"I'll just get the medicine kit. Stay here." Mabilis niyang sinabi at nagmamadaling naglakad papasok sa kanila.
Napatampal naman ako sa noo ko. Hindi ako makapaniwala na nakalimutan ko si Ysa! Hindi na nga rin ako nakapag paalam dahil hindi din naman ako pinakawalan ni Jonas.
Tiningnan ko ang kamay ko. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kanina. I could still feel his warmth in it.
"Hey,"
Nag-angat ako ng tingin. He's here? Ang bilis niya naman makabalik.
"Ahh hindi ka na sana nag-abala. Pwede naman 'to sa bahay nalang," sabi ko.
Hindi siya sumagot at tinaasan lang ako ng kilay. Lumapit siya at tumabi sa'kin ng upo. Malawak ang upuan pero dikit na dikit kami. He's too close! Naaamoy ko na nga siya.
Tumikhim ako at umisod palayo. Hindi ako komportable.
Ang baho ko na dahil kanina pa kami nakatambay ni Ysa sa aplaya at pinawisan din ako dahil nakipag away kami. Kaya mas mabuti nang may distansya kami. Pero kung anong inilayo ko ay siya namang lapit niya.
Natigilan ako at napatitig sakanya. He seems to doesn't mind our closeness.
Kinuha niya ang kamay ko at tinitigan. May kaunting gasgas ako doon dahil sa pagbagsak. Pansin ko din na may ilan akong mga kalmot sa braso. Ang iba ay may kaunting dugo pa pero ayos lang dahil hindi ko naman ramdam ang sakit.
Huminga siya ng malalim at galit ang mata na tumingin sa'kin.
"What the fuck happened?" mapanganib niyang tanong.
I am speechless. Hindi pa ba halata na away ang nangyari?
"Who are those girls? Why did they hurt you? Fuck. I want to fucking sue them." He roared. Hindi pa nga ako nakakasagot ay nagrereklamo na ulit siya. "Look at you, you're injured!"
Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw niya. He is fuming.
Bumuntong hininga ako tapos ay ngumuso.
"Hindi naman ako injured. Maliit na sugat lang ang mga ito at hindi malala."
Kumunot ng noo niya. Bigla ay lumuhod siya sa harap ko. Napaatras ako sa gulat.
Inayos niya ang pagkakadikit ng tuhod ko tapos ay iniurong ako palapit sakanya. Ang awkward naman!
Walang nagsasalita sa aming dalawa. Kinuha niya ang betadine at naglagay sa bulak bago marahang ipinahid sa mga kalmot ko sa braso.
Tumikhim ako.
"Ako na." Agaw ko sa bulak ngunit tinapik niya lang ang kamay ko. Hindi nagsalita.
Ramdam ko ang marahang pagdampi ng kamay niya sa balat ko. Napahinga ako ng malalim lalo na nang hipan pa niya iyon. Hindi naman mahapdi kaya ayos lang!
"Hmm .. hindi mo din pala sila makakasuhan dahil 16 or 17 palang ang mga yon, menor de edad."
Masyadong namang marahan ang pagkakasabi ko!
"I'll take care of it. Ako na ang bahala Lia."
I gasped.
Right. Syempre magagawan niya ng paraan. Kung bakit ko ba nakalimutan na mayaman nga pala siya at ang lahat ng gustuhin ay napakadaling makuha, ay hindi ko alam.
Kasi sa kabila ng yaman niya, heto siya't nakaluhod sa harap ko, ginagamot ang sugat na hindi naman malala.
Umiling ako at inalis ang kaisipang iyon. Kagat ang labi ay nanahimik nalang ako.
Tinapos niya ang ginagawa sa paglalagay ng band-aid sa mga sugat. Nakakatuwa nga dahil kulay lila at may disenyo iyon na mga bituin.
"Nagpakuha ako ng pagkain."
Nilingon ko si Jonas at maliit na nginitian. Tapos na niyang iligpit ang mga ginamit at ngayon ay nakatayo siya sa harap ko.
"Salamat. Uuwi na ako."
"Bakit?" He looks confused.
Natigil ako sa pagtayo. Kumurap at nagtataka din siyang tiningnan. Anong bakit?
"Dahil tapos mo nang gamutin ang sugat ko?" Hindi sigurado sa sagot.
"Nagpadala ako ng meryenda kay Mariel. You have to stay and eat."
Sabi niya tapos ay muling tumabi sa akin ng upo. Sumandal at inangat ang kaliwang braso sa sandalan ng inuupuan ko.
Umayos ako at napatuwid ng upo. I can feel my face heating up.
"Pero--"
"Ahhh Orval!"
