Chereads / THE BOYISH LOVE / Chapter 2 - CHAPTER 2

Chapter 2 - CHAPTER 2

[KAZANE's POV]

"okay class dismissed"sabi ni maam Tachibana..mabait na teacher yan..takot din yan sa akin pero close kami niyan..

"uhm..miss ozaki"tawag sa akin ni maam kaya lumapit ako sa kanya.."gusto mo bang lumipat ng section?..matalino ka naman kazane eh..luko luko ka lang..lahat ng test ay napeperfect mo..lahat ng quiz activities kahit ano..lahat perfect"paliwanag ni maam..eto nanaman tayo sa perfect...oo gusto kong maging perfect pero mahirap..isang pagkakamali mo lang..huhusgahan ka na agad agad...kapag hindi mo naperfect ang isang test o kahit na ano..kahit isang mali..huhusgahan ka nila..kaya gusto kong tinatakot sila eh..pero hindi din maiiwasan yung mga ibang estudyante na walang takot...hayy..

"sige po maam..pag iisipan ko"maangas kong sabi at nakipag fist bomb kay maam..close nga diba?...

Pagkalabas ko ay nadatnan ko ang mga kaibigan ko na nag aabang sa labas...nung makita nila ako ay agad akong naglakad papunta sa canteen at sumunod naman sila..

"lilipat ka daw?"medyo nalulungkot na sabi ni Emi...ang bilis talagang kumalat ng balita basta tungkol sa akin..sikat na sikat kasi ako dito eh..

"pinag iisipan ko pa"walang emosyon kong sabi sa kanila kaya hindi na sila nagtanong pa..takot din ang mga yan sa akin..

Pagdating namin sa canteen ay ang daming tao..pero dahil dumating ako ay dali dali silang nagsi alisan kaya kakaunti nalang ang tao dito..yung iba kasi walang paki...

Umupo na ako sa table..may sarili kaming table..sino mang uupo dito at kakain..ingungud ngud ko talaga sa lamesa pati sa sahig..gagawin ko siyang lampaso ng sahig....

Pag kaupo ko ay nag order naman ng pagkain si Akane kasama si Hideo..

"gusto mo bang tulungan kita sa pag iisip mo tungkol sa iyong pag lipat?"natutuwang sabi ni Hikari..hindi ko siya pinansin at tinuon ko nalang ang paningin sa malayo.."isipin mo Kaz...kung lilipat ka ay mapapalayo ka sa amin at hindi na tayo magkakasama pero meron namang lunch at hapon tsaka sabado at linggo...at kung lilipat ka ay makakasama mo si Juruo..yung ex mo..edi magagantihan mo siya..tsaka nandun din sina kenzou so laging exercise yang kamao mo at maraming mahahalikan yang sapatos mo..pag di ka naman lumipat ay i jujudge ka ng mga estudyante dahil kalat na toh sa buong campus"mahabang eksplenasyon ni Hikari..oo may ex ako...napilitan lang ako dahil nga sa mga estudyante na judgemental...ang kulit kasi ni Jurou..para tumigil ay sinagot ko nalang siya pero di rin kami nagtagal dahil binireak ko na siya..basta sa susunod ko nalang i kukwento..

"nandun din yung nerd na kazuya na pinagtripan mo kahapon"walang emosyong sabi ni Emi..napatingin ako sa kanya at lumaki ang mata ko..napangisi nalang ako..mukhang magiging exciting to ah...

"uyy...susundan niya yung cute na yun"sabi ni Hikari at tinusok tusokĀ  pa ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya napa halukipkip nalang siya..dumating na sina Akane dala ang pagkain kaya nagsimula na kaming kumain..

------------

Habang naglalakad ako sa hallway..taena naman oh..pinalayas nanaman ako ni maam murano..buti nalang napagdesisyonan ko na lumipat sa section A...sigurado akong mapupuno ng thrill ang buhay ko dun...

Bigla kong nakita ang isang estudyante na ubod ng taba..hahahaha..isa yan sa mga anak ng shareholder ng school na toh..kasama din siya sa weaklist ko..si Tabata..bagay sa kanya yung apelyido niya..taba..hahahaha..

Tumatakbo siya ngayon..mukhang hindi niya ako kita dahil punong puno siya ng libro na dala dala..habang natakbo siya ay tinapid ko siya dahilan ng pagbaksak niya sa sahig..

"HAHAHHAHAHA" umalingaw-ngaw ang tawa ko sa buong hallway..di kasi siya makatayo..obesed kasi siya..hahahahha..nakakatawa siya..para siyang baboy na pagong..hahHHHahaha..

Tinalikuran ko na siya pero meron akong narinig na boses kaya nilingon ko siya..kita ko ang isang lalaki na tinutulungan si taba na tumayo..talagang sinusubukan ako ng lalaking to ah..maangas akong naglakad palapit at tinulak ko yung lalaki..hindi naman siya tumumba at napaatras lang.."aray"daing ni taba dahil natumba muli siya..di ko na siya pinansin at sinamaan ko lang ng tingin ang lalaking to pero tinitigan lang niya ako nang walang emosyon..si kazuya...

"ang lakas ng loob mo ah"sabi ko at tinulak tulak ko siya pero binigyan niya lang ako ng isang matalim na tingin.."sino ka para tulungan si taba?...gusto mo ba talagang mamatay?"sabi ko habang tinutulak parin siya..talagang iniinis ako nitong Kazuya na ito ah.."pag sinabi kong sumagot ka..sumagot ka!"sigaw ko sa kanya at sinuntok ko siya sa mukha..tumalsik ang makapal niyang salamin at kita ko ang pumapatak na dugo.."di lang yan ang mapapala mo sa susunod"sabi ko at tinalikuran ko na silang dalawa...ginagawa akong t*nga ng lalaking yun eh..nakakainis...

--------

[kazuya's pov]

Naramdaman ko ang pag alis niya at napangiwi naman ako sa sakit ng pagkakasuntok niya..kita ko din ang pagpatak ng dugo mula sa labi ko..

Dali dali akong tumayo at tinulungan ko ang babaeng mataba na kasalukuyang hindi makatayo dahil sa katabaan..

"salamat ha..nagmamadali kasi ako eh"sabi nito habang isa isang nililimot ang mga libro niya..kinuha ko naman ang libro ko at naglakad na ako papalayo...bakit ba ganun yung babaeng yun?..

--------

MULTI_ANTI