Chereads / Heartbeat of a Heart's Unloved / Chapter 3 - Kabanata 1

Chapter 3 - Kabanata 1

Peeked

Bumaba ako ng trycicle. Bitbit ang shoulder bag na kulay rose gold. Naglakad-takbo ako papasok ng paaralan. Binuksan ni kuyang guard ang gate.

"Good morning kuya!" bati ko kay kuyang guard.

"Oh late kana Recce!"

"Oo nga po eh!" nagmamadali akong lumakad sa room ko.

Maingay ang loob pag-pasok ko. Nagtatawan, nagbibiruan. Hinanap ko agad si ma'am.

Umupo ako.

"Si ma'am Del Monte?" kinalabit ko si Andrian.

Kumunot ang noo niya. "Wala siya ngayon, diba sabi kahapon?"

Natampal ko ang noo sa reyalisasyon. Naalala ko na wala nga pala si ma'am ngayon dahil may gagawing importante!

Pinahid ko ang pawis na namumuo sa noo ko. Bwesit! nagmadali pa ako! Wala palang klase ang unang subject namin!

Nakalimutan ko sa pagmamadali! Paano ba naman kasi pinag-igib pa ako ni papa! At dapat punoin ko daw ang drum! Bago ako pumasok!

Tiningnan ko ang braso ko. Feeling ko tuloy lumalaki na ang braso ko! Sila kuya na malalaki ang katawan hindi pinag-igib! Ako pa talaga na payatot! Kainis! Ayoko pa namang lumaki ang braso ko! Ayokong magkamasel! Sayang ang ganda ko!

napairap ako ng may kumalabit sa akin.

"Oh? Kirby, ano nanaman!" pinandilatan ko siya ng mata.

"Hehe...pakopya ako ng assignment sa Science" nahihiya pa siyang ngumiti at kumamot sa batok.

"Naku ha! Palagi nalang yan! Kirby!"

"Sige na, cut- maganda ka naman eh" nilaki ko ang mata dahil sa sasabihin niya dapat! Ako cute!? Ano ako aso!?

Inirapan ko siya at kinuha ang notebook na Science.

"Ibalik mo kaagad, naku pag hindi yan nabalik agad malilintikan ka sa akin! Understood?!"

"Aye aye, captain!" sumaludo pa siya bago bumalik sa upuan niya.

Nang matapos ang klase ay dumiretso kaagad ako sa faculty room.

"Ma'am, may subject pala kayo sa mga Engineering? Section Rizal? First year college...?" Tanong ko. Kakatapos lang namin kumain. Ngayon, tumulong ako sa aayos ng mga papel na hawak na section ni ma'am.

"Ah oo. Ako ang pumalit kay Mrs. Belarmino, lumipat na kasi iyon" sagot niya.

Inisa-isa kong tingnan ang papel. Hindi ako nagkakamali! Section nila iyon. Hinanap ko agad ang apelyido niya. Tamayo, Tolarba, Tomas, Toñacao! Ayun!

Toñacao, Blake Arwan V.

Kinuha ko agad at tiningnan ang sulat niya. Nanginginig ang kamay ko! Nae-excite ako na kinakabahan! Ang saya ko! Hindi ang saya-saya ko Pakiramdam ko nag level up ang pang-s-stalk ko sa kanya kahit nahawakan ko lang naman ang papel niya!

Binasa ko ang sulat niya. Ngumiwi ako ng hindi ko masyadong maintindihan ang nakasulat doon. Parang sulat doktor. Nakakalito! ngumiti ako. Hindi bali nalang, guwapo naman ang nagsulat. Tumingin ako kay ma'am at sa paligid. Ng makitang abala sila ay inangat ko ang papel at inamoy.

Ahh...bango. Amoy papel.

I said goodbye to ma'am after I helped her. There are about thirty minutes before the afternoon class starts.

Pumunta ako sa likod ng college building. Gusto ko siyang makita kaya sisilip lang ako. Natawa pa ako ng maalala ang nangyari kahapon. Sinilip ko rin siya kahapon pero nalate ako. Masyado atang nalibang sa tanawin.

