Chereads / The Beastly Prince (BLS #1) / Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 6 - Chapter 4

Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa aking pisngi. Hindi pa rin ako makagalaw. Ano ang ginagawa niya dito?

"Naku mabuti pa kumain na kayo nang maaga kayong makalakad." Masaya at excited na sinabi ni mama.

Hinila niya ako patungong kusina saka pinaupo. Tumabi sakin si Jonas. Si mama naman ay nanatiling nakatayo at kumuha ng pinggan. At siya pa mismo ang naghain sakin!

Hindi ko alam paano mag-react. First time ito gawin ni mama. Kahit noong bata pa 'ko, ako o 'di kaya ay si papa ang kumikilos.

Pero iba ngayon. She's acting like a real mother.

Madaming nakahain sa hapag. May kanin, hotdog, bacon, itlog, ham, tinapay, at iba pang hindi ko alam ang tawag. Halos mapuno nga ni mama ang pinggan ko sa pagsasandok niya.

"Ubusin mo lahat 'to ha. Nakakahiya kay Jonas kung mapapatapon."

Nakangiti siya. At kahit gustuhin ko mang suklian ang ngiti ni mama ay hindi ko magawa. Walang mababakas na kahit anong ekspresyon sa mukha ko.

"Hindi ka na sana nagdala ng mga ito." Sinabi ko kay Jonas na hindi siya nililingon.

Batid ko ang lamig sa tono ko pero wala akong pakialam. Bakit nagdala ng pagkain si Jonas dito? Kaya naman namin bumili, hindi nga lang ganito kadami pero sapat na para sa aming tatlo.

"Ayos lang, Lia." Sukli niya sa nanantiyang boses. Doon ay nilingon ko na siya.

"Huwag na sanang mauulit 'to."

Kita ko ang pag-iingat sa bawat galaw niya. Namumungay ang mga matang nakatingin sa'kin.

"Gusto kong ginagawa 'to Lia."

"Kaya namin bumili ng sarili!" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses.

He was taken aback of my sudden action. Saglit na natahimik ang mesa at ramdam ko ang tensyon sa bawat isa at ang bigat ng titig ni mama.

Bahagyang tumawa si mama. "Pasensyahan mo na 'yang anak ko, Jonas. Ganyan talaga yan, hindi alam ang sinasabi, bagong gising kasi. Mabuti pa'y kumain na kayo! Lia bilisan mo na dyan."

Hindi ko masabi na nabusog ako. Kung hindi nga lang sa pagpipilit ni mama ay hindi ko na ginalaw ang pagkain ko.

"Uuwi din po ako agad, ma, pa." Paalam ko matapos magmano.

"Hay Sabado naman kaya huwag mong alalahanin ang oras." Ikinumpas pa nito ang kamay sa hangin.

Walang kumikibo samin ni Jonas. Pagdating sa aplaya ay agad niyang inasikaso ang bangkang pagmamay-ari nila. Naglahad siya ng kamay at inalalayan ako paakyat. Medyo nagulat pa nga ako 'nung una dahil hindi ko naman inaasahan na marunong siya sa mga ganitong bagay.

May kalakihan ang bangka. Katulad ito sa mga nakikita kong pampasahero. May bubong ito at dalawang kawayan na tumutulong sa pagbalanse sa tubig. Hindi katulad ng gamit nila papa sa pangingisda na may kaliitan ng kaonti kumpara dito.

Pinatay ni Jonas ang makina nang makalayo kami sa dalampasigan. Mula sa kaninang pwesto sa hulihang bahagi ay pumunta siya dito sa may gitnang gilid at tumabi sa akin. Umisod naman ako at nagbigay pa ng kaonting espasyo.

"Gusto mo bang maligo?" Basag niya sa katahimikan.

Hindi ko siya nilingon at tinanaw lang ang bundok sa aming harapan. Bundok din ang tanawin sa kanan. Habang sa likod namin ay tanaw ang aming baranggay habang agaw pansin ang mansyon ng mga Allejo gayon din ang katabi nitong flower plant sa kaliwa at ang farm sa kanan. Sa kaliwa naman ay tanaw ang mga naglalakihang gusali sa Maynila.

