[kazane's pov]
"it is the---"naputol ang pagtuturo ni maam nang pumasok nalang ako ng basta basta..pakialam ko sa kanya.."so eto nga pala si kazane ozaki...ang bago niyong magiging kaklase"paliwanag ni maam..hinanap ng paningin ko si Juruo...kita ko ang pag ngisi niya at binigyan ko lang siya ng matalim na tingin..patay ka talaga sa akin..pak u ka..
Nahagip naman ng paningin ko si kenzou at ang tropa nito..lahat sila ay nakangisi..huwag nga silang ngumisi...di sila mga gwapo..di bagay sa kanila..sasapakin kita mamayang g*go ka..
Nahagip naman ng mata ko si kazuya..tss..napatawa nalang ako ng kaunti sa naisip ko...papatayin kita ngayon..paunti unti kitang papatayin..
Naglakad na ako papunta sa upuan ni kazuya..tiningnan ko ng masama yung katabi niya na nerd din...siguro nilalandi nito si kazuya..yakk..mga nerd..bagay sila..kakadiri...
Hindi ko nakitang nakilos yung babae kaya kinuha ko ang tainga niya at pilit siyang pinatayo"aray...ang sakit tama na" daing niya..ayaw ko na akoy pinag iintay..nung makatayo siya ay agad ko siyang tinulak na ikinadapa niya sa sahig..umupo na ako at pagtingin ko sa gawi ni kazuya ay...
Sobrang lapit na ng mukha namin at tiningnan lang niya ako ng walang emosyon..tinulak ko siya kaya lumayo na ang kanyang mukha sa akin.."anong tinitingin tingin mo?..may problema ka?"maangas kong sabi pero wala parin siyang emosyon..di ba siya takot sa akin?...mas lalo akong naiinis sa lalaking to ah...papatayin ko talaga to..
Habang nagtuturo si maam ay hindi na ako nakinig dahil alam ko na din naman yan..para yan lang eh...tiningnan ko ang katabi ko..nagbabasa lang siya..mukhang alam na din niya ang pinag aaralan..wala namang bago sa mga nerd..lahat sila matalino..ewan ko nalang kung tunay nga yun..buti nalang hindi ako naging nerd sa talino kong ito..tss..
Ngayon ko lang napansin na nasa unahan ko pala na upuan si juruo...lagot ka ngayon sa akin...kinuha ko ang ballpen ni kazuya at bahagya kong sinusundot sundot ang puwetan ni juruo..."aray"daing niya nung matusok siya ng ballpen..agad akong umayos at sumipol sipol pa ako..kita ko na lumingon siya at binigyan ko lang siya ng ngiti na ginantihan niya ng kunot na noo..
"are you with us mister sakaguchi"sigaw ni maam kaya napabaling ang tingin ni juruo kay maam na parang gulat na gulat...
"o-of course maam"mautal utal na sabi ni juruo..tss..buti nga sayong bakulaw ka..
Bigla akong nagulat nung hablutin ni kazuya ng kanyang ballpen na pinaiikot ikot ko pa..."akala mo naman aangkinin ko..ibili kita ng isang kahon niyan eh..at sayong sayo na yan..galing yan sa pwet ni juruo eh"maangas kong sabi kay kazuya na kasalukuyang nagsusulat at parang walang pakialam sa mga sinabi ko...talagang ginagalit ako ng lalaking to ah..humanda ka sa akin mamaya..t*ena mo...
"okay you may now take youre lunch, class dismissed"sabi naman ni maam at nagsitakbuhan naman ang mga kaklase ko na parang isang taong hindi nakakain..mga patay gutom..
Tatayo na sana ako ng biglang may tumulak sa akin kaya napaupo ako sa sahig..tiningnan ko kung sino yung walang hiy*ng yun...si kenzou....tiningnan ko si kazuya na walang pakealam na tumayo at lumabas ng room..di bale na nga..kaya ko naman ang mga kumag nato..
Akmang susuntukin ako ni Kazu pero agad ko siyang sinipa sa baba niya..napahawak siya sa ibaba niya at napangiwi sa sakit..pa ika ika siyang naglakad palayo..tumayo na ako at pinagpagan ko pa ang uniform at palda ko...pinalagutok ko naman ang aking mga kamay at dinuraan ko ang aking sapatos...mukhang hindi kayo nagsasawa sa halik ng kamao at sapatos ko ah...susuntok na sana si kage ng sipain ko siya pero agad siyang nakaiwas pero hindi ako nagpatalo at sinuntok ko siya sa tiyan niya na ikinangiwi niya..
