Chereads / Heartbeat of a Heart's Unloved / Chapter 8 - Kabanata 6

Chapter 8 - Kabanata 6

Plan

Nang matapos ang pangatlong klase ay dumeretso agad ako sa restroom. Kanina ko pa pinipigilan ang pantog ko. Ihing-ihi na talaga ako. Ang istrikto naman kase ng professor na iyun! Bawal lumabas pag oras niya. Gusto niya tuloy tuloy ang klase niya. Nagpapasalamat nalang ako na walang kaming klase sa pang-apat na subject.

Nagmamadali akong pumasok sa girls room at malakas na binuksan ang pinakaunang cubicle. Mabuti nalang at walang tao sa loob. Minsan kasi pag pumapasok ako sa girls room ay may mga babae sa loob. Napapataas ang kilay nila ngunit wala namang sinasabe. Kapag kasi sa boys room ako pumabasok ay nahihiya ako sa mga lalaki roon. Dagdag pa sa pagpasok ko palang ay napapatingin na agad sila sa akin at sinusuri agad ako. Kaya madalas rito na ako sa girls room.

Naghugas ako ng kamay pagkatapos. Nagmadali ako ng may papasok sa loob at bumagal rin ng makikilala kong sino iyun. Bumalik ako sa pagsasalamin ng napatingin siya sa akin. Kita ko sa gilid ng mata ko na nahinto siya saglit dahil sa may lalaki pala sa girls room. Tumuloy din naman ng ma-realized niya siguro na bakla ako. Nilapag niya ang dalang shoulder bag at cellphone at tumingin sa salamin.

Infairness...maganda siya sa malapitan. At mukhang kaedaran ko lang din. Sinuri ko siya ng palihim. Hindi naman siya mukhang tomboy para maging super comfortable siya sa paligid ng mga lalaki. At the fact na mga kilalang babaero 'yung grupo nila at siya lang talaga ang babae roon ay nakuha pa niyang maging komportable. May pa-apir apir siyang nalalaman. Sino ba siya? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Though, Mukha siyang mayaman.

Pagkatapos niyang maglagay ng pulbo ay umalis na rin agad siya. Nagmadali ako dahil medyo tumagal na pala ako. Natulala ako hindi ko namalayan. Aalis na sana ako ng mapansin kong naiwan noong babae ang cellphone niya. Kinuha ko iyun at nagmadaling lumabas. Tumakbo pa ako at lumilinga-linga sa paligid. Hindi ko na siya makita. Marami na ring mga estudyanteng nagkalat kaya nahirapan pa lalo akong hanapin siya. Hindi ko naman alam kong anong grade niya o kung saang building ang room niya. Bahala na nga! Ibibigay ko nalang ito pag nakita ko uli siya.

Tsss. binigyan pa ako ng problema nang babaeng iyun.

Itinago ko nalang ang mamahaling cellphone niya sa bag at pumunta ng faculty room. Wala pa si Ma'am roon kaya tumambay nalang muna ako. Kilala naman ako ng ibang guro kaya ayos lang din na labas pasok ako roon. Ti-next ko si Ma'am ng makitang may nakalagay na mga dokumento roon na hula ko'y hindi pa naka ayos tamang alpabeto.

Ako:

Ma'am aayusin po ba itong mga documents dito sa lamesa mo? Nandito po ako ngayon sa faculty room.

Nang mabasa ko ang reply niya ay sinimulan ko nang ayusin ang mga dokumento roon. Kaunti lang naman iyun. Hindi naman siguro ako aabutin ng isang oras. Nang matapos ay sakto rin ang dating ni Ma'am. Kumain na rin naman kami pagkadating ng mga iniutos na mga pagkain ni Ma'am. Kalaunan, pagkatapos kumain. Nagpaalam na rin naman ako kay Ma'am.

Pumunta ako roon sa likod ng building at sinilip iyung babae. Nagbabakasakaling pwede kong maibigay sa babae pag nakitang nag-iisa nalang ito. Baka kasi hinahanap niya na ito at baka may importanteng tatawag rito.