Narinig ko ang buntong hininga ni Jonas. Sa gulat ko ay bigla nalang siya naghubad ng damit.

Napalunok ako nang makita ang matipuno niyang katawan. Nagsusumigaw ang kaniyang muscles at abs! Hindi gaya sa iba na masagwa itong tingnan ang sakanya ay bagay na bagay at sakto lang.

Pinilit kong ibaling sa mukha niya ang aking tingin.

He looks menacing and very smug. I don't like it. Plus, his dark stares is screaming danger.

"A-anong ginagawa mo?" Ninenerbyos kong tanong.

I started to fidget. Hindi niya ko sinagot. Dahan dahan siyang yumuko at ipinatong ang hinubad na damit sa kaninang kinauupuan sa tabi ko.

Inilapit niya ang mukha sa'kin. He mockingly stared at me.

Tapos bigla siyang ngumisi, tumayo ng tuwid at tumalon sa dagat.

Laglag ang panga ko at medyo nakakaramdam ng inis sa hindi ko mawaring dahilan. However, it was short-lived.

Dinungaw ko ang tubig nang dalawang minuto na'y hindi pa din lumulutang si Jonas. I was getting more nervous when another two minutes passed and yet still no Jonas. Paano kung hindi pala siya marunong lumangoy?

Tumayo na ako at pumunta sa gilid kung saan siya tumalon kanina.

"Jonas!" sigaw ko pero wala pa rin.

Nang mag limang minuto ang lumipas na hindi pa din siya lumulutang, nagpasya na akong hanapin siya.

Hinanda ko ang sarili ko na tumalon nang biglang lumitaw ang isang Jonas sa harap ko. Muntik na nga akong mahulog dahil halos mapabitaw ako sa pagkakapit sa gilid.

Humawak siya sa bangka at pinasadahan ang basang buhok.

"You sure you don't want to swim?" Nakangisi habang ako ay gulat lang na nakatitig sakanya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi nakakatuwa." I rolled my eyes at bumalik sa pwesto kanina.

Hindi ko ipinahalata pero nakahinga ako ng maluwag na maayos siya. Narinig ko ang mahina niyang tawa.

"Nag-alala ka ba?" he asked.

"Hindi." I glared at him.

"Yeah?" he licked his lips.

He looks amused.

"Hindi sabi!" Tumaas na ang boses ko.

Bigla siyang tumawa ng malakas.

"Fine. Come here," mwestra niya sa kinakapitan.

Hindi man sigurado ay lumapit pa rin ako. Masama pa rin ang tingin ko habang inalalayan niya ko makaupo sa gilid ng bangka. Hinayaan ko lang sa tubig ang aking paa. Siya naman ay ipinatong ang dalawang kamay sa aking magkabilang gilid.

"Are you mad?" Bulong niya.

I shook my head and pouted.

He chuckled.

"Then look at me." He demanded.

Sinunod ko siya. He looks serious but I know he's faking it the moment he lift his hand and rub it to my face. Nanlaki ang mata ko.

Hindi pa siya nakuntento. Gamit ang isang kamay ay itinulak niya ang tubig papunta sa direksyon ko. Basang basa ang suot kong pink na t-shirt at shorts!

"Jonas!" I called irritated.

Sinipa ko siya pero mabilis siyang nakalangoy palayo.

Without thinking, I jumped into the water and chase after him. Sinubukan ko siyang abutin pero kada mapapalapit ako ay mabilis siyang nakakalayo.

So I just shoved water in his direction. Isang beses nasapul siya sa mukha. Nakalunok din yata kaya aya't ubo nang ubo. I laughed hard at the scene. Huli na nang nakita ko siyang papunta sa'kin. Sinubukan kong makalayo but it was too late.

Hawak ang aking magkabilang bewang, bigla siyang lumubog sa tubig. I tried resisting but it was no use. Nang umangat kami ay ang sama ng tingin ko habang siya ay ang lawak ng ngiti.