Paalis na sila ng sumilip ako. Nalungkot tuloy ako.

"Hoy! Kerwan saan ka pupunta?"

Nangunot ang noo ng makita na humiwalay ng daan si Kerwan sa barkada niya.

"Mauna na kayo. May pupuntahan lang ako saglit" ngumisi ang mga kaibigan niya.

"Saan naman? pwede ba kaming sumama?" iyong babaero ang nagtanong. Si Anton ata yun?

"None of your business, dickhead!" iritadong niyang sinabi.

Nagtaas ng kamay si Anton na parang sumusuko.

"Okay okay, basta bilisan mo lang ha! Tsaka sa labas mo iputok!" nagsitawanan sila sa sinabi. Kumunot ang noo ko. Wala akong maintindihan sa sinabi niya! Bakit ba sila nagtatawanan? Joke ba yun?

"Gago! hindi ako tanga!"

Sinundan ko si Kerwan ng maghiwalay na sila. Nag tataka ako kung saan naman kaya ito pupunta. e, malapit na mag ala-una. medyo nagmamadali siya kaya binilisan ko rin ang lakad ko.

Tumitingin siya sa cellphone niya habang naglalakad. Nilagay niya ang cellphone sa tainga niya. Maya maya ay binaba ang cellphone at pinasok sa bulsa.

Bigla siyang lumiko kaya nagmadali ako. Shit! Pagliko ko ay hindi ko na siya makita! Luminga-linga ako baka sakaling nasa tabi tabi lang!

Shit! Hindi ko na mahanap! Pumunta ako sa dulo pero wala siya! May mga kaunting Estudiyante sa paligid. Ayoko rin namang mag tanong baka asarin lang ako!

Nawalan na ako ng pag-asang makita siya. Bigla nalang siya nawala! Aswang ba siya! Ang guwapo niya namang aswang!

Bumalik ako sa dinaan ko. Wala akong napala! Pinawisan lang ako! Inis kong pinahid ang pawis sa noo! Bwesit!

Pumasok ako ng cr. Naghuhugas ako ng kamay ng makarinig ako ng ungol!

Pinatay ko ang gripo at nakiramdam sa paligid! Ano yun?!

"A-Ah!" may kumalabog sa panglimang cubicle!

Lumapit ako! May naririnig akong mahinang ungol ng babae! Na parang bang nasasarapan!

"A-Ah! uh-"

"Fuck! Don't moan loudly!" saway ng lalaki. Natigilan ako. Shit! Parang boses ni K-Kerwan!?

Nakumpirma kong si Kerwan nga ang lalaki ng umungol ang babae.

"K-Kerwan...hmmn" sarap na sarap ang babae!

Kinakabahan na ako! Hindi ako tanga! Alam ko kung ano ang ginawa nila sa loob na iyan! Kaya pala nawala nalang siya bigla dahil pumasok siya ng cr! At dito may ka anohan siya! May kikitain pala siyang babae! Akala ko aswang talaga siya! Dahil nawala nalang siya bigla! At dito lang pala siya may inaaswang! Shit!

Naiinis ako sa babae. Buti pa siya natikman niya na si Kerwan. Samantalang ako hanggang tingin lang!

Aalis na sana ako ng lalong lumakas ang ungol ng babae. Naririnig ko na rin ang salpukan ng katawan nila!

I went out. I took a pebble. I also took a piece of paper and wrote something there. I wrapped the stone in paper. I peeked at the door and threw it at the fifth door of the cubicle!

"Fuck! Who's that!?" sigaw ni Kerwan.

I ran fast. I was nervous about what I did! I laughed at the thought they never finished! They hang for sure!

Kalaunan natapos rin ang klase. Mabuti nalang may naisagot pa rin naman ako sa pagsusulit. Masyadong kasing inaagaw ang isip ko ng dalawang may ginagawang kababalaghan!

Sa tagal ko na siyang ini-stalk ngayon ko lang siyang naabutan na may kaanuhang babae. At sa loob pa talaga ng cr! Baliw ba sila!?