Naroon nga ang babae pag silip ko. Napairap ako ng makitang tumatawa pa ito at nagawa pang makipagbiruan sa mga lalaki na parang walang problema. Ano ba itong babaeng 'to hindi niya ba alam na nawala iyung cellphone niya. Ang landi talaga!

Nagtagal pa ako roon at hinintay na humiwalay iyung babae. Nang sa wakas ay aalis na sila ay sinundan ko agad sila. Hindi pa rin humihiwalay iyung babae! kaya heto ako ngayon parang agent na nakasunod sa kanila. Ano ba itong babaeng 'to college na ba ito! Mukhang SH pa naman 'to ah?

Nang umakyat na sila Kerwan ay humiwalay na iyung babae. Dire-diretso siya papunta sa SH building. Medyo hindi ko siya nasundan kaya nagmadali pa ako. May nagreklamo pang college girl dahil nabangga ko sa pagmamadali. Humingi kaagad ako ng paumanhin at nagmadaling lumakad.

Shit!

Nawala ang babae. Hindi ko na mahanap sa dami ng estudyante at dagdagan pa na pariparihas ang uniform.

Nagtiim bagang ako. Medyo nairita sa babae. Pwede ko namang hindi isuli 'to at pabayaan nalang. Pero may konsensya pa naman ako at hindi ako ganoong tao. Kaya isusuli ko ito kahit naiinis ako sa kalapitan ng babaeng iyun sa grupo nila Kerwan.

Papunta na ako sa classroom namin ng napadaan ako sa SSG office. Natampal ko ang sarili ng maalalang pag may nawawalang gamit ay puwedeng nga palang ibigay sa mga officers ng paaralan.

Pinahiran pa ako ng babaeng iyun. Inis akong lumakad roon at ng makatapat na ang pinto ay kinalma ang sarili.

Binigay ko ang cellphone ng babae sa SSG president. Sinabi ko nalang na nakita ko sa restroom pagpasok ko. Tinanong lang ang pangalan ko at pagkatapos ay lumabas na ako.

Kalaunan, umuwi na rin ng matapos ang klase. Ganoon pa rin sa bahay. Pagkapasok diretso sa kuwarto, palit ng damit. Pagkatapos, trabaho. Nagsaing muna ako bago hinugasan ang mga nakatambak na hugasin at nag-igib na rin.

Pumasok na ako ng kuwarto. Kakatapos ko lang kumain. Sila naman ay kumain na kanina pagkadating ni Mama sa galing sa trabaho. Okay na rin iyun. Pagnakakasabay ko kasi silang kumain ay puro sermon ni Papa ang naririnig ko.

Nilabas ko ang pills mula sa kabinet. At kumuha ng isa't ininom. Napangiti ako ng hinimas ko ang medyo namumukol kong nang dibdib. Umeepekto na ang gamot. Medyo masakit pala siya. Sa tuwing nasisiko ng kaklase ko ay sumasakit siya. Masyadong sensitibo.

Natulog na rin ng lumalim na ang gabi. Kinabukasan ganoon uli. Trabaho muna bago pumasok. Nang sumapit ang miyerkules ay nagulat ako ng lumapit sa akin iyung babae.

"Johnn Recce Marina, right...?" iyung babae pagkalapit niya.

Kakatapos lang pang-umagang klase namin. Nang lumapit siya.

Nagulat pa ako dahil alam niya ang pangalan ko.

"Ah, yeah. Ako nga. Bakit?"

Ngumiti siya.

"Ikaw pala ang nakakita ng cellphone ko. Thank you nga pala."

Ah nakuha niya na pala ang cellphone niya. At sinabi siguro ng officer ang pangalan ko kaya alam ang pangalan ko.

Tumango ako.

"Ah, walang anuman." ngumiti ako ng pilit.

Naglahad siya ng kamay kaya napatingin ako sa kamay niya.