"Señorito, basang basa po kayo!" Nagmamadaling lumapit ang katulong na si Mariel at inabutan ng tuwalya ang amo. Ibinigay naman 'yon sakin ni Jonas.

We ended up fishing. Nang mapagod sa paglangoy ay napagdesisyunan ni Jonas na gamitin ang pamingwit na nasa bangka. Hindi ko nga alam na marunong din pala siya 'non.

It was fun. Ni hindi na namin napansin ang oras. Kung hindi pa nga uminit, baka hindi pa rin agad kami babalik.

"Let's go." Hila sa'kin ni Jonas.

Ang akala ko ay uuwi na ako pero ang direksyon na tinutungo namin ay paakyat sa hagdan nila.

"Sandali." Pigil ko dito.

"Why?"

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"My room." Walang kagatol-gatol niyang sagot.

Nanlalaki ang mata na napatingin ako sakanya. Seryoso ba siya?

Nilingon ko ang direksyon ni Mariel. Nakakahiya kung narinig niya at baka may maisip pa siyang masama.

"Ba-bakit?" Nanginig ang labi ko.

Namamangha niya akong tiningnan. May multo ng ngiti sa mga labi.

"We need to change clothes, Lia." I can hear the amusement in his voice.

Tama. Change clothes. Ano bang iniisip ko? Pero bakit sa kwarto pa niya?

"P-pwede naman sa banyo dito sa ibaba!" pagpupumilit ko.

"Yeah, pero nasa taas ang damit natin." He explained. "Something wrong, Lia?"

Hindi naman siya mukhang nag-aalala. Mischief is very evident in his eyes.

I shook my head.

"Pwede mong ipakuha kay Mariel ang mga damit."

"Or we can just get it ourselves." He said at hinila na 'ko.

"T-teka lang," Muli kong pigil na ikinahinto niya.

As if something's funny, tumawa siya at natutuwa akong tiningnan.

"What are you thinking, Lia?"

My eyes widened and I frantically shook my head. "Hindi ko iniisip 'yon!"

He smirked. Tinakpan ko ang bibig at yumuko. Naku naman.

"Let's just go." Iling niya at wala na 'kong nagawa.

Kagaya ng inaasahan ay maganda at malaki ang kwartong iyon. Nag dalawang isip pa nga ako kanina kung papasok ba ko pero sa huli ay tumuloy din naman.

Dumiretso si Jonas sa isang maliit na lamesita at kinuha ang nakapatong na damit na dala ko. Sinabihan niya kasi akong magbaon. Tapos pumasok siya sa isang pinto at paglabas ay may hawak ng sariling damit pamalit.

Iniabot niya ang sa akin at itinuro ang isa pang pinto na andoon.

"You can shower and change in there." sabi niya.

Tumango ako ngunit agad nagtaka 'nung tinungo niya ang pintuan palabas.

"S-saan ka pupunta?" Nakakunot ang aking noo at nagtatakang natakatingin sakanya.

His eyes darkened.

"I don't want you to hate me if I stay, while you're in the shower, Lia." His answer made me even more confused.

"Ha?"

Umigting ang kaniyang panga.

"Sa kabilang kwarto. Doon ako magbibihis."

Umawang ang bibig ko at tumango. Nakuha ang kaniyang ibig sabihin. Syempre hindi naman pwedeng antayin pa niya 'ko matapos bago siya sumunod. Magkakasakit siya kapag mamaya pa magpapalit.

"O .. okay."

Tanghali na 'nung makauwi ako. Pagtapos kumain ay inihatid na 'ko ni Jonas. Pagdating nga sa bahay ay bakas ang dismaya sa mukha ni mama.

"Ophelia, bakit ang aga mo naman. Sinabi ko na sayo na enjoyin mo doon sa mga Allejo at wala ka namang pasok!"

"Si Jonas na po ang nagsabi na ihahatid na 'ko mama."