Matinis na boses ng babae na sinundan ng hagalpak ng isang lalaki. Hingal pa sa pagtakbo ang lalaki nang dumating sa kubo. Matangkad ang lalaki. Maitim ang buhok, mata at halos kamukha ni Jonas. 'Yun nga lang kumpara sa katabi ko, mas maamo ang mukha ng bagong dating. Pero hindi ko sinasabi na mabait siya.
Nakangisi siya kanina pero nabura nang makita kami, o ako. Medyo natigilan siya kaya naabutan siya nung babae na tingin ko ay 'yung narinig namin kanina na sumigaw. Matangkad at sa tingin ko ay matanda lang sa'kin ng ilang taon. Nakalugay ang kulot at kulay tsokolate nitong buhok.
Muntik na 'kong matawa nang batukan niya si Orval.
"Aray ko naman Arah," nguto nito at hinimas ang likod ng ulo.
"Gusto mo isa pa? How dare you leave me with that freaking man.. whore."
Kagaya ni Orval ay natigil din ito at napatitig sa akin. Nahiya ako at napatungo nalang.
I really need to go.
Ilang sandali pa ay dumami ang ingay na naririnig ko. Nilingon ko ang pinanggalingan 'non at nakita ang magpipinsan.
Pare-pareho kaming tumahimik. Walang nagsalita hanggang sa biglang tumawa iyong isang lalaki.
"Jonas! Hindi ka sumama, ang saya pa naman."
Umungol ang katabi ko. Ni hindi man lang siya umayos ng pwesto, o tanggalin man lang ang kamay na nakapatong sa sinasandalan ko.
"Shut up Marco."
Nginisian lang naman siya ni Marco.
"Pero huwag kang mag-alala. Sinama na namin si Tonette para naman sumaya ka kahit papano," tapos ay tumingin siya ng nakakaloko.
Tiningnan ko si Jonas na masama ang tingin sa pinsan. Sinong Tonette?
And then a girl step forward from the group. Nakasuot ito ng puting sun dress na hanggang hita lamang ang haba. Malayo sa suot ko na uniform sa paaralan.
Wala akong reaksyon nang lumapit siya at humalik sa pisngi ni Jonas na hindi man lang natinag sa pagkaka-upo.
Of course. Antonette Barqueros. Hindi ko alam kung malilimutan ko ba siya.
(Flashback)
Tapos na ang taon at next year ay grade 9 na kami. Nagkayayaan ang buong klase na mag-swimming. Syempre saan pa ba kundi sa Queen Aurora. Malapit na, mura pa. It's best to appreciate what we have.
Tatlong cottage ang nirentahan namin. Fourty kami sa klase kaya sakto lang ang tatlo. Matapos maiayos ang mga gamit ay nagkanya kanya na ng takbuhan ang mga kaklase ko.
"Lia may bathing suit ka ba dyan?" si Ysa.
Nanlalaki ang mata ay nilingon ko siya.
"Ano ka ba Ysa! Ang bata pa natin para mag ganon. Ayos na ang t-shirt."
Malakas niya akong tinawanan at inakbayan ang katabing si Liam.
"Aww. Sayang at hindi mo pala makikita si Lia na naka-bathing suit." She said pertaining to now red Liam.
Pabiro nitong itinulak si Ysa.
"Hoy wala akong sinasabi ha! Imbento ka." Tapos ay nagkamot ng batok.
"Aray ko, masakit 'yon ah." Nanlalaki ang mata at inambaan ng suntok ang isa.
Napailing ako at natawa nalang sa mga kaibigan.
"Mabuti pa siguro kung maligo na tayo." Yakag ko.
Hindi pa man sobrang nakakalapit sa pool ay dinig na dinig na ang ingay ng mga naliligo. Partikular ng isang grupo. Agaw pansin sila dahil bukod sa sila ang pinaka maingay, kilalang kilala din sila sa buong bayan.
"Omg mga Allejo ba 'yon?" Ysa asked excitedly. Pinapalo pa nga ako.
"Ang alam ko andito nga sila Damarcus, Talonous at Jonas ngayon."
Kung tama si Liam ay parang mas gusto ko nalang magpahinga sa kubo kaysa maligo.
"Ano ba yan. Bakit wala si Ames? Nakakainis naman,"
"Bakit ka nanghihinayang? Akala ko ba si Lucas ang gusto mo?"
"Marami naman akong gusto!"
Patuloy sila sa pag-aalaskahan pero wala doon ang atensyon ko.
"Go Tonette! Go! Go! Go!"
Ingay galing sa grupo ng mga Allejo. Nakatalikod sila sa gawi namin pero mula dito ay kita ko ang babae na chini-cheer nila. Nakatayo siya sa gilid ng pool at mukhang tatalon. Nakasuot siya ng yellow na bathing suit gaya ng mga babae sa grupo nila. Maganda siya. Maputi, matangkad, maganda ang katawan, tingin ko nga ay papasa siya na model.