It is true that he is a womanizer and a fuckboy! But even so, many still approach him. It seems to add even more handsome to him! Kahit nahuli ko siyang may ka anuhan ay gusto ko pa rin siya. Medyo nasaktan lang dahil hindi ako iyon!

Pumara na ako ng trycicle. At sinabi ang address. Bumaba ako ng huminto ang sasakyan sa may kanto. Nagbayad ako.

I sighed. I'm going home again. I will go home again full of sadness and grief. House I have no space for. No love.

Nagmadali ako ng makita si mama na naka abang sa akin.

"Bakit ang tagal mo!" bulyaw niya. Kinuha ko ang kamay niya at nagmano. Mabilis niya naman iyong inalis sa noo ko na para bang nandidiri sa pagdampi ng likod ng kamay niya sa balat ko.

"Nagbigay pa po kasi ng Quiz si Ma'am Pitogo, Ma" mahinahon kong sinabi.

"Sus! Ang sabihin mo, nanlandi ka nanaman kaya ka natagalan!" akusa niya.

Umiling ako.

"Nag Quiz po talaga kami, Ma" giit ko.

Umismid lang siya.

"Akala mo hindi ko alam na may lalaki kang pinagpantasyahan sa paaralan niyo?!"

Kinabahan tuloy ako.

"Sinabi sa akin ng dalawa mong kapatid na may lalaki kang gusto at may picture kapa talaga ha?!" pinakita niya sa akin ang dalawang pictures at tinapon sa mukha ko.

"Hoy! Bakla! Ang taas rin ng pangarap mo ah? Toñacao pa talaga ang gusto mo!?"

I just kept quiet and bowed. I saw two little brothers peeking at the side of the door.

"Hindi ka magugustuhan nun! Babae ang tipo ng batang yun! Ayaw iyun sa bakla!" bulyaw pa niya.

I am used to the treatment my mother gives me. Always angry with me. I can only hear her insulting. She always lowers me. Pure command. Always screaming. Harsh words. I have never felt any love. No child care. No emotional appreciation. Nothing...

"Magbihis kana doon pagkatapos labhan mo ang mga damit ng kapatid mo!" utos niya bago ako talikuran.

Tumango ako kahit hindi niya naman nakita iyon.

Nakatingin lang sa akin ang dalawa kong maliliit na kapatid. Nanghihingi ng tawad ang mga mata.

Ngumiti ako.

"Kayo talaga, kahit kailan ang daldal niyo" pinat ko ang kanilang ulo bago pumasok ng kwarto.

Pagod na pagod ang katawan ko pagkatapos mag-igib. May kalahating laman pa naman ang drum. Pero pinag-igib pa rin ako ni papa. Sina kuya naman minsan nalang maka-igib dahil naghahanap ng trabaho. Mabuti na rin iyun nang hindi na ako utusang mag-igib bukas.

Alas-syete na hindi parin ako kumakain. Pagkatapos kasing maglaba deretso igib ako.

Somehow they still left some rice and a dish. I ate before deciding to take a bath. When I finished, I entered the room.

Natutulog na ang dalawang maliit ko na kapatid. Inayos ko ang higa ng dalawa dahil masyado nila naukopa ang espasyo ng higaan. Humiga ako.

Bumuntong-hininga ako. Natapos rin ang araw. Puro lait ang nakuha ko kay mama. Puro utos naman ang nakuha ko kay papa.

Ngumiti ako ng malungkot.

Kahit ganoon masaya parin naman ako. May bukas pa. Malay natin may pagbabago sa pakikitungo nila. Malay natin may pagmamahal na akong makikita sa mga mata nila at hindi pagkamuhi.

I wonder kung anak ba nila ako. Parang hindi kasi e, iba ang trato sa akin kumpara sa mga kapatid ko. Parang kasing kasambahay nila ako kung ituring. Dahil ba sa bakla ako? Parang hindi...dahil alam kong napapansin din nila na bakla ang isang kapatid ko. At maalaga sila dito. Kaya nagtataka ako kung galit sila sa akin...