"Ayan na nga ba ang sinasabi 'ko! Baka nainis 'yun sayo. Bakit mo kasi sinungitan kaninang umaga?" Halata ang pangamba sa mukha niya sa kabila ng inis sa'kin.

"Paano 'kung hindi na 'yon bumalik?" dagdag pa niya.

Sa isip ko naman ay mas mabuti kung ganon nga ang mangyari. Sana ay huwag nang bumalik dito si Jonas.

Pero kinabukasan, araw ng Linggo, habang nagluluto ako ng agahan ay nadinig ako ang masayang boses ni mama.

"Iho! Mabuti at napadalaw kang muli."

Nanlaki ang mata ko. Pansamantala ay iniwan ko muna ang iniinin na sinaing upang sumilip sa pinto. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa sala ay pumasok na ang maaga naming panauhin.

Si Jonas na inaalalayan ni mama papasok. Kasunod nila si papa na may dalang isang bayong ng ubas.

"Maraming salamat dito iho," si papa.

"Wala pong anuman. Marami-rami din ang naani nila Caloy kahapon kaya naisipan ko na magdala sainyo."

Ngumiti si papa sa kanyang sinabi. Saglit lang ay nagtama ang aming paningin.

"Anak," ngiti niya sa akin.

Lumapit sa'kin si Jonas at gaya kahapon ay ginawaran ako ng halik sa noo. Gaya din kahapon ay nagulat ako sa kaniyang aksyon.

"Good morning," bati nito sa baritonong tono at bahagyang lumayo.

"Magandang umaga." Hindi makatingin kong tugon.

"Alam mo tamang tama lang ang dating mo. Nagluluto itong si Lia ng agahan. Sumabay ka na samin." singit ni mama at nauna na sila ni Jonas sa kusina.

Nginitian ako ni papa at sumunod na kami sa hapag.

Habang kumakain ay boses ni mama ang nangingibabaw. Ang dami niyang kwento at sa totoo lang ay ngayon ko lang siya nakitang ganito. Hindi nagbubunganga.

"Kung ayos lang sa inyo, isasama ko sa flower plant si Lia." Anunsyo ni Jonas sa gitna ng pag-uusap.

Nilingon ako ni mama at malawak na nginitian.

"Aba'y syempre pwedeng pwede. Mabuti nga 'yon at hindi nabuburyo dito ang batang 'yan."

Kumunot ang noo ko sa nadinig. Ayos lang naman ako.

"Mama," mahina kong tawag dito.

Pinandilatan niya lang ako ng mata at muling nginitian si Jonas. I sighed at nagpatuloy na sa pagkain. Alas otso y media nang tuluyan kaming makaalis sa amin.

Dumaan muna kami sa mansyon bago tumungo sa planta.

Alam ko na nakatingin sa'kin ang gwardyang nagbukas ng gate. Baka nagtataka dahil kahapon lang ay galing rin ako dito.

"May kukuhanin lang ako sa kwarto. Dito ka muna," Tukoy ni Jonas sa sala nila.

Tumango ako at piniling umupo sa mahabang upuan na gawa sa magandang uri ng kahoy. Agaw pansin ang kanilang chandelier na nakasabit sa mataas na kisame.

"Maam, uminom muna kayo." Naglapag ng tubig sa harapan ko si Mariel.

"Salamat Mariel," ngiti ko sakanya at inabot ang baso.

Ngumiti siya pabalik at nanatili sa gilid ko. Bata pa si Mariel. Siguro'y mas matanda sa'kin ng dalawa hanggang apat na taon sa tantya ko.

"Kung may kailangan pa po kayo ay nasa kusina lang ako." she said politely.

"Ayos lang ako. Tapusin mo nalang ang mga kailangan mo pang gawin."

Tumango siya, nagpasalamat at umalis na.

Hinihintay ko nalang na bumaba si Jonas nang may babaeng dumating. Nakalugay ang mahaba at umaalon alon na buhok, matangkad, makinis at maputi ang balat. Halata mo ang kinatatayuan sa lipunan sa damit palang na suot niya.

