Chereads / LIGHT OF MOON / Chapter 4 - Marriage?

Chapter 4 - Marriage?

"anong ginagawa mo dito?"tanong ko kay Paris. hindi lang kasi ako makapaniwala na nakauwi na pala siya.

"i was invited by your mother.." napatango tango nalang ako " hindi ka ba masaya na nandito na ako?" umiling iling lang ako sa kaniya.

"hindi ko lang ineexpect na darating ka"si Paris ay ex Boyfriend ko. dalawang taon kaming naging magkasintahan pero nagtaksil siya sa akin. i saw him kissing another women. he is a good actor. marami na siyang naging movies na naging top trending nationwide. "sige akyat na ako sa taas"

dalawang hakbang palang ang nagawa ko ay hinila niya ako papaharap sa kaniya. napatuon ako sa chest niya na matigas! ramdam ko rin ang mga abs niya na akala mo'y nakalunok siya ng bato!

"i miss you" bulong nitong sabi pero sapat na para marinig ko. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na at may nararamdaman parin ako sa kaniya. pero kapag nakikita ko siya ay naalala ko lang yung pagtataksil niya sa akin. pinipilit kong hindi mahulog sa mga salita niya. "sige"

inalis niya ang pagkakahawak sa aking kamay at umalis narin ako sa pagkakatuon sa kaniya. dali dali akong umakyat sa kwarto ko at nilock ang pinto.

"bakit pa ininvite ni mommy si Paris eh alam naman niya yung nakaraan namin!" inis kong sabi. dahil alas otso na at nagsimula na akong mag ayos para sa party. nagsuot lang ako ng red dress at ng takong. naglagay lang ako ng pink na lipstick at kaunting blush on. sinuot ko rin ang Jewelry na bigay sa akin ni mommy.

pagkababa ko ay halos lahat na ng tao ay naroon. nakita ko na rin doon sina Mr. Gozon at iba ko pang katrabaho.

"Oh wow! your so beautiful hija!" bati sa akin ni Mr.Gozon at tinawanan ko lang siya.

"I'm very thankful na pinaunlakan ninyo ang invitation ko" ng magsalita na si mommy ay lahat ng atensyon ay nasa kaniya " nagpapasalamat ako dahil lagi kayong nandiyan para sa amin. We will not be succesful without you guys. Marami ng napagtagumpayan ang pamilya namin at ang isa doon ay ang pagbubukas ng bagong kumpanya namin sa Seoul,South Korea. nagpapasalamat din ako dahil nagpapatuloy ang tagumpay ng anak kong si Moon. " nagpalakpakan naman ang mga bisita namin " napaka swerte namin dahil naging anak namin siya. Wala ang lahat ng bagay na ito kung wala siya. This party is for the success of Sanchez family"

"your so beautiful" nagulat nalang ako ng ibulong iyon sa akin ni Paris. He smiled at me. " hindi ka parin talaga nag babago. you're still Moon na kilala ko. Beautiful at nagliliwanag"

"Tigilan mo nga ako sa mga banat mo Paris. " suway ko sa kaniya at natawa naman siya.

"alam mo na ba?" kunot noo ko siyang tinignan

"ang alin?" napakunot din naman ang noo niya sa akin

"hindi ba sinabi ng mommy mo sa iyo?" napailing iling naman ako at natuon ang atensyon ko kay mama

"magkakaroon na rin po ng business partner ang aking husband. si Mr. Francisco De Castro. Pinaghahandaan din nami ang kasal ng aming anak kay Paris De Castro"

'k-kasal?'