"Come on, Jonas!" sigaw 'nung Tonette tapos ay mahinhin na tumawa.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Gusto kong bumalik sa kubo dahil ayokong makita ang taong 'yon pero tuloy naman ang hila sa akin ni Ysa na nakakapit sa braso ko.
Muling naghiyawan ang grupo. Tapos ay nakita ko si Tonette na tumalon. Kung kanina ay hindi malinaw kung anong nangyayari, ngayon ay alam ko na. Nandon' si Jonas Allejo. Preskong nakasandal sa gilid ng pool at may malanding ngisi sa labi. Nakatitig ito sa babaeng ngayo'y lumalangoy papunta sakanya.
"Si Antonette Barqueros 'yon diba?"
Dinig kong tanong ni Ysa na sinagot naman ni Liam.
"Oo. Sabi ay girlfriend 'yan ni Jonas. Oh! Ayun pala si Jonas e."
Napasinghap ako nang umahon ang babae sa mismong harap ni Jonas. Iginala pa muna niya ang kamay sa katawan nito bago iyon ikinawit sa leeg ng binata.
Hindi pa din napapawi ang ngisi sa labi, inalis nito sa pagkakapatong ang mga braso sa sinasasandalan tapos ay pinulupot iyon sa bewang ng babae. Ang aksyon niya ay muling nagdulot ng masigabong sigawan mula sa mga kasama nila.
Lalo pa ngang nagwala ang mga 'yon nang yumuko si Jonas at may ibinulong sa babae na ikinatuwa nito at pabiro siyang hinampas sa dibdib. Hinuli niya ang kamay ng babae at binalingan ang mga kasama.
"Kiss!"
Matalim na napabaling ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Hindi 'yon pwede! PDA 'yon at nakakadiri!
Busangot na ang mukha ko na binalik ang tingin kay Jonas. Tinawanan niya ang babaeng sumigaw at pinasadahan ang medyo magulo at basang buhok. Nilingon niya si Tonette na ngayon ay sinasaway ang kaibigan sa mungkahi.
Napaawang ang bibig ko at ramdam ang biglang panunuyo ng lalamunan.
Hinawakan ni Jonas sa pisngi 'yung babae at hinarap sakanya. Yumuko siya at kita ko nang tawirin niya ang distansya sakanila. He kissed her slowly. As if savoring every minute of it.
A minute. Their kiss actually lasted for a minute. Unfortunately, it's the longest and the most agonizing minute of my life. I hate it.
(End of Flashback)
"Hi. Sabi ni Arah nagpaiwan ka dito. Naisip kong sumama sakanila." Nakangiting sabi ni Tonette matapos umayos ng tayo sa harap namin.
Buong atensyon niya ay na kay Jonas. Ni hindi man lang nagawi ang tingin sa akin.
"Not in the mood to swim," he answered, bored.
Iginala ko ang tingin sa magpipinsan. Lahat sila ay halos nakangiti o di kaya'y nakangisi. Maliban sa isa na seryoso lamang at mukhang walang pakialam.
Gumalaw si Jonas. Inalis niya ang kamay sa sinasandalan ko at humarap sakin.
Nilingon ko naman siya at sinalubong ang masuyo niyang mga mata.
"Sa loob nalang natin antayin ang pagkain mo." He said.
Umiling ako. Hindi sangayon sa sinabi niya.
Alam ko na nadinig 'yon ng lahat. Pasimple na sinilip ko ang reaksyon ni Tonette at bakas ang gulat sa mukha niya. Mukha pa nga yatang na-offend.
"Sa bahay nalang. Uuwi na 'ko. Salamat." I quickly said.
Ayoko nga manatili pa dito. Hindi ko na kayang magtagal kasama sila ng ilan pang minuto.
Bumuntong hininga si Jonas at tumango.
"Okay. Ihahatid na kita."
Tapos ay tumayo na siya. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Lalo na nang marinig ko ang impit na tawanan mula sa ilan sa mga nandoon.
"Hindi, kaya ko na mag-isa." Umiiling na tanggi ko.
"You stay or I'll drop you home. Choose, Lia."
Gulantang ko siyang tinitigan. Hindi makasagot.
Hinila niya ko at itinayo. Nagsimula siyang maglakad. Hinila niya ako patungo sa labasan sa harap ng bahay nila. Nilampasan namin ang tulalang si Tonette at ang iba pa.
Sinubukan ko na alisin ang pagkakahawak niya sakin pero mas hinihigpitan niya lang iyon sa bawat subok ko.
"Hindi ka na sana nag-abala. Kaya ko naman." Nakayuko ako dahil nakalabas na kami ng gate at napapatingin samin ang ilan sa mga nasa kalsada.
"Kung kaya mo pala, sana wala kang mga sugat ngayon." Masungit niyang pahayag.
"Lima sila at dalawa lang kami ni Ysa. Lugi talaga kami."
