Chereads / REBELLING BYLAWS / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Sinead's POV

Nagising ako mula sa pagkakahilo. Bat nanaman ako nahilo kanina e naalala ko nanuod lang naman kami ng sine at hindi ako nakainom.  Mukhang tama nga ang sinabi saakin ni Saoirse na magpa check nako sa doktor. Palagi akong nahihilo at nawawalan ng malay sa rasong hindi ko alam. Bruhhhh

Napatigil ako sa pag iisip ng may maamoy akong parang sunog na pagkain. Sinundan ko ang amoy kung nasaan ito ng galing, sa kusina pala.  Naabutan ko ang bruhang babae sa kusina nag luluto. 

"Ano yang ginagawa mo? " pasinghal na pagkakasabi ko.

"Pinagluluto ka! Hihi"

"Nagluto ka ng ano? "

"Itlog at saka hotdog"palambing na pagkakasabi niya.

"E bakit sunog yan?  Naku ikaw talaga babae ka kahit kailan.... Sa lahat ng tao ikaw lang ang nakilala kong nag prito ng hotdog na tubig ang gamit at naglaga ng itlog na mantika ang gamit. Pwede naman tayong kumain sa labas. "

"Pero nakakasawa na." malambing paden na pagkakasagot niya.

"Nagugutom kanaba? Luto natong ulam." pagiiba niya ng usapan.

"Duh kakainin ko yang niluto mo? Tapos wala pang kanin?"

"Excuse me may sinaing ako dito nuh! "

Pagbukas ko ng kaldero ay tumambad sa akin ang isang sunog na kanin. Mahilig talaga ang babaeng ito sa sunog siguro.  Palayasin ko na kaya siya. Pero hwag na. Pero bakit hindi? Bahay ko'to.

I take a deep sigh, "Hoy babae lumayas kana nga di kita kailangan dito sa bahay."

"Huh?  Dahil ba sa luto kong mga sunog nagalit ka kaagad? Hwag naman"pag mamakaawa niya.

"Siyasiya sige na magbihis kanalang kakain tayo sa labas."

"Nanaman?  Gusto kong kumain ng lutong bahay lang."

"Uhm may naisip ako.  Basta magbihis ka nalang."

Umalis na ako ng kusina at nag bihis nadin.

Umalis na kami at dahil gusto niya ng lutong bahay ay dinala ko siya sa isang karinderya. Bumaba kami at bumili ng makakain.

"Naku kaya mo ba talagang kumain dito Sinead?" saad ng akin utak.

"Oo naman para sa taong minamahal.yieeee inlab na si Sinead." sagot ng aking puso.

"Huhh hindi ako in love at hinding hindi ako maiinlove sa babaeng iyan." sagot ko sa aking puso.

"Sinong kinakausap mo?" tanong saakin ni Saoirse.

"Ah wala. Nag iimagine lang ako. Hihi"

"Naku kailangan mo nga talagang mag pa check may sayad kana."

"Hayaan mona. Ganyan talaga ako minsan."

Pero bakit ba talaga ako kumain dito e kadiri dito ay hindi naman siguro.

Kumain kami ng adobong liver at fried chicken.  Haysss namimiss kona ang ganitong mga ganap ko sa buhay. Haysst bat ba ako nag iisip ng mga ganitong bagay.

Natapos na kaming kumain at umalis ng may nadaanan kaming isawan. We stopped there at kumain ng isaw at barbeque.

Saoirse's POV

Hindi nagustuhan ni Sinead ang luto ko kaya kumain kami sa labas. Sa isang karinderya at matapos nito ay dumaan kami sa isang ihawan at akala ko ay uuwi na kami.

Pero may iba kaming pipuntahan. Isang napakahiwagang lugar at kami lang ang tao dito.  Isang lugar na maraming matataas na damo ang dadaanan bago mo matunton ito. Isang napakahiwagang bahay. Hindi ito magarang bahay simple lang pero napaka halaga kay Sinead ang bahay nato.

"Alam mo ba? Bata palang ako ay dito nako tumira. At dito din ako nakita at kinuha ng aking Dad ngayon."

Flashback...

Baby palang ako ng mamatay ang aking tatay.  Simula non ay sobrang naging malungkot si Mommy Theresa, palaging galit at tulala kung minasan. Hanggang sa akoy lumaki na at ganon padin ang nangyayari sa kanya. Ayon sa mga doctor e wala naman siyang sakit. Dinala siya sa mental hospital pero wala paring epekto sa kanya. Dinala din sa albularyo at sabi dun ay may masamang espirito ang nagparusa sa kanya. Hindi naman ako naniniwala don.  Habang tumatagal ay sinasaktan niya nadin ako. Sa murang edad ay pinalayas niya ako. Kaya dito ako tumira.  Isang araw ay pumunta dito ang may ari ng bahay na ito. Isa akong payat na tao at walang makain. Kaya naawa saakin ang ang may ari ng lupa at kinupkop niya ako pinagsilbihan ko siya at hanggang sa itinuring niya ako bilang isang anak at inampon. Kaya kahit anong mga kasamaang ginagawa ni Dad, kahit anong cheat ang ginagawa niya kay mom ay hindi ko siya sinusumbong dahil sa malaki ang utang na loob ko sakanya. Hanggang sa lumaki na ako at naging basag ulo. Pinapadalhan nalang ako ng pera ng mga magulang ko at hinayaang mabuhay sa paraan na gusto ko.

End of Flashback

"Umalis na tayo dito! Parang may masangsang na amoy na ewan parang patay na hayop.!"

Umalis nanga kami at umuwi na gabi nadin kase...

Hope you guix vote and comment. Tenkyu

To be continued..