sa labi ko sobrang lambot ng labi niya

sobrang lambot..

di ko alam pero biglang bumlis yung tibok ng puso ko

bigla naman siyang humiwalay at tinignan ako bigla naman syang tumalikod habang tinatago ang mukha niya

na estatwa ako sa nangyari dahil hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman

parehas kaming nagulat

masyadong mabilis yung pangyayari

ano nangyari?

(A/N: Third wheel po ako)

"Kuya...!!!!" Sigaw ni Ivan

"Ano ginawa mo kay kuya!" sigaw na sabi sakin ni Ivan

"bat namumula yung mukha ni kuya?" tila mas nahinto ako sa pinag sasabi ni Ivan "bat tinatago niya yung mukha niya?" dahan dahan nilapitan ni Ivan si Evan "Did you punch him? ang kapal mo naman talaga, naiinis ako sayo"

"Ang ingay!" bigla nalang nag salita si Eve sa likod namin

"Apaka ingay mo akala mo naman papatayin ka, kaya walang nag tatangkang kumuha sayo kase ang ingay mo"

"Bat sakin napunta yung usapan! sinapak nga ni Ate Yaomi si Kuya tas ako pa maingay" sigaw na sabi ni Ivan

napatingin naman ako kay Evan na namumula padin at sinusubukan niyang pigilan yung pamumula niya

"You both shut up!" sigaw na sabi ni Evan

"Bala kayo dyan" bulong kong sabi

"Hey! you punch him? right?" sabi ni Ivan sakin

"No! he--" biglang naputol yung sinasabi ko

"I was planning to... ki... ll" sabi ni Evan

"You? planning? to? kill?" sabi ni Eve habang tinuturo kami.

"Di ako naniniwala" sabi ni Eve habang nakatingin sa kuya niya

"Namumula ka? Ano naman kinalaman nang pag papalano mo, sa pamumula mo?" sabi ni Eve

"Suspicious.." sabi ni Eve

"I don't get it " sabi ni Ivan

"Wait? HAHAHAHAHHA" biglang tumawa si Eve na kinagulat naming lahat

"He ki--" biglang naputol yung sasabihin ni Eve ng paputukan siya ng baril ni Evan

"So...Tama nga ako?" tinignan ko si Evan na biglang namula ulit at tumalikod samin

"Halika na.. inaantay na tayo nung isa pang malapit ng mawala sa mundo" sabi ni Ivan

nung umalis na lahat nakatayo kami pare parehas nila Eve at tinitignan niya kami ng mabuti

"let's go" sabi ni Evan at umalis na

bigla namang lumapit saakin si Eve

"Virgin lips niya, by the way" bulong na sabi

saakin

"EVE!!!" sigaw na sabi ni Evan

"yComing!!" sigaw ni Eve at umalis na din

napangiti ako pero bigla ko ring inalis

"Stop smiling...you are creepy" bigla akong napatingin

"kanina kapa dyan?" tanong ko kay Ivan

"Yeah, Ang tagal mo daw sabi ni Kuya, kakahiwalay nyo lang namimiss kana agad" napa tango nalang ako

"He's still red, By the way" he chuckles little tyaka siya tumakbo