Tinanggal niya ang salamin na suot at sinalubong ako ng kaniyang kulay mahogany na mga mata. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay.

"Who are you?" She asked in her American accent.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo para mas maharap siya ng maayos. I was about to speak pero sabay kaming napalingon sa hagdan kung saan pababa si Jonas.

Sa akin nakapirmi ang tingin niya pero ilang sandali lang ay napansin din niya na hindi lang ako nag-iisa sa baba. Napaltan ng gulat ang kaninang seryoso niyang mukha.

"Elise?"

Pinagmamasdan ko ang reaksyon ni Jonas kaya hindi ko nakita nang lampasan ako ni Elise at salubungin ang pababa.

"Jonas!" she said excitedly.

She kissed him on the cheeks at saka niyakap. Jonas smiled at her and hugged her back.

Ako naman ay hindi makagalaw. Ni hindi ko nga alam kung ano ang ire-react.

"Akala ko mamaya pa ang dating mo," Jonas said. Saglit niya pa akong nilingon bago muling ibinalik ang tingin sa kaharap.

Elganteng tumawa ang babae at nagkibit balikat.

"I want to check on some things kaya inagahan ko talaga." She confidently said. Humalakhak si Jonas at nailing sa sinabi ng babae.

Tingin ko ay wala namang nakakatawa doon.

"I thought you said you're alone here." Dagdag ni Elise at nagtatakang tumingin sa'kin.

Nagusot ang noo ko. Ang lalaki lang ang inaasahan niyang aabutan dito ngayon. Hindi niya alam na andito ako.

Syempre hindi iyon sasabihin ng lalaki dahil hindi naman ako importante. Pero kung magkasintahan sila, dapat pinaalam nito. Dapat hindi ako sumasama kung saan saan kay Jonas.

Pero kung girlfriend siya, bakit hindi naman siya mukhang galit.

Sinundan ni Jonas ang tinitingnan nito kaya muling naglapat ang mga mata namin. I just stared at him.

"Yes they were all in Manila."

The lady groaned in protest.

"You know well that I'm not talking 'bout your family."

Jonas smirked at her. Nilapitan ako at hinapit sa bewang. Hindi ko inaasahan 'yon.

"Lia, this is Elise Quizon. Her family's a dear friend of ours."

Kumunot ang noo ko. Iyon lang ba talaga?

Kita ko ang pagbaba ng tingin ni Elise sa kamay ni Jonas na nakahawak sa'kin. Ngumiti siya at naglahad ng kamay.

"Hi, I'm Elise." Tinanggap ko iyon.

"Ah .. Lia." Pakilala ko.

Ibinaling niya ang kaniyang ulo sa kanan at tila nag-isip. Ilang sandali pa ay binitawan na niya ang kamay ko.

"Lia." Bigkas niya sa pangalan ko.

I nodded.

"I have to speak to Jonas for a minute. Can you stay here?" Malambing ang tono niya ngayon.

Agad nanlaki ang mata ko at umiling.

"Pwede akong umuwi muna--"

"No. Stay here Lia. Mabilis lang 'to." Mabilis na tutol ni Jonas sa sinasabi ko.

"Ayos lang naman sa akin kung sa bahay lang ako ngayon."

Malumanay ang aking pagpapaliwanag. Ngunit mabilis niya lang iyong inilingan.

"No. Mabilis lang kami. Babalik ako agad, Lia."

Bago pa ako makatutol ay naglalakad na sila palabas ng pinto. Nakita ko pa nga na inalalayan niya si Elise pababa .

Wala akong nagawa kundi humugot ng malalim na hininga at mag-antay. Aasahan ko na saglit lang ay babalik din siya, gaya ng ipinangako. Kahit sa tingin ko naman ay mukhang magtatagal talaga sila sa pag-uusapan. Tawagin ko kaya si Mariel para naman kahit paano'y may makausap ako?

Sa huli, nagpasya akong tunguhin ang kusina matapos pakawalan ang isang malalim na buntong hininga.