"Maris gallego nga pala." parang nalusaw ang inis ko sa kanya dahil mabait naman pala 'to.

Tinanggap ko ang kamay niya at nag shakehands kami.

"Johnn Recce Marina. Recce nalang." sinabi ko ulit ang pangalan ko kahit alam niya na.

"Ahm... Puwede bang ilibre kita sa canteen bilang kapalit ng pagsuli ng cellphone ko. Okay lang ba?" alinlangan niyang sinabi.

"Naku kahit wag na. Ayos lang iyun." hindi naman ako nanghihinge ng kapalit. Medyo na pagod lang ako kakahabol sa kanya. Wala namang problema iyun. Medyo inis lang ako sa kanya noong isang araw. Pero nawala naman iyun ngayon.

"Nakakahiya kasi sayo. Sige na, kahit ngayon lang. Para man lang may kapalit ako sa kabutihan mo. Please?" pilit niya. Natawa pa ako ng ginawa niyang nakakaawa ang mukha niya.

"Ano ka ba, hindi naman ako nanghihinge ng kapalit noh? ayos na sa akin na nakatulong ako." sumimangot siya kaya natawa pa ako lalo. Promise nakakatawa siya. Not bad at all. Kaya naman pala tumatawa iyung mga lalaki sa kanya dahil nakakatawa talaga siya.

"Next time nalang, Maris" dagdag ko.

"Talaga?!" Nawala ang simangot sa mukha.

Tumango ako. "Oo."

Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa classroom room. Nagsimula rin ang klase ng sumapit ang ala-una. Sa kalagitnaan ay nakaramdam ako ng paninikip ng pantog. Kaya nag-excuse muna ako at sinabing gagamit ng banyo.

Doon ako pumunta sa restroom na pagitan lang ng SH building at college building. Doon lang kasi ang malapit sa building namin. Pagkababa mo ay lalakad kalang ng 50 meters.

Sa boys room na ako papasok. Wala naman sigurong akong makasabay na magbabanyo noh? Sa kalagitnaan ng klase? I don't think so.

Nang pumasok ako ay naiwan pa sa labas ang ulo ko. Tiningnan ko ang papalapit na dalawang lalaki. Tinatantya kung papasok ba sila o hindi, at nang lumagpas lang ay nakahinga naman ng maluwag.

Nang humarap ako ay gayunnalamang ang gulat ng makitang may tao pala sa loob at hindi lang basta kong sino, si Kerwan pa! Natuod ako sa kinatatayuan ko. Lumaki ang mata ko at nalalag ang panga ko! Shit!

Nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako. Naroon siya. Umiihi sa bowl. Nakatagid siya sa akin. hindi naman kita ang private parts dahil may tabon. Napalunok ako. Sa huli'y ginalaw ko rin ang paa ko.

"Acting as if surprised?" natigil ako. Laglakad siya papuntang harapan at binuksan ang gripo "Tsss... As if you did'nt planned it."

Napalunok ulit ako. Hindi ko naman alam na narito pala siya. Baka isipin niyang sinisilipan ko siya. Oo nga't sinisilip ko siya pero hindi naman iyung ganito. Hindi naman ako ganoon. May hiya pa naman ako.

"A-Ahm... Sorry hindi ko nama-". He cut me off.

"Gusto mong masilip?"

Humarap siya sa akin. Tumingin siya sa baba niya kaya napatingin rin ako roon.

"H-Huh..." maang-maagan ko kahit alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Kinabahan ako bigla.

Humakbang siya palapit kaya napaatras ako.

"A-Anong gagawin m-mo". Kinakabahan kong tugon. Patuloy pa rin siya sa pag-abante.

"Diba gusto niyo 'to." napahinto ako ng wala na akong maatrasan pa. Nakadikit na ang likod ko sa pader.

"Anong bang gagawin mo." kinorner niya ako. Iyung kamay niya nilagay niya sa tapat ng ulo ko.

