Chereads / The Twisted Fate (Book 1) / Chapter 1 - SIMULA

The Twisted Fate (Book 1)

itsjustme13
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - SIMULA

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puting ilaw at puting kisame agad ang bumungad sa'kin agad akong nasilaw kaya naman tumingin ako sa kanan ko.

Natamaan naman ng sinag ng araw ang mukha ko na syang tumatagos sa nakabukas na bintana. Pinasingkit ko ang mga mata ko.

"Ate! Gising ka na!" rinig kong sabi ng hindi pamilyar na boses.

Dahan-dahan ko itong nilingon. Isang lalaki na mga nasa sixteen years old ang nakita ko. Matangkad ito at payat, tama lamang ang kulay ng kanyang balat, naka-suot sya ng kulay asul na t-shirt na tinanggalan ng sleeve at itim na short. Medyo magulo din ang buhok nya.

Nagmamadali syang lumapit sa'kin.

"Ate, kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong nya.

Kumunot naman ang noo ko.

"Sino ka?" tanong ko.

Natigilan naman sya. Pilit kong inaalala kung kilala ko ba sya o kung nagkita na kami pero wala akong naalala. Habang pilit kong iniisip ay parang unti-unting sumasakit ang ulo ko.

Biglang bumukas ang pintuan. Isang babae ang pumasok. May bitbit syang mga bayong na naglalaman ng gulay. Mga nasa fifty years old na sya, naka-mababang pusod ang buhok nya na medyo may puti-puti na. Medyo hawig nya ang lalaki, morena sya at medyo kunot ang noo, may mga wrinkles na ring mapapansin. Ang suot nya ay pink na t-shirt na may stripe ng iba-t-ibang kulay at itim na leggings na umabot lamang sa tuhod nya. Kapansin-pansin rin ang tsinelas nya na medyo pasira na.

Agad nyang binaba ang hawak nya at lumapit sa amin.

"Salamat sa Diyos! Gising ka na!" parang maiiyak na sabi nya. Tiningnan nya ang lalaki. "Dino! Tawagin mo ang doctor!"

Agad naman itong sumunod. Naiiyak na nilingon naman nya ulit ako at hinawakan ang mukha. Kitang-kita ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasayang gising ka na, anak ko." hinaplos nya ang pisngi ko.

Hindi ako nakasagot. Nagtataka at naguguluhan. Yan ang nararamdamdaman ko ngayon.

Dumating agad ang doctor at agad akong chineck.

"Sumasakit ba ang ulo mo?" tanong nya.

Tumango ako. "Medyo." mahinang sagot ko.

"Anong araw ngayon?"

Natigilan ako.

"Natatandaan mo pa ba kung ano ang nangyari sayo bago ka matagpuan sa dagat?" tanong nya pa.

Dagat? Anong ibig nyang sabihin? Bakit wala akong maalala na nangyari yun? Ni kahit nga—.

"E ang pangalan mo naaalala mo ba pa?"

Natigilan muli ako. Pilit iniisip ang pangalan ko pero wala akong maalala. Pakiramdam ko ay ni kahit ano ay walang laman ang utak ko.

"H-Hindi ko alam ang pangalan ko..." mahinang sabi ko.

"Tama nga ako. Posibleng paggising mo ay wala ka ng maalala dahil masyadong malala ang nangyari sa iyo."

Tiningnan ko sya. "Ano po ba'ng nangyari sa'kin?"

"May nakakita sayo na dinala ka ng alon papunta sa baybayin. Wala kang malay at may tama ka ng daplis na bala sa tiyan at may maliit kang sugat sa noo. Napaka-imposible na ngang mabuhay ka pero napakabuti ng Diyos at binigyan ka pa nya ng pangalawang buhay."

Hindi ako nakasagot. Bakit ba kasi wala akong maalala sa nangyari sa'kin bago ako napunta dito?

"Hanggang kailan babalik ang alaala ko?" tanong ko.

"Hindi pa natin alam, ngayon mas mabuting magpahinga ka muna. Huwag mo ring pilitin na maka-alala dahil nandito naman na ang pamilya mo."

"Pamilya ko?"

Tumango sya at ngumiti. "Sina Aling Rita."

Tiningnan ko ang tinutukoy nya. Hinawakan naman muli nito ang pisngi ko.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba habang hinahaplos nya ang pisngi ko.

"Huwag ka mag-alala anak Dayla, dahil nandito lang kami ng kapatid mong si Dino." nakangiting sabi nya.

"Dayla?" patanong na sabi ko.

Tumango sya. "Oo, Dayla. Yun ang pangalan mo. Ikaw si Dayla Lynn Rosales."