The next day I went to the faculty room first. Ma'am texted that she would ask me to do something. She said she will only be gone for three days because she will have to take care of something.

"Bukas na ako aalis. Recce, may iuutos lang ako sayo"

Tumango ako at kinuha ang librong binigay niya.

"Ayan...tsaka ito, at ito... Isa kada bawat araw. Pumunta ka roon sa room nila at ipagawa ito" tumango ako at tinandaan ang itinuro.

"Ano nga palang room ma'am?"

"Rizal, first year college engineering, room 204"

Napakurap ako at umayos ng tayo.

"Engineering ma'am?" kumpirma ko.

"Oo, sila nalang ang hindi ko pa nabibigyan ng gawain, halos mga pasaway kasi doon, pati mga babae kaya wala akong mabilinan"

Is it true!? Makakapasok ako ng classroom nila! At tatlong beses pa! Dream ko din iyon. Pero bukas magkakatotoo na! Ang suwerte ko talaga kay ma'am. Hulog ng langit! Daming improvement!

"Kunin mo rin pagkatapos nilang gawin, balikan mo nalang" huli niyang sinabi bago ako lumabas.

So when the class was over, my mind was still floating. I can't believe what I will do tomorrow. I feel like I'm delusional. I will give them their work so that means I have their full attention! Then ... then I'll take the paper one by one! Then I will face Kerwan! Oh my g!

"Hoy! lunch break na!" nawala ang magandang imagination dahil may sumigaw sa tenga ko!

Muntik pa akong mahulog sa upuan!

"Ay gagi! Ano ba! Romel!" binulyawan ko siya. binato ng notebook.

"Lunch break na kasi" natawa lang siya. Natawa din ang mga kaklase ko na nandito pa pala.

"So. Kailangan nakasigaw?"

"Kanina pa kaya ako nagsasalita dito. wala parin, nagiimagine ka parin diyan, tingnan mo may laway kapa oh?" kinapa ko ang gilid ng labi ko pero wala namang nakapang laway.

Tawang-tawa na ang mga hunghang sa akin. Grrr! Pinagkakaisahan nila ako!

"Bwisit kayo!" kinuha kona ang shoulder bag at nagmartsa palabas ng silid. bumalik pa ako dahil may nakalimutan.

"Notebook ko!" tatawa-tawang inabot sa akin ni Romel ang notebook ko. Inirapan ko siya bago tuluyang lubabas.

Ginawa pa nila akong katatawanan! Hmp! Sa ganda kong ito ginawa nilang clown!

Ma'am and I had lunch together again. It's only now that ma'am and I often eat together because the other day I was busy with projects. I also do other projects of my classmate in exchange for money. I saved some money somehow. I started when my brother got sick so I thought of talking to my other classmates. For at least I can help mama. Sometimes they just work on their project, they are also often moody laziness. So they make me do it. We just talked about how much the price was.

Nagpaalam na ako kay ma'am na aalis na ako dahil pupunta pa akong labas. Magpapaxerox. kahit ang totoo ay may pupuntahan talaga akong iba.

Nagmadali na ako. Kahapon medyo nalate ako ng dating dahil tinulungan ko pang mag ayos si ma'am.

I peeked and they were there. Talking. Laughing. Joking. They have women with them now. I looked for Kerwan. He was also talking to a woman. I don't know if that was the woman he was with yesterday or not because I didn't see that.

Kumapit ang babae sa braso ni kerwan. at may ibinulong. Nakikinig naman si Kerwan sa babae. Naghiyawan sila ng magpaalam ang dalawa.

Kumunot ang noo ko ng lumakad ang dalawa palayo. Saan naman kaya pupunta ang dalawang iyon?

Nangmawala ng tuluyan ang dalawa ay nagpasya na akong bumalik. Parang alam kona ang gagawin nila. Parang hindi sila nahihiya na alam ng mga kaibigan niya ang gagawin nila. Parang natural nalang sa kanila. Ngumuso ako. Ano kaya ang pakiramdam ng mahawakan ang braso ni Kerwan? Pakiramdam ko matigas iyon. Sarap lumambitin! Grabe!