Tumaas ang gilid ng kanyang labi sa paliwanag ko.
"Yeah."
Kunot ang noo ay hindi na ko sumagot. Bakit siya nakangiti?
Hindi din nagtagal nasa harap na kami ng bahay. Hinarap ko siya para pasalamatan.
"Hindi ka na sana nag-abala pa."
Suminghap siya.
Hindi ko naman alam kung yayayain ko ba siya sa loob. Nakakahiya kasi kung paalisin ko nalang basta dahil nag-abala pa siya maglakad. Isa pa kung papapasukin ko naman, baka magalit lang si mama.
"I'll go ahead, Lia. Pumasok ka na." He said coldly.
"Ah .. hmm okay." Medyo natataranta kong sagot. Tumango siya. Tumalikod na at nagsimulang maglakad. "Ingat," mahina kong habol.
He stilled for a moment. Nilingon ako at tinanguan. Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok at tumitig sakin. Malamig ang kaniyang ekspresyon. But his eyes were dark and expressive.
Nagtagal ang titigan namin ng ilang segundo bago siya tumango at tuluyan nang umalis.
Nang tuluyan siyang makaalis ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Ni hindi ko namalayan na nagpipigil ako ng hininga.
Tumalikod ako paharap sa bahay.
Muntik na 'kong mapasigaw sa gulat nang bumulaga sa akin si Ysa.
Hawak ang dibdib, sinamaan ko ito ng tingin.
"Hindi ko alam na close pala kayo ni Jonas Allejo." She eyed me suspiciously. Nagbibintang din ang boses niya.
"Hindi ko alam na may pagka kabute ka pala." I glared at her, hindi pa naalis ang gulat sa biglaan niyang pagsulpot.
Nilampasan ko siya at binuksan ang gate namin. Tahimik ang bahay pagpasok ko. Walang tao.
"Close kayo ni Jonas. Jonas Raleigh Allejo! Paano mo 'to nagawang itago sakin?" Pagrereklamo ni Ysa. And she sounded betrayed.
Hindi ako sumagot at dumiretso sa kusina. Kailangan ko ng tubig.
Sumunod siya sa akin at medyo nagdadabog pa.
"Ophelia Evie!"
Malalim akong huminga at nagdesisyon na pansinin na ang kaibigan.
"Hindi naman kasi kami close, Ysa." Sabi ko habang nagsasalin ng tubig.
"Lokohin mo lelang mo."
Nagmartsa ito paharap sakin. Halatang hindi naniniwala. Pero totoo naman.
Hindi kami close ni Jonas.
Huli ko siyang nakita ay noong nag-outing ang klase namin kung saan nakita ko din siyang hinalikan si Antonette.
Matagal na 'yon. Dalawang taon na.
"Hindi talaga kami close."
Hanggang sa pagtulog ay hindi maalis sa isip ko ang nangyari.
Tinulungan ako ni Jonas sa grupo nila Trina. Ginamot ni Jonas ang sugat ko. Hinatid ako ni Jonas sa bahay namin. Ginawa 'yon ni Jonas Raleigh Allejo. Pero hindi kami close.
Maaga kong nagising. No. Hindi ako halos nakatulog. Oras oras ay nagigising ako kaya napagdesisyunan ko na bumangon nalang.
Hindi malaki ang bahay namin. Gawa sa kahoy ang mga dibisyon kaya naman rinig na rinig ko ang ingay sa sala.
Lumabas ako at tiningnan.
I was shocked. Magkatabing nakaupo sila mama at papa sa kahoy naming upuan.
Tumatawa si mama at kung titingnan mo sila ay para silang mag-asawa na mahal na mahal ang isa't isa. Malayong malayo sa araw araw na eksenang kung hindi nagsisigawan, wala ang isa, o di kaya'y magkalayo at hindi nagpapansinan.
But what's more shocking is the one who's sitting across them.
Nagtama ang mga mata namin.
Jonas Allejo is in my house, having a seem to be fun conversation with my parents.
Anong nangyayari? Bakit siya andito?
Tumayo siya nang makita ako at lumapit. Napatingin din sa akin sila mama. She smiled and I was even more shocked.
"Iha, gising ka na pala!" She said like a loving mother.
Wow.
"Good morning, Lia." Malumanay at malambing na boses ng lalaki sa harapan ko.
Dahan dahan ko siyang nilingon. I stared at him confusedly. Not sure if I'd greet him back. Which, I still did anyway.
"G-good morning .. ?"
Nanatiling malamig ang itsura niya pero maaliwalas at nagniningning ang kaniyang mga mata.
"I hope you don't mind me visiting." Sabi niya.
When I thought I couldn't be more shocked, what he did next made my knees weak. Hinapit niya ako palapit sakanya at ginawaran ng halik sa noo.