"Pakipot ka pa. Gusto mo rin naman." he smirked at me.

Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit ako at napakagat labi. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga banda sa tenga ko.

"Hindi ako pumapatol sa mga bakla." at narinig kong nagbukas ang pinto. Dumilat na ako. Wala na siya. Nakahinga ako ng maluwag.

Grabe! Para akong kakapusin ng hininga kanina. Hindi ko alam, pero kapag nasa malayo siya'y inaasam ko na sana'y nasa malapit ko lang siya, pero kapag nasa'y malapit nama'y nababahag ang buntot ko't nawawala ako sa katinuan.

Akala ko ay hahalikan na talaga niya ako. Isa iyun sa pangarap ko. Gaganti naman ako pag sinunggaban niya ako. Ayaw ko naman iyung ako ang uuna. Baka suntok lang ang makuha ko.

Nagmadali na akong gumamit ng banyo. Pagkatapos ay bumalik sa klase. Bumalik na rin naman ako pagkatapos. Masyado akong nagtagal kaya tinanong tuloy ako. Kalaunan, umuwi na rin pagkatapos ng klase. Nakangiti lang ako buong oras. Iniisip ang ginawa niya kanina. Hindi ko pa namalayan na tapos na pala ang klase. Masyado na overwhelmed sa nangyari.

Kaya kinabukasan, imbis na mawalan ng pag-asa ay nagkaroon pa ako nang lakas ng loob. Binawala ko ang sinabi niya. Ang importante nag-eexist na ako sa paningin niya. Pagkatapos ng umagang klase ay minamanmanan ko agad siya. Iniisip ko kung paano ba ako makakalapit sa grupo nila o kaya'y sa kanya. Nakakahiya naman kung agad akong pupunta sa harapan nila at magpapakilala. Sasabihing gusto kong sumali sa grupo nila. Hindi naman ganoon kadali 'yun.

Paano kaya? Ang hirap naman mag isip ng paraan. Puro kasi sila lalake. Baka paglumapit ako landiin lang ako. Buti kung babae, madali lang kausapin. Tumingin ako sa uli ako sa grupo nila at tiningnan si Maris. Shit! Oo nga pala! Si Maris! Gosh! Nakalimutan kong close nga pala ang babaeng 'to sa kanila.

Bumalik ako sa classroom namin. Habang nagkaklase ay nag-iisip ako ng paraan. Kahapon tinanggihan ko siya at buti nalang sinabi kong next time nalang. Sumasabay si Maris sa kanila pag lunch time kaya siguradong pag nakita niya akong papasok ng canteen ay kakawayan niya ako at sasabihing sumabay na ako sa kanila. At boom! Ipapakilala niya ako! Napatili ako. Shit! Oh my gosh! May pag-asa na ako!

Tumingin ako sa paligid ng mapansing lahat ng classmate ko ay nakatingin sa akin. Pati ang guro. Napakamot ako sa batok at humingi ng paumanhin.

Shit! Napagalitan tuloy ako. Nakakahiya.

"Sorry Ma'am."

Benilatan pa ako ni Romil kaya inirapan ko nalang siya.

Isinantabi ko muna ang naisip na plano at nag fucos sa pakikinig. Naalala kong aral muna bago landi kaya pinagalitan ang sarili.

Tommorow came. Nasa restroom ako ngayon nag papalakas ng loob. Kanina chineck ko muna kung naroon ba sila sa canteen at nang makitang naroon nga ay pumunta agad ng banyo at nag-ayos ng sarili. Huminga ako ng malalim at nagpakawala ng malalim na hininga. Kaya ko 'to!

"Fight lang!" sigaw ko. Mabuti at lumabas na ang dalawang babaeng kasabayan ko. Kaya malaya akong magsisisigaw rito.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko ng maramdamang kaya ko nang gawin ang plano.

Bago lumabas sumigaw muna ako last time.

"Simulan na ang malanding plano-esti magandang plano!"