Moscow, Russia
"Huwag na huwag kang lalabas dito hanggat hindi dumarating ang mga pulis o ang Uncle Tor mo. Promise me honey", pakiusap ng daddy niya sa kanya habang ipinapasok siya sa loob ng closet ng mommy niya.
Nang mag-pinky promise siya sa daddy niya ay saka siya nito hinalikan sa noo at tinakpan siya ng mga naka-hang na mga dresses and coat, then closed the door. She can't help her tears falling down from her eyes, she doesn't understand what's happening.
Sa kalagitnaan ng gabi ay ginising siya ng mommy and daddy niya at kinausap siya na may darating na masasamang loob sa bahay nila kaya kailangan siyang maitago ng mga ito.
Hindi niya alam kung mga magnanakaw o kung kalaban sa negosyo ng daddy niya ang paparating na mga masasamang tao, all that she know is that they will be coming to hurt her and her parents.
Isang malakas na lagabog ang nakapagpabalik sa kanyang isip sa kasalukuyan.
"Where is it doctor?!", rinig niyang tanong ng isang nakakapanindig-balahibong boses ng lalake.
"It's not with me, doctor Sullivan didn't gave me anything so you should not look for it here!", sigaw din ng kanyang mommy.
She tried to peep sa maliit na siwang ng pinto ng closet and she saw her daddy na putok at dumudugo na ang labi. Her mom is already crying na nakayakap sa nakahandusay na katawan ng kanyang daddy sa sahig.
"If you will not give us the chip, we are going to kill your daughter!", pagbabanta pa ng lalake na itinutok din ang baril sa ulo ng kanyang ama.
"Please, spare my family from all of these! We didn't do anything and we didn't get anything from Dr. Sullivan!", pakikiusap ng kanyang ama.
"Boss, wala kaming nakitang chip, hinalughog na namin ang buong kabahayan. Itinali na namin ang mga katulong at binusalan ang bibig", sabi ng kapapasok lang na lalake sa kwarto. They were talking in Russian pero dahil maraming alam na lengguwahe si KC ay naiintindihan niya ang mga sinasabi ng mga ito. Sigurado siyang maging ang kanyang mga magulang ay naiintindihan din ang mga ito.
"Ang bata? Nasaan ang bata?", tanong ng malaking lalake maya-maya.
"Wala din po kaming nakitang bata sa buong bahay, boss", sagot nito na ikinamura ng lalake.
Hinarap nito ang kanyang mga magulang at ng hindi pa rin maibigay ang gusto nito muling binugbog ang kanyang daddy. Makalipas lamang ang ilang minuto ng karahasang iyon ay nakita mismo ng kanyang mga mata ang walang awang pagbaril ng lalakeng iyon sa kanyang mga magulang. She witnessed it right before her eyes at kahit na nga gustuhin niyang sumigaw ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Naikuyom niya ang kanyang mga kamay habang patuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha.
"This is just a dream! Everything is just a bad dream!," KC terrifyingly thought.
Sigaw ng utak niya bago nagdilim ang kanyang paningin.
Paris, France
"Maybe this is really a good idea hon", saad ni Yumi sa asawa habang tinitingnan si KC at Oreo na nakatingala sa mga painting na nakasabit sa dingding ng pinakamalaking museum sa France.
"Yes, Luis would always tell me how fond KC is with art. Even at a young age, kinakitaaan na siya ni Luis ng kagalingan pagdating sa art. She isn't only fond or appreciative of it but she seems to be a genius when it comes to making her own work of art.", nakangiti nitong saad.
"Pati si Oreo ay name-mesmerize sa mga nakikita niya dito", tukoy ng ginang sa 5 taong gulang na bata na nakakapit sa kamay ni KC.
"He have been a great help para mas mapadali ang pag-recover ni KC sa nangyari sa kanyang mga magulang", nanlambong ang mata ng abogado.
"Pitong taon na ang nakakaraan Tor, magpasalamat nalang tayo at hindi na nila dinamay pa si KC", naluluha naman ang ginang ng maalala ang malagim na nangyari sa mag-asawang Dostoevsky. Kaibigang matalik ang kanilang pamilya at nagtatrabaho si Yumi sa ospital na pagmamay-ari ng mommy ni KC. Habang si attorney Salvatore naman ay ang legal counsel sa Dostoevsky Group of Companies na naka-base sa Pilipinas, bestfriend din ito ni Luis Dostoevsky, ang daddy ni KC.
"mabuti nalang at naisipan mong magbakasyon ang buong pamilya dito sa France hon, para naman nakapagpahinga din tayo mula sa lahat ng stress ng trabaho", tipid itong ngumiti sa asawa na inakbayan naman siya.
Hindi nila inakala na ipagkakatiwala sa kanila ng mag-asawa ang lahat ng pagmamay-ari ng mga ito habang hindi pa dumarating sa tamang edad si KC. They were her legal guardians at binigyan din sila ng shares sa kompanya at ospital na kanilang pinamamahalaan.
Nang mamatay ang mga ito ay naging napakahirap para sa kanila ang lahat ng pagbabagong nangyari sa kompanya at ospital ngunit higit na mas naging mahirap para kay KC. Dalawang taon din siyang hindi nagsasalita kahit pa sino ang kumaudap sa kanya. She was just 5 years old when her parents were killed right before her eyes and it had been very traumatic for her. Ini-enrol siya sa isang home-school dahil kahit anong uri ng treatment sa mga kilalaang psychologist sa buong mundo ay hindi pa rin magawang matulungan ang bata. After 2 years ay nagbuntis si Yumi at nang maipanganak nito si Oreo ay unti-unti nilang nakita ang pagbabago kay KC. Naging masayahin ito hanggang sa isang araw ng makauwi sila galling trabaho ay marinig nila itong nakikipag-usap kay Oreo. He was a blessing not just for them but also for KC. Orea gave life to KC's eyes and life again.
"Papa! Mama!", maya-maya ay narinig nilang sigaw ni KC.
Nakita nila ang kanilang anak na nangingisay sa sahig habang si KC ay umiiyak. Nilapitan ni attorney Salvatore si KC habang binibigyan ng first aid ng asawa ang kanilang anak.
"No! Papa. . . ", hilam sa luha ang mukha nito habang umiiling-iling. Niyakap niya ito ng mahigpit habang umiiyak din.
"Huwag pati si Oreo please!!!!", sigaw ni KC na nakatingala, para bang nakikiusap sa langit.