Chereads / Agent Vlogger Becomes my Lover / Chapter 1 - Prologue

Agent Vlogger Becomes my Lover

Abby_Magbanua
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 25.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Prologue

Yesha's P.O.V.

"Waaaah!"

Napasigaw at napatayo ako mula sa pagkakasalampak ko ng upo sa salas nang biglang may nag-landing na butiki sa ibabaw ng keyboard ng laptop ko na nakapatong sa center table habang nanunuod ng mga videos sa youtube. Bata pa lang kasi ay takot na ako sa butiki.

Agad kong kinuha ang walis sa gilid ng pintuan sa may salas at hinampas ang butiki na hindi man lang gumalaw sa ibabaw ng keyboard. Dahil sa kahahampas ko rito kaya hindi maiiwasang nagagalaw ang keyboard ng laptop. May isang blog na kusang nag-play roon.

Agad na nabaling doon ang attention ko dahil maliban sa gwapo ang lalaki, nakatatawa pa ang blog nito. Tungkol iyon sa gummy bunny challenge kasama ang dalawang lalaki na sa hinuha ko ay kaibigan nito na parehong gwapo rin.

Hindi ko napansing nakabalik na pala ako sa pagkakaupo habang natatawang pinapanood ito everytime na kakain ng marshmallow at magsasalita ng 'gummy bunny'. Pagkatapos kong mapanood ang video nag-subscribe na rin ako sa channel nito.

Naghanap pa ako ng ibang video nito at nag-research tungkol sa lalaki. Nalaman kong iisa lang pala kami ng school na pinapasukan. Na sa 1st year college ako habang ito ay graduating na sa course na Business Administration. Ngayon ko lang nakita ito kaya hindi ko inaasahang na sa iisang department lang kami.

Buong gabi kong pinanood ang mga videos nito dahil para akong biglang na-adik sa panonood dito. Mag-aalas 4:00 na ako natulog dahil hindi ko na napigilan ang antok.

Kinabukasan ang tunog ng alarm clock ang gumising sa akin, mga bandang ala-syete. Nakaramdam ako ng pagkahilo at pananakit ng ulo sanhi ng pagpupuyat ko kagabi.

Nagmamadali na akong naligo at nagbihis dahil alas 8:00 ang pasok ko sa unang subject. Pero mas huli pa rin pa lang nagising ang kambal kong si Ayesha Davie dahil paalis na ako at ito naman ay kagigising lang. Mahilig kasi itong mag-bar kaya laging madaling araw ito kung umuwi at lasing pa.

Magkamukha kami nito. Pero malalaman ang pagkakaiba namin kung pinagtabi kami. Pero kung hiwalay kami mahirap talaga kaming e-identify lalo na kapag pareho kaming nakasuot ng uniform dahil magkaklase kami nito kaya 'di maiwasang mapagkamalan kami ng mga classmate namin.

Kapag na sa labas makikilala mo ang pagkakaiba namin sa pamamagitan ng aming kasuotan. Halos baliktad kasi kami ni Ayesha. Kung ito ay sexy manamit ako naman ay parang siga. Bukod doon mahilig din itong magpalit ng boyfriend halos linggo-linggo may bago itong bf.

Pero ako walang interest sa pakikipag relasyon dahil para sa akin sakit lang iyon sa ulo. Kontento na ako sa mga kaibigan ko at ibang usapan na ang pagbo-boyfriend. Kaya minsan napagkakamalan akong tomboy.

Binilisan ko na ang paglalakad kaya hindi ko napansin ang isang lalaking paparating kaya nagkabanggaan kami.

"Ouch!" sigaw ko sabay sapo sa ulo kong bumangga sa matipuno nitong dibdib.

"Sorry Miss nagmamadali kasi ako," paumanhin nito sabay kuha sa kamay na nakaalalay sa braso ko. Umalis agad ito na hindi man lang ako pinagtuunan ng pansin pero nakilala ko kung sino iyon.

Totoo nga ang kasabihan na kapag nakilala mo na ang isang tao palagi mo na itong makikita. Iyon ang unang beses na napansin ko si DJ sa school. Napakagwapo pala nito sa personal. Para itong member ng mga K-Pop star sa mga Korean-nobelang aking napapanood.

Pagdating ko sa classroom nilapitan ko agad ang kaibigan kong si Kate Andrea Delos Santos. Isa sa mga matalik kong kaibigan. Matapang ito at hindi basta-basta naniniwala lalo na kapag hindi ka niya gaanong kilala.

"Kate may kilala ka bang DJ?" Pasimpleng tanong ko.

"You mean Dylan Josh Fernandez?"

Tumango ako.

"Oh my gash Yesha... Saang bansa kaba galing at hindi mo kilala ang pinakasikat na varsity player sa basketball ng school natin?" Kate.

"So kilala mo nga siya?" tanong ko ulit.

"Oo naman no, hindi lang ako kung 'di buong estudyante siguro'y kilalang-kilala si Dylan." Na-excite niyang sagot

Bigla akong nanlumo.

Bakit naman kasi kung saan patapos na ang school year ay roon pa lang ako nagka-crush sa isang tao. Bukod pa roon graduating pa ito. Hay, salamat na lang sa butiki.

"Mamaya sumama ka sa akin dahil may laro mamaya si DJ. Tiyak na mag-eenjoy ka at magugustohan mo ang makikita mo." yaya nito.

Sumama nga ako sa mga ito na manood ng basketball. Tama nga si Kate, ang galing nga nitong maglaro kaya hindi nawala ang tingin ko rito kahit saan man ito pumunta. Hindi ito sumasablay once na ito ang magsho-shoot ng bola. Tambak tuloy ang score ng kalaban.

Mula ng araw na iyon palagi ko na itong sinusundan at pinapanood mag-basketball. Maraming beses na rin kaming nagkasasalubong nito pero kahit isang beses hindi man lang ako nito sinulyapan sa mukha. Parang hangin lang ako na padaan-daan sa paligid nito.

Pero ayos lang sa akin iyon dahil masaya na akong nakikita ito. Kaya ng maka-graduate ito nalungkot talaga ako dahil hindi ko na ito makikita sa University. Tanging ang mga vlog na lang nito ang pinagtitiyagaan kong panuorin para makita ito at makapag-update sa kung ano ang mga pinagkaaabalahan nito.