Chereads / LIGHT OF MOON / Chapter 5 - Choose?

Chapter 5 - Choose?

"what the!? Ikakasal ako dun sa lalaking yun!?" hindi ko na napigilang sigawan sina mommy at daddy dahil sa galit ko!

"alam kong mahal mo pa siya anak.."sabi ni mommy at napanganga nalang ako sa sinabi nito

"Mahal? huh... paano ko mamahalin yung taong nanloko sa akin?" tanong ko sa kanila at wala sa kanilang sumagot "hindi ako magpapakasal sa kaniya and that's final"

alam ko namang alam nila yung nangyari sa amin dati ni Paris. Halos ipagtabuyan nga nila si Paris ng dahil doon tapos ngayon ipapakasal nila ako sa kaniya? what the!

"No! matutuloy ang kasal sa ayaw mo't sa gusto!" daddy shout. I just looked at him seriously. "kung hindi ka magpapakasal sa kaniya. KALIMUTAN MO NG MAGULANG MO KAMI"

naramdaman ko yung sakit ng sabihin iyon ni daddy. bakit kailangan nila akong piliting ipakasal sa lalaking yun? bakit parang napakahalaga ng kasal na iyon sa kanila? bakit ayaw nila yung ikasasaya ko?

tumakbo papunta sa kwarto at nilock ang pinto. nakadapa akong humiga sa kama habang ang ulo ko ay nasa unan.

kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng saya. pinipilit ko lang maging masaya para sa kanila dahil alam kong magiging masaya din sila.

kinuha ko ang cellphone ko at headphone. pinatugtog ko ang isa sa kantang ginawa ko.

~Im trying my best, im trying my best to be okay. Im trying my best but every day it's so hard.~

Simple lang naman yung gusto ko eh. yung hindi ikasal kay Paris. Napatawad ko na naman siya pero hindi ibig sabihin non ay mamahalin ko siya ulit!

~Im holding my breath...Im holding my breath till i can say...all of the words i want to say..from my heart~

sana ganon kadali sabihin yung nilalaman ng puso mo, para malaman nila yung ikakasaya mo

*Knock* *knock*

narinig ko ang isang katok kaya binuksan ko agad ito. pagkabukas ko ay tumambad sa akin si Mommy na naiyak. pumasok kami sa loob ng kwarto at sinara ko naman ang pinto. tumabi ako sa kaniya sa pagkakaupo sa kama.

"Im so sorry Moon." maluha luhang sabi ni Mommy " sana maintindihan mo na kailangan mong ikasal kay Paris"

" pero mommy... hindi ko maiintindihan kung hindi ko alam ang dahilan..." hinawakan ni mommy ang kamay ko.

"may utang kasi yung kumpanya natin sa mga De Castro. Its 5 million dollars at mababayaran lang natin yun kung magpapakasal ka kay Paris" natahimik naman ako

bakit parang napakalaki naman ng utang nila sa mga De Castro? saan naman napunta yung 5 million dollars na iyon?

"kung hindi ka magpapakasal sa kaniya eh mababankrupt ang kumpanya natin"

hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung anong pipiliin ko. yung kaligayahan ko ba o yung kaligayagan nila?