Makalipas ang ilang linggo ay pinalabas na ako sa hospital. Isang araw lamang kami sa lumang bahay 'daw namin', pagkatapos ay agad kaming lumipat sa San Sullivan na napakalayo sa lugar kung saan 'daw' kami nakatira.
Ang bago naming bahay ay simple lang. Gawa sa semento pero walang pintura, ang bubong naman ay yero. Maliit lamang ito, ang sala at kusina ay iisa lang nilagyan lang ng kurtina para hindi kita sa sala ang hapag-kainan kapag may bisita. Tatlo lang din ang kwarto at tig-iisa kami. Ang akin ay yung nasa pinaka-dulo.
Puno ako ng pagdududa sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang paniwalaan sila ng sabihin nilang sila ang pamilya ko. Naguguluhan ako. At sa bawat araw na hindi pa rin bumabalik ang alaala ko ay mas naguguluhan ako. Gustuhin ko mang piliting maalala lahat ay nauuwi lamang sa pananakit ng ulo ang nangyayari.
Isang linggo na kami na nakatira dito sa San Sullivan, nagkaroon na rin naman agad ako ng kaibigan. Si Shaira.
Tama lang ang tangkad nya. Maamo ang mukha, ang mga mata nya ay medyo singkit at ang buhok nya ay umabot ng balikat. May bangs sya na medyo mahaba kaya ginawa nyang two wings. Maputi din sya at mukhang hindi probinsya though sinabi nga nya na sa Manila naman talaga sya nag-aaral at nandito lang sya tuwing bakasyon o sem break.
"Bakit ba kasi hindi ka naniniwala na sila ang totoo mong pamilya?" tanong nya habang naglalakad kami sa bayan.
"Ewan. Hindi ko lang talaga kayang maniwala eh. Hangga't hindi pa ako nakaka-alala, baka hindi ko agad sila mapagkatiwalaan.."
"Pero sila ang kumupkop sayo." sabi nya.
"Oo naman, hindi ko naman nakakalimutan yun e."
"O e bakit 'di ka pa rin naniniwala?"
Nagkibit-balikat ako. "Naguguluhan din ako. Naguguluhan din ako kung bakit 'di ko sila magawang paniwalaan gayong napakarami na ng naitulong nila sa'kin."
Bumuntong-hininga sya. "Sana talaga maka-alala ka na."
"Sana nga."
Yumuko ako. Sana yung mga sana ko magkatotoo agad.
Habang nag-iisip-isip ay may biglang bumangga sa'kin.
"Sorry!" sigaw ng isang lalaki habang tumatakbo ng tuloy-tuloy.
Napapatabi ang mga nasa daan.
Napalingon ako sa Manong na tumakbo din sa harap ko. Butas ang asul nyang damit, kalbo sya at medyo mataba. May hawak na itak.
"Bumalik ka dito! Magnanakaw!" sigaw nya habang patuloy na hinahabol ang lalaki.
"Magnanakaw? May magnanakaw dito sa probinsya nyo?" tanong ko.
Tumango sya. "Oo naman. Paminsan-minasan nga lang."
Binalik ko ang tingin sa lalaking hinahabol pero wala na sya sa paningin ko.