Chereads / REBELLING BYLAWS / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Dedicated to:Adorablewonderer

Saoirse'POV

Pagkawala ng malay ni Sinead ay agad kong tinungo ang C. R. Sa napakalaking bahay nato C.R talaga ang paborito kong puntahan. Hihi

Kinakabahan ako sa kung ano ang sasabihin o gagawin sa akin ni Goddess Jihyo.  Pero bahala na ginusto ko ito at kailangan ko itong panagutan.

Churvalo eklavu ekek sampung beses ko itong binanggit dahil ito ang tugon saakin ni Goddess Jihyo.

Bago ko banggitin ang panghuli ay ipinikit ko muna ang aking mata.

Churvalo eklavu ekek pasigaw kong binanggit.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang isang gate.  Alam kong gate ito papunta sa kaharian namin dahil dito ako nakatira. Of course.

Habang naglalakad papuntang kaharian hndi ko maiwasan ang kabahan. Alam ko nmn kung bakit ako pinatawag eh. Nagpadala kasi ako sa tukso sa lalaking yun. Bwesit talaga! Pano nlng kung ipakain ako ni Goddess Jihyo sa leon? O,  ipaasawa sa kampon ni satanas? Alam kong makasalanang anghel ako pero hwag naman sana dumating sa ganun. Pero paano kung hndi na ako makabalik? Bakit ba kasi ako pa yung pinatawag para paibigin yung huklubong yun?parusa ba to saken? Pero sa pagkaka alala ko wala nmn akong ginawa ha? Huwaaaa no no no no! Kakainis talaga hayst.

Sa sobrang pag iisip hindi ko namalayan na may nabunggo ako.

"Aray! Ano bayan!" inis na sabi ko

"Ikaw ba yan Saoirse?"

"Ay opo hihi"

"kanina kpa hinahanap ni goddess jihyo"

"ay salamat po"

Dali-dali akong tumakbo papasok sa kaharian ni Goddess Jihyo.

"magandang umaga po Goddess Jihyo" nag bow ako kaagad.

"Hindi na ako mag paligoy-ligoy pa,Saoirse alam mo naman cguro kung bakit ka nandito?"

"Hindi po. I mean medyo po.  Ay opo siguro Goddess jihyo"

"Ganyan naba talaga kalaki ang epekto sayu ng Target mo.  Pati pag sagot ng tama ay nakakalimutan mona. Pinapa alala ko sayo na pinunta mo dun ay para paibigin ang lalaking yun pero bakit tila ikaw ang napapa ibig sa kanya?"

"Pasensya napo." malambot na pagkakasabi ko.

"Pasensya?  Salitang palagi mong binabanggit pag nagkakamali ka.  Ang salitang yan ay ginagamit lang kapag seryoso ang paghingi mo ng tawad. Seryoso kaba talaga?  Bakit mo palaging inuulit ang iyong pagkakamali. Saoirse pwede mo namang sabihin saakin na hindi mo kaya ang misyon na pinapagawa ko saiyo. Pwede kang palitan o baka tama lang ang hinala ko na mahal mo na talaga ang lalaking yon.  Tama ba ako? "

"Hindi po." sagot ko.

"Kung ganon ay patunayan mo."

"Mawalang galang na po pero pwede naman pong gamitan ng mahika ang lalaking iyan na umibig agad saakin,  hindi po ba? "

"Saoirse, Im the Goddess of revenge and curse.  Hindi ako ang diyosa ng pag ibig. " tugon niya.

" e paano po kung magpatulong tayo kay Goddess Tzuyu?  Ang iyong kapatid. "

"Alam mo kung ano ang nangyayari saamin ngayon. Magkaaway kami kaya hindi ako makakapagpatulong sa kanya.  Hindi mo ba kaya ang misyon mo? "

"Kaya po.  At pasensya. "

Namaalam na ako sa kanilang lahat at sinamahan ako ni Goddess Jihyo na puntahan ang lagusan dahil siya lang ang may alam kung saan at paano ito lalabas.

"Saoirse, may mahalaga pa akong sasabihin sa iyo. Ang lahat ng mga anghel katulad mo ay bawal umibig sa tao at kung mangyayari iyon ay mawawala ang iyong mahika at magiging isang ganap na tao ka. Ang tao at ang anghel na magmamahalan ay maglalayo ang landas o mamamatay ang taong iyong mamahalin at ikaw ay makukulong at susunugin sa impiyerno.  Mag ingat ka doon at paalam."

Ang mga salitang iyon ay nakapagpakaba saakin ng sobra.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay nandito nako ulit sa paborito kong parte ng bahay ni Manyak,ang C.R.

I checked the time at pareho lang din ang oras pag alis ko kanina at ngayon. Ibig sabihin ang pag punta ko doon ay ang pagtigil ng takbo ng oras. Ay hindi pala, wala na palang batterya tong orasan namin.

Bruhhhh nako Saoirse hindi ka pwedeng umibig sa tao. Hindi mo pwedeng mahalin si Sinead isa siyang tao at angel ka. Ang kailangan kong gawin ngayon paibigin siya sa lalong madaling panahon. Pero ano ang aking mga dapat gawin para paibigin siya?

Haystt, ahh alam ko na. Ipagluluto ko siya ngayon. But hindi ako marunong. Bruhhh nakakasuka nadin kasi mga pagkain sa restaurant na kinakainan namin.

Pero ill try my best para makapagluto ng pagkain ng hindi ginagamitan ng kahit anong mahika. Sana magustuhan niya din ako este sana magustuhan niya ang lulutuin ko.

Agad kong tinungo ang kusina nila.  I opened the ref and get some eggs ang hotdogs,  ito lang yung madaling lutuin kaya wag sana siyang mag demand ng bonggang bongga.

Sana po'y nagustuhan niyo.

Hope you guix vote and comment tenkyuuu.

To be continued..