Sumunod naman si kenzou na akmang susuntok pero sinipa ko siya sa mukha..tamang tama talaga ang sipa ko sa mukha niya..ilang segundo ko munang inilagay sa mukha niya ang sapatos tapos umikot ako at tinamaan ng sapatos ko si kazu at kage na akmang susuntukin ako ng sabay..lahat sila ay nadaing ng aray...buti nga sa inyo..hindi talaga nagsasawa eh..naglakad na ako palabas..hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang malakas na sigaw ni kenzou..
"t*ena mo kazane!!!...humanda ka sa akin..aww..my handsome face"sigaw niya..napatawa nalang ako at nagpatuloy na ako sa paglalakad..para siyang bakla kung makapalatak..tss..
Pagpasok ko ay agad kong nahagip ang pagmumukha ng mga kaibigan ko..naglakad ako sa table na kung nasaan sila at umupo na ako at nagsimulang kumain..
"so how's section A?"tanong ni hikari at kita ko naman ang mga mukha ng iba kong kaibigan na curious...hayy nako...
"edi yun..masaya..napalaban pa nga ako kina kenzou kanina eh..tapos yung kazuya na yun nakakainis...walang pakialam sa akin?"paliwanag ko sa kanila...siguradong magtatanong nanaman ang mga ito..
"bakit ka napalaban kina kenzou?"tanong ni Emi
"nasipa mo ba siya sa gwapo 'daw' niyang mukha?"tanong ni Hideo
"anong ginawa mo kay juruo?" tanong ni Akane
Ilan yan sa mga tanong nila pero mas nangibabaw ang tanong ni hikari..
"bakit ka naman papansinin ni kazuya?..uyy may gusto siya kay kazuya..attention seeker kana pala"malakas na pang aasar ni hikari kaya sinamaan ko siya ng tingin..
'my god attention seeker na daw si kazane'
'dun pa ata sa nerd nagkakagusto'
'wala pala siyang taste'
Bulungan ng mga estudyante kaya tiningnan ko si hikari ng matalim..yan tuloy...hindi ko na sila sinasabihan kasi alam kong tatanggi din ang mga yan at papagudin pa ako dahil tatakbo pa ang mga yan...kita ko naman na nag peace sign si hikari...kakainis ka talaga hikari...
Kumain nalang kami..medyo nahagip ang mata ko si kazuya na mag isa nanamang nakain..ulitin ko kaya ang ginawa ko kahapon?..yiee exciting..
Tumayo ako at lumapit kay kazuya na kasalukuyang naglalagay ng ketsup..kinuha ko kaagad ang ketsup pero agad niya itong naiiwas at nilagay sa kabilang mesa..napa nganga nalang ako sa ginawa niya..
'my god napahiya siya ng isang nerd'
'nerd lang pala katapat niya eh'
Bulungan ng mga estudyante at kita ko naman ang pagngisi ni kazuya..talagang kinakalaban ako ng lalaking to ah..kinuyom ko na ang kamao ko..galit na ako ngayon..
Sinipa ko ang table niya kaya tinamaan ko ang kanyang dibdib pero nagulat ako ng ibuga niya ang kinain niya kaya tumalsik ito sa uniform ko..napa nganga nalang ako sa pagkagulat...
'my god nakahanap na siya ng katapat niya'
'oo nga...nerd lang pala eh..bakit ngayon lang siya nagpakita?'
'dapat mata--'
Naputol ang kanilang bulungan nung tingnan ko sila ng masama..medyo nagulat sila at nagtatakbo na..bakit kaya hindi sila sumali sa running?..siguradong mananalo ang school..eh..bahala nga sila..
Binaling kong muli ang tingin kay kazuya na kasalukuyang naglakad na palayo...may araw kadin sa akin..
Pagkabalik ko sa upuan ay mga naka nga nga lang ang naabutan ko...isa isa kong isinalpak ang pagkain sa kanilang bibig na ikinagulat nila...
"ngkaijsmskazb" sabi ni hikari habang meron pang pagkain sa kanyang bibig..di ko na siya pinansin kasi siguradong aasarin lang niya ako..kung hindi ko lang siya kaibigan matagal na siyang dugo ang ilong at pasa pasa ang mukha...ang daldal eh..
-----------
MULTI_ANTI