"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang magtrabaho bilang isang empleyado KC", tanong ng papa Salvatore niya. "You own this company at sa malaot sa madali ay kailangan mo na itong pamahalaan hija", malumanay na sabi nito sa kanya.
Napabuntung-hininga si KC. Natatakot siyang hindi maintindihan ng papa niya ang gusto niyang gawin pero alam niyang kailangan.
"Your right pa. Ilang taon mula ngayon ay ako ang mamahala sa kompanyang ito, pero ano po ba ang alam ko sa pagpapatakbo nito? At paano ko malalaman kung sino sa mga tao dito ang totoo at mapagkakatiwalaan ko pagdating ng panahon. Siyempre po maliban pa sa inyo ni mama", nakayuko niyang sagot sa kanyang papa habang ikinikiskis ang dalawang palad na nakapatong sa kanyang kandungan. Ang mag-asawa na ang kanyang naging mga magulang at ang mga ito mismo ang nagsabi na maaari niyang tawagin ang dalawa na mama at papa.
KC just graduated from her MBA in the states, doon siya pinag-aral ng papa niya para mas maging advanced ang kanyang mga matututunan at maaaring magamit sa pagpapatakbo ng kaniyang kompanya balang-araw. Nagtapos siya with flying colors sa kanyang MBA, at napakaraming naging offer sa kanya roon ngunit mas pinili niyang bumalik sa bayan ng mommy at papa at mama niya; her father is a Russian-american, even her mom is half-russian.
"Ano ang gusto mong sabihin Kaz?"
"I want to start from being a regular employee pa. You would always tell me that you will never become a good leader if you don't know how to become a good follower right? ", nang-aarok ang mga mata niyang tumingala sa papa niya. "Gusto kong pagdating ng panahon na ipapasa niyo sa akin ang pamamahala sa kompanya ay masasabi ng mga empleyado na nakuha koi yon hindi lang dahil sa apelyido ko kung hindi dahil sa magaling din ako.", litanya niya.
"You can do that even though you're already the president and CEO of the company Kaz", tutol pa rin niya sa dalaga.
"Pa, please. . . pagbigyan niyo na ako ditto. I want to learn lahat ng pasikot-sikot sa kompanya at gusto kong maintindihan ang lahat ng ginagawa ng mga taong magtatrabaho sa akin", she plead still.
He looked at her intently at nag-isip ng mabuti.
You are really like your father KC. Napakatigas ng ulo mo, ang tanging nasabi ng isip niya.
Bumuntung-hininga siya bago nagsalita.
"Okay, I will give you a year to go into your undercover thingy young woman.", pagsuko niya na nakapagpangiti ng maluwang sa dalaga.
"Pero right after that, be ready to take over the company.I still don't believe you need this Kaz, ang sampung taon na kailangan mong ipamalagi sa paaralan para sa kurso mo at sa iyong pagpapakadalubhasa ay nagawa mong gawing 5 taon. That's how genius you are, for Christ's sake!", may diin nitong pahayag.
Tumayo na si KC at hinalikan sa pisngi ang kanyang papa TOr at niyakap ng mahigpit mula sa likod ng upuan.
"I love you Pa, kayong dalawa ni Mama. Right after this mission of mine, I'll make you two proud. Promise!", at nagpinky promise pa ito sa kanya.
Nang lumabas ito ay napa-iling-iling nalang siya habang ngumingiti.
Luis, your daughter is a brilliant woman now. Namana niya sa iyo ang kanyang katigasan ng ulo pero naman niya kay Helena ang pagiging masayahin sa kabila ng malulungkot na pangyayari sa kanyang buhay.
He dialed his wife's private line number in the hospital.
"May kalokohan na namang naiisip ang anak mo", nakangiti niyang sabi sa kausap.
"I still don't get what you want to do hija, baka mapahamak ka", nag-aalalang saad ng mama niya habang kumakain sila, tahimik lang ang kaniyang papa.
Sinasabi na nga ba niya at naibalita na nito ang tungkol sa balak niyang pagtatrabaho sa kompanya. Nang magtext ang mama niya sa kanya na umuwi siya ng maaga para sabay-sabay silang kumain ay nagduda na siya. Mas madalas sa hindi ay nasa ospital ito at ang papa niya lang ang nakakasabay niya sa hapunan. Tuwing agahan naman ay ito ang nakakasabay niya at ang papa naman niya ang nakaalis na.
"Ma, pumayag na po si Papa sa plano ko and I will be starting tomorrow na", she told her calmly.
"And don't I have a say about it anak?", kunway nagtatampo ang boses nito, may hinanakit sa mga mata.
She sighed. "Ma, of course you have a say about it, pero siyempre kay papa ako nagsabi kasi siya ang magiging boss ko", pagpapalubag-loob niya sa mama niya.
"At ako? Hindi mo nga ako boss pero ako ang mama mo",tumigil ito sa pagkain at sumisinok-sinok na.
Napamaang siya sa mama niya at inayos pa ang salamin sa mata para Makita kung meron ba talagang luha ang mga mata nito. She can't believe this is happening! Nagda-drama ang mama niya, ang isa sa pinakamagaling na surgeon sa buong Pilipinas ay nagda-drama sa harap niya! She looked at her papa but it seems parang wala itong nakikita at naririnig. Nagpatuloy lang ito sa pagkain, nakayuko sa pinggan nito, but she swear she can see a glint of smile in his face na pilit nitong sinusupil.
"Ma, for the meantime lang naman 'to. Ang sabi ni Papa he would give me a year to do this but after that ipapakilala na niya ako sa lahat. Hindi ba Pa?", at nilingon niya ang papa niya na tiningnan sila at tumango-tango, pilit pa ring sinusupil ang mga ngiti.
"You don't know how cruel those people are Kaz! I've seen how those people work at kung gaano ka-grabe ang kompetisyon sa pagitan nila. They'll eat you alive sweetie", naksimangot na saad ng ginang.
"Ma, I know that. That's the main reason why I want to know how they work. Oo nga at nag-aral ako sa pinaka-prestihiyosong university sa buong mundo, nagtapos ng may magandang scholastic records, but I know those learnings are nothing compared to the learning na makukuha ko in the field, in the real world. I want to know how these people work and how I'll be able to handle them. I don't want to just confide in the four corners of an office, I want to explore and go beyond my limitations", mahaba niyang paliwanag sa mama niya.
Napabuntung-hininga lang ito at lumapit sa kanya. She kissed her on her forehead.
"Then, kung nakapag-desisyon ka na talaga ay andito lang kami ng papa mo para tulungan ka sa kung ano man ang magiging problema, okay?"
She smiled ang hugged her mama Yumi. She can understand them, protective talaga ito dati pa sa kanya.
"Natatakot ako hon, you know naman kung paano natin inalagaan at binantayan si KC diba? Kahit nung nasa ibang bansa siya ay nakaalalay pa rin sa kanya si Hanna bilang tagapagbantay at tagapangalaga niya", nag-aalalang tanong ng ginang sa asawa ng nasa kwarto na sila.
"We'll let Hanna work in the company too hon, don't worry", pagpapalubag-loob nito sa asawa.
"I hope everything's going to be fine", she said as if it is a prayer.
"Everything will be alright", he said kissing her gently as a good night.