Chereads / Their Cursed Love / Chapter 24 - Kabanata 23

Chapter 24 - Kabanata 23

πΎπ‘Žπ‘π‘Žπ‘›π‘Žπ‘‘π‘Ž 23

Letter

I feel so sad while still waiting to Cadu in my hospital room. Alas nuebe na kasi ng umaga pero wala pa ito sa Hospital, kadalasan kasi itong nananatili sa kwarto ko buong magdamag. Pero kagabi ay hindi ito pumunta. Tapos di rin lang ito nagtext sa akin. Nag aalala na ako rito, at bahagya ring nagtampo dahil di ito nagparamdam sa akin mula kagabi.

"Ms. Fajardo, e didischarge na kita after 30 minutes," paalala ng doctor ko sa akin nang echeck ako nito. Tinanguhan ko nalang ito. "Himala yata at wala pa ang kaibigan mo? Di naman iyon pumapalya sa pagpunta rito."

"Baka may emergency na nangyari lang Doc," saad ko nalang sa kay doctor Mitingson bago ito nagpaalam na babalik nalang after 30minutes.

Malungkot kong pinagmasdan ang cellphone na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi ng hospital bed ko. Wala pa ring tawag o text man lang ni Cadu sa akin. Kung ano ano na tuloy ang pumapasok sa isip, baka napahamak ito.

After 30 minutes, bumalik si Dr. Enriquez sa kwarto ko at pinatanggal na rin nito sa kasamang nurse ang IV na nasa kamay ko. May mga niresita sa akin na gamot at mga binilin ang doctor, pero di ito ang binibigyan ko ng pansin. My mind keep on roaming on Cadu's whereabouts.

"Thank you, Doc," agad na pasalamat ko kay Dr. Mitingson matapos akong nakipag kamay rito.

I decided to wait Cadu at the hospital lobby. Nilagay ko rin sa tabi ang bag na naglalaman ng mga damit ko na binili ni Cadu para sa akin. Paulit ulit rin ang tingin ko sa cellphone na hawak hawak, baka sakaling tatawag si Cadu at madali kong masagot.

Pero malapit ng mag alas dos ng hapon wala pa ring paramdam si Cadu sa akin. Naiiyak na ako dahil sa lungkot at pagkadismaya na naramdaman ko, kaya napagpasyahan ko nalang na umalis na bago pa man ako tuluyang umiiyak doon sa lobby.

Dinala sako ng mga paa ko sa bookstore na dati kong pinagtatrabahuan. Feeling sad and hurt at the same time, I start to walk onto the book shelves. I remember the first book Cadu borrowed to me, kaya agad akong lumiko pakaliwa kung saan nakalagay ang librong yon. Hinanap ko agad iyon at nang matagpuan ay agad kong kinuha.

I read the letter Cadu's inserted behind the book. Napansin ko iyon dahil muntik iyong mahulog.

'You're so serious. Can I invite you for a coffee?'

Sunod na hinanap ko ay ang sunod na hiniram na libro ni Cadu. Agad kong tiningnan ang huling pahina at may nakaipit rin na sulat doon.

'I guess you're busy. Di ka kasi tumugon sa sulat ko. Pwede na kaya ngayon?'

A single tear fall from my eyes. Nakaramdam ako ng saya na kaagad namang pinaibabawan ng sakit na nararamdaman ko nang marealize na matagal na palang nagpapapansin si Cadu sa akin. But sadly, I'm too busy for finding someone and how to get married. Idagdag pa si Raven na dating hinahangaan ko.

'You always say you are not the best choice for those man who don't want to marry you. But you don't know that you are the best choice. Then suddenly, I realized, I ain't a best choice for you. You are my best choice.'

Umiiyak ako habang yakap yakap ang huling librong hiniram ni Cadu sa akin. I even sit down on the floor while letting my tears falls like a river in my eyes. Nasasaktan ako sa kaalamang he didn't include his self as a best choice, when in fact, he is. He really is.

My tears keep on streaming, rolling in my face uncontrollably. Halos sinisinok na ako dahil sa pag iyak. I still remember when I cry here, Cadu gave me a handkerchief to wipe my tears. But now, I'm crying again, and there's no Cadu to offer a handkerchief for me.

Patuloy akong umiiyak at niyayakap ang libro na medyo nabasa na rin dahil sa luha ko. I'm still sitting on the floor, bended my knees and cry hard more. Not minding those customers who look at my direction.

Mas lalo lang akong humikbi nang biglang may yumakap sa akin. By the smell, I know who was it and it makes my heart flatter and so happy.

"I'm sorry..... I'm so sorry... I was late... sorry," paulit ulit na hingi ng tawad sa ni Cadu habang yakap yakap ako.

Hindi ko mapigilang wag umiyak dahil sa sobrang saya na nararamdaman. Tumango lang ako at mahigpit ring yumakap pabalik kay Cadu.

"Sorry..... I was late," ulit nito kaya inilingan ko para wag na itong humingi ng tawad sa akin. It's enough for me that he's here already, with me.

Tumingin ako sa mukha nitong puno ng sakit at pagsisisi dahil sa nangyari. Doon ko lang din napansin na may mga pulis itong kasama at nakaposas rin ito.

--------